Chapter 31

CHAPTER 31
Annulment

"Tikman mo nga ito," sabi ko kay Lottie at inabutan siya ng niluluto ko.

Tinikman niya ito at tunango-tango. "Ang sarap po, Ma'am. Paniguradong magugustuhan po ni Sir Matteo 'yan," sagot niya.

Napangiti ako bago pinatay ang stove. Pinalamig ko muna nang kaunti ang pagkain bago ko isinalin sa lalagyan. Inilagay ko rin ito sa paper bag pagkatapos ay saka ako naghanda para umalis.

Nagpahatid ako sa taxi papunta sa company building ni Matteo. Siguradong nandito siya tutal wala naman na siyang trabaho sa headquarters. At saka nakauwi na ako kaya babalik na siya sa trabaho rito sa company.

Binati ako ng guard pagkapasok ko kaya binati ko rin siya pabalik. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ko ang floor kung nasaan ang opisina niya. Pagdating ko ro'n ay sinalubong agad ako ng sekretarya ni Matteo.

"Good morning, Ma'am Marilee," bati niya sa akin.

"Good morning. Nandito ba si Matteo?" tanong ko.

Sumulyap siya sa wristwatch niya bago umiling.

"May lunch meeting daw po si Sir ngayon. Ibibigay ko na lang po sa inyo ang address ng restaurant kung nasaan po siya."

Tumango ako at hinintay siyang ibigay sa akin ang address.

"Thank you," sambit ko pagkakuha sa papel.

Pagkalabas ko ng building ay pinara ko kaagad ang taxi at nagpahatid sa address na ibinigay sa akin ng sekretarya. Ilang minuto lang pala ang layo n'on dahil nakarating kami kaagad.

Inabot ko ang bayad sa driver bago ako bumaba. Pinagmasdan ko ang mamahaling restaurant sa harapan ko at napabuntonghininga. Mabuti na lang talaga at pinili kong magsuot ng presentableng damit. Atleast hindi nakakahiyang pumasok sa ganitong lugar.

Napaisip tuloy ako bigla. Kung nasa lunch meeting siya, ibig sabihin kumakain na siya ngayon. Paano na itong niluto ko? Bahala na nga.

Pumasok na ako sa loob ng restaurant at may sumalubong agad sa akin na isang babae.

"Welcome, Miss. Table for how many?" she asked.

Ngumiti ako. "I'm here for Matteo Novicio. May reservation ba siya?"

"Yes, Miss. Sumunod po kayo," sabi niya kaya sumunod din ako.

Malaki pala ang restaurant na ito kaya hindi mo agad matatanaw ang hinahanap mo. Nagtungo kami sa pinakasulok na parte ng restaurant.

"Nandoon po ang table nila, Miss."

Nilingon ko ang table na iminuwestra niya sa akin at natigilan ako. Si Angela pala ang ka-meeting niya.

Mukhang nag-e-enjoy pa sila sa pag-uusap dahil tumatawa-tawa pa ang babaeng kaharap niya. Nakatalikod sa gawi ko si Matteo kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.

Suminghap ako at agad na tumalikod para sana umalis pero may nakabungguan pa akong babae. Nabitawan ko tuloy ang paper bag na dala ko at nagkalat sa sahig ang mga lalagyan ng pagkain.

"I'm sorry," sambit ko.

Mabilis kong iniligpit ang mga lalagyan at patakbo akong umalis ng restaurant. Hindi ako tumigil sa katatakbo hanggang sa makalayo ako ng tuluyan.

And that's when my tears start to fall. I covered my mouth to stop myself from sobbing.

Ang sakit. Sobrang nasasaktan ako. Nakita ko lang naman silang magkasamang mag-lunch, kaya bakit ako nagkakaganito?

Suminghap ako at sinubukang kumalma pero hindi talaga maawat ang mga luha ko. Kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang imahe nilang dalawa na magkasama.

"Kanina ka pa umiiyak diyan, baka ma-dehydrate ka."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at napasinghap nang makilala ko siya. Siya iyong nagbigay sa akin ng panyo noon.

"Ikaw na naman?" gulat kong tanong.

Inabutan niya ako ng panyo at agad ko iyong tinanggap. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Bakit? Sawa ka na agad sa mukha ko, samantalang pangalawang beses pa lang nating magkita," natatawang sabi niya.

"Sino ka ba? Trabaho mo ba ang magbigay ng panyo sa umiiyak?"

"Siguro. Madalas kasi akong makakita ng babaeng umiiyak. By the way, I'm Ash."

Tumango ako at hindi na nagsalita. Nang inilibot ko ang paningin ay saka ko napagtanto na nakarating pala ako sa park. Gano'n kalayo ang naitakbo ko?

"Let me guess, heartbroken?" tanong niya.

Huminga ako nang malalim. "Hindi naman gano'n kasimple 'yon. Parang hindi lang puso ang nawawasak sa akin."

