CHAPTER 2
CHAPTER 2
ISANG buwan na ang lumipas nang i-offer sa akin ni Yna ang trabaho sa club ng kanyang kaibigan. Halos wala na akong ginawa dahil siya ang umasikaso ng lahat. Siya ang nagpasa ng resume ko, siya ang kumuha ng schedule ko, at siya rin ang naghatid sa akin ng magiging uniporme ko.
Hindi ko kasi magawang maasikaso noon dahil sunod-sunod ang check-up ng kapatid ko at bukas ulit ay ibabalik ko ulit siya sa Doctor niya kaya magpapaalam ako sa boss ko na a-absent ako bukas.
I was busy cleaning a table when a colleague of mine called me.
"Rish!"
"Oh, Dhina, ikaw pala." I smiled at her. "May maitutulong ba ako sa'yo?" Tanong ko.
Her small lips painted with red matte lipstick pouted. "Daya mo, ah! Bakit hindi mo sinabing hindi ka pala papasok bukas?" She curled the tip of her blonde hair using her finger.
"Ha? Madaya? Paano ako naging madaya?" Takhang tanong ko.
Dhina stomped her feet. "Hindi mo kasi sinabi na a-absent ka bukas! E'di sana sumama na lang ako sa'yo!" Humalukipkip siya at inirapan ako.
Ay...akala ko naglalaro kami ng hindi ko alam tapos dinaya ko siya.
Saglit kong pinag-isipan ang sinabi ko sa aking sarili.
Huh? Posible ba 'yon? Ang weird naman.
Marahas akong napabuga ng hininga at napailing na lang.
Hay...paniguradong nahawaan na ako ng ka-weird-uhan ng kambal.
"Rish! Sama na ako sa inyo!" Dhina held my arms tight. Iwinaksi ko ang kamay niya.
"Bakit ba gusto mong sumama?" I raised her a brow.
"W-Wala lang! Gusto lang kita kasama hehehe." Pinanliitan ko siya nang mata nang mapansin kong naging malikot ang mata niya.
"Talaga?" I asked, doubting her answer.
"Fine! You got me!" Pagsuko niya. "Gusto ko lang makasilay sa baby ko! Nami-miss ko na si baby Zeros ko!" Aniya na kinikilig.
Ano ba ang nangyayari dito sa babaeng ito? Parang uod na binudburan ng asin. Ang likot.
Sinapo niya ang kanyang mukha. She eyed me with those dreamy eyes and started blushing making me grimaced.
Hala...muntanga.
"Sige na kasi! Tulungan mo akong kumbinsihin si Madam na mag-day-off bukas!" Pinagdaop niya ang dalawang kamay at inginuso ang mamula-mula niyang labi.
"Heh! Manahimik ka nga. Ayoko!" Sinamaan ko siya ng tingin.
Aba, landiin niya na ang lahat. 'Wag lang ang kapatid ko. Baka magpatayan kaming dalawa.
"Bruha ka, disi-sais anyos pa lang ang kapatid ko! Mahiya ka naman, 26 ka na kaya! Kakasuhan kita ng child abuse!" Singhal ko.
Nanlaki ang kanyang mata at eksaheradang suminghap. "Gaga, masyado kang hard sa akin ah! Ilang taon lang naman ang tanda ko sa kanya!" Depensa niya sa sarili.
I gasped. "Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo, 'te. FYI, 10 years po ang age gap niyo baka nakakalimutan mo." Sarkastikong tugon ko.
Dhina was clearly 5 years older than me but she asked me not to call her Ate dahil pakiramdam daw niya ay matanda na siya, which is totoo naman.
Isang breadwinner si Dhina sa pamilya niya. Walang trabaho ang kanyang mga magulang. Base sa kanyang kwento, ang kanyang Ama ay isang lasinggero at ang kanyang Ina naman ay sugalera kaya wala na siyang maaasahan sa mga ito. Si Dhina din ang sumasagot sa mga luho ng kanyang mga magulang habang pinapaaral ang kanyang apat na nakababatang kapatid.
