Chapter 13

CHAPTER 13
Gift

It’s been months since I started selling my artworks online. Pierce has always been supportive to me ever since.

Palagi siyang naglalaan ng oras para tulungan ako. Kahit nga hindi ko naman siya hinihingian ng tulong ay siya pa ang nagpre-presenta.

At dahil doon ay naging mas malapit na kami sa isa’t isa. Mas nakilala ko siya at sa tingin ko...nagugustuhan ko na si Pierce.

I know that I just met him months ago but I can't help but to get attached to him. Sobrang saya kasi niya kasama at talagang hindi niya hinahayaang maburyo ako.

Muling lumipas ang mga araw at sumapit ang birthday ko. Hindi naman ako nag-ce-celebrate ng birthday dahil wala naman akong palaging kasama mula nang mamatay si dad. Si mommy kasi ay nakakalimutan o kaya naman ay wala siyang pakialam sa birthday ko. Si Aleisha naman ay hindi ko na pinapapunta sa bahay dahil nagkukulong lang naman ako sa kuwarto buong araw.

Alas-nuebe na ng umaga at nandito lang ako ngayon sa apartment at nanonood ng T.V. Hindi na muna ako nag-paint ngayon dahil birthday ko naman. Gusto kong magpahinga buong hapon.

My phone rang and I excitedly swiped the answer button when I saw Aleisha’s name on it.

“Aleisha!” I exclaimed.

“Happy birthday, Marilee! Oh, don't tell me magkukulong ka na naman buong araw diyan sa apartment?”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Gano’n na nga siguro. Wala naman akong gagawin sa labas at tinatamad ako.”

Narinig ko ang buntonghininga niya sa kabilang linya.

“My gosh, Marilee! Nasa Arco City ka na, marami kang puwedeng gawin diyan ngayong birthday mo! Bakit hindi mo isama si Pierce?”

Natigilan ako nang dahil doon. Nabanggit ko kasi kay Aleisha na naging close na kami ni Pierce sa isa’t isa at hindi na niya ako tinigilan sa pagiging love guru niya. Kesyo, si Pierce na raw si Mr. Right ko.

“Busy si Pierce ngayon. Saka nakakahiya namang isama ko siya samantalang palagi ko siyang naaabala kapag nagbebenta ako ng paintings ko!” paliwanag ko.

Totoo naman iyon. Kahapon ay sinabi sa akin ni Pierce na may aasikasuhin daw siya ngayon kaya hindi niya ako matutulungan sa online selling ko. Hindi ko naman nabanggit sa kaniya na ngayon ang birthday ko at wala akong balak na magtrabaho ngayong araw.

“Okay, fine. Mukhang sumasang-ayon nga ang tadhana na magmukmok ka ulit ngayong birthday mo. O sige na, I’m gonna hang up already. Happy birthday ulit! ’Yung gift ko ipapadala ko na lang diyan. I love you,” she said and I can't help but laugh.

“Thank you in advance for the gift! I love you, too!”

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa panonood ng T.V. Wala naman akong naiintindihan sa pinapanood ko kaya pinatay ko na lang din iyon.

Sa ilang buwan kong pananatili rito sa Arco City ay pakiramdam ko ang laki ng pinagbago ko. Maybe, it's because of the people around me. Gano'n daw talaga kalag napaliligiran ng magaganda at mabubuting tao o lugar, nahahawaan ka rin ng kagandahan nito.

Napasulyap ako sa family portrait namin at bigla kong naalala si mommy. Hindi ko pa siya ulit nakakausap mula nang umalis ako sa bahay.

Tawagan ko kaya siya? Siguro naman puwede ko na siyang kausapin ngayon? Sobrang nami-miss ko na kasi siya. Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang mga buwan na hindi kasama si mommy.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan ang number ni mommy. Sana nga lang ay hindi pa siya nagpapalit ng numero. Nagpalit kasi ako ng number kaya hindi agad malalaman ni mommy na ako ang tumatawag.

Kumabog ang aking dibdib nang mag-ring ang tawag. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone habang hinihintay na may sumagot sa tawag.

“Hello? Who's this?”

Natutop ko ang aking bibig nang mabosesan si mommy. Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.

“H-Hello? M-Mommy? Kumusta na po?” nauutal kong sambit.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan bago ko narinig ang pagsinghap ni mommy sa kabilang linya.

“Marilee?”

