Chapter 26

CHAPTER 26
Kiss

Isang linggo ulit ang lumipas at masasabi kong maayos naman ang relasyon namin ni Matteo. Madalas na rin kaming sabay na kumakain. Sa umaga, inaagahan ko talaga ang gising ko para maabutan siyang mag-almusal bago pumasok sa trabaho. At sa gabi naman ay maaga siyang umuuwi para sabay rin kaming maghapunan.

Alam kong napakababaw ng mga bagay na 'yon pero isa 'yon sa kumokompleto sa araw ko. Pakiramdam ko mas nagiging malapit na kami sa isa't isa.

Ngayong araw, mas maaga akong nagising para maipagluto ko siya ng almusal. Madalas kasi ay si Lottie ang nagluluto para sa aming dalawa. Gusto ko ako naman.

Nang matapos akong magluto ay sumulyap ako sa orasan at nakitang alas-otso na ng umaga.

"Hmmm? Hindi pa ba siya gising? Late na siya sa trabaho ah," bulong ko sa sarili.

Hindi ko rin kasi napansin ang oras kanina kaya akala ko ay alas-sais pa lang. Wala yatang pasok si Matteo.

Tinakpan ko muna ang mga pagkain bago ko naisipang umakyat sa kuwarto niya. Kahit naman na nagiging malapit na kami, hindi pa namin napag-uusapan kung sa iisang kuwarto na ba kami matutulog.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto.

"Matteo? Gising ka na ba?" sabi ko at hinintay na sumagot siya pero wala akong narinig. Muli akong kumatok. "Matteo, papasok na ako ah?"

Nang hindi pa siya sumagot ay dahandahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa kuwarto niya. Madilim pa sa loob dahil nakasarado pa ang mga kurtina kaya pinindot ko ang switch ng ilaw.

Nakita ko kaagad si Matteo na nakatalukbong ng kumot sa kama. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa gilid.

"Matteo, gising na. Wala ka bang pasok sa trabaho? Alas-otso na—Ay!" Napatili ako nang bigla niyang hinila pahiga sa kama bago ako niyakap. "Matteo! Ano bang ginagawa mo?"

Tinitigan ko ang mukha niya habang nakapikit siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sa puwesto namin mukhang nararamdaman niya rin 'yon.

"I feel sick. Hindi ako papasok sa trabaho," bulong niya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Agad kong kinapa ang noo at leeg niya. Doon ko napagtanto na nilalagnat nga siya.

"May lagnat ka. Mabuti pa bumangon ka na diyan para makapag-almusal ka na at iinom ka pa ng gamot," sabi ko at akmang aalis na sana sa pagkakayakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan iyon.

"Let's just stay like this for awhile. I'm still sleepy," he whispered.

Hindi na ako nagreklamo at hinayaan na lang siyang matulog. Ito ang unang pagkakataon na nagkatabi kami sa kama. At hindi ko alam kung bakit parang mas komportable ako rito sa tabi niya kaysa roon sa kuwarto ko?

Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising na lang ako at bumungad sa akin ang asul na mga mata ni Matteo. Nakatitig siya sa akin kaya bigla akong na-concious.

"Sana palagi na lang akong may sakit, para ganito ka palagi kalapit sa akin," sabi niya.

I didn't answer. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Mula sa kaniyang mga mata na parang dagat na nakalulunod, pababa sa ilong niyang matangos, hanggang sa kaniyang labi.

Naalala ko noong hinalikan niya ako kahit na may suot siyang mask. Iyon pa 'yung mga araw na palagi na lang siyang sumusulpot kapag nasa panganib ako.

"I'm happy. I want to..." Napatingin ako ulit sa mata niya at nakitang nakatingin siya sa labi ko.

Pakiramdam ko mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Marilee, can I kiss you?"

Napasinghap ako at hindi na naman nakasagot. Humigpit ang kapit ko sa kumot sa sobrang kaba o excitement? Hindi ko rin alam.

