Chapter 20
CHAPTER 20
Protection
"Siya ang totoong nagmamahal sa 'yo, hindi ako."
Lumabo ang paningin ko nang dahil sa luhang nagbabadyang bumagsak. Yumuko ako at pinigilan ang paghikbi.
"Masama lang ang pakiramdam mo kaya mo nasasabi 'yan. Magpahinga ka na muna," sambit ko bago umalis ng kuwarto niya.
Pagkalabas ko ay tuluyan akong napahikbi. Hindi ko talaga kayang tanggapin na hindi totoo ang lahat ng 'yon. Para lang pala akong nasa isang panaginip, at ngayon nagising na ako sa katotohanan.
Pinakalma ko ang sarili bago pinuntahan ang taong gusto kong kausapin ngayon. Nagtungo ako sa opisina niya at may bantay sa labas n'on.
"Nag-uusap sina Agent Matteo at Agent Angela kaya hindi ka puwedeng pumasok," sabi ng isang lalaki pero hindi ko siya pinansin.
"Wala akong pakialam," sambit ko bago binuksan ang pinto at dirediretsong nagtungo kay Matteo.
Napatingin sa akin ang babaeng kausap niya pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong masama ang tingin kay Matteo.
"Marilee, may kailangan—
Hindi ko siya pinatapos dahil agad ko siyang sinampal.
"What the hell? Bakit mo sinampal si Agent Matteo—
"Shut up!" singhal ko sa babae bago muling hinarap si Matteo. "Anong karapatan mong pakialaman ang buhay ko?! Anong karapatan mong utusan si Pierce para paglaruan ang buhay ko!"
"Wala kang utang na loob. Hindi mo ba alam—
"Agent Angela, leave us first," putol ni Matteo sa sinasabi ng babae. Halatang ayaw niya pang umalis pero dahil sinabihan siya ni Matteo ay wala siyang nagawa.
Naiwan kaming dalawa ni Matteo.
"Anong sinabi ni Pierce sa 'yo?" malumanay niyang tanong.
Sarkastiko akong ngumisi. "Ano nga ba? Sinabi niya lang naman sa akin na inutusan mo siya para makipagkilala sa akin at kunin ang tiwala ko! Inutusan mo siyang paglaruan ako—
"That's not true! I asked him to protect you—
"Bullshit! Punong-puno na ako sa salitang 'yan! Hindi ko naman kailangan ng proteksyon! Kung ang paraan ng pagprotekta n'yo ay ang paggulo sa buhay ko, sana hinayaan n'yo na lang ako!"
Napaluhod ako habang umiiyak. Kararating ko lang sa lugar na 'to at puro pag-iyak na lang ang ginagawa ko! Gano'n kasakit ang mga katotohanang nalalaman ko rito!
"I'm sorry. Pero iyon lang ang naisip naming paraan para makalapit sa 'yo. Ang daddy mo mismo ang nagsabi na gusto niyang pabantayan ka sa amin. Pero dahil hindi rin ako puwedeng manatili sa tabi mo, kaya si Pierce ang inutusan ko. Hindi para paglaruan ka, para lang protektahan ka. As much as I want to do it by myself, I can't. I don't want to risk your life kaya dumarating lang ako sa tuwing nalalagay ka sa panganib."
Pumasok sa isip ko ang mga pagkakataong bigla siyang dumarating para tulungan ako. Bilang si blue-eyed man.
"Si Pierce, mula nang ipinanganak siya, trabaho niya nang magpanggap bilang ako. Maraming gustong pumatay sa akin kaya nandiyan siya para lituhin ang mga kalaban. Siya ang unang nakakita sa 'yo noong mga bata pa lang tayo. Hindi mo siguro naaalala pero minsan ay dinadala ka ni Mister Evangelista rito. Nagpupunta ka sa garden at isang araw nakita ka ni Pierce."
Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatanaw sa bintana.
"Tinakbuhan mo siya kaya ka nadapa. At doon na ako nagpakita. Gulat na gulat ka pa nga noon kasi magkamukha kami."
Iyong kinukwento niya. Iyon din ang nasa panaginip ko palagi noong bata pa ako. Ibig sabihin, alaala ko iyon?
"Alam ko na agad na gusto ka ni Pierce pero ikaw, palagi kang nakasunod sa akin. Hanggang sa nag-umpisa na kaming mag-training. Hindi ka na rin dinadala ng daddy mo rito. At nangyari ang dahilan kung bakit kailangang pekein ni Mister Evangelista ang pagkamatay niya. Dito siya nanatili sa loob ng mga taong hindi n'yo siya kasama." Nakita kong lumapit sa akin si Matteo. "I know that you're mad. But please, try to understand everything."
