Chapter 16
CHAPTER 16
Mister
“Aleisha!” Napatili ako agad sa tuwa nang matanaw ko si Aleisha na papalabas ng airport.
Nakuha ko agad ang atensyon niya kaya mabilis siyang lumapit sa akin. Kagabi ay nag-usap kaming dalawa at nasabi niyang ngayong araw siya pupunta rito sa Arco City. Kaya napagpasyahan kong sunduin nalang din siya.
“Marilee! Oh my gosh, ang ganda-ganda mo lalo,” sabi niya bago ako niyakap nang mahigpit.
Natawa ako habang niyayakap din siya pabalik. Itong babaeng 'to talaga, kakikita lang namin ulit tapos pinuri na ako agad.
“Mas maganda ka pa rin, ano ba! Sobrang na-miss kita,” saad ko bago kami bumitiw sa pagkakayakap.
Suminghap siya at luminga-linga sa paligid na parang may hinahanap.
“Wala kang kasama?” tanong niya kaya napakunot ang noo ko.
“Sino namang isasama ko?” balik-tanong ko sa kaniya.
“Hindi ka man lang sinamahan ng boyfriend mo? But on the other hand, ayos na rin 'yun. At least hindi siya magiging third wheel sa ating dalawa.”
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Aleisha. Tama naman kasi siya. Kung kasama ko si Pierce ngayon, paniguradong siya pa ang magiging third wheel sa amin ni Aleisha.
Actually, nasabi ko naman kay Pierce na susunduin ko ang kaibigan ko ngayon at gusto sana niyang sumama pero may biglaan daw siyang lakad. Ayos lang naman sa akin 'yun. Alam kong may iba pa siyang bagay na inaasikaso.
Kumain na muna kaming dalawa ni Aleisha sa malapit na restaurant dahil nagugutom na raw ang babaeng 'to. Pagkatapos ay saka kami umuwi sa apartment.
“Ah! I missed this place so much! Finally, after how many months of working, I deserve this vacation!” Aleisha muttered after flopping herself on the sofa.
Napailing na lang ako bago nagtungo sa kusina at kumuha ng maiinom. Masaya ako dahil nandito na si Aleisha. Pakiramdam ko, para akong nakipag-reunite sa isang kamag-anak. Gano'n ang turing ko sa kaniya, isang pamilya.
“Wow! Ang ganda naman nito. You improved a lot, huh?”
Nilingon ko siya nang sabihin niya iyon. Nasa harapan na siya ngayon ng isang painting ko. Ginawa ko iyong nitong nakaraang linggo lang, ilang araw pagkatapos kong sagutin si Pierce.
It's the exact scenery when Pierce confessed to me that night. Wala naman kasi akong pictures no'ng gabing 'yun, kaya naisipan kong ipinta na lang. Para may remembrance na rin ako.
“Marilee, you know what I noticed?” she started.
Kumunot ang noo ko. “Ano 'yun?”
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Nakangiti siya at pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa nakikita niya.
“I noticed that you became better here. Maganda ang epekto sa 'yo ng lugar na 'to. And I'm happy because of that,” she explained.
“Thank you, Aleisha. Kung hindi rin naman dahil sa 'yo ay hindi ko malalaman ang lugar na 'to. At s'yempre salamat sa mga itinulong mo sa akin,” sabi ko sa kaniya.
Nangilid ang luha sa kaniyang mata at sabay kaming natawa. Masiyado nang malalim ang pag-uusap namin at hindi namin maiwasang maging emosyonal.
“Bukas mamamasyal tayo, ah? Ako na ang magda-drive for us,”
Tumango na lang ako dahil gusto ko ring mamasyal kasama si Aleisha. Although, halos napuntahan ko naman na iyong mga sikat na lugar dito nitong mga nakalipas buwan. Gusto ko pa ring balikan ang mga iyon kasama si Aleisha. Para na rin madagdagan ang memories at travels namin nang magkasama.
Kinabukasan ay pinuntahan ko si Pierce sa apartment niya pero ang sabi ng tenant ay hindi rin daw umuwi si Pierce kagabi.
Ch-in-eck ko ang cellphone ko para tingnan kung may text ba siya sa akin pero wala naman. Siguro marami lang siyang ginagawa sa trabaho.
“Halika na?” tanong ni Aleisha pagkabalik ko sa unit.
Nakabihis na ako kanina pa at ngayon ay handa na rin si Aleisha sa pag-alis namin. Doon na kami mag-aalmusal sa madaraanan naming fast food restaurant para hindi na kami mahirapang magluto.
Pagkasakay sa kotse ni Aleisha ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong napansing kakaiba.
Baka napa-paranoid lang ako? O kaya naman ay baka sobra lang akong na-e-excite sa pupuntahan namin ni Aleisha?
“Ayos ka lang, Marilee? Ang tahimik mo yata,” puna ni Aleisha sa akin.
