Chapter 10
CHAPTER 10
Coincidence
“Bata, anong pangalan mo?”
Lumingon ako sa batang lalaki na tumabi sa akin. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pag-d-drawing. Sabi kasi ni daddy, don't talk to strangers daw.
“Bata, tinatanong kita. Siguro wala kang dila, 'no? O baka bingi ka?”
Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin.
“Hindi ako bingi 'no. Saka may dila ako. Ito o!” Ipinakita ko sa kanya ang aking dila. “Ikaw, bakit kasi ang kulit mo? Isusumbong kita kay daddy!”
Agad akong tumayo at tumakbo palayo sa kanya.
“Hoy, teka! Huwag kang tumakbo!”sigaw niya pero hindi ako huminto.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa natisod ako sa bato at nadapa. Agad akong umiyak nang maramdaman ang sakit sa tuhod ko.
“Aray ko. Huhuhu, Mommy! Daddy! Ang sakit!” Humikbi ako sa hapdi ng sugat ko. “Ang sakit-sakit.”
“Hindi ka kasi dapat tumakbo,”
Tumingala ako sa nagsalita at nakita ko ang isa pang batang lalaki. Napakurap-kurap ako habang siya ay lumuhod sa harapan ko para tingnan ang aking sugat.
Kamukha niya iyong bata kanina na humahabol sa 'kin. Pero itim ang mata no'n habang sa kanya naman ay blue.
“Di ba kulay black ang mata mo kanina? Bakit kulay blue na ngayon?” nagtatakang tanong ko ngunit hindi siya sumagot.
Nilagyan niya ng panyo ang aking sugat at itinali iyon sa aking tuhod.
“Yan kasi, tumakbo ka pa. Nagtatanong lang naman ako ng pangalan mo.”
Lumingon naman ako sa bagong dating at nanlaki ulit ang aking mata nang makita iyong bata kanina may itim na mata.
“Magkamukha talaga kayo!” mangha kong sabi habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila. “Kambal ba kayo?”
Napabalikwas ako ng bangon at nasapo ko ang aking ulo. Panaginip. Kakaibang panaginip. Napanaginipan ko na ito noon.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto. Nasa sala pa lang ako nang bigla akong natigilan.
Ang huling naalala ko ay naglalakad ako habang umuulan dahil sinusundan si Blue-eyed man. Muntik pa nga akong masagasaan mabuti na lang at may nagligtas sa akin.
Pero paano ako nakauwi rito? Siya ba ang naghatid sa 'kin? At sinong nagbihis sa 'kin, siya rin ba?
Umiling ako at muling bumuntonghininga. Nagtungo ako sa kusina at napansin ko na may nakahanda ng pagkain sa mesa. Magtataka sana ako kung sino ang nagluto n'on nang biglang bumukas ang pinto ng unit ko.
Pumasok mula roon si Pierce na natigilan din nang makita ako. Nagkatitigan kaming dalawa bago siya sinamaan ng tingin.
“Anong ginagawa mo rito? Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok? Naka-lock 'yan ah!”
Napaatras siya at nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko.
“Kumalma ka muna,”sabi niya pero hindi ako sumunod.
“Magpaliwanag ka bago pa kita sipain palabas. Hindi porke't magkaibigan na tayo ay basta ka na lang papasok dito.”
Tumango naman siya. “I know. But first of all, ako ang naghatid sa 'yo rito. Matapos mo kasing mawala sa ice cream parlor, s'yempre hinanap kita. Tapos nakita kita sa waiting shed, natutulog. Basa ka pa nga, e. Naligo ka ba sa ulan?”
Kinunutan ko siya ng noo. “Imposible. May kasama ako bago ako nawalan ng malay. Kaya paano naman ako mapupunta doon sa shed?”
“Aba, malay ko,” sabi niya kasabay ng pagkibit-balikat. “Siguro iniwan ka ro'n ng kasama mo. Teka, sino ba 'yan? 'Di ba bago ka lang dito?”
Huminga ako nang malalim. Kung tama ako na si Blue-eyed man ang nagligtas sa 'kin, bakit naman niya ako iiwan doon? Hindi man lang ako dinala sa clinic? Sa waiting shed talaga? Saka, anong ginagawa niya rito sa Arco City?
Coincidence na naman ba ang pagkikita namin? Pansin ko talaga na kapag nangangailangan ako ng tulong, parati siyang nandiyan.
Hindi kaya...
“Kumain ka na, ako ang nagluto niyan.” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ulit si Pierce.
Sumulyap ako sa pagkain na nasa mesa.