Lumuhod siya sa harapan ko para maging magkalebel kami.
"Ang sabi ni Pierce, hindi totoong gusto niya ako. Kung gusto mo lang akong protektahan, bakit inutos mo ring magpanggap siyang gusto niya ako?" mahinang tanong ko.
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. " Believe me, I only asked him to protect you. I didn't asked him to court you. Kung ano man ang mayroon sa inyong dalawa, iisa lang ang alam ko, hindi nagpapanggap si Pierce. Kusa niyang ginawa ang mga 'yon. Sino bang hindi mahuhulog sa 'yo?"
Napatingin ako sa kaniya. "Ang sabi pa niya, ikaw raw ang totoong may gusto sa akin—
"Hindi na 'yon mahalaga." Putol niya sa sinasabi ko bago bumalik sa mesa niya.
Tumayo ako at sinundan siya. May gusto pa akong sabihin pero may kumatok na sa pinto. Pumasok ang isa pang lalaking nakaitim.
"Agent Matteo, mag-uumpisa na raw ang meeting," sabi nito.
"Sige, susunod na kami," sagot ni Matteo bago bumaling sa akin. "Alam kong naguguluhan ka pa tungkol sa mga nalaman mo. Isasama kita sa meeting para maintindihan mo ang tungkol sa trabaho namin. Halika na."
Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa kaniya. Pumasok kami ulit sa meeting area at mas marami na ang naroon ngayon. Nakita ko rin si Angela, iyong babaeng agent kanina sa office ni Matteo. Masama ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatalo.
Nandito rin si daddy kaya umupo ako sa tabi niya. Si Matteo ay nandoon sa pinakaharap katabi ang isang lalaking may edad na. Kung pagmamasdan ay malaki ang pagkakahawig nila kaya sa tingin ko ay siya ang ama niya.
Nag-umpisa na silang mag-usap tungkol sa mga bagay na hindi ko naman alam. Inilibot ko ang paningin sa mga taong naririto. Lahat sila ay kayang magbuwis ng buhay para lang maprotektahan ang mga kliyente nila.
"Meeting adjourned."
Agad na nagsialisan ang mga tauhan nila nang sabihin iyon ni Matteo. Ang akala ko ay aalis na rin kami ni daddy pero hindi pa rin siya tumatayo.
"Marco, nasabi mo na ba kay Marilee ang tungkol sa napagkasunduan?" tanong ng daddy ni Matteo sa daddy ko.
"Hindi pa. Ngayon niya pa lang malalaman," sagot ni daddy.
Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Tiningnan ko si Matteo at mukhang alam niya ang tungkol doon.
"Ano bang dapat kong malaman?" tanong ko.
Ngumiti ang dad ni Matteo. "Iha, you and Matteo are getting married."
My jaw dropped with what he said. Tiningnan ko si daddy at tumango lang siya. Tumayo ako at pagak na natawa.
"Niloloko n'yo ba ako? Pumunta ako rito para makita si Pierce. Si Pierce na boyfriend ko tapos sasabihin n'yong ikakasal ako kay Matteo? You're crazy," sabi ko sa kanila.
"Marilee, matagal nang napagkasunduan ito. Mga bata pa lang kayo ay napagdesisyunan na namin ito kaya hindi na puwedeng baguhin," paliwanag ni daddy.
Umiling ako. "Pero bakit? Huwag n'yo sabihing para na naman sa proteksyon ko?" sarkastikong tanong ko bago ako tumingin kay Matteo. Walang emosyon sa kaniyang mukha. "Ikaw? Pumapayag ka rin dito?"
Nanatili siyang nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kung ano bang nararamdaman niya. Hindi man lang siya sumagot sa tanong ko.
"Hindi ako papayag. I'm sorry, daddy," I said before walking out of the room.
Narinig ko pang tinatawag ni daddy ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.
Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko rito, hindi na sana ako sumama. Kung alam ko lang na magbabago na naman ang takbo ng buhay ko, sana nanatili na lang ako sa Arco City.
Umalis ako ro'n na si Pierce ang boyfriend ko pero pagdating ko rito, gusto nilang pakasalan ko si Matteo. Kung proteksyon ang dahilan nila, kayang-kaya naman akong protektahan ni Pierce.
Nakatulugan ko na ulit ang pag-iyak at nagising na lang ako kinabukasan. Hindi na pala ako nakakain ng hapunan kagabi.
