Chapter 14
CHAPTER 14
Night
Another week has passed and I could say that my life has been better these past few days.
Lalo pa ngayon at mayroon akong pinagkukuhaan ng gagastusin ko sa araw-araw. Nag-iipon na rin ako para makalipat na ako sa ibang apartment. Nakakahiya na kasi kay Aleisha na ang tagal ko na rito sa apartment niya, though sinabi naman niya sa ’kin na ayos lang daw ’yon.
Kasalukuyan kong kino-compute ang mga kinita ko nitong nakaraang buwan. Nililista ko rin kung ilang painting ba ang naibenta ko at kung sino-sino ang mga naging buyer ko.
Hapon na nang matapos ako sa ginagawa at habang binabasa ang inilista ko ay mayroon akong napansin. Sa halos anim na paintings na naibenta ko ay apat doon ay si MysteriousAzure ang bumili.
Kadalasan pa ay dinaragdagan niya ang bayad kaysa sa original price. Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino siya.
Nakararami na pala siya ng binibiling artwork sa ’kin, siguro sa susunod bibigyan ko na siya ng discount o kaya naman freebie.
I hope to see this person soon.
Napaangat ako ng tingin nang biglang may kumatok. Isinalansan ko na muna ang mga papel na ginamit ko bago ko binuksan ang pinto.
Bumungad sa ’kin si Pierce na mukhang kagagaling lang sa importanteng lakad dahil napaka-pormal ng suot niya.
“Hey. Kauuwi mo lang? May kailangan ka ba?” nakangiting bungad ko sa kaniya.
Seryoso niya akong pinagmasdan kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang ang seryosong Pierce na naman ang kaharap ko ngayon.
Nitong mga nakaraang araw pa ay mas napansin ko na paiba-iba ang mood ni Pierce kapag nagkakausap kami. May araw na sobrang masayahin siya at may araw naman na sobrang seryoso niya, katulad ngayon.
“I just want to invite you later to an auction event. Baka may makita kang painting doon na gusto mong bilhin,” sabi niya at hindi man lang ngumiti.
Inilagay ko ang hintuturo sa aking pisngi habang nag-iisip. Auction event? Marami na akong naririnig tungkol sa mga gano’ng event.
Paniguradong magaganda at limited lang ang paintings na i-au-auction nila ro’n.
“Gusto ko sana pero wala naman akong susuuting damit para sa gano’ng event. Saka, bakit ako ang naisipan mong i-invite?” alanganing tanong ko at napaiwas ng tingin.
Napapaisip tuloy ako na baka inaaya niya akong maging date mamaya sa auction party. Pero imposible rin. Marami namang ibang babae diyan na mas sosyal na puwede niyang isama.
“Don’t worry about your dress, I handled it already. Just be with me...at the auction,” he stated.
Huminga ako nang malalim bago tumango. Pinipigilan kong ngumiti nang malapad dahil sa sinabi niya. Nagwawala ang mga paru-paro sa aking sikmura sa kilig.
He wants me to be with him. Para bang wala siyang ibang gustong isama ro’n kundi ako.
Okay, Marilee, that's enough! Out of this world na masiyado ang naiisip mo!
“I’ll fetch you at seven. Be ready.”
Pagkaalis ni Pierce ay isinarado ko na ulit ang pinto. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Aleisha.
“Aleisha, OMG! Pierce and I will be going to an auction party!” I exclaimed when she answered my call.
I heard her squeal on the other line. “Talaga?! As in, you’re his date?”
Ngumuso ako. “Well, hindi naman niya sinabing gano’n pero obvious naman na ’yon, ’di ba?”
“Yeah, right! Kailangang mag-ayos ka nang bongga, though maganda ka naman na pero dapat ikaw lang ang makita ni Pierce ngayong gabi!”
Magsasalita pa sana ako nang may kumatok ulit.
“Ahm, Aleisha. May kumakatok, sandali lang. Tawagan kita ulit mamaya,” sabi ko.
