Capitulum 019
'Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit may mga prof na parang sinapian ng mga engkanto ng kasipagan,' Rionach thought and sighed.
Habang naglalakad siya papalabas ng campus, kapansin-pansing pinagtitinginan na rin siya ng ibang estudyante sa ECU. Yes, she was pretty sure that her hair looks worse than a bird's nest right now, but she doesn't care.
Kakatapos lang ng kanilang klase sa English (na nag-extend pa ng isang oras), kaya late na late na siya sa adventures ng kanilang club!
Habang naghihintay ng jeep, wala sa sarili niyang kinapa ang mutya ng bulalakaw sa kanyang leeg.
"Hayst. Sana naman hindi pa sila nalulunod ng kataw. It would be a shame to miss out on all the action!"
Naalala niya ulit ang text sa kanya ni Nemesis kanina. She mentioned that Caelum already provided them the medallion they needed, but Rio wasn't convinced. Talamak ang mga nagbebenta ng pekeng medalyon sa Eastwood, kaya hangga't hindi niya nakikita ang sinasabi nilang medalyon, hindi makakampante si Rio sa kaso nilang ito.
'Pero kung totoo nga ang mga medalyong nakuha ni Burin, saan naman nanggaling?'
Their shop is the only place where they could get authentic protective charms. Bukod dito, iisang lugar lang ang naiisip niyang posibleng panggalingan ng mga ito...
Rio's eyes widened with the realization.
Nang mga sandaling 'yon, naramdaman niya ang paglapit ng isang tao. Rio quickly spun, her cat-shaped earrings dangling, around until she was face to face with a man wearing black. Unang napansin ng dalaga ang mga tattoo na bumabalot sa kanyang katawan.
"You're one of Caelum's friends, right?" Napailing na lang ito. "It still surprises me that that kid has some."
Nagpakurap-kurap si Rio, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi niya pa nakikita sa personal ang maalamat na lider ng Eastwood Paranormal Experts Society, but she knew enough details to realize that this man fits everyone's mental image of him.
Kuminang ang kanyang mga mata.
"I-Ikaw si Charlemagne Agustin!"
"I prefer being called 'Magno'."
"Magno," pag-uulit ni Rio na sinusubukan pa ring pakalmahin ang kanyang sarili. "Okay, okay. S-So, umm... what brings you here?"
Damn. Nagmumukha ba siyang fangirl? Halata bang kinakabahan siya? Tapos hindi pa siya nakapagsuklay! Nakakahiya dahil ang haggard niya ngayon! 'Bakit ba parang walang bisa ang mga lucky charms ko? Waaah!' Rio was mentally panicking.
Sandaling inilibot ni Magno ang kanyang mga mata sa labas ng campus, parang sinisiguradong walang nakikinig sa kanila. Ilang sandali pa, huminga nang malalim si Magno at sinagot ang kanyang tanong.
In that moment, Rio's eyes widened in shock.
'So, he's the one who gave Burin the medallions!'
Tama ang hinala niya.
Natuod sa kanyang kinatatayuan si Rio, hindi makapaniwala sa kanyang nalaman. However, something still feels a bit off. Bakit na hindi ito sinasabi ni Caelum sa kanila? This is something he should be proud of, right?
Bago tuluyang umalis si Magno, he briefly turned to her and said, "Marami pa kayong hindi alam sa mga kataw. They've been a mystery, ever since. The Society is yet to discover the extent of their powers and influences on humans... Mag-iingat kayo."
'Extent of their powers?'
"Ano bang---"
"You'll find out soon," Magno replied and buried his hands in his black jeans' pockets. "Mahihirapan ka palang hanapin ang mutya ng tubig. It only reveals itself to someone with the purest of heart."
With that, Magno started walking away.
Kung paano nito alam ang paghahanap ni Rio sa mutya, it will forever remain a mystery to her. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.
'Maybe he's psychic, too?'
*
Hapon na, at hanggang ngayon, hindi pa ulit nagpapakita sa kanila ang kataw. Nemesis admits that she's getting more anxious with every passing hour, pero sa huli wala rin naman silang magagawa.
"Sorren already isolated the area," Damien announced when he approached their little campsite. "Pinaalis na rin muna namin ang mga mangingisda. We told them it's their day-off. Nasa spa na sila ngayon."
"Spa?"
Tama ba siya ng narinig?
Damien nodded.
"Yup. Nagliliwaliw muna sila sa mall. I've already rented an entire restaurant for them. Sinabihan na rin namin ang chef na naka-'eat-all-you-can' sila. In fact, they'll be watching the lastest Marvel movie and stay at a five-star hotel afterwards," he explained as if he was just reciting the alphabet.
Napanganga na lang si Nemesis sa sinabi nito. Maya-maya pa, hindi na niya napigilang matawa. Kumunot ang noo ni Damien sa kanyang reaksyon.
"At ano namang nakakatawa, Silverio?"
"Nothing, rich kid. Nakakagulat lang malamang may puso ka rin pala. Akala ko ATM card lang ang nasa dibdib mo."
"Tsk. Funny."
Nakakainis isiping nakasuot pa rin talaga ito ng branded clothes sa kabila ng kanilang sitwasyon. He looked out of place with the setting. When she turned to the direction of the lake, she spotted the temporary fence Sorren and several of Damien's bodyguards set up earlier.
Kung ang ibang mga tao, nanghuhuli ng isda, sila naman ay manghuhuli ng paranormal creature.
A few moments later, Naythan screamed.
"NEEEEM!"
Kabadong hinanap ni Nemesis at Damien ang pinanggagalingan nito.
"Tingnan mo may nahuli akong isda!"
Kalaunan, napasapo na lang ng kanyang noo ang dalaga nang mapansing wala naman palang emergency. Naythan waved at them, nakasuot pa ito ng boxer shorts at tuwang-tuwa sa isdang nahuli niya.
"Damn it. Naythan, alam mo namang may kataw diyan, 'di ba?"
'Minsan talaga ang sarap ihagis sa kabilang planeta ng isang 'to,' Nemesis thought.
"So? Sabi naman ni Caelum effective 'tong medalyon, eh! Chill ka lang. Hahaha!"
Beside her, she noticed Damien shaking his head in disapproval. "Hindi pa natin alam kung totoo ang mga 'to. A lot of fake protective charms and medallions have been circulating in the human market, recently. Wala kasiguraduhan kung---"
"Totoo ang mga 'yan."
Bigla na lang sumulpot si Rionach sa likod nila. The psychic adjusted her thick glasses and smiled. "Sorry, late ako. Sadly, hindi ako manananggal kaya hindi ko kayang hatiin ang katawan ko at lumipad para takasan ang traffic."
Agad na napansin ni Nemesis na parang may bumabagabag sa kanya.
But before she could ask about this, Damien immediately took the spotlight, again.
"Paano mo naman nalamang totoo ang mga medalyon?"
Rio visibly tensed. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sumulyap siya kay Caelum (na nakaupo lang sa ilalim ng isang puno habang nagbabasa) bago niya sinagot ang tanong, "A-Ah... I just know! Kapag psychic ka, malakas ang pakiramdam mo."
By then, Nemesis knew she wasn't being entirely honest with them.
'Ano naman kaya ang problema ni Rio?'
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top