"Can I?" he asked again.

Anong isasagot ko? Bakit ba kasi kailangan niyang itanong 'yan? Paano ako sasagot kung hindi ko rin alam ang sagot?

Sumulyap ako sa labi niya at napalunok. Dahandahan akong tumango bilang pagpayag. Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

I immediately closed my eyes to feel his kiss. My heart is beating faster. Para bang sasabog na ito anumang oras.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko habang mas pinapalalim ang halik.

He kissed me passionately and all I could do is to surrender. I never felt like this before. It was like he was igniting all the fire within me.

Pareho kaming napahinto sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. Parang biglang uminit nang husto ang pisngi ko nang mapagtanto ang ginawa namin. Kung walang kumatok baka kung saan na napunta ang halik na 'yon!

Bumangon si Matteo habang hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. Pinagbuksan niya ang kumatok at dahil nandoon siya ay hindi ko matanaw kung sino 'yon.

"Sir Matteo, pasensiya na po sa istorbo. Si Ma'am Marilee po kasi, wala sa kuwarto niya. Umalis po yata—

"She's fine. She's with me," Matteo answered.

Nang tumabi si Matteo ay nagtama ang paningin namin ni Lottie. Bahagya pa siyang napanganga na parang may naisip. Agad akong umiling bago umalis ng kama.

"Ahm, ihahanda ko na ang pagkain at gamot mo," natatarantang sabi ko bago lumabas ng kuwarto niya.

Hinila ko na rin si Lottie at sabay kaming nagtungo sa kusina. Sa mga tingin niya pa lang ay alam ko nang may gusto siyang sabihin.

"Masaya po ako at nagkakamabutihan na kayo ni Sir Matteo. Nakaistorbo po ba ako kanina?"

"Lottie!" saway ko sa kaniya kaya bigla siyang natawa. "Wala kaming ginagawa, okay? May sakit si Matteo kaya nandoon ako."

Tumango-tango siya. "Okay po. Ayos lang naman po kung mayroon kayong ginagawa. Normal naman po 'yon sa mag-asawa."

Napapikit ako nang mariin sa sobrang kahihiyan. Parang hindi ko na yata kayang harapin si Matteo. Aish!

Bumalik ako sa kuwarto ko para magpakalma. Nang umayos ang tibok ng puso ko ay saka ko dinala ang pagkain ni Matteo. Nakaupo na siya sa kama ngayon at nagtitipa sa laptop.

"May sakit ka 'di ba? Bakit nagtatrabaho ka pa rin?" tanong ko.

Inilapag ko ang tray sa bedside table bago kinuha sa kaniya ang laptop. Hindi naman siya pumalag at parang batang sumunod sa sinabi ko.

"Kumain ka na," sabi ko at inabot sa kaniya ang bowl na may pagkain.

Nakatitig lang siya sa akin at may maliit na ngiti sa labi.

"Pagkatapos mong kumain, inumin mo itong gamot. May gagawin pa ako," sabi ko sa pinakakalmadong paraan kahit na halos mautal ako sa kaba.

Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"About earlier, thank you," he said.

Napaiwas ako ng tingin. "B-Bakit ka naman nag-tha-thank you?"

Ngumiti lang siya at hindi na kumibo. Nag-umpisa na siyang kumain kaya iniwan ko na siya. Mabuti na lang at hindi niya na ako pinigilan.

Pagpasok ko sa kuwarto ay napabuga ako nang mabigat na hininga.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Marilee? Kumalma ka nga!" sermon ko sa sarili.

Inabala ko ang sarili sa pagpipinta at nang sumapit ang hapon ay tumawag sa akin si Aleisha. Sinagot ko iyon agad.

"Aleisha, what's up?" bungad ko sa kaniya.

"Marilee..."

Napaayos ako ng upo nang marinig kong umiiyak si Aleisha.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Puwede mo ba akong puntahan? I really need someone to talk to."

