Chapter 25
CHAPTER 25
Improvement
First love never dies, that's what they say. At napatunayan ko ngayon na hindi iyon totoo. Dahil wala na si Pierce, ang first love ko. Iniwan niya na kami.
Parang kailan lang abala ang lahat para sa kasal namin ni Matteo tapos ngayon abala na sila sa libing ni Pierce.
Sobrang sakit. Ni hindi ko magawang lumabas ng kuwarto ko. Pagkarating namin dito sa bahay ni Matteo, hindi pa ulit ako lumalabas.
I could still remember what I told Pierce when we fought. I told him to get lost. And he did. Umalis nga siya at hindi na babalik pa.
"Miss Marilee, hindi po ulit kayo kumain. Nag-aalala po ako sa inyo," sabi ni Lottie.
Siya ang kasambahay rito sa bahay ni Matteo at mula nang dumating ako rito ay siya na ang umaasikaso sa akin.
Ibinaba ko ang paintbrush na hawak bago siya tiningnan.
"Ilapag mo lang diyan. Kakainin ko na lang mamaya," sabi ko.
Pinagmasdan ko ang mga canvass sa harapan ko. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang inatupag kundi ang magpinta. Kung ano-ano lang ang pinipinta ko. Basta ma-distract ako, ayos na.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako lumingon. Alam ko na agad kung sino 'yon. Siya lang naman ang kayang pumasok sa kuwarto ko nang hindi kumakatok.
"Pupunta na ako sa company. Make sure to eat your meal," he said.
Tumango lang ako nang hindi siya tinitignan. Ganito palagi ang setup naming dalawa. Papasok siya sa trabaho at ako maiiwan dito sa bahay at magpipinta.
As much as possible, ayaw ko siyang tingnan. Dahil kahit pilitin ko ay nakikita ko si Pierce sa kaniya. Alam kong nagiging unfair na ako kay Matteo pero gusto ko munang tuluyang mag-moveon. Alam ko namang naiintindihan niya 'yon. Kaunti na lang, magiging maayos na ako.
Matteo has been very patient with me. At ayaw kong mas lalo pa siyang pahirapan.
Yumuko ako sa table at suminghap. Tinatamad na akong magpinta. Mabuti pa at libutin ko na lang ang buong bahay.
Lumabas ako ng kuwarto at pakiramdam ko ay nawawala na ako agad. Hindi ko pa ito nalibot kahit halos dalawang linggo na akong narito.
Tinahak ko ang mahabang hallway hanggang sa napahinto ako sa harap ng isang pinto. Binuksan ko iyon sa pag-aakalang isa lamang itong normal na kuwarto pero mali. Dahil pagbukas ko ng mga ilaw ay bumungad sa akin ang mga canvass at pictures na nakadikit sa pader.
"This..."
"Miss Marilee, ano pong ginagawa n'yo rito? Hindi po nagpapasok ng ibang tao si Sir Matteo rito."
Hinarap ko si Lottie at mukhang kinakabahan siya.
"Pero hindi ako ibang tao kay Matteo. Anong ibig sabihin ng mga ito? Nandito lahat ng paintings na naibenta ko noong nasa Arco City pa ako. Siya ba ang bumili ng mga ito?" sunod-sunod kong tanong.
Nilapitan ko isa-isa ang mga canvass at napagtanto ang lahat. Si MysteryAzure ang buyer ng mga ito. At kung nandito sila sa bahay ni Matteo, ibig sabihin...
"Marilee."
Napalingon ako kay Matteo at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan. Tinitigan ko ang asul niyang mga mata. Asul. Tama nga. Siya si MysteryAzure.
"Sir, pasensiya na po. Hindi ko po alam na pupunta si Miss Marilee dito—
"It's okay. She's my wife so this is her house too," he told her.
Lumabas na si Lottie at naiwan kaming dalawa ni Matteo. Nag-iwas ako ng tingin at pinagmasdan na lang ang mga canvass. Pilitin ko mang magpanggap na kalmado ako, pero nagwawala ang puso ko. Pamilyar ang nararamdaman ko ngayon. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon habang kasama ko si Matteo nang hindi ko napapansin.
"Ikaw pala ang mystery buyer ko," sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"I understand if you're mad."
Agad akong umiling sa sinabi niya. Nilingon ko siya bago ngumiti.
"Hindi naman ako galit. Nagulat lang. Noon kasi, gustong-gusto kong makilala si MysteryAzure para mabigyan ko siya ng souvenir, tapos ikaw pala 'yon," pagkuwento ko.
Hindi siya kumibo kaya kumunot ang noo ko. Nakatingin lang siya sa akin at parang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang mailang.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Wala naman. I'm just happy. I feel like, you're slowly opening up to me."
Napakamot ako sa leeg bago muling tiningnan ang mga canvass. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Sa totoo lang, kahit kasal na kami ay never siyang nag-take advantage sa akin.
He is such a gentleman. Iniisip ko tuloy na baka mapagod siya at maghanap ng iba. At kung mangyari nga iyon, alam kong malulungkot ako.
