Capitulum 014
This chapter is dedicated to @SNOW SRENNIS
---
Julian tried to focus his attention on anything but the lake. Madali lang sana itong gawin kung hindi lang mangingisda ang tatay niya.
'At kung hindi lang ako sumama ngayon,' isip-isip niya bago tumulong sa pag-angat ng lambat.
Halos buong araw na silang nangingisda, at paminsan-minsan, tuwing bumabalik sila sa lupa, hindi maiwasang balikan ni Julian ang mga alaala ng kanyang kapatid. Para bang naaaninag pa rin niya si Julia. Pero sa isang kisapmata, bigla na lang maglalaho ang imahe.
It terrified him. How can a single lake can stir up an ocean of emotions?
"Tangina."
Napalingon na lang si Julian sa kanyang tatay nang mahina itong nagmura. Doon niya napansing tumatagos na pala ang tubig sa maliit na butas ng kanilang lumang bangka. Kani-kanina lang ay sinubukan nila itong tapalan, pero mukhang panandaliang solusyon lang 'yon.
Somehow, the water managed to seep through, and the additional weight of their catch didn't help.
'Medyo malayo pa kami sa pampang,' isip-isip niya at sumulyap sa gilid ng lawa. Clouie was waving at him while her father started packing their equipment. Hindi na nakapagtataka. Dumidilim na rin kasi ang langit, at mukhang masama ang panahon. It was the wisest decision to call it a day.
Pero dahil matigas talaga ang ulo ng tatay niya, nagpatuloy pa rin ito sa pangingisda.
"Nak, bantayan mo lang 'yang huli natin. Ayusin ko lang 'to saglit. At kahit anong mangyari---"
But Julian wasn't listening anymore.
Nakatuon na ang kanyang atensyon sa papalapit na bangka. Kumunot ang noo ni Julian. 'Bakit parang hindi ko 'to kilala? At akala ko kami na lang 'yong natira dito sa lawa?'
Lalo lang siyang naguluhan nang kumaway sa kanya ang mangingisda. Doon lang niya napansing wala itong kasama.
"Hijo, pwede mo ba akong tulungan?"
Julian instantly saw what the fisherman needed help with. Hindi nito kayang iangat ang lambat niya sa dami ng kanyang nahuli. Sumulyap si Julian sa kanyang tatay na abala pa rin sa pag-aayos ng kanilang bangka.
'Hindi ko naman kailangan bantayan 'yong huli namin, 'di ba? It's not like all these fishes are gonna jump back into the water,' he thought in amusement before making his decision.
"Sige ho."
Ngumiti ang mangingisda at inilapit ang bangka nito sa kanila.
Walang kahirap-hirap na tinawid ni Julian ang distansya at sumakay sa bangka ng estranghero. Agad niyang nilihis ang kanyang manggas at hinila ang lambat. Mabigat nga. Mas marami pa yata itong huli kaysa sa kanila.
"Salamat, hijo. Napakabuti mo namang tao."
Julian wiped the sweat off his forehead and smiled. "Naku, wala po 'yon. Teka, bakit ba parang ngayon ko lang ho kayo nakita? Bago lang ba kayo dito?"
Lalong dumilim ang paligid. Isang malakas na kulog ang kanyang narinig kasabay ng pagsagot ng mangingisda...
"Matagal na ako rito, hijo."
Bigla siyang kinilabutan sa boses nito. Isang mabigat na himig na walang emosyon.
Nang titigang maigi ni Julian ang tinulungan niyang mangingisda, nanlamig ang kanyang buong katawan nang mapansing puno na pala ng kaliskis ang kanyang balat.
'A-Anong...?'
The fisherman's face was coated in green scales. His eyes were pure black. Nang ngumiti ito sa kanya, napasinghap na lang sa takot si Julian nang makita ang mga ngipin nito. A set of short and pointed teeth, reminding him of a fish's mouth.
Namayani ang kaba sa dibdib ni Julian. Sinubukan niyang humakbang papalayo.
"JULIAN!"
Ang boses ng tatay niya.
Pero nang lingunin ni Julian ang kanilang bangka, napansin niyang natataranta pa rin ang kanyang tatay. Nagpapalinga-linga sa paligid. Para bang hindi sila nito nakikita.
Julian's hands trembled in shock.
Aksidente pa siyang natisod sa lambat na hinila niya kanina. Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang kakaibang tunog nito. Kabadong tiningnan ni Julian ang laman ng lambat. Lalo lang siyang namutla nang mapansing puro kalansay pala ang laman nito.
And that's when he spotted something familiar...
It was a pink wristwatch.
Memories flashed before his eyes. Bumuhos ang kanyang luha nang maalalang may suot na ganitong relo si Julia noong araw nawala ito sa lawa.
"Salamat sa tulong, hijo."
Umalunig muli ang nakapangingilabot na boses.
And when Julian stared back at the fisherman, it was too late.
His scream tore through the silence.
Pero agad ding naglaho ang kanyang boses nang lunurin na siya nito sa lawa.