"Oo naman. Hintayin mo ako," sabi ko at ibaba sana ang tawag nang muli siyang magsalita.

"Nandito ako sa bar na pinuntahan natin noong nakaraan."

Gustuhin ko mang itanong kung bakit siya nandoon pero hindi ko na ginawa. Nagbihis na ako agad bago lumabas ng kuwarto. Nasalubong ko pa si Lottie at binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Aalis ka po?" tanong niya.

Tumango ako. "Pakisabi kay Matteo na pupunta lang ako sa kaibigan ko. Uuwi rin ako agad."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa taxi na pina-book ko kanina at nagpahatid sa bar kung nasaan si Aleisha.

Malapit ng gumabi kaya marami-rami na rin ang narito ngayon. Buti na lang at natanaw ko kaagad ang kaibigan ko. Nandoon siya sa may island bar at nakikipag-usap sa bartender.

"Aleisha," tawag ko sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa akin.

Napansin ko kaagad ang namumugto niyang mga mata. Sinalubong niya ako ng yakap at bigla na lang umiyak.

"Marilee...he left. Umalis na siya. Iniwan niya na ako," humihikbing sabi niya.

Hinaplos ko ang likod niya at hinayaan siyang umiyak. Nang kumalma siya ay saka ako sumeyas sa bartender na kumuha ng tubig.

"Here, uminom ka muna," sabi ko sa kaniya.

Tiningnan niya ang tubig bago natawa.

"Marilee, I'm heartbroken. Ayaw ko ng tubig, magpapakalasing na lang ako!"

Um-order siya ng panibagong drinks at sunod-sunod na ininom ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganiyan. Alam kong hindi pa siya handang magkuwento kaya hinayaan ko muna siya sa gusto niyang gawin.

"Let's drink!" she shouted while handling me a drink.

Tinanggap ko iyon. Huminga ako nang malalim. Tumatawa na siya ngayon pero alam kong nasasaktan siya. Wala man lang akong magawa.

"Marilee naman, bakit hindi ka umiinom? Kaya nga kita pinapunta para masamahan mo ako. Magtatampo ako sa 'yo, sige," sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sabayan siya sa pag-inom. Mayamaya lang ay nangungulit na siyang sumayaw kami ro'n sa gitna. Medyo marami na rin kaming nainom pero hindi pa naman ako lasing. Itong si Aleisha ang inaalala ko, parang wala na siya sa sarili.

"Aleisha, halika na. Ihahatid na kita pauwi—

"Ha? Uuwi? Pero nagsasaya pa tayo! Mamaya na tayo umuwi! Let's dance!" sigaw niya at hinila pa ako papunta sa dancefloor.

"Lasing ka na! Baka hinahanap ka na rin ng daddy mo!" sigaw ko pero mukhang hindi niya ako narinig.

Nagpatuloy siya sa pagsayaw kaya hinayaan ko na lang siya. Mukhang ito ang way niya para malibang ang sarili niya.

Bumalik ako sa puwesto namin kanina at doon siya tinanaw. Ilang minuto siyang sumayaw sa gitna nang mapansin kong may lalaking umaaligid sa kaniya. Agad ko silang nilapitan.

"You want to go out with me?" pasigaw na tanong ng lalaki.

At dahil lasing na nga si Aleish ay mukhang papayag pa talaga siya. Pipigilan ko na sana siya sa paghawak sa kaibigan ko pero may nauna na sa akin.

"Lay a finger on her and I'll make you regret it!"

Pamilyar sa akin iyong lalaking dumating pero hindi ko maalala ang pangalan niya. Basta siya 'yung inaasar ko kay Aleisha. Rico? Ricky?

"Rius?" gulat na tanong ni Aleisha sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay hinila na siya ni Rius papunta sa kung saan.

Doon lang din ako natauhan kaya agad ko silang sinundan.

