Capitulum 011 [Case 02]

This chapter is dedicated to @Sacchi Mireya

---

[CASE 02]

Water is truly the deadliest element on Earth.

While some may see it as the "foundation" of living things, Julian sees it from a different perspective.

Yes, water keeps you hydrated, makes vegetation possible, and provides food to eat (assuming that you aren't allergic to seafood), pero sa kabilang banda naman, ang tubig din ang pinag-uugatan ng samu't saring mga kalamidad at kamatayan.

Napagtanto ito ni Julian nang makita mismo ng kanyang mga mata ang misteryosong pagkalunod ng kanyang nakababatang kapatid, apat na taon na ang nakararaan. To say that it still baffled him was an understatement. Tandang-tanda niya pa ang araw na 'yon, habang naglalakad sila pauwi ng paaralan.

Sa hindi malamang dahilan, huminto sa paglalakad ang kanyang kapatid.

Thinking that she was just tired, Julian stopped in his tracks and waited for her. Nalingat lang siya sandali. Maya-maya pa, laking gulat niya nang makitang naglalakad na pala papunta sa kalapit na lawa si Julia.

"Julia, ano bang ginagawa mo? Baka mabasa ang uniform mo!"

Pero para bang hindi siya naririnig nito.

"Hoy! Tara na, umuwi na tayo!"

Julian was about to run towards his younger sister when he suddenly noticed the water slowly rising, until it reached her shoulder level. Patuloy lang itong naglalakad, hindi alintana ang tubig. Nakatitig lang ito sa malayo, na para bang nahihipnotismo sa ganda ng lawa.

Nakakapagtaka.

Mas magaling pang lumangoy ang kanyang kapatid kaysa sa kanya, pero tila wala itong planong kumawala sa mahika ng tubig.

"JULIA! LUMANGOY KA!"

She ignored him. Nasa kanyang leeg na ang taas ng tubig.

'Please... please, lumangoy ka. Anong nangyayari sa'yo?'

Julian desperately ran, but before he could even grab her hand, tuluyan nang lumubog ang ulo ng kanyang kapatid sa ilalim ng tubig. Natataranta at natatakot niyang nilangoy ang lugar kung saan nawala ang kanyang kapatid. Bigla na lang itong naglaho.

"Julia?!"

He blindly reached under the water. Nang makapa niya ang buhok ng kanyang kapatid, bahagya niya itong hinila para iangat ang ulo nito sa tubig. Agad ring huminto ang tibok ng puso ni Julian nang mapagtantong buhok na lang pala ang natira. Horror washed over him when he saw his sister's hair, still attached to her bloody scalp.

No head. No body.

Only the faint smell of blood mixed with the fresh scent of the lake.

And that was the last time Julian held a piece of her sister.

Bumalik sa kasalukuyan ang binata nang mahagip ng kanyang mga mata ang kulay itim na buhok. Agad niyang naalala ang buhok ng kapatid kaya't kabado siyang napaatras, hanggang sa nabunggo niya ang isang balde.

"J-Julia?"

Nang tuluyang luminaw ang kanyang paningin, noon lang niya napagtantong hindi pala ito ang kanyang kapatid. Ang nag-aalalang mukha ng kanyang kababatang si Clouie ang bumungad sa kanya. Of course, she knew what happened to his sister, but she knew better than to show him pity.

"Jul, ayos ka lang ba? Kanina ka pa hinihintay ng tatay mo."

Umayos naman ng pagkakatayo si Julian at napahilamos ng kanyang mukha. Huminga siya nang malalim. No, this is not the time to relive those bitter memories. Matagal nang nilamon ng lawa ang kanyang kapatid.

Ang parehong lawang ilang metro na lang ang layo sa kanya.

He bit his inner cheek to stop himself from trembling and forced a smile on his face, hoping it was convincing enough.

"S-Sige, susunod na lang ako."

Kung naniwala man si Clouie o hindi, ipinagkibit-balikat na lang niya ito.

*

Tuesday wasn't her favorite day of the week.

Bukod sa may long quiz kasi sila sa General Chemistry tuwing Tuesday, kaliwa't kanan rin ang mga estudyanteng nagpapagala-gala sa harap ng kanilang college building para mai-promote ang kani-kanilang clubs. Yes, every Tuesday of August is considered "club recruitment day" and it still gets on her nerves.

"Hello! Baka gusto mong sumali sa Astronomy club? May 24/7 free access sa ECU observatory!"

"Annyeonghaseyo! Mahilig ka ba sa Korean? Sali ka na sa ECU Korean Lovers Org! May bonding time lagi tayo sa panonood ng K-Drama!"

"Uy, sali ka na sa Oplan Berde! Hindi kami green-minded ha? Haha. It's all about nature! Magtatanim tayo ng puno next month!"

With her backpack slung over her shoulder, mabilis na iniwasan ni Nemesis ang mga recruiters na humarang sa kanilang daan. Naduduling na talaga siya sa dami ng flyers na inaabot nila!

'Damn. Hindi ba sila napapagod?'

