Chapter 15

CHAPTER 15
Trust

“I like you, Marilee.”

I ran out of words. I don't even know how to respond on his sudden confession. Ang tanging nagawa ko lang ay tingalain ang kalangitan na ngayon ay napupuno nang iba’t ibang kulay mula sa paputok.

Ito ang dahilan kung bakit niya ako dinala rito sa rooftop. May inihanda pala siyang surpresa sa akin. At talagang nasorpresa ako.

I mean...I didn't expect him to confess like this. I didn't even think that he actually has feelings for me.

“It’s…amazing,” I mumbled.

Muli kong ibinalik kay Pierce ang paningin ko at naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

Nang sabihin niya ang mga katagang iyon, may hinintay akong maramdaman sa puso ko. At naramdaman ko naman iyon pero saglit lang.

Hindi ko tuloy alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kaniya.

“Pierce—

“You don't have to say anything. I just want to tell you about my feelings because I’ve been keeping it for a while. Hindi naman kita pipilitin na magustuhan din ako,” putol niya sa sinasabi ko.

Pumikit ako at bumuntonghininga. Dapat siguraduhin ko rin muna ang nararamdaman ko bago ko sabihin iyon sa kaniya. Hindi puwedeng maging padalos-dalos dahil baka masaktan ko siya.

Tumunog ang cellphone ni Pierce at sumenyas siyang lalayo muna. Tumango ako at muling tumanaw sa ibaba.

I sighed again. I’m so confused. Alam kong gusto ko si Pierce. Gustong-gusto. Pero parang may pumipigil sa akin. Parang may hindi pa ako sigurado.

Nahigit ko ang hininga nang may nagpatong ng kung ano sa balikat ko. Lumingon ako at nakita si Pierce. Suit niya pala ang inilagay niya sa akin.

“The night is getting colder. Let’s go home,” he said.

I stared at him for a while before I nodded. Silence filled the air again until we arrived at the apartment.

Bumaba si Pierce at pinagbuksan ako ng pinto.

“Thanks,” I muttered.

He nodded. “You may go first. May importanteng lakad pa ako.”

I looked at him, confused. I wanted to ask about his whereabouts but I stopped myself. It’s not my business anymore so better not to meddle with it.

“Okay, take care. Goodnight,” I told him.

“Goodnight.”

Huminga ako nang malalim bago siya tinalikuran at umakyat ng apartment.

Pabagsak akong naupo sa sofa nang may mapansin ako. Dahandahan kong tinanggal sa aking balikat ang suit ni Pierce.

“Hayst! Nakalimutan ko pang ibalik ’to sa kaniya,” bulong ko sa sarili.

Unti-unti akong napangiti habang iniisip ang nangyari kanina sa rooftop. Iyon ang unang beses na may nag-confess sa akin na talagang nag-effort. May mga umamin na rin naman sa ’kin noong high school at college ako pero lahat ay idinaan lang sa kaswal na usapan. Pero si Pierce, lumamang siya sa lahat.

Nagbihis na muna ako bago ako humiga sa kama. Hindi ako nagugutom at gusto ko na lang matulog agad.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising pero ayos lang dahil magpipinta lang naman ako ngayong araw.

Bigla akong natigilan nang may maalala. Saktong tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang pangalan ni Aleisha kaya agad ko iyong sinagot.

“Aleisha!!” pagtili ko bago pa man siya makapagsalita.

“What the hell, Marilee Evangelista! Aatakihin ako sa puso nang dahil sa ’yo! Ano bang nangyari?!” singhal niya sa ’kin kaya muli akong tumili para asarin siya lalo.

Nami-miss ko na talaga ang babaeng ’to. Nakaka-miss siyang asarin araw-araw katulad noong magkasama pa kami sa trabaho.

“Marilee,” she said with serious voice.

I chuckled. “Just kidding. I have a not-so-good news for you.”

“What is it? Is it about your date with Pierce? Spill the tea,” she asked.

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita.

“He...he confessed,” I told her then I bit my lower lip afterwards.

There was a moment of silence after I said that. May sasabihin pa sana ako pero bigla siyang tumili. Mas malakas at mas matagal pa sa tili ko kanina. Kinailangan ko pang ilayo ng cellphone ko dahil pakiramdam ko ay mababasag ang eardrums ko sa babaeng ’to.

Mukhang ginagantihan niya ako, ah?

“Seriously?! He confessed? As in, he said that he likes you too?” she asked and I could hear the excitement in her voice.

I nodded, a smile is stretching out on my lips.

“Yes. And hindi lang ’yon. May fireworks pa. Nag-effort pa talaga siya para lang sa pag-amin niya,” nakangiting sambit ko.

Muling tumili si Aleisha. “Kinikilig ako! So, anong sinabi mo? Did you say yes? Kayo na ba?”

Ngumuso ako at bumuntonghininga. “I didn't. Hindi ako nagsalita. Hindi rin naman daw siya nagmamadali.”

I sighed again. Naramdaman ko na naman tuloy iyong naramdaman ko kagabi. Na parang may hindi tama.