“Sigurado kang walang lason 'to? At bakit mo naman ako ipinagluto? Parte pa rin ba 'to ng apology mo?”sunod-sunod kong tanong.
Napakamot siya sa ulo na parang nauubusan na ng pasensya. Mag-iinarte pa sana ako pero dahil kumalam na ang sikmura ko ay kinain ko na lang iyon.
In fairness, magaling siyang magluto. Puwede nang maging asawa—
Nasamid ako sa naisip ko kaya agad akong uminom ng tubig. Napalingon naman sa 'kin si Pierce na ngayon ay may kausap sa phone.
Nang matapos ang tawag niya ay sinenyasan ko siyang lumapit. Pinaupo ko siya sa katapat kong upuan.
“Nasaan ang family mo? Ikaw lang ang nandyan sa unit mo, e,”tanong ko at nakita ko siyang natigilan. Bigla tuloy akong tinamaan ng hiya. Parang ang feeling close naman ng dating ko. “Ah, never—
“Nasa ibang lugar sila. Abala sa pagpapayaman,” sagot niya at hindi ko alam kung bakit parang may pait akong nalasahan doon.
“May kapatid ka ba?” tanong ko ulit at mas naging seryoso ang kanyang mukha.
“Meron. Nasa malayo rin.”
Tumango-tango ako nang may naalala. “Teka, kung ikaw ang nag-uwi sa 'kin dito, ibig sabihin ikaw rin ang nagbihis sa 'kin?!” gulat kong tanong sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na umiling nang ilang beses.
“Hindi 'no! Hindi ko naman gagawin 'yon, napakabait ko kaya! Pinakiusapan ko si Aling Fe na siya na lang ang magbihis sa 'yo,” paliwanag niya.
“At sino naman si Aling Fe?!”
“Iyong matandang babae na nag-akala na may ginagawa tayong kababalaghan sa unit ko.”
Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman ang nangyari no'ng nakaraan.
“Argh! Bakit pinaalala mo pa sa 'kin?! Nakakahiya 'yon!”
“Nagtanong ka edi sinabi ko! Ang gulo talaga ng mga babae. Kumain ka na nga lang,” utos niya sa 'kin.
Hindi ko na naman mapigilang mapairap.
“Pasalamat ka at masarap itong niluto mo.”
“S'yempre, masarap ang nagluto.”
Tamad ko siyang tiningnan at humagalpak naman siya ng tawa.
Sumulyap siya sa kanyang relong pambisig bago muling tumingin sa 'kin.
“Alas-otso na pala. Babalik na ako sa unit ko at baka kung ano na namang isipin ng mga kapitbahay natin.”
Bumaba ang tingin ko sa aking plato at pakiramdam ko bigla na lang akong nalungkot. Halos kutusan ko pa ang sarili ko. Bakit naman ako malulungkot na babalik na siya sa unit niya? Isang buong araw lang kami magkasama, na-attach na agad ako? No way!
“Sige, pakisarado na lang ang pinto. Thank you pala sa dinner,” sambit ko.
Ngumiti siya at naglapag ng tatlong potchi sa mesa.
“Good night, Marilee.”
Agad din siyang umalis pagkatapos sabihin iyon. Hindi ko mapigilang ngumiti. Kakaiba talaga ang lalaking 'yon. Para bang wala siyang pinoproblema sa buhay. Palaging bungisngis at nang-aasar.
Pero sabi nga nila, huwag daw magpapalinlang sa ipinapakitang katauhan ng iba. Malay ko ba na sa likod ng ngiti ni Pierce, may madilim din pala siyang pinagdaraanan.
Nang matapos kumain ay saka ako nagtungo sa kuwarto at nahiga. Nakatingala ako sa kisame kagaya nang madalas kong gawin gabi-gabi para makatulog. Pero iba ang gabing ito. Ni hindi ako dinadalaw ng antok.
Pagpatak ng alas-diyes ng gabi ay napagpasyahan kong bumangon at mag-sketch na lang muna. Nasa kalagitnaan ako ng pagguhit nang may marinig akong malumanay na kumakanta.
Teka, katono iyon ng pinapatugtog noong nakaraang gabi.
Inilapag ko ang aking lapis at nagpasyang lumabas para alamin kung sino ang kumakanta. Ni hindi ko na inisip na baka multo nga iyon, basta kailangan kong alamin kung sino iyon.
Sinundan ko ang tunog at napansin kong nanggagaling iyon sa loob ng unit ni Pierce. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Huminto bigla ang kumakanta at bumukas ang pinto.
Bumungad na naman sa 'kin si Pierce. Nakasimangot siya ngunit nang makita ako ay agad na nanlaki ang mga mata niya.