Sa kanyang tabi, narinig niyang mahinang natawa si Naythan. Inilagay niya sa kanyang bag ang mga flyer at agad siyang inakbayan, "Chill ka lang, Nem! Ang aga-aga nagsusuplada ka na naman. Kapag nagka-wrinkles ka, baka magmano talaga ako sa'yo. Bwahahaha!"

She sighed and slid out of his arm.

"Ang kulit kasi nila, eh! I understand that they want to recruit students for their clubs, pero alam mo bang last week, hanggang sa gate, sinusundan nila ako?! Kulang na lang talaga ihatid pa nila ako sa bahay! It's seriously creepy."

Nagkibit naman ng balikat si Naythan. Maya-maya pa, malawak itong ngumiti.

"Yeah...but not as creepy as our new club, huh? Aminin mo!"

Upon remembering their little "assembly" yesterday, tuluyan nang kumalma si Nemesis. Sa katunayan, buong magdamag niyang inisip ang lahat ng nangyari. Well, yes, Nemesis has a bad habit of overthinking at night.

A week ago, she wouldn't even entertain the idea of joining a club!

But now, here they are, members of a club with an objective to investigate paranormal creatures and phenomena. It just feels surreal.

Soon, a small smile crept on her lips, "Yup, not as creepy as our club."

Pero panandalian ring nawala ang mga ngiti nila nang makapasok na sila sa lecture hall. They still had thirty minutes before first period starts, kaya hindi na nakakapagtakang wala pa ganoong tao roon. Still, two familiar faces stood out and greeted them this morning.

"Magadang umaga~!"

Rionach sang and raised hands up in a welcoming manner. Nakaupo ito sa isang desk katapat ng kay Nemesis. Sa kabilang bahagi naman ng silid, Caelum sat uncomfortably and shyly waved at them.

"Good morning."

Naythan, being the loudmouth that he is, greeted them back enthusiastically. "YOW! Good morning, pips! Uy, na-miss niyo kami, 'no? Ayiee! Sanaol nami-miss. HAHAHAHA!"

Nemesis rolled her eyes at him and sat down.

"Umm... Ano palang ginagawa niyo rito? Don't you have classes?"

Caelum glanced at the wall clock in the room, "Don't worry. Mamaya pa namang 9:30 a.m. ang klase ko. Rio dragged me here when she saw me wandering around the campus."

Rionach adjusted her eyeglasses and nodded. "Yup! Oh, and my classes don't start until 10:40 a.m. I figured that since we'll be working together now, tama lang na makapag-bonding tayong lima! Mas matibay kasi ang soul connection ng isang grupo kapag naroon ang pagtitiwala. Pandikit! Trust is just like---"

"Mightybond? Oo, madikit talaga 'yon."

Napatingin silang lahat kay Naythan. He laughed nervously as if he was on the hot seat, "What? Tested ko na 'yon! Aksidente ko kasing nadikit yung kamay ko sa blackboard eraser namin 'nong Grade 2 kami gamit ang Mightybond. Ang ending, imbes na ipadala ako sa clinic, ginawa pa akong taga-erase ng blackboard namin hanggang uwian."

Natawa na lang sila. Even Nemesis, who witnessed that incident, couldn't help but laugh. Mula noon talaga, siraulo na 'tong bestfriend niya.

When Rionach finally recovered from her bursts of laughter, napapailing na lang siya. "Oh! Sasabihin ko sanang 'trust is just like a witch's adhesive spell' pero pwede na rin siguro ang Mightybond."

Kasabay nito, kumalansing ang mga suot na medalyon sa leeg ni Rionach. Kagabi niya pa napapansin ang mga ito. Nemesis' curiosity got the best of her again.

"Rio, those are used for protection, right? Ang alam ko may iba't ibang klase ng ganyan...?"

Hindi niya talaga sigurado. Sa mga palabas lang sa TV nakakakita ni Nemesis ang mga anting-anting, so she's not really sure about this. Nang dumako naman ang mga mata ni Rio sa tinutukoy nito, she raised it up and explained, "Trespico Roma ang tawag dito. Sometimes people like to call it 'The Eye'. Kadalasang ipinapamana 'to sa mga panganay na anak na lalaki, but since we're all girls and I'm the eldest, my parents entrusted this to me!"

Tinitigan nilang maigi ang trianggulong medalyon na gawa sa tanso. Kapansin-pansin ang mata sa gitna nito at ang tatlong letrang "A" sa bawak sulok. Nemesis could even read the small word "ROMA" at the base of the triangle.

"Bakit AAA? Hmm. Teka! Alam ko nang ginagawa niyan... Nagbibigay 'yan ng energy, 'no! Hehe. Triple A kasi---parang battery lang. Tama ba ako?"

Rio shook her head, "Oh, no! This medallion doesn't work like that. May iba-ibang klase kasi ng mga agimat at kina-categorize ang mga ito base sa kanilang gamit. Ang 'Trespico Roma' na 'to ay maituturing na isang kabal."