“Sure! Send me a picture of your look!”
Pinatay ko ang tawag at muling binuksan ang pinto. Bumungad naman sa ’kin ngayon ang isang babae na may bitbit na box.
“Hi, Miss Marilee, I’m Ashley. Ito na po ang dress na isusuot n’yo and also ako po ang mag-aayos sa inyo para sa party,” sabi ng babae kaya napamaang ako.
Woah! Hindi lang dress ang inihanda ni Pierce para sa ’kin, mayroon pang makeup artist? Hindi naman halatang pinaghandaan niya ito, ah?
“Oh, sure. Pasok ka,” sambit ko at pinapasok siya sa loob ng apartment.
Saktong alas-sais ay nag-umpisa na siyang ayusan ako at natapos kami nang mag-a-alas-syete na. Tinulungan niya rin akong isuot ang dress na binili ni Pierce sa akin.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin ay hindi ko maiwasang mamangha.
Pierce bought me a white fitted halter dress that ended up on my mid-thigh. Saktong-sakto ang sukat nito sa akin kaya napapaisip ako kung paano nahulaan ni Pierce ang sukat ko?
Ashley tied my hair into a high ponytail with loose curls on either side of my face. She also put light makeup on my face.
“I look... different,” I muttered.
“You look awesome, Miss Marilee. Isa na lang ang kulang,” sabi ni Ashley kaya nilingon ko siya.
Ipinakita niya sa ’kin ang pares ng takong. It is a skin tone color that really matched the dress. Sa tingin ko ay 3-inches ang taas nito.
Hindi ko alam na may kasamang sandals pala ang ibinigay ni Pierce sa akin. Magkano kaya ang ginastos niya rito? Hindi naman halatang gustong-gusto niya akong isama ro’n, ah?
Sabay kaming napalingon ni Ashley sa pinto nang may kumatok. Siya na ang nagbukas n’on at natanaw ko kaagad si Pierce na nakabihis na rin.
Our eyes met and my knees almost weakened with his stare. Pinasadahan niya ako ng tingin at gano’n din ako sa kaniya.
He looked...dashing. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang itim na suit at pants. Maayos din ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok at hindi ko alam kung bakit parang gusto kong hawakan iyon.
“Ready?” he asked.
I nodded. “Yes, I’m ready.”
Lumapit na ako sa kaniya at muli kong nilingon si Ashley. Nginitian ko siya bilang pasasalamat.
“Ashley, you may go home already. Thanks for helping Marilee,” Pierce told her.
Sabay kaming bumaba ni Pierce at inaalalayan niya ako sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit kapag ganitong seryoso siya ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Samantalang kapag normal naman ang mood niya ay panatag ang kalooban ko.
Puwede bang mahulog ka nang husto sa ibang katangian ng isang tao? Parang nararanasan ko ngayon? Iyong mas nararamdaman kong gusto ko siya kapag ganitong masungit-mode siya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang mamahaling kotse na nakaparada sa harap ng apartment. Hindi ko sana iisipin na kay Pierce iyon pero doon siya lumapit.
“K-Kotse mo ’to?” nauutal kong tanong.
He shrugged. “Why? Is there a problem?”
“It means, you're rich? Bakit hindi ko alam? I mean, hindi ko naman kailangang malaman. Pero...nandito ka nakatira sa apartment. Aish! Nevermind.”
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya at inalalayan akong makasakay. Hindi pa rin ako makapaniwala kahit nasa loob na ako ng sasakyan niya. Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan siyang umikot papunta sa driver's seat.
Ngayon, mas napagtanto ko na hindi ko pa pala talaga kilala nang lubos si Pierce. Ni hindi ko nga alam kung saang lugar ba siya nakatira. Samantalang ako, parang naikuwento ko na ang lahat sa kaniya.
Agad niyang binuhay ang makina pagkapasok sa sasakyan at nagmaneho na paalis. Tahimik ang paligid pero hindi naman ako naiilang. Kumbaga, komprotableng katahimikan ito.