*
Nang makarating sina Nemesis, Naythan, Damien, Caelum, at Rionach sa kabilang bahagi ng lawa, naabutan nila roon ang isang mangingisdang hindi mapakali. Pasulyap-sulyap ito sa lawa habang nanginginig ang kanyang mga kamay.
Hindi na nito inasikasong ayusin ang kanyang mga nahuling isda.
Nemesis even saw a patch on his old boat, clearly an attempt to fix the hole in it.
Nang marinig nila kanina ang sigaw, walang pagdadalawang-isip silang tumakbo rito. Somehow, they can all sense that something terrible happened.
"Ano pong nangyari?" Agad na tanong ni Caelum kahit na hinihingal pa siya.
Well, he wasn't the athletic type to begin with, so that wasn't surprising.
The distressed fisherman swallowed the lump in his throat and forced himself to speak. "S-Si Julian...n-nawawala 'yong anak ko."
"Siya ba 'yong narinig namin kanina?" Nemesis asked, feeling even more terrified when the fisherman weakly nodded.
Nagkukumpulan na rin ang mga tao sa kanilang paligid. Bakas ang takot nila sa nangyari. Nang sinimulang magtanong ni Damien, napag-alaman nilang bigla na lang nawala sa lawa si Julian habang may ginagawa ang kanyang tatay. He just vanished without a trace.
Damien nodded and stared at her, "This is definitely a case we need to handle."
"Teka, 'di kaya nag-swimming lang siya? Malay natin, may bucket list rin siyang sumisid sa lawa nang naka-boxer shorts?" Naythan suggested.
Nasapo na lang ni Nemesis ang kanyang noo. "Gosh, Naythan! Nangingisda lang sila kanina. Kung may plano palang mag-swimming si Julian, malamang gagawin niya ito pagkatapos nilang asikasuhin ang nahuli nilang isda."
"Eh? Then, maybe he drowned!"
"Unlikely. He's a fisherman's son, you idiot. Malamang hindi siya sasama sa pangingisda kung hindi siya marunong lumangoy." It was Damien's turn to answer.
Nemesis agreed.
Noong mga sandaling 'yon, nilapitan naman ni Rionach ang bangka. A serious look in her eyes as she touched the wooden boat. "May picture ba kayo ni Julian?"
Umiling ang mangingisda. Ilang sandali pa, nilapitan naman sila ng isang dalagang nanginginig pa ang mga kamay. Despite her worried look, she started scrolling through her phone and handed it to their club mate.
"A-Ate, ayos lang po kaya ito?"
Rio nodded and stared at the picture. Nakahawak pa rin ito sa bangka habang nakatitig sa larawan ni Julian. Pasulyap-sulyap si Rio sa lawa, para bang may hinahanap.
"Nge. Anong ginagawa ni Rio?" Naythan inquired.
"It's part of her psychic ability. May kakayahan ang mga psychic na maramdaman ang enerhiya ng sinumang tao," Caelum answered. "They can sometimes use that to see through someone's eyes and interpret what happened to them."
Agad itong naunawaan ni Nemesis. In fact, hindi na bago ang paggamit ng abilidad ng mga psychic sa mga imbestigasyon. She watched a documentary once about a missing person case. Dahil ilang buwan nang walang nakukuhang lead ang mga detective, napagdesisyunan ng pamilya nito na humingi ng tulong sa isang psychic. To her amazement, with just a picture, a personal belonging, and a map, nahanap nila ang nawawalang tao at nalaman ang tunay na nangyari rito.
Maya-maya pa, huminga nang malalim si Rio at ibinalik ang cellphone.
"Inatake ng isang paranormal creature si Julian. Ang huli kong nakita ay nang hinila siya nito sa lawa... It's odd. Ramdam kong may tinulungan lang kasi siya kanina."
"Is he still alive?" Nemesis asked, breaking the silence
Inayos ni Rionach ang kanyang salamin at malungkot na umiling. "Hindi ko alam. I can't sense his energy anymore."
Dahil dito, hindi na napigilang humagulgol ng mangingisda. He buried his head in his hands. "H-Hindi...hindi 'to pwede.. N-Nawala na nga si Julia sa'min, kinuha pa nila si Julian?"
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nemesis ang kanyang sinabi.
"Nila? Alam ninyo kung anong nilalang ang kumuha kay Julian?"
"Kataw."
Napalingon silang lahat nang humakbang papalapit ang isang matandang mangingisda. Puti na ang kanyang buhok at bulag na ang isa nitong mata. "Matagal nang usap-usapan ang paninirahan ng mga kataw sa lawang ito. Mas mataas ang antas nila kaysa sa mga sirena at siyokoy, at lubhang mas matalino. Nagbabalat-kayo silang mangingisda at humihingi ng tulong. Sa sandaling magpalinlang ka sa kanila, iyon na ang katapusan mo."
Damien shifted on his feet, clearly bothered about something.
"Damn. I've encountered a creature like that during a business trip to Cebu. Hindi ko naisip na may kataw rin pala dito sa Eastwood."
Muling bumaling sa tahimik na lawa si Nemesis. Kasabay nito, tuluyan nang dumilim ang paligid. Ngayon, alam na nilang may nag-aabang na panganib sa katubigan.
A deadly creature lurking in the lake, waiting for its next victim.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top