Chapter 19
CHAPTER 19
Alive
Three days have passed and there is still no sign of Pierce. Araw-araw akong pumupunta sa unit niya para malaman kung nakabalik na ba siya. Pero wala talaga.
Kahit masama ang loob ko sa kaniya dahil nagsinungaling siya sa 'kin, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Kung mapapahamak siya, paano ko na maririnig ang paliwanag niya? Sigurado akong mayroon siyang dahilan kung bakit niya inilihim sa akin ang lahat ng iyon.
Napatayo ako bigla nang may kumatok sa pinto. Agad ko iyong binuksan dahil baka si Pierce 'yun. Baka bumalik na siya.
"Pierce!" sigaw ko pagkabukas ko ng pinto. Saglit akong natigilan nang makita ko siya. Pero agad akong nagdalawang-isip. "Pierce?"
"It's me. I'm also Pierce. Pierce Matteo," the man in front of me said.
Bumagsak ang balikat ko nang malaman iyon. Hindi siya ang Pierce na hinihintay ko. Inakala kong siya 'yun dahil kulay itim ang mga mata niya. Nang matitigan ko ay saka ko lang napansin na contact lens lang iyon.
"Anong ginagawa mo rito? Nahanap n'yo na ba si Pierce?" tanong ko kay Matteo.
Tumango siya kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Alam kong gusto mo siyang makita kaya dadalhin kita sa kaniya," sabi niya kaya bahagya akong nagulat.
"Talaga? Pero bakit? Nasaan ba siya? Hindi pa ba siya puwedeng umuwi rito?" sunod-sunod kong tanong.
S'yempre gustong-gusto ko nang makita si Pierce pero ayos lang din sa akin na maghintay rito. Ayaw ko nang makaabala pa ng ibang tao.
He sighed. "Just ask him about that. Besides, you want to know the whole truth, right?" Tumango ako. "Then that would be the best place to tell you the truth."
Tinitigan ko siya at nang makitang seryoso siya ay saka ako pumayag. Nagpalit ako damit bago ako lumabas ng apartment at nagtungo sa sasakyan ni Matteo. Napahinto pa ako nang makita ang pamilyar na kotse. Ito 'yung sasakyan na ginamit ni Pierce noong pumunta kami sa auction.
"Get in," he said as he opened the door for me.
Iwinaksi ko na muna ang iniisip ko at pumasok na lang sa loob ng sasakyan. Itinuon ko ang paningin sa labas pero ang atensyon ko ay nasa lalaking kasama ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang pamilyar ng lahat ng nangyayari ngayon.
Kung tutuusin, hindi mo talaga mapapansin na hindi siya si Pierce. Depende na lang kung sa pag-uugali ang titingnan.
Muli akong natigilan. Nilingon ko si Matteo at nakita ulit ang seryoso niyang mukha. Hindi kaya...
"Lahat ng mga tanong mo, sasagutin namin pagdating doon," sabi ni Matteo na para bang nababasa ang isip ko.
Nakalabas na kami ng Arco City pero mukhang malayo pa ang biyahe namin. Halos isang oras na yata kami sa daan pero hindi pa rin kami nakakarating. Saang lupalop ba naroon si Pierce?
At sa wakas, pagkatapos ng isang oras at kalahating biyahe ay nakarating din kami. Bumukas ang malaking itim na gate at pumasok ang sasakyan.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kalaki ang mansyon na nasa harapan ko ngayon. Pumarada ang sasakyan sa pinakaharap ng mansyon at may nagbukas ng pinto ng sasakyan.
Bumaba ako habang hindi pa rin maalis ang tingin sa mansyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Sir Matteo, kanina pa po kayo hinihintay ng daddy n'yo," sabi ng lalaking sumalubong sa amin.
He's wearing an all black suit and pants. Sa tindig niya ay para siyang isang bodyguard or agent na madalas kong mapanood sa mga movie.
Sumulyap sa akin si Matteo. "Let's go inside, Marilee."
Huminga ako nang malalim bago sumunod sa loob ng mansyon. Kulay black, gray, at white ang loob nito. Wala rin masiyadong nakasabit na mga design o kahit naka-display na mga vase man lang.
"Nasaan tayo?" hindi ko mapigilang magtanong.
Lumingon lang sa akin si Matteo at bumukas bigla ang malaking pinto sa harapan namin. Mas lalo akong namangha nang makita ang isang buong silid na mayroong mahabang mesa. Hindi ito mukhang dining area, siguro ito ang meeting room.
"Welcome to Oculta Headquarters," Matteo said and that's when I noticed that there were people inside the hall.
Nakaupo sila sa kani-kanilang swivel chair at nakatalikod sa gawi namin kanina kaya hindi ko sila napansin. Napaatras ako at nagtago sa likuran ni Matteo dahil nakakatakot silang tumingin.