"Bakit ka nga pala bumalik? 'Di ba papasok ka na sa trabaho?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, yeah. May naiwan ako sa kuwarto ko. By the way, do you want to go out with me on dinner?"
Saglit ko siyang tinitigan bago natawa. Iyong tanong niya kasi parang manliligaw ko pa lang siya. Samantalang mag-asawa na kaming dalawa.
I nodded slightly. "Sure. Ayos lang naman."
This is good, right? I should get along with him. I want to give him a chance.
"Okay. See you at 6pm. Uuwi ako nang maaga," sabi niya pa.
Umalis na rin siya ulit pagkatapos niyang kunin ang gamit niya sa kuwarto. Hindi ko alam kung bakit parang mas magaan ang dibdib ko ngayon.
Katatapos ko lang magtanghalian nang tumunog ang phone ko. Tunatawag si Aleisha kaya agad ko iyong sinagot.
"Hello, it's been awhile. Kumusta na?" bungad ko sa kaniya.
"Marilee! Ayos lang naman ako. Ikaw, kumusta? May improvement na ba sa inyo ng hubby mo?" tanong niya.
Hindi ko mapigilang matawa. Hindi niya talaga ako titigilan sa mga ganiyang tanungan niya.
"Why don't you come over? O kaya ako na lang ang pupunta diyan? So, we could catch up?"
Pareho kasi kaming na-trauma sa nangyari sa simbahan kaya hindi pa kami nagkikita ulit. Sa phone calls at video call lang kami nakakapag-usap. At ngayon, mukhang ayos naman na kami pareho para magkita.
"Sure! Magkita na lang tayo sa pinakamalapit na coffee shop. I'll text you the location," she said.
Habang naghihintay sa text niya ay naghanda na rin ako. Ito ang unang beses na lalabas ako pagkatapos ng kasal ko. Inaamin ko na natatakot pa rin ako pero palaging sinasabi sa akin ni dad na maayos na raw ang lahat. Hindi na ulit kami guguluhin ng mga umatake roon.
Bandang alas tres nang magkita kami ni Aleisha sa cafe.
"I missed you! Grabe, parang mas lalo ka yatang gumanda? Ganiyan ba ang epekto ng stress?" tanong ni Aleisha.
Natawa ako at napailing na lang. "Ano ka ba? Ikaw nga diyan ang blooming. Kumusta na pala kayo ng friend mo?" pang-aasar ko rin.
Bigla siyang namula kaya mas lalo ko siyang inasar. Nagkuwentuhan kaming dalawa habang nagkakape at pagkatapos ay nagpunta kami sa mall.
Hindi namin namalayan ang oras habang namamasyal kaya napansin ko na lang na malapit ng mag-alas-siete ng gabi.
"Hala! Sabay nga pala kaming mag-di-dinner ni Matteo ngayon," gulat kong sabi nang maalala.
"Oh no. Bakit mo kasi kinalimutan? Halika na, ihahatid na kita pauwi," sabi ni Aleisha.
Tumango ako at agad kaming lumabas ng mall. Pero mukhang hindi nakikisama ang panahon ngayon dahil umuulan pala. Malayo ang parking lot dito sa exit ng mall at wala naman kaming dalang payong. Maayos naman kasi ang panahon kanina, sinong mag-aakala na uulan?
"Tawagan mo na lang kaya muna si Matteo? I'm sure naman na maiintindihan niya," sabi ni Aleisha kaya napabuntonghininga ako.
"Hindi puwede. Uuwi ako at hindi ko na siya bibiguin. He's been adjusting for me all this time, tapos simpleng dinner hindi ko magawang sumipot?" naiinis na sagot ko.
"Fine. Takbuhin na lang natin papuntang parking lot. Halika na!"
Hindi na ako nagdadalawang-isip pa at sabay naming nilusob ang malakas na ulan patungo sa kotse ni Aleisha.
"Hayst! Grabe, mas lalo pala tayong mababasa kapag tumakbo tayo. Pero ayos lang, naalala ko noong college days natin, sa tuwing mala-late na tayo sa school dahil sa ulan, ganito ang ginagawa natin," tumatawa-tawang sabi ni Aleisha.
Tumango ako. "Oo nga. Nakaka-miss. Tapos pagdating sa room wala pala ang prof natin kasi may sakit!"
Agad na nagmaneho si Aleisha habang pinag-uusapan namin ang mga kalokohan namin noon. Ang saya lang balikan ng mga memories.
"Thank you, Aleisha. Babawi ako sa 'yo sa susunod," sabi ko pagkababa ng sasakyan niya.
"Dapat lang! O sige na, puntahan mo na ang asawa mo. Make sure to apologize with matching paawa para hindi na siya magalit."
Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa pa rin ako. Pinagmasdan ko siyang makaalis bago ako huminga nang malalim at pumasok sa loob ng bahay.
Madilim ang paligid at wala akong marinig na ingay. Hindi ko tuloy mahulaan kung nandito na ba si Matteo. Dumiretso ako kaagad sa dining area at saktong lumabas si Matteo mula sa kusina.
Napahinto siya sa paglalakad nang magkatinginan kami.