“Malayo ba ang venue ng auction?” tanong ko nang makitang nalampasan na namin ang arko ng Arco City.
Ngayon lang ako nakalabas ng Arco City mula nang dumating ako rito. Bigla tuloy akong na-excite dahil makakapasyal pala ako sa ibang lugar nang kasama si Pierce.
“Nasa kabilang lungsod lang naman ang venue. Medyo malapit na tayo,” sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.
Tumango at tumingin na lang sa labas. Natatanaw ko ang maliwanag na buwan na kahit hindi pa masiyadong malalim ang gabi ay kitang-kita na ang kagandahan nito.
I dreamed to watch the moon with someone I love. I dreamed to lay under the night sky while listening to his heartbeat. And that someone? I hope it would be Pierce. Siya lang naman ang lalaking nagustuhan ko at sa tingin ko ay hindi na ako magkakagusto sa iba.
Ngayong gabi, balak kong umamin na sa kaniya. Bahala na kung anong kalabasan ng gagawin ko. Basta gusto kong sabihin na sa kaniya ang nararamdaman ko.
Ilang minuto pa ang ibinyahe namin bago nag-park si Pierce sa harap ng isang building. Pagpasok sa entrance ay doon ko napansin na isang hotel pala ito.
Kumikintab ang sahig na halos puwede na akong manalamin dito. Naglalakihan din ang mga chandelier sa itaas at talagang nakamamangha ang interior design nito.
“Good evening, Sir, Miss. This way please.”
Iginiya kami ng isang crew sa hallway papunta sa pinaka-venue ng event. Binuksan ang malaking pintuan at muli akong namangha sa nakita.
It was like I’m in a ballroom hall. May mga upuang nakahilera sa magkabilang gilid at marami-rami na rin ang mga tao rito.
Lahat sila nakapostura at halatang mga mayayaman. Mabuti na lang talaga at pinaayusan ako ni Pierce dahil kung hindi baka nagmukha lang akong basahan kapag tumabi ako sa mga tao rito.
Lumapit ako kay Pierce at humilig sa braso niya upang bumulong.
“Huwag mo akong iiwan dito, ha? Baka mawala ako,” bulong ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga tao at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
Nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil doon.
Kinuha niya ang aking kamay at siya na mismo ang nag-angkla ng braso ko sa braso niya.
“Stay close,” he whispered.
Nagtungo kami sa pinakaunahang hilera ng mga upuan at doon kami naupo ni Pierce. May timer sa unahan at sa tingin ko ay iyon ang countdown para sa pag-uumpisa ng auction. So, sampung minuto pa bago mag-umpisa ang event na ito.
Kanina, nalaman ko na puro artworks ng Filipino painters ang i-au-auction nila ngayong gabi. Mas lalo lang akong na-excite dahil makikita ko nang personal ang mga original na gawa ng mga tanyag na pintor sa Pilipinas.
Nag-umpisa na ang auction at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa taas ng bini-bid nila para sa bawat auctioned item.
Kung may gano’ng kalalaking pera lang siguro ako ay baka nakipagsabayan na rin ako sa mga tao rito. Si Pierce naman ay tahimik lang sa aking tabi. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang balak na mag-bid o hindi niya lang gusto ang mga ipinapakita sa harapan. Pero kanina ko pa napapansin na panay ang pagpindot niya sa cellphone niya.
Pumunta lang ba siya rito para makipag-text?
“The next item to be auctioned is the Spoliarium by Juan Luna. The starting bid is 25 Million. We’re now taking bids,” the host announced.
Napaupo ako nang tuwid nang makita ang painting sa harapan. Sunod-sunod agad ang mga nag-bid dahil sa maganda at sikat na painting na nasa harap.
“You want that?”
Bahagya akong napaigtad nang bumulong si Pierce sa tainga ko. Nilingon ko siya habang nakangiti.