"H-Headquarters?" naguguluhang tanong ko. "Bakit mo 'ko dinala rito? Akala ko ba kay Pierce tayo pupunta?"
Humarap sa akin si Matteo. "Nasa itaas si Pierce," sabi niya.
"Then, I'll just go upstairs—
"Hindi pa puwede. You're not only here for that reason. Someone wants to meet you. He's been waiting for you for how many years now."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino namang gustong makita ako?
"Sino? Kilala ko ba siya?" tanong ko.
Saglit niya akong tinitigan. Habang mas tumatagal ay unti-unti na akong kinakabahan sa mga nangyayari.
"Marilee,"
Umalis si Matteo sa harapan ko at doon ko nakita kung sino ang bumanggit sa pangalan ko. Napaatras ako nang makita siya. Ang taong ilang taon ko nang hindi nakikita. Ang taong hindi ko inakalang makikita ko pang muli.
Pakiramdam ko ay nanghina ang aking buong katawan.
"D-Daddy?" nanghihinang sambit ko.
Unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid.
Nagising ako sa isang malaking kuwarto. Agad akong bumangon at nilibot ang paningin sa paligid. Mag-isa lang ako rito. Ang huli kong natatandaan ay dinala ako ni Matteo sa headquarters nila tapos nakita ko si daddy.
Si daddy. Buhay siya? O baka naman panaginip lang ang lahat? Imposibleng buhay pa siya dahil nakita ko siyang inilibing noon. Panaginip lang iyon. Tama panaginip—
"Gising ka na pala,"
Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalita. Tumingin ako sa may pintuan at napasinghap nang makita si daddy.
"Kumatok ako pero hindi mo yata narinig kaya hindi mo napansin na pumasok na ako," sabi ni daddy.
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Mukha siyang totoo. Buhay na buhay. Hindi naman ako minumulto ng daddy ko, 'di ba?
"P-Paano? Daddy, ikaw ba talaga 'yan? O baka kamukha ka lang ng daddy ko?" naguguluhang tanong ko.
Lumapit siya at umupo sa tabi ng kama ko.
"Ako 'to, Marilee. I'm sorry if I had to fake my death. Hindi ko naman gustong iwan ka," saad niya.
Umiling ako. Umaagos ang luha sa mga mata.
"Pero bakit? Bakit mo ginawa 'yun? Nasaktan ako, daddy. Nalungkot ako nang sobra dahil... akala ko patay ka na. Si mommy... nahirapan siya. Nagbago ang buhay namin mula nang mawala ka, daddy. Bakit mo nagawa 'yun? Ayaw mo na ba sa amin?" Humikbi ako at naramdaman ko ang paghaplos ni daddy sa aking likod pero lumayo.
Masama ang loob ko sa kaniya. Kahit pa ilang beses kong hiniling na sana buhay pa si daddy, hindi ko pa rin maiwasang magalit. Iniwan niya kami. At nasira ang buhay ko nang dahil doon.
"Marilee, sorry. Ginawa ko 'yun para maprotektahan ka. Kayo ng mommy mo. Huwag mong isipin na hindi na kita mahal, dahil mahal na mahal kita. Araw-araw kitang iniisip. Araw-araw kong pinipigilan ang sarili ko na magpakita sa 'yo. Dahil mas importante sa akin ang kaligtasan n'yo. Patawarin mo ako," paliwanag ni daddy.
"Protektahan saan, daddy? Hindi ko maintindihan. May kaaway ka ba? May gusto bang pumatay sa 'yo o sa amin?"
Yumuko si daddy. "Marami akong hindi sinasabi sa iyo, Marilee. Ang totoo niyan, hindi lang ako isang pintor. I'm also a Close VIP Protector."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni daddy. "Close what? Ano 'yun? May gano'n ba?"
Tumayo si daddy at nagtungo sa may bintana. Pinagmasdan ko siya.
"Miyembro ako ng Oculta Protectors mula pa noong hindi pa kami nagkakakilala ng mommy mo. Trabaho naming protektahan ang mga VIP client, hindi lang sa pisikal na paraan kundi pati na rin ang reputasyon nila."
"VIP clients? Ibig sabihin iyong mga mayayamang tao rito sa bansa?" tanong ko.
Tumango siya. "Lahat ng mag-avail ng serbisyo namin, kailangang tugunan. Kahit pa maging mafia boss ang client namin, hindi kami maaaring tumanggi. Dahil trabaho naming magbigay proteksyon. Kaya kahit masasamang tao, handa naming proteksyunan."
"But why did you fake your death?"
"Dahil nabigo akong gawin ang trabaho ko. I failed to protect the leader of the most notorious gang in the country. Kinailangan kong pekein ang pagkamatay ko para matigil na sila sa panggugulo sa akin at sa buong grupo. Pero hanggang ngayon, gusto pa rin nilang gumanti."
Natahimik ako sa narinig. Ibig sabihin, gano'n kadelikado ang trabaho nila. No hindi ko napansin na may iba pa palang trabaho si daddy. Basta ang alam ko lang noon ay isa siyang pintor.