“Yes, mommy. I missed you—

“Hindi ka dapat tumawag sa ’kin. Kung nangangamusta ka lang ay maayos lang ako rito. Hindi mo kailangang mag-alala. Ibababa ko na ang tawag.”

“Mommy, wait lang po—

Nanlulumong ibinaba ko ang cellphone nang putulin ni mommy ang tawag. Napabuntonghininga ako ulit.

Hindi man lang niya ako binati. O baka nakalimutan niya ulit kagaya nang dati.

Huminga ako nang malalim bago tumayo mula sa sofa. Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako magmumukmok dito sa apartment buong araw. Pupunta na lang ako sa park.

Nagpalit ako ng damit at agad na umalis ng bahay. Pagdating sa park ay natuwa pa ako dahil walang ibang tao rito. Maso-solo ko ang buong park ngayong araw!

Nagtungo ako sa kabilang parte kung saan may mga bench sa ilalim ng puno at doon ko napagtanto na mali pala ako ng akala kanina. Dahil may ibang taong nandito sa park.

Kumunot ang noo ko nang ma-realize kung sino siya.

“Pierce?” gulat na tanong ko sa lalaking nakatungo sa kaniyang camera. Nag-angat siya ng tingin sa ’kin gamit ang walang emosyon niyang mukha.

Si Pierce nga! Pero parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano pero pakiramdam ko may mali.

“Nandito ka rin pala. Akala ko maso-solo ko na ang buong park,” natatawang sabi ko bago naupo sa kaharap niyang upuan.

Pinagmamasdan niya ako kay bigla akong nailang. Sa uri kasi ng paninitig niya ay parang pinag-aaralan niya ako.

“Malawak naman ang park, puwede tayong mag-share,” saad niya kaya napairap ako.

Sumandal ako sa upuan at ipinagkrus ang aking braso. Gano’n din ang ginawa niya kaya napangisi ako.

“Hulaan mo kung anong mayro’n ngayon? Kapag nahulaan mo, ililibre kita!” hamon ko sa kaniya.

Hindi man lang niya inalis sa akin ang paningin niya. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko ngayong araw kaya natutulala siya sa ’kin.

“It’s your birthday,” he said and my eyes went wide.

Dinuro ko siya. “P-Paano mo nalaman? Nasabi ko ba sa ’yo? O baka ini-stalk mo ako?! O kaya naman nangalkal ka sa mga I’d ko?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Ngumisi siya at umiling. “Obvious naman. You're wearing red shirt. At kadalasan kapag birthday ng isang tao, ’yan ang itinatanong nila.”

Napairap ako. “Kahit na! Porke’t naka-red, birthday agad?”

Nagkibit-balikat na lang siya at may kinuha sa dala niyang paper bag. Inilapag niya sa mesa ang isang itim na box at may tatak ng sikat na pangalan ng jewelry shop.

“That’s my gift for you,” he said and motioned at the box.

I looked at him with my knitted forehead. Dahandahan kong kinuha ang maliit na box at binuksan iyon. Sa unang tingin ay inakala kong bracelet iyon pero nang mabasa ko ang nakasulat sa loob ay anklet pala.

“Wow,” I muttered.

It is a silver anklet with the initials of M and P as a design. Gusto kong tanungin kung parang couple anklet ba ’to pero nakakahiya kaya hindi ko na itinuloy.

“Thanks for this. But wait, ibig sabihin alam mo talaga ang birthday ko? Kasi may regalo ka agad, eh! May nalalaman ka pang red shirt at common question, alam mo naman pala talaga!” naiinis na sabi ko.

Umiling siya at kinuha ang regalo niya sa ’kin. Napatayo ako para bawiin ’yon dahil akala ko ay kukunin niya ulit pero lumapit siya sa ’kin at muli akong pinaupo.

“Anong gagawin mo? Hoy, regalo mo ’yan sa ’kin kaya wala nang bawian,” sambit ko.

“Tss!” Sumimangot ako dahil napakasungit niya ngayon. Lumuhod siya sa harapan ko at nag-init ang aking pisngi nang siya mismo ang naglagay ng anklet sa paa ko.

Nagsalubong ang paningin naming dalawa nang tumingala siya. Sobrang seryoso ng titig niya sa ’kin at para akong matutunaw.

“Always wear this one for your protection,” he said, which confused me.

Hindi ko mapigilang matawa. “Protection? Bakit anting-anting ba ’to? Saan naman ako nito poprotektahan?” sunod-sunod na tanong ko.

