CHAPTER 1

CHAPTER 1

TINATAMAD at inaantok kong iminulat ang magaganda at mapupungay kong mga mata nang marinig ko na naman ang maka-sira sa tengang boses ni Tita Carol.

Kahit kailan talaga si Tita, palaging iniistorbo ang pagbi-beauty rest ko. Hindi ba niya alam na stress ang maganda at sexy niyang pamangkin?

Napairap ako't bumangon sa making matigas na kama. Wala kasi itong malambot na kutson, tanging manipis lamang na banig ang nakalatag dito.

Atleast mukhang dyosa pa rin ako tuwing gumigising.

Pagod na pagod ako dahil buong araw na nakababad ang mga mata ko sa pesteng basag-basag na screen ng computer sa piso-net nila Aling Azon.

Yawa.

Kung hindi lang para talaga sa project ng kapatid ko paniguradong matagal ko na naihampas sa pader na dibdib ng higad na anak ni Aling Azon na mahilig gawing coloring book ang sarili niyang mukha 'yung peste nilang computer.

Mahabaging santol talaga!

Hindi ako gayahin ng anak niya, natural ang ganda ko. Ako na si Rishanne Xolhei Dwey lamang ang may ganitong klase ng ganda, original at walang makaka-

"Aba, hoy Rishanne! Wala ka bang balak na tumayo d'yang bata ka? Gusto mo na lang ba humilata d'yan buong araw? Sabihin mo lang nang maikadena kitang bruha ka!"

-patay. Paniguradong mapapatay ako ni Tita kung hindi pa nila masilayan ang maganda kong mukha.

Siguradong hindi makukumpleto ang kanilang araw kung hindi nila makikita ang mala-dyosa kong muk-

"Talagang hindi ka pa ba bababa d'yan?! Teka nga. Zeros! Kunin mo nga 'yung kadena sa likod ng bahay nang maikadena ko ang bruhilda mong kapatid. Dalawa ang kunin mo ha! Ikakadena na din kita sa pesteng piso-net nila Azon! Mga sutil kayong dalawa!" Ngumiwi na lang ako nang marinig ko 'yung sinabi ni Tita.

Ako? Ikakadena sa kama? Heck, no! Sa ganda kong 'to? Dapat inilalabas ito at Hindi lang tinatago sa bahay, duh.

Mabilisan pero maayos akong nagtupi ng kumot at banig saka pinag-patong-patong ang mga unan.

Masakit man sa likod ang higaan ko but no worries, sanay na ako. Ako ang pinakakakaibang dyosa dahil kahit galing ako sa hirap, maganda pa rin.

Hinablot ko ang nakasabit na twalya sa isang estante at ipinatong ito sa balikat ko. Inipitan ko ng ponytail ang itim, mahaba, makintab, mabango at wavy kong buhok habang naglalakad palapit sa medyo kalakihan kong bintana.

Tinanggal ko ang kahoy na may yero na nagsisilbing takip nito. Mahirap na kung hindi ko 'yan saraduhan, baka may mga manyak na manloob aba sa ganda kong ito.

Posible 'yun.

Pumatong ako bintana at lumabas mula doon. May poise akong naglakad sa bubungan ng bahay namin. Mula dito, kitang-kita ang buong Barangay Maligaya.

May mga taong nakikita akong naglalakad sa bubungan na pinag-uusapan ako pero Hindi ko sila pinansin. Masyado akong maganda para pagtuonan ng pansin ang mga kagaya nila. May iba din na binabati ako kaya sinuklian ko na lamang sila ng ngiti.

After three more steps, narating ko rin ang mini terrace nina Yua. Humakbang ako papasok doon at nagdirediretso sa kwarto ni Yua.

Napailing ako nang maabutan kong nakahilata pa ang tukmol. Nakakumot ang paa niya hanggang beywang at may unan na nakapatong sa mukha niya.

Siraulo talaga. Magpapakamatay ba 'to? Sana sinabi niya sa akin nang ako pumatay sa'kanya. Libing agad.

At dahil tinamaan na naman ang dyosang ako ng kalokohan, pumwesto ako sa paanan niya't hinawakan ko ang dalawang paa niya saka buong pwersa na hinila paatras dahilan kaya nahulog siya sa hinigaan niya.

Shuta. Ang bigat talaga ng hinayupak na tukmol na 'to.

"Oy gago!" Gulat na gulat na sabi niya nang mahulog siya sa hinihigaan niya.

Ayan, gising na si beast.

Napangiti ako sa itsura niya. Mukha siyang sabog.

Halatang bugnot na bugnot si Totoy.

"Gago ka din with feelings!" Tugon ko. Kunot-noo siyang tumunghay sa akin at pinasingkit ang mga mata niya na parang inaaninag ang maganda kong mukha.

Nang maaninag niya na ng maayos ang mukha ko, marahas siyang napakamot sa ulo niya at nagreklamo. "'Tol naman! Ang aga-aga, eh! Ano bang kailangan mo?"

Nginitian ko siya ng matamis. "Hmm, wala naman. Makikigamit lang sana ako ng banyo 'tol. Oks lang ba?" Pang-aasar ko.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "Tangina naman 'tol, parang hindi pa sanay eh. Halos araw-araw ka na ngang nakikigamit ng banyo sa kwarto ko. Ayon 'yung pinto oh!" Iritadong saad niya, "Tagalan mo ah?" Napatawa ako dahil sa sarkastikong sinabi niya.

He really knows me well.

Naglakad ako papasok sa banyo, bago ko pa man masara ang pinto nakita ko siyang napailing at ginulo ang buhok niya.

