CHAPTER 6

As the weeks turned into months, my role evolved, and I found myself taking on more responsibilities. I was entrusted with important tasks, and Doctor Valois's guidance and mentorship continued to shape me. It was both exhilarating and challenging, and I was determined to prove myself every step of the way. 

Mas naging malapit kami ni Doctor Valois sa isa't-isa pero...madalas din kaming mag-away kahit na sa maliit na bagay. 

One day, as I sat in my new office space—yes, I had my own office now—I couldn't help but reflect on the journey that had brought me here. From a fateful encounter in the hallway to becoming an integral part of Doctor Valois's world, it was a story I could hardly believe was mine.

As I glanced at the framed stolen photo of Doc. Valois. I had come a long way from my days of fumbling and blushing in his presence. And though my heart still raced when he entered the room, it was now accompanied by a newfound confidence.

Sa sumunod na araw, tinanghali na ako ng gising dahil nanood pa ako ng Winnie the Pooh. Nami-miss ko na ang dilaw na nilalang na 'yon kaya siya ang naging ka-bebetime ko kagabi. Wala kasi akong pasok sa club kaya nag-movie marathon na lang ako kagabi. 

Paniguradong patay na naman ako kay Sir Boss! May meeting pa pala siya ngayon!

Malakas at padabog kong binuksan ang pintuan ng opisina ng boss ko. Bago pa man ako magsalita narinig ko ang makalas na pagmumura niya. 

"Shit!" 

Oops...nagulat ko 'ata hehehe. Sorry naman. 

"Waaaaah! Sir Boss! Sorry na! Promise hindi ko na kakalimutan ang meetings mo! I-re-reschedule ko na lang muna ang movie marathon moment ko huhu." Lumapit ako sa pwesto niya at lumuhod. 

"Maawa ka! Have mercy on your Miss Madame! 'Wag mo akong tanggalin sa trabaho? Paano na lang kapag nawala ako? Sino ang tatawag sa'yo ng bobo at tanga at the same time?! Sino magpapa-realize sa'yo na ang pangit mo?!" I gave him a puppy eyes while pouting. 

I saw him rolled his eyes before massaging the bridge of his nose. 

Gwapo naman talaga ang Sir Boss ko, biro lang 'yung pangit siya.

Why would I stalk him in the first place kung pangit siya.  

"Stop shouting, Rish—"

"It's Miss Madame." I corrected him that made him rolled his eyes once more. 

"Whatever," he paused, "As I was saying...why the hell are you shouting? Ano na naman ang problema mo at ngawa ka ng ngawa? Para kang baliw." Nagtitimping saad niya. 

Nginusuan ko siya, "Ang harsh mo sa Miss Madame mo, Sir Boss," I said. "Eh, kasi naman! May mga kampon ni Marites akong narinig na nagchi-chikahan kanina at base sa narinig ko may tatanggalin ka daw na employee mo dahil palpak daw sa trabaho...kaya Sir Boss, I'm begging you huhu 'wag mo akong tanggalin!" Yumuko at pinagsaklop ang dalawang palad ko. 

Ayokong mawalan ng matinong trabaho! Marami pa akong babayaran! 

I heard him sigh. "Fuck. It's not you okay? It's the fucking CFO." Kaagad akong tumunghay sa sinabi niya. 

"Weh?" Baka mamaya ginogoyo na ako nito eh. 

"Yeah." He gave me a nod bago nagsimula na ulit magbasa at magpirma ng mga papeles. 

Ay...hindi naman pala ako. Safe pa rin ang work ko. 

My mouth formed 'O'. "Akala ko ako," sambit ko sa sarili ko bago tumayo. Napakunot ang noo ko at napaisip. 

Ano kaya ang ginawa ng CFO? Buti na lang pala hindi ako 'yung tinanggal. Grabe naman. 

I think mas maganda kung tuwing weekends na lang ako mag-movie marathon dahil baka kapag na-late pa ako ulit, matanggal na ako sa trabaho ko. 

Aba, sayang pinaghirapan ko! 

Nabalik ako sa katinuan nang may maramdaman akong tumititig sa akin. Tumingin ako kay Sir Boss bago siya nginitian ng pagkatamis-tamis, mahirap na baka sabihan pa akong snober at masungit. Judgemental pa naman 'yang si Sir Boss. 

Tumaas ang kilay ko nang makita ko siya napa-iling kaya tinanong ko siya. "Ano na namang problema mo, Sir Boss? Mukha kang timang na nakatingin sa akin."

"Para kang tanga." He said nonchalantly.

I gasped. "How dare you! For your information, ikaw ang mas tanga sa ating dalawa Sir Boss Crystoff Luck Valois! Sa akin mo pa ipapasa 'yang titulo mo, duh. Mas bagay sa'yo 'yan, ang titulo lang ng maganda ang para sa akin." Tumawa ako ng malakas pero nanatiling walang emosyon ang mukha ni Sir Boss kaya sinimangutan ko siya. "Ayoko na talaga! Wala kang pakisama Sir Boss! Judgemental, tanga, bobo, mapanlait, tamad at wala ka talagang pakisama! I hate you, Sir Boss! I had enough. Magre-resign na ako!"

Padabog akong naglakad papalapit sa pinto saka iyon binuksan at lumabas, padabog kong sinara ang pintuan. 

Maglalakad na sana ako pabalik sa table ko para mag-ayos ng gamit nang bigla kong maalala na hindi pa pala ako nakakabayad ng tubig, kuryente at miscellaneous fee ni Zeros. 

Napaismid ako bago pumasok ulit sa opisina ni Sir Boss. Naabutan ko siyang nagpipirma ng papeles niya. Itinaas niya ang tingin niya kaya nagtama ang mata namin.

"What?" Inirapan ko siya. "Do you need me to sign your resignation letter now?" 

Umayos siya ng upo. "Hand it to me now so you can leave my office."

"Hindi na muna pala ako magre-resign dahil kawawa ka naman wala nang maglilingkod sa'yo." Pagkukunwaring masungit na sabi ko. 

I heard him chuckle, "Really? You've mentioned to me yesterday that you haven't paid your brother's miscellaneous fee, water and electricity bill." Nakangising saa niya na nagpangiwi sa akin. 

Nasabi ko pala 'yun? 

"Ah...hehe...a-ano...joke-koke lang kasi 'yung resign-resign part ko, Sir Boss." I nervously said. "Susubukan ko kasing...mag-ano ahm...artista hehehe kaya n-nagpa-practice ako."

He nodded but it's obvious na hindi siya naniniwala. Mapagpanggap talaga. "Good. Now work your ass off and I'll pay your brother's fees and your bills." 

Nanlaki ang mata ko at tumalon-talon dahil naka-flats lang ako. Utos ni Sir Boss kaya wala akong magagawa. 

"Yieee! Salamuch, Sir Boss! Napasaya mo na naman ang sugar baby mo!"

Nakakatuwa lang dahil madalas akong i-spoil ni Cryst na parang isang sugar baby kaya tinuring ko na siyang sugar daddy. 

Sugar daddy muna, saka na ang hubby. 

Masaya akong lumabas ng opisina niya. 

Malapit na ako sa desk ko nang mapagdesisyunan kong sumilip sa opisina ulit ni Sir Boss. 

Nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa pintuan habang nakasandal sa swivel chair niya. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-flying kiss. 

"Love yah, Sir Boss!" I exclaimed as I shut the door. 

Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakiramdaman ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso. Wala sa sariling napangiti ako. 

Syet, inlababo na akong sugar baby sa aking asukal de papa. 

"I love you, Cryst...and I really mean that." I whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top