Chapter 17
CHAPTER 17
Memorable
“Hindi ko alam na delikado pala ang lagay mo rito, Marilee,” bungad sa akin ni Aleisha pagkapasok ko sa apartment.
Nakaupo siya sa sofa at may hawak ng baso ng tubig. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatitig lang sa kawalan. Bigla tuloy akong nakonsensya. Unang araw niya pa kang dito tapos nadamay agad siya sa problema ko.
Lumapit ako at umupo sa kaniyang tabi.
“Hindi ko rin alam 'yun. Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit nila ako gustong patayin. I mean, hindi ko nga alam kung gusto talaga nila akong patayin o baka gusto lang nila akong takutin,” sambit ko bago napabuntonghininga.
Inilapag niya ang baso sa center table bago humarap sa akin.
“Wala ka bang alam na gagawa nito sa 'yo? May mga kaaway ba ang magulang mo?” tanong niya kaya napaisip ako.
Pero kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko talaga alam. Ni hindi ko nga nakilala ang mga taong nakasalamuha ni daddy noong nabubuhay pa siya. Wala rin akong maalalang may nakaalitan ang mga magulang ko.
“Hindi ko alam,” tanging sagot ko.
Hinawakan ni Aleisha ang kamay ko. “Iyong lalaking nagligtas sa atin kanina, sa tingin ko may nalalaman siya. Ikaw na rin ang nagsabi na lagi siyang nandyan sa tuwing nalalagay ka sa panganib. Malakas ang kutob ko na may malalim siyang sikreto,” sabi ni Aleisha.
Suminghap ako at sumandal sa sofa. Sobrang misteryoso ng taong 'yun. Napakahirap niyang basahin at talagang hindi niya sinasabi sa akin kung anong nalalaman niya.
“Hindi na bale. Hindi na siya magpapakita sa akin hangga't wala siyang balak na aminin ang totoo,” sagot ko.
Sandaling katahimikan ang nangyari at naputol lang iyon nang kumalam ang sikmura ko. Nagkatinginan kami ni Aleisha at sabay na natawa.
Just like that, our mood changed. Wala namang mangyayari kung iisipin pa namin ang nangyari kanina. Masiyado na kaming pagod at gutom para mag-isip.
“Hindi pala tayo nakakain. Magluluto na muna ako,” sabi ni Aleisha bago nagtungo sa kusina.
Pagkatapos naming maghapunan ay natulog na kami agad. Dahil na rin sa pagod ay mabilis lang akong hinila ng antok.
Kinabukasan ay may kumatok sa pinto habang abala kami ni Aleisha sa paghahanda ng almusal. Ako na ang lumapit doon at pagbukas ko ay bumungad sa akin si Pierce.
Agad niya akong sinalubong ng yakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.
“Hey, kauuwi mo lang?” tanong ko sa kaniya at hindi siya agad sumagot.
Nakayakap lang siya sa akin na para bang anumang oras ay mawawala ako. Hinayaan ko lang siya sa gusto niya.
“Ehem,”
Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Pierce nang tumikhim si Aleisha. Pero nanatiling nakapulupot sa beywang ko ang mga kamay niya.
“Ah, Pierce, siya si Aleisha iyong kaibigan ko na kinukwento ko sa ’yo. Aleisha, siya si Pierce, boyfriend ko,” pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Tumango si Pierce at ngumiti lang si Aleisha.
“Baka gusto n’yong pumasok na at para makapag-almusal na tayo,” sabi ni Aleisha.
“Sige. Halika, Pierce, sabayan mo kaming kumain,” pagyaya ko sa kaniya bago kami nagtungo sa hapagkainan.
Habang nasa hapag ay nagkatinginan kami ni Aleisha. Alam kong iniisip niya kung sasabihin ko ba kay Pierce ang nangyari kahapon. Balak ko sanang huwag nang sabihin para hindi na rin siya mag-alala pa.
“I was busy at work yesterday. Hindi ko napansin na tumatawag ka pala. May nangyari ba kahapon?”
Napainom ako bigla ng tubig nang itanong ni Pierce iyon.
“W-Wala naman. Namasyal lang kami ni Aleisha, 'di ba?” sabi ko bago sinulyapan ang aking kaibigan.