"Teka sandali! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" tanong ko nang makalabas kami galing sa bar.

Humarap sa akin iyong lalaki habang inaalalayan niya si Aleisha.

"Ako ang dahilan kung bakit naglasing siya. Mag-uusap kami," sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Ikaw? Ibig sabihin ikaw ang nanakit sa kaniya? Kaya bakit ko siya ipagkakatiwala sa 'yo?"

"I never meant to hurt her. That's why I'm here. Huwag kang mag-alala, iuuwi ko siya nang ligtas. Umuwi ka na rin."

Nasapo ko na lang ang noo ko sa sobrang stress. Parang kanina lang namomroblema ako kay Aleisha kung paano siya iuuwi tapos ngayon na may mag-uuwi na sa kaniya, namomroblema pa rin ako.

Aalis na sana ako nang mapansin kong hindi ko na bitbit ang bag at phone ko. Agad akong bumalik sa loob ng bar at nagtungo sa puwesto ko kanina.

"Excuse me, nasaan ang gamit ko rito? Napansin mo ba?" tanong ko sa bartender.

"Gamit? Pero wala namang naiwang gamit diyan kanina," sagot nito.

Napabuga ako nang mabigat na hininga sa sobrang pagkainis. Paano na ako uuwi nito? Pati phone ko nawala na. Wala pa akong pamasahe pauwi.

"Mukhang maglalakad ako pauwi ngayon ah," bulong ko habang pinagmamasdan ang kalsada.

Madilim na pero marami pa ring tao sa labas kaya hindi naman ako natatakot. Sinimulan ko nang maglakad habang dinarama ang lamig ng gabi.

Medyo inaantok na rin ako. Mukhang unti-unti ng tumatalab sa akin iyong mga ininom ko kanina. Pero kaya ko pa naman. Makakarating pa ako ng ligtas sa bahay.

Napaigtad ako nang biglang may bumusina sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nasilaw pa ako sa ilaw ng sasakyan. Nang huminto 'yon sa tapat ko ay saka ko nakita si Matteo.

"Matteo," gulat kong sabi.

"Get inside the car," he ordered.

Agad akong sumakay sa kotse niya at tahimik siyang nagmaneho. Ramdam na ramdam ko na galit siya pero itinatago niya lang.

"What do you think you're doing? Umalis ka nang hindi nagsasabi tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko," mariing sabi niya kaya halos mapapikit ako sa takot.

Pinisil ko ang daliri ko bago siya tiningnan.

"Ano kasi... pinuntahan ko si Aleisha. Hindi ba sinabi ni Lottie sa 'yo?" tanong ko.

"Of course she did! Pero ang sabi mo sandali ka lang. Anong oras na? It's ten O'clock in the evening! Tapos maaabutan kitang naglalakad dito sa kalsada."

Napanguso ako. Hindi ko naman alam na tatagal pala ako ng ilang oras. Hindi rin naman kasi ako sanay na may nag-aabang sa pag-uwi ko noon. Nakalimutan kong may asawa na nga pala ako at hindi na lang ako mag-isa sa buhay ko.

"Sorry. Nawala kasi ang bag at phone ko kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Hindi na mauulit promise," sabi ko.

Hanggang makarating kami sa bahay ay hindi na siya nagsalita. Dumiretso siya sa kuwarto niya kaya nagpunta na rin ako sa kuwarto ko.

Nag-shower ako saglit pagkatapos ay sinubukan ko nang matulog. Pero ilang minuto na akong nakahiga sa kama ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gusto kong malaman kung anong ginagawa ni Matteo sa kabilang kuwarto.

"Natutulog na kaya siya?" tanong ko sa sarili.

Muling pumasok sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.

"Ano ba, Marilee? Huwag mo ngang isipin 'yon! Matulog ka na!" Tinapik-tapik ko pa
ang pisngi ko pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang halik niya. "Argh! Kainis! Makainom nga muna ng gatas."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top