Napangisi na lamang ako dahil halatang sira na naman ang araw ni Yua. Nang tuluyan ko nang masara ang pinto, sinimulan ko nang maghilamos ng mukha sa medyo kalakihan niyang banyo sa loob ng kwarto niya.

Ang pamilya nila Yua ang pinakamayaman o may kaya sa buong Barangay Maligaya kaya hindi na nakakapagtaka ang malaki at may tatlong palapag na bahay nila.

Madalas din ako makigamit ng banyo sa kanila dahil medyo hindi ako kumportable sa maliit at masikip naming banyo sa likod ng bahay namin mabuti na nga lang at walang kaso kila Tita Neli, Tito Yuan, at ng kambal.

Makalipas ang ilang minuto natapos na akong maghilamos ng mukha at mag-toothbrush. Buti na lang hindi tinatapon ni Yua ang toothbrush ko, aba ang mahal kaya ng bili ko doon kila Aling Cris, ang matalik na kaibigan ni Aling Azon.

Isang toothbrush lang bente-sinco na.

Like what the heck?

Disi-otso lang bili ko na ginagamit ko sa bahay.

Putek. Kailangan ko pang dumayo sa kabilang Barangay para mapamura ng bili.

Nang lumabas ako sa C.R naabutan ko si Yua na nakatulala sa pader.

Anong nangyari dito? Sabog pa 'ata.

Lumapit ako sa kaniya at walang pasabi-sabi na kinutusan siya na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Napameywang ako sa harapan niya at itinuro ang bukas na pintuan ng banyo. Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga bago ginulo ang buhok niya bago tumayo at parang lantang gulay na naglakad papasok sa banyo.

Muntik na akong napahalakhak ng malakas nang pabalibag niyang isinarado ang pintuan.

Asar much?

Naiiling akong lumabas ng kwarto niya saka nagtungo sa kwarto naman ng kambal. Konektado ang kwarto nila sa isang banyo kaya sa kwarto na lamang ni Yne ako pumunta.

"Hoy bruhildang Yne, gumising ka na d'yan! Nandito na ang dyosa. May lakad pa tayo remember? Maghahanap pa tayo ng trabaho!" Talak ko habang naglalakad papalapit sa kama niya. Hinila ko ang kumot na nakataklubong sa kanya dahilan para magising siya.

"Ano ba! Ang aga pa, Rish! Parang awa mo na, puyat ako!" Reklamo niya sabay taklob ng kumot sa mukha.

Aba, nagwalwal na naman siguro ito kasama si Yna, ang kakambal niya.

"Gaga, nagwalwal na naman kayo 'no?"

Tinanggal niya talukbong na kumot at binigyan ako ng masamang tingin. "Bobo ka Ba? Alam mo namang may negosyo kaming barbeque-han na open mag-damag, syempre napuyat ako! Haller, alas-tres na kami nakapagsara kanina!" Singhal niya kaya napanguso ako.

Peste naman! Sino na kasama ko mag-job hunting ngayon?

"Ih, Yne! Sige naaa! Samahan mo ako!" Nakipaghilaan ako ng kumot sa kanya.

Napahinto kami nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Yna na magulo ang buhok at nagkakamot pa ng kili-kili. Napangiwi ako sa itsura niya.

Ang dugyot talaga ng isang 'to kahit kailan.

"Ano na namang pinagkakaguluhan niyong dalawa?" Humikab siya saka nag-inat. "Ingay niyo," reklamo pa niya.

Pabalibag kong binitawan ang kumot ni Yne. "Ito kasing kakambal mo, ayaw ako samahan maghanap ng trabaho!" Sumbong ko.

"Puyat nga ako, eh! 'Di ka ba makaintindi?!" Depensa ni Yne.

Napakunot ang noo ni Yna. "Trabaho? May kakilala akong naghahanap ng waiter kahit daw hindi naka-graduate ng college o highschool basta responsable at magaling sa trabaho."

Kaagad na nagningning ang mata ko at pakiramdam ko ay lumaki ang butas ng aking tainga dahil sa narinig. "Ako pwede ako!" Masiglang sabi ko habang tumatalon.

"Pwede..."tumango siya kaya napangiti ako ng malapad. "Ang kaso...Bar 'yon." Napahinto ako dahil sa narinig.

Bar? Gagi ayoko maging prostitute!

"'Yoko! Gagawin niyo pa akong bayarang babae. 'Wag na, uy! Dalagang Filipina kaya ito!" Umirap ako bago sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri.

"Gaga, waiter lang naman! Saka kung ayaw mo namang magpa-table, hindi ka pipilitin. Saka, isa pa, kakausapin ko ang kaibigan ko para hindi ka mabastos doon," paninigurado ni Yna.

Nagtanggal naman ng taklob si Yne bago sumabat. "Bobo ka ba? Malamang mababastos 'yan doon! Bar 'yon, eh. Tanga!"

Ay may point ka, Ateng!

"Pero..." muling sumingit si Yne. "Pwede na din lalo na't kailangan mo ng pera ngayon. Tandaan mo may sakit ang kapatid mo."

Napahinga ako ng malalim at saglit na napaisip.

Pwede naman siguro...waiter lang naman, eh. Saka pansamantala lang, para sa gamot at pangcheck-up lang ni Zeros. Aalis din ako kaagad once na may maipon ako.

Huminga ako ng malalim sabay sabing, "Sige."

Para sa kapatid ko, gagawin ko ang lahat...kahit madalas tarantado ang hinayupak na 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top