Nilingon ko siya bago ako ngumiti. “Ayos lang ako. Bilisan mo na para makakain na muna tayo,” sabi ko at bahagyang tumawa para gumaan ang paligid.
Habang nasa fast food restaurant ay patuloy lang ako sa pagmamasid sa paligid. Hindi talaga ako mapakali. Parang may mga matang nakatingin sa amin at pinagmamasdan kami.
Normal naman ang lahat sa paligid namin kaya iwinaksi ko na lang ang nasa isip ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama.
“Grabe, ang ganda rito. Take a picture of me, please,” Aleisha said and I chuckled.
Kinuha ko ang polaroid camera mula sa kaniya at agad naman siyang nag-pose doon. Maganda naman talaga ang paligid. Nasa gilid kami ng kalsada ngayon kung saan natatanaw ang dagat. Malamig din ang ihip ng hangin kaya maganda sa pakiramdam. Mas lalo tuloy akong kumalma.
“1...2...3!” I counted before clicking the camera.
Sunod ay kaming dalawa naman ang nag-picture. Inilagay niya sa tripod ang camera at nag-set ng timer.
Ilang pictures din ang kinuha namin bago kami bumalik sa sasakyan. Sobrang nag-e-enjoy ako sa pag-ro-roadtrip naming dalawa. Isama mo pa ang walang katapusang energy ni Aleisha. Parang hindi siya napapagod sa lahat ng pinaggagaawa namin.
“Ang saya rito, ayaw ko nang bumalik sa Manila,” bigla niyang sambit habang pinagmamasdan namin ang buwan sa malayo.
Gabi na at napagpasiyahan naming manatili na lang muna rito sa isang park. Mangilan-ngilan na lang din ang mga tao rito kaya hindi na rin gaanong maingay.
“Kahit naman ako, parang ayaw ko nang bumalik,” marahan kong saad.
Sumandal siya sa balikat ko at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
“Buti ka pa, may nagpapasaya na sa puso mo. Kailan ko kaya makikilala ang taong para sa akin?”
“Huwag kang mag-alala, malay mo nandiyan lang ang taong 'yun sa tabi-tabi. Pinagmamasdan ka,” biro ko at bigla siyang napatuwid ng upo.
“Umayos ka nga! Ang creepy naman ng sinasabi mo,” sabi niya kaya natawa ako.
Na-miss ko siyang asarin kaya susulitin ko na hangga't nandito pa siya.
Ilang minuto pa kaming nanatili roon bago kami nagpasiyang umalis na. Kakain na rin muna kami bago umuwi dahil pareho kaming tinatamad ng magluto.
Habang nasa biyahe ay napasulyap ako sa side mirror at napansin ko ang itim na kotse na sumusunod sa amin. Akala ko noong una ay normal lang iyon pero nang sulyapan ko si Aleisha ay mukha rin siyang balisa.
“Napansin mo rin? Kanina pa nakasunod sa atin ang sasakyan na 'yun 'di ba?” tanong ko at dahandahan siyang tumango.
“Sinubukan ko nang bagalan ang pagmamaneho para makauna na ang sasakyan na 'yun pero nanatili siya sa likuran. Pero bakit naman tayo susundan ng kotseng 'yun?” naguguluhang tanong ni Aleisha.
Sa isang iglap ay bumalik sa isipan ko ang nangyari ro'n sa amusement park. May humahabol din sa amin ni Blue-eyed man noon. Hindi kaya...sila rin ang sumusunod sa amin ngayon?
Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Pierce. Siya lang naman ang matatawagan ko ngayon. Ayaw kong tumawag agad sa pulis dahil hindi pa naman kami sigurado kung anong pakay ng sumusunod sa amin.
“The number you have dialed *toot toot toot*”
Ilang beses ko pang tinawagan si Pierce pero hindi siya sumagot.
“Marilee, ano nang gagawin natin?” kabadong tanong ni Aleisha.
Sumulyap ako sa likuran at nandoon pa rin ang sasakyan. Malayo-layo pa ang biyahe namin pauwi at hindi ko rin naman kabisado ang daan dito kaya paano namin sila ililigaw?
“Subukan mo kayang bilisan ang pagmamaneho?” sabi ko at agad naman siyang tumango.
Kumapit ako sa gilid ng upuan at binilisan niya ang pagmamaneho. Pero bumilis din ang pagpapatakbo ng kotseng nasa likuran namin.
Sumulyap ako sa side mirror at nanlaki ang mata ko nang makitang may baril iyong lalaki sa front seat.
“Aleisha, bilisan mo! Papuputukan nila tayo!”
“What?! Oh shit!”
Nakarinig ako ng isang putok kaya napayuko ako. Maging si Aleisha ay napatili at bahagyang gumewang kotse namin.