"Pwede ba, Dhina Philie Costallano...tigilan mo na ang kapatid ko?" Asar na aniko. "Tarantada ka, nag-aaral pa 'yon! Hahanapan na lang kita ng sugar daddy mo!" I hissed at her then walked out.
Makapunta na nga lang sa Locker Room!
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa Locker Room, narinig ko ang pahabol na sigaw ni Dhina.
"Hoy, sabi mo 'yan, ah! Hanapan mo ako ng sugar daddy! Gusto ko 'yung daks na maputi!" Sabay tawa ng malakas.
Mariin akong napapikit at minasahe ang aking sintido. Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko dahil sa babaeng 'yon.
Shuta, nakakahiya talaga itong pokpok na 'to. Mabuti na lang talaga at hindi pa nagbubukas ang Club.
THE next day, maaga kaming nagtungo ni Zeros sa isang pampublikong Hospital since hindi namin afford ang pribadong Hospital.
Mabuti na nga lang ay maaga kaming nakaalis sa bahay dahil baka tanghaliin kami lalo na't traffic na naman at paniguradong marami na naman ang tao mamaya sa Hospital at matagalan pa kami.
Hindi kagaya sa ibang pribadong Hospital na kailangan pang magpa-set ng appointment bago magpa-check-up, sa pampublikong Hospital ay first come, first serve. Kailangan pang pumila.
"Ate bakit ba kasi kailangan pa nating magpabalik-balik aa Hpspital gayung wala naman na tayong pera? May mga gamot pa naman ako, ah." Kunot noong saad ni Zeros pagkasakay namin sa jeep.
"Eh, kasi po kailangan mapanatili kang healthy at maobserbahan ka ng Doctor. Gustuhin ko mang ipa-confine ka, hindi pwede dahil wala tayong sapat na pera. Alam mo naman na isang gabi lang ay katumbas ng dalawang banig na gamot mo." Sagot ko habang dumudukot ng pera sa aking lumang pitaka.
"Bakit ba kailangan pang magkasakit ako?" Aburidong bulong ni Zeros.
"Kasi po...tao ka. Malamang dadapuan ka ng sakit." I faked a laugh.
Masakit at nakakalungkot dahil ang isa't-isa na lang sandalan namin pero ang sabi ng Doctor ay mayroong malaking tiyansa na...mawala siya sa amin.
Hindi biro ang sakit niyang leukemia lalo na ngayon...habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang kanyang kalagayan ayon sa Doctor. Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang paulit-ulit siyang ibalik sa Hospital.
Kahit kapos ako sa pera, gagawin ko ang lahat para sa kapatid ko. Kahit ibenta ko pa ang katawan at kaluluwa ko...para sa kanya ay gagawin ko.
"Manong, bayad po!" Sabay abot ng pera.
"Saan galing?" Tanong nung driver.
Kumunot ang noo ko. "Malamang sa pitaka ko, Manong." Sagot ko.
Nagtaka ako ng binigyan niya ako ng isang masamang tingin.
Lah, problema nito?
"Pinagloloko mo ba ako, Miss?" Aburidong aniya.
"Ha? Ikaw nagtanong kung saab galing syempre sinagot ko! Totoo naman kasing sa pitaka ko galing 'yan, eh!" Depensa ko.
Kumamot siya sa panot niyang ulo. "Ang ibig kong sabihin ay kung saan kayo galing!"
Ah, 'di naman kasi niya nililinaw.
"'Yun naman pala! Syempre nanggaling kami sa sinapupunan ng Nanay namin!" I said proudly.
Narinig kong natawa ang ibang pasahero kasama si Zeros kaya kumunot ang noo ko.
Mga abnormal.
"Pinagloloko mo ba ako, Miss?" Galit na sabi ni Manong.