“Of course! I love paintings. Pero kung bibilhin ko ’yan, wala naman akong pera. At saka, saan ko naman idi-display? Paniguradong agaw-pansin ’yan sa mata ng mga magnanakaw,” sagot ko sa kaniya.
Hindi siya kumibo kaya ibinalik ko ang tingin sa harapan.
“60 Million!”
Woah! Nilingon ko iyong sumigaw n’on at nakita ang isang babae. Mukha nga siyang mayaman at hindi magpapatalo.
Ganito siguro palagi ang pinagkakaabalahan ng mga mayayaman. Sa dami ng pera nila, baka sa mga auction event na sila lagi nagpupunta.
“70 Million!”
Nalipat naman ang tingin ko sa lalaking naka-itim din na suit at may hawak na cellphone. Mukhang ang nag-bi-bid ay iyong taong kausap niya ro’n.
“80 Million!” muling hirit ng babaeng nasa likuran.
“80 Million. Going once—
“100 Million!”
Nagsinghapan ang mga tao nang sabihin iyon ng lalaking nakaitim. Silang dalawa na lang no’ng babae ang nagpapataasan ng bid at parehong ayaw magpatalo.
“100 Million, going once, going twice,” anunsyo ng host at wala nang ibang humirit ng presyo. “Spoliarium is now sold to Mr. Azure.”
Nagpalakpakan ang mga tao, maging ako ay hindi mapigilang mamangha. That painting was sold for a 100 Million price. Iyon ang pinakamahal na item na nai-auction ngayong gabi dahil iyon na rin ang panghuli.
“Let’s go,” Pierce whispered and I immediately followed him to somewhere.
Napakunot ang noo ko nang makitang pinindot niya ang top floor habang nasa elevator kami.
“Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko sa kaniya.
“I’ll show you something,” he answered.
Hindi na ako kumibo kahit na sobrang na-cu-curious na ako kung ano ba ang ipapakita ni Pierce sa ’kin. Pagbukas ng elevator ay bungad sa amin ang malawak na rooftop.
“Wow. Ang ganda ng view dito sa itaas,” manghang sabi ko habang inililibot ang paningin.
Kumikislap ang mga bituin sa langit kasabay ng pagliwanag ng buwan. Habang iba’t ibang ilaw rin ang natatanaw ko sa ibaba. Napakaganda.
“Stay here for a while. I’ll just prepare something,” he said and I nodded half-heartedly.
Hindi ko naman gustong maiwan dito pero maganda naman ang view kaya puwede na rin.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Pierce kaya binusog ko na lang ang aking mata sa magandang tanawin sa ibaba. Hindi ko alam kung ilang floor mayroon ang building na ito pero sobrang nakakalula kapag sinisilip ko ang nasa ibabang parte nito.
Nakarinig ako nang mga yabag ng paa papalapit kaya nilingon ko kung sino iyon. Napangiti ako agad nang makita si Pierce.
“You’re stunning,” he said, which made my heart flutter.
Nag-init ang pisngi ko kaya muli akong tumalikod sa kaniya.
“Kanina pa tayo magkasama Pierce bakit ngayon mo lang sinabi ’yan?” natatawang sabi ko pero ang totoo ay kinikilig ang buong sistema ko.
I heard him chuckle. “Yeah. I just realized it better now. May sasabihin ako…”
Lumingon ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. Seryoso na ulit ang kaniyang mukha at para bang kinakabahan siya.
“I’ll just make it quick because I don't have much time,” he said again, which confused me.
Parang nagmamadali naman yata siya ngayon? Anong mayro’n? May lakad ba siya?
“Ano ba ’yon? Kinakabahan naman ako sa ’yo,” biro ko at bahagyang tumawa para maibsan ang tensyon.
He took a deep breath. “I… I like you, Marilee.”
After he spoke, the sky lit up because of the fireworks. Napanganga ako sa pagkamangha at pagkagulat.
Is this for real? Nag-confess sa akin si Pierce at may pa-fireworks pa? Damn!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top