Nanlaki naman ang mga mata niya at mukhang hindi alam ang sasabihin.
“Ah, yes. We just tour around. Wala namang humabol sa amin pauwi na may baril.”
Mata ko naman ang nanlaki sa sinabi niya. Mukhang na-realize niya rin iyon kaya natutop niya ang kaniyang bibig. Nasapo ko na lang ang aking noo.
Bakit ko ba nakalimutan na hindi magaling magsinungaling ang isang 'to? Aish!
“So, ano ba talagang nangyari kahapon?” muling tanong ni Pierce.
Bumuntonghininga ako at wala nang choice kundi sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi naman siya mukhang nagulat pero bakas ang galit sa kaniyang mukha.
“Huwag ka nang mag-alala. Dumating nga si Blue-eyed man at niligtas kami,” pampalubag-loob ko sa kaniya.
“He is really your savior, huh?” he sarcastically said.
Napanguso ako at nakita kong natatawa si Aleisha. Nang sulyapan ko siya ay agad siyang tumayo. Tinapik niya pa ang balikat ko.
“Goodluck sa panunuyo,” pang-aasar niya bago pumasok sa kuwarto.
Umirap ako bago binalingan si Pierce. Tahimik siyang kumakain pero ramdam ko ang sama ng loob niya.
“Nagseselos ka ba? O nagagalit?” malumanay kong tanong.
“Hindi ako nagseselos at mas lalong hindi ako galit,” malamig niyang tugon.
Napabuntonghininga ako. “Eh, bakit ganiyan ka? Ang sungit mo na naman.”
Inilapag niya ang kubyertos at uminom ng tubig. Pagkatapos ay saka niya ako hinarap.
“Who do you find more attractive, me or that blue-eyed man?” he asked, which made me chuckle.
Hindi raw nagseselos pero nagtatanong ng ganiyan. Loko rin 'tong si Pierce, eh. Aamin lang hindi pa magawa.
“Hmmm,” umakto akong nag-iisip at mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya. “Joke lang, of course you're more attractive. Besides, hindi ko pa naman nakikita ang mukha niya. But I admit, I find his eyes adorable.”
Totoo naman. Ang ganda kasi talaga ng mga mata ni Blue-eyed man. Para akong nakatitig sa kalangitan.
“Tsk,”
Muli akong natawa dahil sa kasungitan niya. Tumayo ako at pumwesto sa likuran niya bago siya niyakap.
“Huwag ka nang magselos. Ikaw naman ang gusto mo. Mata lang naman ang gusto ko sa kaniya, pero sa 'yo? Lahat gusto ko,” paglalambing ko at muli akong natawa.
Never kong na-imagine ang sarili ko na nanunuyo ng boyfriend. Totoo nga ang sinabi nila, nagagawa mo ang bagay na hindi mo nagagawa mo basta para sa taong gusto mo.
“Sana nga, Marilee,” makahulugang sambit niya.
May binulong pa siya ngunit hindi ko na narinig dahil masiyadong mahina iyon. O baka sinadya niyang hindi iparinig sa akin.
Mabilis na lumipas ang ilang linggo at kailangan na ulit umalis ni Aleisha. Hinatid namin siya ni Pierce sa airport at muntik pa kaming mag-iyakan ulit. Kagabi ay umiyak na siya dahil ayaw niya pa raw bumalik pero kailangan na siya ng daddy niya sa Manila.
“What do you want to do?” Pierce suddenly asked while we're on our way back home.
Lumingon ako sa kaniya. “Why? Wala ka bang trabaho?”
Ngumiti siya at tumango. “I took a day off. Last time 'di ba sabi mo gusto mong mag-movie marathon tayo? Bakit hindi na lang mamayang gabi sa apartment ko?”
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mapigilang pumalakpak sa tuwa. Nasabi ko nga sa kaniya na gusto kong mag-movie marathon kami. Noong nandito kasi si Aleisha ay hindi siya sumasama sa amin mag-marathon. Gusto niya raw na magkaroon kami ng sapat na oras na makapag-bonding.
“Great! Bumili kaya muna tayo ng snacks natin mamaya?” tanong ko at agad naman siyang sumang-ayon.
Kaya ang nangyari ay dumaan muna kami sa grocery at namili ng mga pagkain. Sobrang saya ko kahit namimili lang naman kami. Siguro dahil kasama ko siya. Kahit anong gawin namin, masaya ako basta kasama siya.
