Capitulum 020
"Wala masyadong documentation sa mga kataw. I'm afraid we have very limited knowledge about them," Caelum said after he took a seat. Mula dito, kitang-kita ni Nemesis ang pag-aalala nito.
"Ibig sabihin ba nito, hindi rin nabanggit ang kahinaan nila?"
Umiling ang binata. "Unfortunately, no. Pero hangga't suot natin ang mga medalyon, they'll be less likely to attack us."
Natahimik sila. Pangalawang kaso pa lang at mukhang nahihirapan na sila. Paano na lang kaya sa mga susunod? 'Hindi... Kailangan naming tapusin ang problema ng mga mangingisda sa mga kataw. Unless we put an end to this, no one will be safe by the lake.' Nemesis leaned against her chair and eyed her clubmates.
Bukod kay Naythan at Damien, mukhang hindi pa rin nakapag-adjust sina Caelum at Rion sa katotohanang nag-setup pa sila ng dining table sa gitna ng gubat. Of course, the billionaire sat at the head of it, looking more like an emperor ready to rule the world.
Inabot ni Damien ang champagne bottle at sinalinan ang kanyang sarili.
"Marami na akong nakaharap na mga nilalang na mas nakakatakot pa kaysa sa mga kataw. If I've learned anything from my previous encounters, that is that every creature has its weakness," Damien said before taking a sip. "Ginawa ang mundo nang balanse. Kaya nga't ang trabaho natin ay panatilihin ang balanseng ito sa pagitan ng paranormal at human worlds."
Natigilan si Nemesis sa kanyang sinabi. Even she thinks that's too far of a stretch!
"Hindi ba trabaho ng Eastwood Paranormal Experts Society 'yon?" She clarified, starting another game of verbal tennis.
"Too bad. Eastwood is better off without them."
"Says who?"
"Says I."
Damien placed the wineglass on the table. The permanent frown on his lips deepened. Kung napansin man nina Caelum, Naythan, at Rio ang pagbabago ng mood nito, hindi na lang sila umimik.
"The Society has its flaws. Inaabot ng ilang taon ang mga kaso dahil sa mabagal nilang sistema. Trabaho nating punan ang marami nilang pagkukulang," he stated. Lalong hindi naging kumbinsido si Nemesis.
Bakit ba parang ang laki ng galit ni Damien sa EPES?
Dumako ang mga mata ni Nemesis sa gubat. For a second, she almost jumped out of her seat when she saw the outline of someone approaching them. Pagkatapos ng naging problema nila sa amalanhig, aminado naman si Nemesis na mas naging cautious na siya sa mga ganitong lugar.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang makilala ito.
"Clouie... Anong ginagawa mo rito?"
Clouie smiled hesitantly and lifted the basket she carried. "I just thought I'd thank you for saving me earlier. Pinaglutuan kayo ni mama ng kaldereta kaya dinala ko rito."
Bilang umaliwalas ang mukha ni Naythan.
"TAMA BEHAVIOR 'YAN! At dahil busog na si Nem, ako na lang kakain. Hehe!"
At siya pa mismo ang kumuha nito kay Clouie.
Damien scoffed. "No need. Kung hindi mo pa nakikita, may gourmet dishes nang---Ouch!"
Tumalim ang tingin ng bilyunaryo kay Nemesis nang sipain siya nito sa ilalim ng mesa. Bago pa man ito makaangal, ipinaghila na ng upuan ni Caelum si Clouie at inaya itong saluhan sila. The paranormal geek smiled, "Don't mind him. 'Yong sama ng loob niya sa mundo aabot hanggang sa mga susunod niyang reincarnations."
Damien started grumbling under his breath and stabbed his steak with a fork.
Napapailing na lang si Nemesis, minsan hindi pa rin siya makapaniwalang iisang grupo lang sila. 'I just hope teamwork won't be a problem,' she thought and resorted to listening to the conversation.
Sa kanyang kaliwa, kapansin-pansing mukhang malalim pa ring iniisip si Rionach.
"Rio, is everything alright? Kanina ka pa tahimik..."
Para bang natauhan ito at mabilis na ibinaling ang atensyon sa kanya. The psychic smiled but it didn't reach her eyes. "Oo naman! Medyo inaantok lang siguro. Alam mo naman ang exams sa ECU, nakaka-drain lagi ng kaluluwa. Hahaha!" Rio even faked a yawn, attempting to see more convincing.
Hinayaan na lang ito ni Nemesis. As much as she wanted to pry and urge her to talk about it, alam niyang wala rin itong saysay.
Never force a conversation.
Ilang sandali pa, hindi na namalayan ni Nemesis kung saan napunta ang topics nila. A while ago, they were talking about trivial things like school (Saan ka nag-aral noong elementary/high school? Anong course mo? Anong plano mong gawin after college?) tapos biglang nalipat sa politics (Sinong iboboto mong mayor sa susunod na eleksyon? Registered voter ka na ba?), at ngayon mukhang pamilya na ang pinag-uusapan nila...
"Only child ako, eh," Clouie revealed. "Anong pakiramdam nang may kapatid?"
Nagkibit ng balikat si Naythan. "Di ko rin alam, eh. I actually have a half-brother, pero 'di naman kami close. Pero mas pogi ako syempre, 'yon naman ang mahalaga!"
Nemesis shifted on her seat, getting uncomfortable.
Base sa mga kilos ni Caelum, mukhang hindi rin nito gusto ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.
"Can we talk about something else?" Caelum finally asked.
Dahil dito, naging sentro ng atensyon siya sa hapag. Kabadong tumawa ang binata at magpapaliwanag pa sana nang, sa kauna-unahang pagkakataon, sumingit sa usapan si Rio. She stared down at Caelum, as if assessing him. The candle at the table flickered, casting shadows on her face.
"Ayaw mong pag-usapan ang pamilya, dahil ba may hindi ka sinasabi sa'min?"
Nagkatinginan sina Naythan at Nemesis, parehong walang ideya sa nangyayari. Meanwhile, Damien leaned forward, half-intrigued and half-amused with the drama unfolding before him.
Kapansin-pansing napaigting ang panga ni Caelum.
"I don't know what you mean. Wala naman akong dapat sabihin..."
"Caelum Zagreus Agustin. Kaya pala pamilyar ang apelyido mo. Are you, in any way, related to the leader of the Eastwood Paranormal Experts Society?"
She was talking about Charlemagne Agustin.
Caelum's gaze lowered, staring at the half-eaten food in front of him. Hindi na siya umimik. Bukod sa malakas ang kutob niyang natuklasan na ni Rio ang sagot dito, alam niyang balang-araw malalaman din nila ang tungkol dito. Mukhang kahit sa EPIC, hindi niya maitatago ang koneksyong ito.
Maybe he was just prolonging the agony, after all.
"He's my cousin."
He heard the collective gasps of the other people sitting at the dining table. Caelum hated this. Of course there are several reasons why he didn't tell him this in the first place. Una, ayaw niyang mabuhay sa anino ng kanyang pinsan. He's been the family outcast for as long as he can remember, and admitting his blood relation to that man feels like admitting defeat. At isa pa...
"Pinsan mo si Magno?"
Damien's tone said it all.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top