Capitulum 028

"Tantan, sa tingin mo ba magiging okay lang si Nemo?"

Naythan ignored the nickname and shrugged, keeping his hands behind his head as he lazily walked on. Sa kanyang tabi, mukha namang nag-aalala pa rin si Rio dahil sa biglaan nilang pag-iwan sa kanilang clubmates.

"Relax! Kung nag-aalala ka kay Nem, ako na nagsasabi sa'yong kaya na 'non ang sarili niya. Damn... You should've seen her when we were kids! Half of the boys in our section were terrified of an angry Nemesis!"

Ngayong naaalala niya ito, 'di niya maiwasang kilabutan. Sa kabila ng pagiging tahimik at mystery book nerd niya, Naythan knew his bestfriend like the back of his laundry basket. And if there's one person who can kick some sense (literally) into Caelum and Damien, that would be Nemesis.

Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang 'di pa rin tumitigil si Rio sa pagsulyap sa fastfood establishment kung saan nila iniwan ang tatlo.

"It's not that..."

Naythan stopped walking. Kumunot ang kanyang noo. 'Eh? Bakit naman nag-aalala si Rio? Teka! H-Hindi kaya...' Napalunok na lang si Naythan sa kaba. Di kaya umiiral na naman ang psychic abilities ni Rio? Baka may masamang mangyayari sa kanila? Or worst...

"Shit. Kailangan natin silang balikan! NEEEEE---!"

Natawa ang psychic.

That immediately stopped Naythan from bolting back to the rest of their team. Kung posible nga sigurong magkaroon ng question mark sa itaas ng ulo niya, baka kanina pa 'to nagpakita.

"Umm... Anong nakakatawa?"

Rio shook her head and adjusted her eyeglasses. Napangiti na lang siya. "Wala akong nakikitang bad vision, kung 'yon ang kinatakot mo~! In fact, 'di naman ako nag-aalala kay Nemo. It's the other way around!"

"Ha?"

Medyo matagal na nag-loading sa utak ni Naythan ang ibig sabihin ni Rio. Nang maintindihan na niya ito, siya naman ang natawa. "Err... Sabagay. Pero wala na tayong magagawa. Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa nina Caelum at Damien. Hehe!"

'Malas nilang dalawa.'

Sumang-ayon ang kanyang kasama at nanguna sa paglalakad.

"Kung iimbestigahan natin ang background ni Mr. Domingo, I think it's best if we start with his workplace!" Rio announced and stopped walking. Sakto namang may bumungad na taxi sa paliko ng kalsada. Huminto ito sa tapat nila nang sumenyas si Rio.

Naythan's mouth gaped. "Hey! Paano mo nalamang may dadaang taxi? Psychic abilities?"

Sa pagkakataong ito, si Rio naman ang nagkibit ng balikat.

"Hindi lahat ng bagay ginagamitan ng psychic abilities. Sometimes your intuition is enough!"

At pumasok na ito sa loob ng taxi.

*

Nemesis couldn't take it anymore.

"Mas magandang magpunta na lang tayo sa local library. I'm sure we'll be able to get info from there."

"At ano naman ang inaasahan mo? That the victim's name and personal info will be magically written in dusty old books?" Umismid si Damien at walang patawad na inabot ang limang one-thousand-peso bills sa crew. "Keep the change."

"S-Sir? Five hundred pesos lang po ang order ninyo... Wala po ba kayong barya?"

"I said keep the change."

Mariing sabi nito nang 'di binabalingan ang crew. Sa huli, 'di na nagreklamo pa ang lalaki at mabilis na umalis ng table nila sa takot nitong makaabala sa nagaganap na "glaring contest" sa pagitan nina Damien at Caelum.

"May lumang newspapers sa Bibliotheca de Eastwood."

"Hindi ba uso ang internet sa'yo? There's nothing a modern web browser can't find. Less hassle."

That was the last straw.

Nemesis Silverio slammed her palm on the table top, causing the two men to stare at her. Kahit ang mga staff at gwardiya, mukhang ayaw na rin makigulo.

"Tapos na ba kayong magpataasan ng ihi? Or do I need to sit here for another hour and wait until the case solves itself?" Nemesis asked. Hindi na niya kailangan pang magtaas ng boses. Her words already dripped with venom. Sa kanyang kaliwa, nahihiyang nagbaba ng tingin si Caelum. Samantala, mukhang wala naman itong epekto sa bilyunaryo na nakasandal pa sa kanyang upuan.

"Almost forgot you were here, Silvero." Damien coldly addressed. "Ano sa tingin mong magandang gawin?"

Sandali siyang napaisip. Saan nga ba sila makakakuha ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng white lady? As much as both of their arguments present valid points, Nemesis also knows that one makes more sense.

"Tama si Caelum. May nakatabing lumang newspapers sa archives ng local library, some dating back to the 19th century. Kung namatay nga sa isang aksidente o pinatay ang biktima, then it would surely be printed there."

Mukha namang hindi nagustuhan ni Damien ang sagot niya. He stood up and leaned across the table, glaring down at her.

"Pareho nga pala kayong mahilig sa libro. Tsk!"

Kahit sino siguro masisindak sa ganitong ekspresyon ng pinakamayamang (at pinakamayabang) na tao sa Eastwood, but too bad she wasn't just anybody.

"Surfing the web has its disadvantages, Alcott. There are a lot of unreliable sources. Wala tayong kasiguraduhan kung accurate ba ang info na makukuha natin doon. Newspapers can also be considered primary sources of information. 'Di ka na siguro elem para ipaliwanag ko pa sa'yo."

Damien's eyes narrowed at her, unyielding and harboring a storm that promises to destroy any living soul that comes its path.

Sa huli, ngumisi ito. "Fine. But don't say I didn't told you so." At nauna pa siyang naglakad papalabas ng fastfood habang nakapamulsa. "Are you coming or not? Nasa labas na ang limo."

Nagkatinginan naman sina Nemesis at Caelum, tuluyan nang nawalan ng mga salita.

*

Ang Bibliotheca de Eastwood ang isa sa pinakamalaking public library sa buong bansa. It was said to have been built long before their own university. Filled with towering bookshelves sheltering thousands of volumes---leather bounds, limited editions, soft bounds, and original manuscripts, among other things.

Pagkapasok nila sa loob, hindi na nagtaka si Nemesis nang makitang nakapwesto na malapit sa naglalakihang mga bintana ang ilang estudyante.

'Kung wala lang siguro kaso ngayon, baka nakisali na rin ako.'

She was so tempted to venture down the detective fiction section when Damien cleared his throat, calling her attention.

"So, where do we find these newspapers?"

Si Caelum ang sumagot. "Nasa second floor, malapit sa restricted section."

"Hindi ikaw ang kinakausap ko."

Napabuntong-hininga na lang si Nemesis. Ano na lang ba ang gagawin niya sa dalawang 'to? Minsan ang sarap nilang pag-untugin!

Pasimple niyang chineck ang kanyang cellphone. Wala pa ring texts, chats, o missed calls mula kina Rio at Naythan. Somehow, she was silently hoping that they're having better progress. Napasulyap siya kina Damien at Naythan, hindi na naman nagkikibuan.

"Tara na nga! Baka lalong 'di matahimik ang kaluluwa ng white lady nang dahil sa inyo."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top