Soon, Caleum joined the conversation, "Kabal ang 'general term' na tawag sa mga anting-anting o agimat binibigyan ng proteksyon ang sinumang may suot nito laban sa mga patalim. Ang mga taong may agimat na kabal ay sinasabing 'immune' sa mga kutsilyo, bolo, samurai, at iba pang matatalas na bagay."

"Ano naman ang ibig sabihin ng tatlong A sa medalyon?" Nemesis asked him.

He smiled warmly at her. "AAA---Aram, Akdam, Aksadam...o mas kilala sa mga tawag na 'Ama', 'Anak', at 'Espiritu Santo'. Sa madaling salita, nirerepresenta ng tatlong A sa Trespico Roma ang Holy Trinity."

"Kaya nga kailangang inaalagaan sa mga dasal at orasyon ang Trespico Roma lalo na tuwing Mahal na Araw. Ganun din sa ibang anting-anting. You see, these amulets are like living creatures...you need to feed them with prayers to keep them alive. Dahil kapag pinabayaan mo lang ito, hindi ka nila bibigyan ng proteksyon." Rionach finished.

Nemesis was impressed. This is really interesting! At base sa ekspresyon ni Naythan, mukhang namangha rin ito sa kanyang narinig.

'Who needs the internet when you have Caelum and Rio?' She mused.

Maya-maya pa, binulabog ng isang boses ang kanilang umaga.

"Who needs an amulet when I can pay an entire army to protect me?"

In that moment, Damien Alcott walked in and nodded at them in acknowledgement before taking his seat. Matapos niyang ilapag ang kanyang kape sa desk (Starbucks, of course) humarap ito sa kanila.

"Umagang-umaga pero mga anting-anting na agad ang topic ninyo? Well, I'm glad to know you're all into this whole paranormal business." Damien commented with a hint of satisfaction.

"A simple 'good morning' wouldn't hurt." Nemesis mumbled.

"May sinasabi ka ba, Silverio?"

"Wala po. By the way, I was just gonna ask... kailan ang susunod nating kaso? I mean, do we hunt down ghosts or something, or do we wait if anything shows up in the newspaper?"

Hindi na napigilang tanungin ng dalaga. It's a valid question, right? Kasi parte naman talaga ng pagiging paranormal investigator ang mag-"investigate". Obviously. Kaya paano naman nila malalaman kung ano ang iimbestigahan? May tatawag ba sa kanila? May radar ba silang pang-detect ng paranormal creature? May bat signal?

Kung normal na mga krimen lang sana ito, walang magiging problema.

But that's the problem... How do you investigate the "paranormal"?

Dahil dito agad namang bumwelta si Naythan. "Susmaryosep! Grabe ka naman, Nem! Masakit pa nga katawan ko dun sa tinalo nating amalanhig, tapos naghahanap ka na agad ng bago? Awts."

"Hmm... But Nemo does have a point, though! Paano natin malalaman kapag may new case na tayo?" Rionach added.

'Nemo?'

Nemesis wanted to frown at the nickname, pero sa huli napabuntong-hininga na lang siya. At least it's not her second name. It could've been worse.

Damien took a sip of his coffee and spoke, "Kami ni Sorren ang nagta-track ng cases dito sa Eastwood. Over the weekend, na-adapt at na-modify rin namin ang teknolohiyang nanggaling sa Eastwood Scientific Organization. It's called the Paranometer. It can detect paranormal entities. Gamit ito at ang mga koneksyon namin sa media, madali nating mapi-pin point kung may nangyayari bang kababalaghan sa Eastwood."

Paranometer?

That sounds cool.

"That sounds familiar..." Caelum tapped his chin, as if trying to recall something. "Bale, sa ngayon wala pa tayong nade-detect na paranormal activity?"

Umiling si Damien. "None that are worth our attention. Syempre ang kailangan nating pagtuunan ng pansin ay 'yong nakakapinsala sa buhay ng mga tao o sa bayan. We'll let the harmless spirits or smaller creatures pass, as long as they don't do anything chaotic."

That made sense.

Makalipas ang ilang sandali, nagulat na lang silang apat nang biglang nagsalita si Rionach.

"Aha! Dahil wala pa naman tayong kaso, why don't you all accompany me to the lake later after class? Plano ko kasing maghanap ng mutya ng tubig! Mainam na rin 'yon para makapag-bonding naman tayo!"

"Mutya?" Nemesis was confused, once again.

"Ang mutya ay parang isang uri ng agimat na nagmumula naman sa kalikasan. Para silang mga hiyas o batong pinaniniwalaang makapaghahatid ng swerte o kapangyarihan sa sinumang makakakuha ng mga ito. In fact, maraming mutya---mutya ng langgam, mutya ng langka, mutya ng papaya, at marami pang iba." Caelum supplied.

Rio stood up on the desk and happily clapped her hands.

"It'll be sooooo fun!"

And with her contagious enthusiasm, wala nang nagtangka pang tumanggi sa kanya. Besides, what's the worst that could happen?

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top