"Si mommy? Alam mo bang may iba na siyang kinakasama ngayon? At magkakaanak na sila. Dahil akala niya, patay ka na. Ilang beses ko siyang pinigilan na makipagrelasyon pero sa huli, naisip kong deserve din ni mommy ang sumaya."
Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni daddy.
"Alam ko ang tungkol diyan. Kahit malayo ako sa inyo, palagi kong inaalam kung kumusta na ba kayo—
"Alam mo? Pero hinayaan mo lang, daddy? Hinayaan mong humanap ng iba si mommy? Bakit?"
"Ginawa ko lang ang matagal nang gusto ng mommy mo. Masiyado ka pang bata noon kaya pinilit kong panatilihing buo ang pamilya natin. Kahit pa, hindi talaga ako mahal ng mommy mo." Naupo ulit si daddy sa tabi ko. Hindi na maawat ang pagluha ko. "All I want is a perfect family for us but it's not meant to happen. Kahit anong protekta ko sa pamilya natin, nagkaroon pa rin ng dahilan upang mawasak ito."
I wiped my tears and sighed. Hindi ko inaakalang malalaman ko ang lahat ng ito ngayon. Kahit minsan, hindi ko naisip na hindi pala talaga perpekto ang pamilya namin kahit noon pa.
Ang lahat ng mga nangyari ay isang pagpapanggap.
"Patawarin mo ako, Marilee. Hindi ko gustong masira ang pamilya natin. Nagawa ko iyon dahil mahal na mahal kita," humihikbing saad niya.
Suminghot ako bago siya niyakap. "Daddy, ilang taon akong umasa na sana makita kita ulit. At kahit iniwan mo pa kami noon, ayos lang. Basta huwag mo na akong iiwan ulit. Mahal na mahal po kita, daddy."
"Pangako, hindi na ako aalis. Lalo pa ngayon na nandito ka na."
Matapos naming mag-usap ni daddy ay iniwan niya na ako sa kuwarto. Wala pa mang ilang minuto ay may kumatok na ulit sa pinto. Bumukas iyon at pumasok si Matteo.
"Gising na si Pierce. Gusto mo na ba siyang puntahan?" tanong niya.
Tumango ako agad at dinala ako sa kuwarto ni Pierce. Kumatok ako bago tuluyang pumasok.
Inilibot ko ang paningin at nakita ko siyang nakaupo sa kama. Nagtama ang paningin namin at hindi man lang siya nagulat.
"Pierce." Suminghap ako bago siya nilapitan.
Naupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. Mayroon siyang maliliit na sugat kaya nalungkot ako. Gusto ko man siyang yakapin ay hindi ko ginawa dahil baka masaktan ko siya.
"Kumusta? Sinaktan ka ba nang husto ng mga dumukot sa 'yo?" tanong ko.
"Nandito ka. Ibig sabihin, alam mo na ang lahat," sabi niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Lumunok ako bago umiling. "Hindi ko pa alam ang side mo. Si daddy pa lang ang nakakausap ko at si Matteo, hindi pa siya masiyadong nagkukwento sa akin. Pero hindi mo kailangang magmadali. Kaya kong maghintay hanggang sa gumaling ka na."
Mas naging seryoso ang mukha ni Pierce kaya kinabahan ako. Sobrang lamig ng pagtitig niya sa akin. Hindi na siya katulad ng Pierce na nakasama ko sa Arco City.
"Sasabihin ko na ngayon para matapos na ang pagpapanggap na 'to," aniya kaya natigilan ako.
"What do you mean?"
He smirked. "It was all pretend, Marilee. Lahat ng nangyari at ginawa ko sa Arco City ay para sa misyon. Ginawa ko 'yun dahil inutusan ako ng kuya ko na si Matteo."
I shook my head in disbelief. "That's not true. Alam kong nagsinungaling ka nga sa akin pero alam ko ring hindi pagpapanggap ang ibang ginawa mo—
"Just accept it. Kailangan kong pumunta sa Arco City, makipagkilala sa 'yo, kunin ang tiwala mo para protektahan ka. Hindi nagkataon ang pagkikita natin, lahat 'yon ay nasa plano."
Suminghap ako. Hindi pa rin ako naniniwala. Hindi ko kayang paniwalaan na lahat ng 'yon, lahat ng mga bagay na nagpasaya sa akin sa Arco City, ay hindi totoo.
"At bakit ka naman uutusan ni Matteo na protektahan ako? Sino ba kayo para pakialaman ang buhay ko!" sigaw ko.
"Simple, he loves you. My brother has been loving you secretly for so long. At dahil delikado ang trabaho niya, hindi ka pa niya puwedeng makasama. Kaya ako na lang inutusan niya. Gano'n ka niya kamahal. Siya ang totoong nagmamahal sa 'yo, hindi ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top