"Gusto mo bigyan din kita ng tape para diyan?"

Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign lang siya. Hindi ko alam kung magbibigay ba siya ng payo o aasarin lang ako. Pero mabuti na rin at may kasama ako ngayon. At least, mahihiya akong umiyak nang umiyak dahil nandiyan siya.

"Gusto mong mamasyal?" tanong ni Ash at pinanliitan ko siya ng mata.

"Basta, libre mo?"

"Sige ba!"

Sabay kaming tumayo at nagtungo sa amusement park. Nilibre nga niya ako ng ticket kaya natuwa ako. Iyon nga lang, pinagtitinginan ako ng ibang tao rito. Hindi yata akma ang suot ko sa lugar na 'to.

"Malapit ng gumabi, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Ash.

Ilang oras na pala ang lumipas. Ang bilis naman. Halos nasakyan na rin namin lahat ng rides dito. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Oo nga. Sige, uuwi na ako. Salamat sa paglibre. Nag-enjoy ako," sambit ko.

"Salamat din sa pagsama. Ihatid na kaya kita pauwi? Pauwi na rin naman ako," pagpresinta niya.

Pumayag ako para na rin hindi na ako mag-taxi. Bandang alas sais kami nakarating sa bahay.

"Natutuwa akong makita ka ulit, Ash. Salamat sa paghatid," sabi ko.

"You're welcome. See you soon."

Bumaba ako sa sasakyan niya at kumaway habang papalayo na iyon. Nang hindi ko na siya matanaw ay saka ako pumasok sa loob ng gate.

"Sino 'yung naghatid sa 'yo?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang biglang magsalita si Matteo pagpasok ko sa bahay. Nakatayo pala siya sa gilid ng pinto. Hindi ko napansin agad.

"Kaibigan ko," tipid kong sagot. "Aakyat na ako sa kuwarto."

Aalis na sana ako pero hinigit niya ang braso ko.

"Kaibigan? Nagiging lalaki na pala si Aleisha?"

Kumunot ang noo ko bago pagak na natawa.

"Hindi naman si Aleisha 'yon. Bakit, bawal na ba akong magkaroon ng ibang kaibigan?" sarkastikong tanong ko.

Mas lalong sumeryoso ang mukha niya pero hindi ako nagpatalo. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakita ko kanina.

"Ang sabi ng secretary ko nagpunta ka raw sa office. Pinapunta ka niya sa restaurant kung nasaan ako pero hindi ka naman dumating. Iyon pala, sa ibang tao ka nagpunta."

Napabuga ako ng mabigat na hininga at iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Nagpunta nga ako. Dadalhan sana kita ng lunch, pero may kasabay ka na palang magtanghalian. Nagtatawanan pa nga kayo ni Angela, 'di ba? Mukhang nag-e-enjoy kayo sa presence ng isa't isa kaya hindi ko na kayo inistorbo," sagot ko.

Kumunot ang noo niya na parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.

I crossed my arms. "Ang sabi ni Lottie, hindi ka raw tumigil sa paghahanap sa akin nitong nakaraang mga araw. But I doubt that. Baka excuse mo lang ang paghahanap sa akin para makipagkita kay Angela. Ano? Na-realize mo na ba na mas bagay kayo?"

"What are you talking about?"

"Mas bagay nga kayo. Pareho kayong agents sa Oculta. Mas naiintindihan niya ang trabaho mo kaysa sa akin. Mukhang may alam din siya sa business mo. Maganda rin naman siya at hindi hamak na mas matalino sa akin. Kaya bakit ka nga naman magtitiis sa katulad ko? Kung puwede mo namang piliin ang babaeng 'yon na gustong-gusto ka!"

"Will you stop this nonsense argument?"

Suminghap ako at pinalis ang luha na kumawala na naman sa mata ko. Sinubukan niya akong lapitan pero umatras ako.

"Nonsense? Nonsense pala ito sa 'yo? Fine! Tutal wala naman akong kuwentang kausap, magsama na kayo. Mag-file ka na ng annulment!"

Saglit kaming nagsukatan ng tingin. Parehong ayaw magpatalo. Hindi siya kumibo kaya tinalikuran ko na siya.

"You want an annulment?" Muli akong napahinto nang magsalita siya. "For what? Para magkabalikan na kayo ng kapatid ko?"

Nilingon ko siya kaagad sa sinabi niya. Nakangisi siya pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit.

"Noong naglayas ka, nandoon ka lang sa bahay ni Pierce, right?" tanong niya at hindi ako nakakibo. Hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon. Imposible namang sinabi sa kaniya ni Pierce.

"P-Paano mo nalaman?" nauutal kong tanong.