Umiling siya at tumayo na. May mali talaga sa kaniya ngayon. Dati naman tumatawa siya sa mga biro ko kahit na ang corny pero ngayon parang galit siya sa mundo.

May dalaw ba siya?

“I have to go. Happy birthday again—

“Luh, aalis ka na agad?” Natigilan ako nang muli niya akong tingnan. “I mean, kung busy ka, sige puwede ka nang umalis. Salamat ulit sa regalo.”

Tumango lang siya at hindi na kumibo. Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Napabuntonghininga ako at tiningnan ang anklet na regalo ni Pierce.

“Kahit na mukhang bad mood siya, binilihan niya pa rin ako ng regalo. Hayst, Pierce. Bakit ka ba ganiyan?” bulong ko sa sarili.

Nang sumapit ang tanghali ay umuwi na ako sa apartment para kumain. Wala na akong balak lumabas maghapon dahil matutulog ako. Saka, natanggap ko na ang regalo ni Pierce kaya kumpleto na ang birthday ko.

Bandang alas-sais ng gabi ay magluluto na sana ako nang biglang may kumatok. Agad akong nagtungo sa pinto at pinagbuksan iyon.

“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday...happy birthday, Marilee.”

Pinanliitan ko ng mata si Pierce habang nakatayo siya sa harapan ko at may hawak na cake. Sobrang lapad ng ngiti niya hindi katulad kanina na halos hindi maipinta ang kaniyang mukha.

“What’s with the face? Hindi mo gusto itong cake o ’yung pagkanta ko?” tanong niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

“Pierce—

“Papasukin mo muna ako dahil nangangalay na ako rito. Sige ka, hindi ko ibibigay ang regalo ko sa ’yo,” pananakot niya pero hindi naman ako kinabahan.

Mas kinakabahan ako sa nangyayari kay Pierce. Ibang-iba siya ngayon kaysa kanina. I mean, alam kong may gano’ng pagkakataon talaga na nag-iiba tayo ng ugali pero sa kaniya, hindi ko maipaliwanag.

“Kahit hindi mo na ibigay sa ’kin ang regalo na ’yan, binigyan mo naman na ako kanina ng anklet,” sabi ko at napansin ko ang pagkatigil niya sa paghihiwa ng cake.

“Ah, oo nga. Binigyan na kita ng anklet kanina pero s’yempre may dagdag pang regalo dahil special ka ngayong birthday mo,” sagot niya at iniabot sa akin ang isang box na pahaba.

May ideya na ako agad kung anong laman nito at nang buksan ko ay tama nga ako. Isang kuwintas na may pulang pendant.

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.

Napangiti ako bago mag-angat ng tingin kay Pierce. Pakiramdam ko ang special ko talaga ngayong araw. Kanina, kumpleto na ang birthday ko pero ngayon sobrang kumpleto na at dahil pa rin iyon kay Pierce.

“Sobrang ganda nito. Thank you. Though, ayos lang sa ’kin kahit isang gift lang. But still, I appreciate this,” I told him.

He smiled. Iyong ngiti na hindi ko nakita sa kaniya kanina sa park.

“You deserve it. Halika na, kainin na natin itong cake,” pag-aaya niya kaya natawa ako.

Naupo na kami pareho sa mesa at nilantakan na ang cake na bitbit niya.
“Alam mo kanina, nakakatakot ka. Sobrang seryoso kasi ng mukha mo. Siguro gano’n ang itsura mo kapag nasa trabaho ka, ’no?” tanong ko bago sumubo ng cake.

Nasamid si Pierce kaya agad ko siyang inabutan ng juice. Pulang-pula ang mukha niya at halatang kinapos talaga siya ng hininga.

“Ayos ka na? Dahandahan lang kasi sa pagkain,” bilin ko.

He took a deep breath. “I was not in a good mood earlier. But still, I managed to give you a gift, right?” I nodded. “Gano’n talaga ako kapag may pinapatrabaho sa ’kin ang magulang ko.”

Tumango ako bilang pag-intindi. Gano’n nga ang naisip ko kanina kaya iba ang awra ni Pierce pero may parte pa rin sa ’kin ang hindi naniniwala. Ayaw ko naman na siyang kulitin at usisain pa dahil baka mapikon lang siya. Siguro sasabihin niya naman sa ’kin ’yon kapag komportable na siya. Sa ngayon, tatanggapin ko na muna ang paliwanag niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top