I admit, as days passed by, I'm getting more attached to him. Hindi ko na yata kakayanin kapag mawala siya sa akin.
“Hey, Marilee,”
Napabalik ako sa reyalidad ng alugin ni Pierce ang balikat ko. Natulala pala ako sa mukha niya habang malalim ang iniisip.
“Ha? Ano 'yun?” tanong ko.
Natawa siya at pinisil ang aking ilong. “I was asking you, anong gusto mong drinks?”
Maging ako ay natawa rin sa kalutangan ko. Pumili kami ng drinks at saka kami nagtungo sa counter para magbayad. Naghati kami sa gastusin dahil iyon ang gusto ko. Dapat share kami sa gagastusin dahil pareho naman kaming kakain nito.
“You're spacing out again,” Pierce pointed out.
Ngumiti lang ako at muli siyang tinitigan. Ang suwerte ko talaga sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magkaroon ako ng isang katulad niya.
“Bakit mo nga pala naisipang mag-day off? Wala ka namang day-off dati, 'di ba?” tanong ko pagkapasok namin sa apartment niya.
“Well, I just want to spend this day with you,” he answered and I can't help but blush.
Isinalansan niya sa mesa ang mga pagkain kaya tumulong na rin ako sa paghahanda.
“Pumili ka na ng movies doon. Ako na ang bahala sa pagkain natin,” utos niya at agad akong sumunod.
Nasa sala lang ang movie player niya kaya mabilis ko iyong nakita. Pumili ako ng mga movies na nandito. Marami siyang collection actually, iba-ibang genre pa ang nakita ko. Pinili ko iyong may halong action para hindi siya ma-boring-an sa panonoorin namin.
Pagkatapos ng kalahating oras ay inilapag niya na sa center table ang mga pagkain namin. Kumuha rin ako ng dagdag na unan at kumot mula sa kuwarto niya at inilatag iyon sa sahig.
“Bilisan mo na, magsisimula na ang movie!” sigaw ko dahil nasa kusina pa rin si Pierce.
Saktong pag-uumpisa ng palabas ay naupo siya sa tabi ko. Nakasandal kami pareho sa sofa habang nakaupo sa sahig at nakabalot ng kumot.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Dati sa movies ko lang napapanood ang ganito pero ngayon ay nangyayari na rin sa akin. Ako kasama ang boyfriend ko habang nanonood ng movie, sa gitna ng gabi habang may mga pagkain sa harapan.
A memorable night, indeed. I will forever treasure this in my heart.
“Pierce?” I muttered.
“Hmmm?”
“Thank you,” I said.
“Anything...for you.”
Ngumiti ako itinuon na ulit ang pansin sa pinapanood. Nakasandal ako sa dibdib ni Pierce kaya ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya.
“I have a question,” he suddenly said that made me look at him.
Tumingin din siya sa akin at halos matunaw na naman ako sa titig niya.
“Hindi mo ba na-mi-miss ang mommy mo?” tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin at muling sumandal sa dibdib niya. Bigla ko tuloy naalala si mommy. Kumusta kaya siya?
“I missed her. Palagi ko naman siyang na-mi-miss,” bulong ko.
“Do you want to see her?” he asked again.
I nodded. “Of course. It's been how many months since I last saw her.”
“Then let's see her,”
Napaupo ako nang tuwid sa sinabi ni Pierce at hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Seryoso ang mukha niya at alam kong hindi siya nagbibiro.
“Lumuwas tayo sa Manila para makita mo ang mommy mo. Hindi mo naman kailangang magpakita sa kaniya kung iyon ang iniisip mo. Tatanawin mo lang siya,” paliwanag niya na para bang matagal niya nang pinlano ang bagay na 'to.
Hindi ko mapigilang yakapin siya. He’s very thoughtful. Hindi ko akalain na maiisip niya ang ganito. Na samahan ako para makita si mommy.
“Masiyado ka na yatang nahulog sa akin, kalma lang,” natatawang sabi niya at hindi ko mapigilang sumang-ayon.
Totoo naman talaga. Hulog na hulog na nga ako sa kaniya. Mahirap nang umahon. Mahirap nang makaligtas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top