"Ahm, lumabas ako kasama si Aleisha. Hindi ko napansin ang oras—Achoo!" Napatakip ako ng bibig nang bigla akong bumahing. Sinisipon ba ako? Maayos naman ako kanina ah?
"It's okay. I'm glad that you went out today. Nag-dinner ka na ba?" tanong niya.
Umiling ako at muling bumahing. "Sorry. Hindi pa ako nag-dinner kasi 'di ba, sabi mo... sabay tayo?"
Hindi siya kumibo at basta na lang akong nilapitan. Napaatras pa ako nang hawakan niya ang noo ko.
"Nagpaulan ka?" tanong niya at dahandahan akong tumango. "Kaya ka pala sinipon. Magbihis ka na muna para hindi ka lamigin."
Tinitigan ko siya habang hinuhulaan kung anong iniisip niya.
"Hindi ka ba galit? Na-late ako sa usapan natin kaya dapat lang na mainis ka. Ayos lang sa akin," sabi ko.
He chuckled that made me confused. "Why would I? You're late because you had fun with your friend. It's totally fine. Ang hindi ko lang nagustuhan ay iyong nagpaulan ka."
"Pero kaya nga ako nagpaulan kasi nagmamadali akong umuwi. Akala ko kasi magagalit ka," mahinang sagot ko.
Kung ako ang nasa sitwasyon niya, magtatampo ako. Dahil hindi ko nagawang makapunta sa tamang oras.
"You're here now and that's what matters. Palagi naman akong maghihintay sa 'yo. Kahit gaano katagal, basta sa huli, darating ka."
I sighed. Tears started to form in my eyes but I blinked them away. This man...I don't know what to do with him anymore. Masiyado siyang mabait. Masiyado niya akong pinagbibigyan. At kung patuloy siya sa pagiging ganito, baka namalayan ko na lang na nahulog na ako.
"Magpalit ka na ng damit. We'll eat dinner together. May importante rin pala akong sasabihin sa 'yo."
Tumango ako at nagtungo na sa kuwarto. Binilisan ko lang ang pagbibihis dahil nakakahiya na kung paghihintayin ko pa si Matteo.
Pagkabalik ko sa dining area ay nakahain na ang mga pagkain. Amoy pa lang kumakalam na ang sikmura ko. Mayroon ding wine sa gilid kaya napangiti ako. Hindi naman halatang pinaghandaan niya ang dinner na ito.
"Niluto ko ito habang wala ka pa. Mabuti na lang talaga at na-late ka, kaya mas mahaba ang oras ng pagluluto ko," sabi niya at bahagyang natawa.
Umupo ako sa kaharap niyang upuan at naupo na rin siya.
Tinikman ko ang pagkain at hindi mapigilang mamangha. Magaling pala siyang magluto. Hindi naman kasi halata.
"Ano nga pala iyong importante mong sasabihin?" tanong ko.
Natigilan siya saglit at para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa akin o hindi.
He took a deep breath. "He's... he's alive."
Kumunot ang noo ko at hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya.
"What do you mean?" I asked.
Nagbaba siya ng tingin sa mesa na para bang problemado na talaga.
"Si Pierce, kilalang-kilala ko siya. Hindi siya basta-bastang mamamatay. Alam ko na sinadya niyang palabasin na patay na siya. Kahit si daddy ay hindi makapaniwala na patay na si Pierce. Kahit anong pagpapanggap ang gawin niya, hindi niya magagawang lokohin kami ni dad," paliwanag ni Matteo.
Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. Ilang minuto kong pinroseso ang lahat hanggang sa natawa na lang ako.
"I'm so done with all these fake deaths around me. Sino bang susunod na magpapanggap na patay? Tell me, he did that just to get rid of me, right? Hindi niya na alam kung paano ako itataboy kaya iyon ang naisip niyang paraan," sabi ko bago umismid.
Nagsalin ako ng wine sa baso at ininom 'yon. Hindi naman ako galit. Ilang linggo lang naman akong nagluksa dahil akala ko patay na talaga siya, kaya hindi ako galit. Pero mabuti nga iyon, mabuting hindi talaga siya patay.
"Hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa 'yon. Hindi ko pa rin siya nakikita ulit," saad niya. "Do you want to see him?"
I shrugged. "I don't know. Ayaw niya na talaga akong makita. Siguro, ayos na rin 'to. Let's just move on."
"Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari?"
Mataman ko siyang tinitigan. Seryoso rin siyang nakatitig sa akin.
"Bakit mo ba ginagawa 'to? Puwede mo namang ilihim ang tungkol sa ginawa ni Pierce para tuluyan ko siyang malimot, pero pinili mo pa ring sabihin sa 'kin. Hindi ka ba natatakot na baka hindi ko na talaga siya makalimutan?" naguguluhang tanong ko.
He smiled. "I'm afraid, Marilee. Pero may tiwala ako sa maliit na chance na mahalin mo rin ako. This..." Isinenyas niya ang mesa namin kaya mas kumunot ang noo ko. "This is a sign of improvement, right?"
Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang dapat sabihin. Basta ang alam ko lang, magiging worth it kapag pinagbigyan ko si Matteo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top