“Sino ba sila? Anong kailangan nila sa atin!” natatarantang tanong ni Aleisha.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam. Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Natatakot ako para kay Aleisha. May pakiramdam ako na ako lang ang puntirya nila pero madadamay pa si Aleisha dahil kasama ko siya.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin hanggang sa nawalan na rin ng kontrol si Aleisha sa kotse.
“Shit! Nabutas yata ang gulong!” singhal ni Aleisha at tuluyan nang huminto ang kotse.
“Bumaba na tayo! Bilis!” sigaw ko at bumaba na ng sasakyan.
Hindi ko na alam kung nasaan kami. Basta nasa gitna kami ng kalsada at wala akong makitang ibang tao o kahit gusali man lang.
Tumakbo kami ni Aleisha palayo lahit na hindi namin alam kung saan pupunta.
“Ayun may sasakyan!” sigaw ni Aleisha at natanaw ko rin ang liwanag mula sa papasalubong na sasakyan.
Mabilis ang takbo n'on at mukhang malabo na hintuan kami. Bago ko pa man parahin ang sasakyan ay kusa na iyong huminto sa harapan namin.
“Get in!”
Sumakay kami ni Aleisha sa loob ng kotse at agad din itong humarurot paalis. Pakiramdam ko ay nakahinga na ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay ligtas na kami.
“Salamat dahil hinintuan mo kami. Mayroong masasamang tao na humahabol sa amin—
“I know,”
Nilingon ko ang driver at nanlaki ang aking mga mata sa gulat.
“Blue-eyed man?” gulat kong tanong sa kaniya.
Nakasuot siya ng mask at tanging mata niya na naman ang nakikita ko. Kahit na gano'n ay alam kong siya si Blue-eyed man. Ang lalaking nagligtas din sa akin noon, ang siyang nagligtas din sa amin ngayon.
“At your service,” he said.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Aleisha na ngayon ay nakaupo sa likuran.
Hindi ko siya sinagot dahil naguguluhan pa ako sa nangyayari. Sumulyap ako sa side mirror at hindi ko na matanaw iyong humahabol sa amin kanina.
“A-Anong ginagawa mo rito? Bakit ba sa tuwing nalalagay ako sa panganib, palagi kang dumarating? Nandoon ka rin noong nagkabarilan sa amusement park tapos nandito ka rin ngayon? Sino ka ba talaga?” sunod-sunod kong tanong at mas lalo akong na-fu-frustrate sa mga nangyayari.
“Coincidence,” tanging sabi niya at napaismid ako.
“Coincidence my foot! Hindi ako naniniwala. Paano mo ipapaliwanag na ilang beses mo na akong niligtas? Ano 'yun, gagampanan mo na talaga ang pagiging savior ko? Sabihin mo na kasi kung sino ka!”
“Teka nga, Marilee, naguguluhan din ako rito. Excuse me, Mister, kilala mo ba 'yung mga humahabol sa amin kanina? At saka bakit ba may nangyayaring gano'n dito? Hindi ba natin i-re-report sa pulis 'yun?” sunod-sunod din na tanong ni Aleisha.
“Nope, alam na ng mga pulis ang tungkol sa nangyayari. Wala kayong dapat na ipag-alala,” sagot ni Blue-eyed man.
Ang akala ko ay hindi na talaga siya magsasalita at sasagot sa tanong namin. Pero hindi pa rin ako kontento sa sinabi niya.
“Sino ka ba kasi? Sino iyong mga humahabol sa amin? At anong kinalaman namin sa kanila? Karapatan naming malaman 'yun dahil kami ang nalalagay sa panganib!”
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Huminto ang sasakyan at pagtingin ko sa labas ay doon ko lang napagtanto na nakabalik na kami sa apartment.
“Bukas ng umaga ihahatid dito ang sasakyan mo,” sabi niya kay Aleisha na nakatulala sa likuran.
Tumango lang ang kaibigan ko at nauna ng lumabas ng sasakyan. Hindi pa ako bumaba dahil marami pa akong gustong itanong sa lalaking 'to. Gulong-gulo na ako. At sa tuwing magsasalita siya ay mas lalo lang gumugulo ang isip ko.
“Bakit ba ayaw mong ipakita ang mukha mo? Natatakot ka ba na husgahan kita? O may sikreto kang itinatago?” mas malumanay na tanong ko sa kaniya.
“Hindi pa ito ang tamang oras—
“Pero kailan nga? At kailan mo rin sasabihin sa akin ang tungkol sa mga taong 'yun? Dahil kung wala ka namang balak na sabihin sa akin, o magpakilala man lang, huwag ka nang magpapakita sa akin. Mas mabuting maglaho ka na lang,” sabi ko bago ako lumabas mula sa kotse niya.
Kahit na tinted ang sasakyan niya ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Sumulyap ako sandali sa kotse bago ako tuluyang umakyat sa apartment.
Hindi ko siya pipilitin kung talagang ayaw niya. Pero ayaw ko na rin siyang makita para hindi na ako maguluhan pa lalo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top