Bumangon ako at lumabas para sana puntahan si daddy pero nasalubong ko si Matteo. Pareho kaming napahinto sa paglalakad pero ako ang unang nagpatuloy.
"Suot mo pala ang regalo ko sa 'yo," sabi niya hindi pa man ako nakakalampas sa kaniya.
Tamad ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay.
"Regalo? Kailan ka naman nagbigay ng regalo sa 'kin?" tanong ko.
Bumaba ang tingin niya sa paa ko kaya tumingin din ako ro'n. Nakita ko ang anklet na binigay ni Pierce... teka.
“Ikaw ang nagbigay nito?" gulat kong tanong sa kaniya.
Inosente siyang tumango. "Hindi mo napansin? Noong birthday mo, ako ang nagbigay sa 'yo niyan doon sa park. Inisip mo bang si Pierce ako?"
Magsasalita pa sana ako pero mayroon akong naisip. Kung siya iyong lalaking naabutan ko sa park noong birthday ko, ibig sabihin sa tuwing seryoso at masungit ang nakakasama ko, hindi 'yon si Pierce kundi si Matteo?
"Ikaw... ilang beses kang nagpanggap na si Pierce?" nanggagalaiting tanong ko.
"Hindi ako nagpanggap. Bakit, ginaya ko ba kung paano siya kumilos? Hindi naman. Ang tanging binago ko lang ay ang kulay ng mga mata ko," sagot niya.
Dinuro ko siya. "No'ng... no'ng auction, sinong kasama ko? Huwag mo sabihing ikaw rin?"
"Yours truly," he proudly said. "Ako ang bumili ng painting na 'yon para sa 'yo. Ako ang nag-aya sa 'yo at pumayag ka. Even the fire..." Hindi niya itinuloy ang sinasabi at para siyang natigilan.
"Ano 'yun?"
He shrugged. "Nevermind. Nasa dining ang daddy mo kung hinahanap mo siya."
Basta niya na lang akong tinalikuran nang hindi itinutuloy ang sinasabi niya. Kainis!
Naabutan ko si daddy na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako sa kaniya.
"Ang tagal kong hinintay 'to. Ang makasabay ka ulit kumain," sabi ni daddy.
Tiningnan ko siya bago ngumiti. Sumama ang loob ko sa kaniya kahapon pero agad din iyong nawala. Sa sobrang pangungulila ko sa kaniya, hindi ko na yata kayang magalit sa kaniya nang matagal.
"Na-miss ko rin 'to, daddy. Sayang, hindi natin kasama si mommy," saad ko. "Ay oo nga pala, gusto ko pong puntahan si mommy. Sasabihin ko po sa kaniya na buhay ka."
Ngumiti si daddy pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Alam ng mommy mo na buhay pa ako. Nitong nakaraang buwan, bigla kaming nagkabungguan sa mall. Kasama niya iyong bago niyang kinakasama, at nagpanggap siyang hindi kami magkakilala," paliwanag ni daddy.
Inilapag ko ang kubyertos at bigla akong nawalan ng ganang kumain.
Alam na ni mommy na buhay si daddy pero hindi man lang niya sinabi sa akin? Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin at sa pamilya namin?
"Huwag kang magagalit sa mommy mo. Gusto niya lang maging masaya. Iyon ang bagay na hindi ko naibigay sa kaniya noon," sabi ni daddy.
Tumayo ako at niyakap si daddy. "Daddy, nandito lang ako palagi para sa 'yo. Hindi na tayo magkakalayo ulit."
"Marilee, iyong tungkol sa kasal—
"Daddy, sinabi ko na po sa inyo. Hindi ko po gustong magpakasal," sabi ko bago bumalik sa aking upuan.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain at alam kong kukumbinsihin lang ako ni daddy tungkol sa kasunduan nila.
"Pero anak, makakampante lang ako kapag naikasal ka kay Matteo. Maaalagaan ka niya at alam kong hindi ka niya pababayaan."
Bumuntonghininga ako. "Kaya rin po akong protektahan ni Pierce. Magkapatid sila ni Matteo at parehong nandito sa grupo n'yo. Kaya bakit hindi puwedeng siya na lang ang pakasalan ko?"
"Si Matteo, matagal ka nang minamahal. Matagal na niyang hiningi ang basbas ko para sa inyo. Naguguluhan ka lang sa ngayon, Marilee. Pero alam ko, na si Matteo talaga ang para sa 'yo."
Hindi na ako sumagot. Mukhang desidido na talaga si daddy sa gusto niya. Pabor na pabor siya kay Matteo. At tama siya, naguguluhan nga talaga ako. Gulong-gulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top