"Lah, Manong naman umasta parang hindi alam ang bagay na 'yon. Sabihin mo nga sa akin kung paano kita lolokohin kung totoo naman talaga 'yung sinabi ko?" Nalilitong tugon ko.
"Lahat naman tayo galing sa sinapupunan ng mga Nanay natin tapos lumabas tayo sa kipay nila, alangan namang ang mga lalaki ang magbubuntis. Duh, walang kipay ang mga lalaki, pero lawit meron. Mindset ba, mindset." Dugtong ko dahilan kaya mas lalong naglakasan ang tawa sa jeep.
"Ate, tama na." Nakangiti ngunit naiiling na ani ng kapatid ko saka hinarap si Manong na walang common sense.
"Manong, galing pong San Nicolas papuntang San Diego Hospital." Sagot ni Zeros ngunit nakatanggap siya ng irap mula sa driver.
Nang magtama ang mata namin ni Manong ay sinamaan ko siya ng tingin at inirapan din.
PAGKARATING namin sa Hospital ay kaagad kaming pumila. Halos ilang minuto din ang inabot namin sa pagpila.
"Anong pangalan po ng Doctor niyo?" Tanong nung nurse na babae.
"Si Doctora Nablo po." Sagot ko.
"Pasensya na po, Ma'am, pero wala po si Doctora Nablo ngayon dahil naka-maternity leave po siya ngayon." Ngumiti ng maliit ang nurse.
"Ha? Paano na 'yan?" Nag-aalalang tanong ko.
"'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Mayroon pong pansamantalang Doctor ang in-assign ni Doctora Nablo para sa iyong kapatid. Ayon kay Doctora, pinsan daw niya ang magiging Doctor niyong pansamantala kay mapagkakatiwalaan niyo po siya." Mahabang turan ng nurse.
Tumango-tango ako. "Pwede ko po bang malaman ang pangalan niya?" Tanong ko.
"Si Doc. Cryst Valois po."
"Ah. 'Kay, dot." Maikling sagot ko bago kami tumayo at nagtungi sa opisina ng bagong Doctor ni Zeros.
"Ate, ito na po siguro 'yon." Tinuro ni Zeros ang isang puting pintuan.
Nilapitan ko iyon at sumilip sa maliit na bintana sa pintuan pero wala akong nakitang tao. Sinubukan ko pa ring kumatok, baka sakaling may tao.
Ilang beses akong kumatok pero wala pa ring sumasagot o lumalabas.
"Ate, baka mali pala tayo." Hinila ni Zeros ang braso ko.
"Baka nga..." mahinang sagot ko.
Umikot ako para umalis na sana nang mauntog ako sa isang matigas...at mabangong bagay.
Tumunghay ako at doon ko lang napagtanto na isang tao pala ang kaharap ko! Sa isang matipunong dibdib ako nauntog.
"Putangina..." bulong ko.
Ang gwapo!
Isang lalaking may suot na puting coat ang bumungad sa akin. Napansin ko ang blonde nitong buhok na nakatali ng man bun. Ngunit ang nakaagaw sa aking atensyon ay ang kanyang manipis na mapupulang labi, matangos na ilong, perpektong hugis ng panga, maputing balat, batak na katawan, at isang pares ng berdeng mga mata.
"May I help you, Miss?" His baritone voice filled my ears, making my knees feel weak.
I was just staring at him, saying nothing, unable to move, and almost drooling.
"Pwede po ba kitang maging sugar daddy?" Wala sa sariling sambit ko.
His forehead creased. "Pardon?"
Nakanganga akong tumititig sa kanya.
Such a greak god! Oh my, ang gwapo! Papasa siya bilang isang sugar daddy ko hihi.
"Daddy...can you be my hubby?" Tulalang saad ko.
Kung pasado siyang maging sugar daddy ko, mas qualified siya bilang hubby ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top