“Anong ginagawa mo rito? Miss mo na ako agad?” tanong niya kaya agad ko siyang pinitik sa noo. “Aray! Mapanakit ka talaga.”
“Ikaw ba 'yong kumakanta? Naririnig ko kasi sa unit ko kaya nagpunta ako rito,”sabi ko sa kanya.
Agad naman siyang umiling. “Hindi ako 'yon. Ahm, mp3...tama galing sa mp3 'yon.”
Pinangliitan ko siya ng mga mata dahil hindi ako naniniwala. Baka naman siya talaga ang kumakanta pero nahihiya lang siyang aminin?
“Matulog ka na nga. Isasama kita sa amusement park bukas,”sabi niya kaya agad akong napangiti.
“Talaga?” Tumango siya. “Sige. Promise 'yan, ah. Good night!”
Siguro dahil sa excitement ay mabilis akong nakatulog at namalayan ko na lang na umaga na. Though, ang alam ko bandang hapon pa nagbubukas ang amusement park but it's okay. At least may oras pa ako para maghanda.
Binuksan ko ang kabinet at nag-umpisa nang mangalkal ng maisusuot ko. Kalahating oras na ang nakalipas ngunit wala pa rin akong napipili. May tatlong pares ng damit akong inilatag sa kama.
The first one is a red camisole top and a pair of maong pants. Second, a mustard shirt and I'm going to tuck it in a high-waisted jeans. Then the third one is a white high-neck sleeveless top matched with a black flared pants.
Pabagsak akong nahiga sa kama nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong sinagot.
“Hello,”bungad ko sa tumawag. Hindi ko na kasi tiningnan ang caller ID.
“Hi, Marilee!”
Gumulong ako padapa sa kama nang mabosesan si Aleisha.
“Aleisha! Buti napatawag ka, I need your help,”
“Bakit? May nangyari ba? May nanakit sa 'yo? Sino? Nasaan ka?”natatarantang tanong niya kaya natawa ako.
“Hoy, Marilee! Bakit ka tumatawa? Nababaliw ka na ba?”
Tinapos ko muna ang pagtawa ko bago ako huminga nang malalim.
“Ang O.A. mo naman kasi, Aleisha. Magpapatulong lang akong mamili ng isusuot ko mamaya. Pupunta kasi ako sa amusement park,”sabi ko at muling tumayo para tingnan ang mga damit sa kama.
“Sinong kasama mo?”tanong niya.
“W-Wala naman. Mamamasyal lang ako,”
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na si Pierce ang kasama ko. Samantalang no'ng nagkuwento ako sa kanya, inis na inis pa ako kay Pierce no'n.
“Kung mag-isa ka lang pala, bakit namomroblema ka sa susuotin mo? Hindi ka naman ganyan, unless may ka-date ka—
“Oy, hindi. Sige, may kasama nga ako pero hindi 'yon date!”putol ko sa sinasabi niya.
Siya naman itong malakas na tumawa. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Hmm, sige. Sabi mo e. I-send mo sa 'kin 'yung mga damit mo then pipili ako. Pero aminin mo muna na crush mo 'yang kasama mo kaya gusto mong magpa-impress,”pang-aasar niya at muling tumawa.
Umirap ako kahit hindi niya nakikita. “Shut up, Aleisha! Ang tanda ko na para magka-crush.”
“Grabe ka, twenty-three ka pa lang naman so puwede pa kahit limang crush,”
Pati ako ay natawa sa kalokohan ng kaibigan ko. Ginaya niya pa ako sa kanya na hindi nauubusan ng crush since college.
Pero, come to think of it, siguro crush ko nga si Pierce. I mean, guwapo siya saka may sense of humor though nakakainis minsan.
Gaya ng napag-usapan ay sinend ko kay Aleisha ang mga pinagpipilian kong outfit. Wala pang limang minuto ay nakapili na agad siya. Well, what do I expect from my fashionista best friend?
Saktong alas-kuwatro ng hapon nang matapos akong mag-ayos. I'm now wearing a white high-neck sleeveless top matched with a high-waisted jeans. Too casual, right? Bagay na bagay raw sa pupuntahan naming amusement park.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok sa pinto. Agad akong napatayo at pinagbuksan kung sino 'yon.
“Hi, you're ready?”
Napangiti ako at pinagmasdan si Pierce. He's wearing a gray olo shirt and a pair of pants. Hindi ko alam kung pinaghandaan niya rin ba ang paglabas namin o sadyang maporma lang talaga siya.
Kinuha ko ang sling bag ko bago lumabas ng unit.
“I'm ready. Let's go,”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top