“Why? You like him, right?” Aleisha asked.

“Y-Yes, but...I’m confused. Kagabi, noong umamin siya, parang wala akong naramdaman. I mean, sometimes I could feel some butterflies in my stomach whenever I’m with him, but there were times na parang wala akong nararamdaman? Naiintindihan mo ba?”

Narinig ko rin ang pagbuntonghininga ni Aleisha. Namomroblema na rin tuloy siya. Palagi ko talaga siyang dinadamay sa problema ko.

“Alam mo, Marilee, madali lang maintindihan ang nararamdaman mo kung dalawang tao ang tinutukoy mo. Pero iisang tao lang si Pierce, kaya ang gulo. May mga oras na gusto mo siya at may oras na hindi mo siya gusto? Gano’n?”

Hindi ako kumibo. Gulong-gulo na rin ako.

“Why don't you give him a chance first? Mukhang sincere naman siya sa ’yo. Besides, gusto mo rin naman siya pero naguguluhan ka lang. Wait...baka naman naguguluhan ka lang kung gusto mo siya o mahal mo na siya?”

Napaayos ako ng upo sa sinabi ni Aleisha. Gusto o mahal? Baka nga tama si Aleisha? Kahit ano man sa dalawa ang nararamdaman ko, ang mahalaga, may feelings nga ako kay Pierce.

“Aleisha, I need to hang up. Kakausapin ko na si Pierce,” sabi ko sa aking kaibigan.

“I see. Mukhang nakapagdesisyon ka na. Goodluck. Be happy, Marilee.”

Pagkapatay ng tawag ay tumayo ako at lumabas ng apartment. Nagtungo agad ako sa katabing unit at kumatok. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Nakailang katok na ako pero wala pa ring lumalabas na Pierce mula sa loob. Magtatanghali na, ah. Umalis ba siya?

“Wala riyan si Pierce, Iha. Nakita kong umalis siya kanina,” sabi ng landlady kaya tumango ako.

Hindi na ako bumalik sa unit ko at nagtungo na lang sa park. Tinatamad na rin akong magpinta at kailangan kong maglakad-lakad sa labas para makakuha ng ideya.

Nasa entrance pa lang ako ng park nang may matanaw ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Si Pierce nga! May hawak siyang camera at kinukuhaan niya ng litrato iyong paru-paro sa halamanan.

“Pierce!” tawag ko sa kaniya at agad naman siyang lumingon.

Kumunot ang noo niya at hindi ngumiti. Mukhang serious-mode na naman siya ngayon. Baka ganiyan talaga siya kapag nagtatrabaho?

“Buti nakita kita rito. Pumunta kasi ako sa apartment mo and wala ka ro’n,” nakangiting sambit ko.

Bumalik ang tingin niya sa halamanan at muling kumuha ng litrato.

“Do you need something?” he asked.

Kinamot ko ang noo ko bago huminga nang malalim.

“Ahm, gusto sana kitang kausapin tungkol kagabi,” panimula ko.

Natigilan siya bago tumayo nang maayos. Humarap na siya sa akin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan na ako ngayon.

“What about it?” he asked again.

“Ahm, s-sabi mo hindi ka naman nagmamadali na malaman ang sagot ko. Pero gusto ko nang sabihin ’to ngayon. I…”

“You what?”

I gulped. “I...like you, too.”

Napayuko ako pagkatapos kong sabihin ’yon. Para akong kakapusin ng hininga. Ngayon ko lang ginawa ’to. Kahit sa mga naging crush ko dati, hindi ako umamin.

Hindi siya kumibo kaya tiningala ko siya. Nagtatangis ang bagang niya at pakiramdam ko ay may nasabi akong hindi maganda.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya na mahigpit ang kapit sa kaniyang camera. Sobrang higpit n’on at sa tingin ko ay madudurog na ang camera.

“I have to go,” he said before walking away.

W-What? Did he just walk away?

Prank lang ba ’yung sinabi niya kagabi? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Tama ba ang desisyon ko na umamin?

Damn it!

“Ang labo mo, Pierce. Sobrang labo mo,” bulong ko sa sarili bago pinunasan ang butil ng luha na kumawala sa mata ko.

*****

Mabilis na lumipas ang isang linggo at hindi ko na ulit nakita si Pierce. Hindi rin kasi ako nananatili sa apartment dahil ayaw kong makita maski anino niya.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa ’yon pero mas mabuting hindi na lang. Hindi rin naman siya gumagawa ng paraan para magkausap kami kaya siguro wala talaga siyang pakialam sa akin.

Nasa Galleria ako ngayon at naghahanap ng bagong idi-display sa apartment. Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan ang caller I'd.

“Hello?” I said.

“Good afternoon, Miss Evangelista. Nandito po ako sa harap ng apartment n’yo. May package po kayo,”

Kumunot ang noo ko at napatingin sa aking cellphone pero unregistered number ang tumawag.

“Package? Pero wala po akong in-order,” sagot ko.