"It doesn't matter. When you left, I spent how many days to look for you. Kahit sinabi mo sa sulat na huwag kitang hanapin, hinanap pa rin kita. Na sana hindi ko na lang talaga ginawa. Kung hindi ako nagpunta ro'n, hindi ko sana maririnig ang mga bagay na wawasak sa puso ko."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Nagpunta siya sa bahay ni Pierce? Pero bakit hindi siya nagpakita sa amin? Alam ba ni Pierce na nandoon si Matteo?

"A-Ano bang narinig mo?"

"You want an annulment because you still love my brother, right? Hindi mo ako kayang mahalin kahit pa magkamukha kaming dalawa. Siya lang ang laman ng puso mo, 'di ba?"

Nagbaba ako ng tingin habang iniisip ang naging pag-uusap namin ni Pierce. Iyon ang tinutukoy ni Matteo. Mukhang narinig niya ang pag-uusap namin pero hindi niya narinig lahat.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," bulong ko.

"Then, what do you mean by that? Just tell me the truth! Hanggang ngayon siya pa rin ang mahal mo! Umasa ako, Marilee. Na kung aalagaan kita nang mabuti, baka matutunan mo akong mahalin. Pero hindi pa rin talaga—

"Pakinggan mo muna kasi ako!"

"Ano pang pakikinggan ko! Palagi na lang akong nasasaktan sa mga sinasabi mo. Kaya huwag ka na lang magsalita," sambit niya bago ako tinalikuran at lumabas ng bahay.

Napahikbi na lang ako at napaluhod. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang lahat. Gusto ko lang namang maging masaya na kami pero parang mas lalo kong nagulo ang buhay namin.

"Ma'am Marilee, tahan na po. Uuwi rin po si Sir Matteo. Baka mapaano po kayo niyan," nag-aalalang sabi ni Lottie.

Inalalayan niya akong umupo sa sofa habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"B-Baka hindi n-na siya bumalik...galit siya sa akin. N-Nasaktan ko na naman siya," sambit ko.

"Babalik po siya. Hindi niya po kayo iiwan. Kaya magpahinga na po muna kayo."

Nang mapanatag sa sinabi ni Lottie ay saka lang ako pumayag na umakyat sa kuwarto. Pagkahiga ko pa lang sa kama ay naramdaman ko kaagad ang pagod at agad akong hinatak ng antok.

Kinabukasan ay nagising ako dahil parang bumabaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako papuntang banyo at doon nagsuka.

Parang medyo nahihilo rin ako. Nasobrahan yata ako sa kaiiyak kahapon kaya na-dehydrate na ako.

Bumaba ako sa kusina at napansing wala pa rin si Matteo. Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended ang phone niya kaya si dad na lang ang tinawagan ko.

"Marilee, kumusta?"

"Ayos lang naman ako, dad. Itatanong ko lang po sana kung nandiyan ba si Matteo sa headquarters?" tanong ko.

"Si Matteo? Wala siya rito. Wala namang ibinigay na trabaho sa kaniya ang dad niya. Bakit? Umalis ba nang hindi nagpapaalam?"

Bumuntonghininga ako. "Hindi po kasi siya umuwi kagabi kaya akala ko po nandiyan siya. Sige po, tatawag na lang ako ulit."

"Sige. Susubukan din namin siyang hanapin. Mag-iingat ka."

"Opo, salamat dad."

Pinutol ko na ang tawag pagkatapos kong magpaalam. Muli akong napabuntonghininga bago naupo sa harap ng island counter.

"You want an annulment because you still love my brother, right? Hindi mo ako kayang mahalin kahit pa magkamukha kaming dalawa. Siya lang ang laman ng puso mo, 'di ba?"

"Palagi na lang akong nasasaktan sa mga sinasabi mo. Kaya huwag ka na lang magsalita."

Hinilot ko ang sentido ko dahil kumikirot na naman ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung hahanapin ko si Matteo, saan naman ako magsisimula? Ngayon ko na-realize na hindi ko pa pala talaga alam ang lahat ng tungkol sa kaniya. Samantalang siya, halos alam ang lahat tungkol sa akin puwera lang sa feelings ko.

"Ma'am Marilee, ipagluluto na po kita ng almusal," sabi ni Lottie pagpasok niya sa kusina.

Ngumiti ako. "Kahit huwag na. Parang gusto ko kasi ng cake. Pakibili na lang ako sa labas."

Napansin ko ang pagtataka niya pero kalaunan ay sumunod din. Naupo muna ako sa living room habang hinihintay si Lottie.

Mayamaya lang ay tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Matteo sa caller's I'd kaya agad ko itong sinagot.

"Hello, Matteo. Nasaan ka?"

"Miss, i-inform ko lang po kayo na nasa hospital po ngayon ang may-ari ng phone na 'to. Pumunta na lang po kayo rito."

***
Another cameo role of Ash from When Everything Turns to Gray by KETsamonte! You can check that story out!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top