“May nagpadala lang po, Miss. Bayad na po ito. Ang bilin po sa ’kin ay i-deliver po sa address n’yo.”

Naguguluhan man ay umuwi ako agad para makita kung anong package iyon. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang pangkaraniwang painting lang naman iyon.

Sino namang magpapadala sa akin mg painting?

May card na nakaipit sa canvas kaya binasa ko iyon.

Tear it.

Nakaturo iyon sa maliit na butas sa canvas kaya kahit nagtataka ay pinunit ko iyon. Napasinghapa ko nang makitang hindi lang pala basta-bastang painting ito.

Ito ’yung...painting doon sa auction! Spoliarium ni Juan Luna! Oh shit!

Bakit napunta sa ’kin ’to? Hindi naman ako nag-bid no’ng gabing ’yon!

Natigilan ako nang may maisip. Si Pierce. Siya lang naman ang kasama ko no’n. Siya lang din ang maaaring may kagagawan nito. Kailangan ko siyang makausap!

Hindi na ako nag-isip pa at agad ko siyang sinugod sa kaniyang apartment. Bumukas ang pinto at nang sisigawan ko na sana siya ay natigilan ako.

Si Pierce...may pasa sa magkabilang pisngi. Mukhang matagal na iyon pero hindi pa rin magaling.

“Marilee…” sambit niya.

“What happened to your face? Nakipagbugbugan ka ba?” tanong ko at hindi ko maiwasang mag-alala.

Hindi siya sumagot at basta na lang akong kinulong sa yakap niya. Mahigpit iyon na parang ayaw na niya akong pakawalan.

“I missed you. Akala ko hindi mo pa rin ako kakausapin. Palagi kang wala sa apartment mo at alam kong iniiwasan mo ako,” sambit niya at ramdam ko ang kalungkutan doon.

Pumikit ako nang mariin at humiwalay sa yakap niya. Mataman ko siyang tinitigan.

“What do you expect? Pinaglaruan mo ako, Pierce. You made me confessed then you left me!—

“I didn't. I…” Huminto siya sa pagsasalita na para bang hindi niya alam ang sasabihin. “I’m sorry. I know I was an idiot. May kinailangan lang akong asikasuhin. Sobrang importante at hindi ko puwedeng ipagpaliban. I’m sorry,” paliwanag niya.

I sighed. “Kaya ka ba nagkapasa? Dahil ba ’yan sa ‘inasikaso’ mo?” mariin kong tanong.

Alanganin siyang tumango. “I want to tell you about it pero hindi puwede.”

“Why? You don't trust me?”

“It’s not like that. It's just...too dangerous for you to know.”

Nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong nagduda kung sino ba talaga siya. Kung ano ba talagang pinagkakaabalahan niya bukod sa photography. Sigurado akong may iba pa siyang hindi sinasabi.

“But I want you to trust me, Marilee. When I said I like you, I really do,” he told me sincerely.

Trust him? Should I? Gusto ko siyang pagkatiwalaan. Siguro kailangan ko ring makuha nang buo ang tiwala niya upang magawa niyang mag-open up sa akin.

“Okay, I trust you,” I told him.

He nodded. “Let’s take everything slow. Kung hindi ka pa handa na sagutin ako—

“Sinasagot na kita, Pierce. Dahil may tiwala ako sa ’yo. Na hindi mo ako lolokohin,” putol ko sa sinasabi niya.

Napangiti siya at muli akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

Parang gusto kong kutusana ng sarili ko. May pasabi-sabi pa ako na hindi na ako makikipagbati kay Pierce pero ito ako ngayon. Hayst.

“Anyway, I went here because of that painting inside my apartment. Bakit nasa akin ’yon? Ikaw ba ang nag-bid no’n?” tanong ko sa kaniya.

Muli siyang natigilan at parang may iniisip.

“Nope. Pero kilala ko ang nag-bid sa painting na ’yan kaya nakipag-negotiate ako sa kaniya para mabili ko ang painting. Did you like it?”

Umirap ako. “Hindi. Ayaw ko nang may gano’n kamahal na gamit sa apartment ko. Paano kung manakawan ako? Pierce naman…”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Relax, you don't have to worry about it. Puwedeng dito mo iyon ilagay sa apartment ko. O kaya naman takpan ulit natin ng ibang painting para hindi agaw-pansin.”

“Fine! But before that, gamutin muna natin ’yang pasa mo. Mukhang hindi mo inaasikaso ’yan ah,” sermon ko sa kaniya.

Nagtungo ako kung nasaan ang kaniyang first aid kit. Nakaupo na siya sa sofa habang pinagmamasdan ako.

“You’re ignoring me that’s why I didn't bother mending my wound. Ikaw pa naman ang personal nurse ko,” naglalambing na sabi niya pero umirap lang ako.

“So, kaya mo pala ako nagustuhan para may tagagamot ka? Aba, sinusuwerte ka naman yata. Sa susunod na magkaroon ka ng pasa, daragdagan ko pa ’yan!”

He chuckled. “Noted, love.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top