Capitulum 009
This chapter is dedicated to @Kristel Ray Porazo
---
"Kuya, s-sigurado ka ba?"
The voice of a slightly younger version of himself called. Unsure of what the future has in store for them.
Sariwa pa sa alaala ni Mr. Kent Malvar ang hitsura ng kanyang kapatid na nakatitig sa taong nakaratay sa higaan. Nasa bukana sila ng pinto. Pinagmamasdan itong natutulog. Mabuti na lang at nasa eskwelahan pa ang bunso nilang kapatid. They didn't want to go through the trouble of explaining this to Kenneth, since they know he was a non-believer.
Maya-maya pa, napabuntong-hininga ang kanilang panganay at malungkot na ngumiti sa kanya.
"Oo naman. Basta hindi kayo madadamay, handang gawin ni kuya ang lahat para sa inyo."
In that moment, Mr. Kent Malvar saw his older brother as a hero. Tila nabigyan ng panibagong katauhan ang mga superhero na nababasa niya lang sa mga comics sa dyaryo noong kabataan niya.
"Salamat, kuya. Maaasahan ka talaga."
Kent was still naive back then.
Kung nakita niya siguro noon ang pagsisinungaling sa mga mata ng kanyang kuya, baka hindi na sila umabot pa sa ganito.
Wala sa sariling sinulyapan ni Mr. Malvar ang mga lubid na nakatali sa kanya. Sinigurado nilang tama lang ang higpit nito para hindi siya makaalis sa sinasandalan niyang puno. Kanina pa siya nangangawit sa pwesto niya, pero alam niyang wala siyang karapatang magreklamo.
He stared at the darkness ahead of him, his vision was blocked by several trees. Lumalalim na ang gabi, at habang tumatagal, alam niyang nalalapit na ang katapusan ng kaguluhang ito.
Sana.
"---isang palatandaan na paparating na ang isang amalanhig ay ang amoy ng naaagnas na laman. When you smell rotten flesh, you know it's already within the area."
Nang marinig ni Mr. Malvar ang boses ng binata, tsaka niya lang naalalang may kasama nga pala siya sa katahimikang ito. His voice sounded muffled, even though they were just hiding behind the tree. Malamang sinusubukan nitong maging "tahimik" para hindi mabulabog ang kanilang hina-hunting na halimaw.
Soon, Cristy's worried voice filled the silence.
"A-At ano naman ang gagawin natin kapag nakaamoy na tayo ng ganun?"
Caelum momentarily paused before responding, "Umm... We just wait."
"Ha?! H-Hindi pwede 'yon! Paano na lang kung sa kakahintay natin, bigla niyang atakihin si papa?!"
He sighed.
"I know you're worried about your father, pero magtiwala ka lang sa'min. This is all part of the plan."
At hindi na nakipag-away pa si Cristy.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ng kanyang ama. Nauunawaan niya kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ni Cristy. After all, she had been through a hard time as well.
She was traumatized by her mother's death. Magmula nang mawala ang kanyang asawa, napansin niyang mas naging protective sa kanya ang kanilang unica hija. Ayaw na nitong maulila, at siya na lang ang kaisa-isang pamilya nito ngayon.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi maiwasang isipin ni Mr. Malvar kung dapat bang hindi niya inilayo ang anak sa kanilang angkan. Despite growing up in the same neighborhood with his relatives, hindi nila hinahayaang mapalapit si Cristy sa kanila.
His wife always insisted that he let their daughter familiarize herself with their clan. Tulad nga ng lagi nitong sinasabi noong nabubuhay pa siya...
"Paano na lang kapag nawala na tayo? Kung patuloy mong nilalayo ang loob ng anak mo sa angkan niyo, baka dumating ang araw na wala na siyang malapitan."
And she was right.
The memory brought back the pain in his chest. 'Of course, you were always right. Sana pala nakinig ako sa'yo, ma.'
But it's too late for regrets.
Five years too late.
Huminga nang malalim si Mr. Malvar, pero sa pagkakataong ito, kamuntikan na siyang masuka dahil sa nalanghap niyang hangin. His insides churned with the stench of decaying flesh and meat. Lalong bumigay ang kanyang pakiramdamn mang mapagtanto niya ang ibig sabihin nito.
His eyes stared at the landscape up ahead.
It wasn't empty anymore.
Sa kanyang gilid, narinig niyang napasinghap sa takot ang kanyang anak.
But Mr. Malvar's attention was already focused on the amalanhig that was approaching him.
Nakatitig lang ito sa kanya. Puno ng galit ang mga mata nitong tila lagusan papuntang impyerno. Palundag-lundag at paika-ika itong lumapit sa kanya. Kitang-kita ang itim na ugat sa kanyang maputlang balat. May mansta ng dugo sa kanyang katawan mula sa nauna niyang mga biktima. Mr. Malvar shifted uncomfortably at the thought of that blood coming from his brothers.
'Mukhang binalikan niya talaga kaming magkakapatid.'
Reality dawned on him. Suddenly, all those memories from five years ago became nothing more than nightmares carved into his head.
He felt sick, especially when the amalanhig was standing only a few feet away.
"Totoo pala ang bilin mo. Hanggang kamatayan talaga, hindi mo kami patatahimikin, 'tay..."
Sa kabila ng mga lubid na nakapulupot sa kanya, hindi na nagtangkang pumalag pa ni Mr. Malvar. Naririnig niya ang mga hikbi ng Cristy habang pinipigilan siya ni Caelum na makialam sa mga mangyayari.
Nang inilabas na ng halimaw ang kanyang mga pangil at ang mahaba at mala-latigo nitong dila, pagod na ngumiti si Mr. Malvar; handa na niyang tanggapin ang kanyang kapalaran.
'Hanggang kamatayan.'
He closed his eyes and waited the sharp teeth to pierce into his neck. He waited for the bone-shattering sensation of being drained of his own blood. He waited for the walking corpse of his dead father to remind him of their foolishness.
He waited, and waited...
Pero ang tanging naramdaman lang ni Mr. Malvar ay pagtalsik ng likido sa kanyang mukha.
'Blood?'
Out of curiosity, the man finally opened his eyes. Noong mga sandaling 'yon, napagtanto niyang hindi pala dugo ang likidong iyon. As impossible as it sounds, it was actually...
"W-Water?"
Gulat na tiningnan ni Mr. Malvar ang galon ng tubig sa kanyang paanan. Nabasa ang sahig ng kagubatan dahil sa natapon nitong laman. Nang mag-angat siya ng tingin, gulat na pinagmasdan ni Mr. Malvar ang amalanhig na papatay na sana sa kanya.
Fortunately, its attention was no longer focused on him.
But unfortunately, kaharap na nito sina Naythan at Rionach na bahagya pang natataranta.
Rionach cursed under her breath as she took a step back from the angered creature.
"You missed! Nasaya tuloy ang opportunity natin. My, my, my! What a clumsy human you are~!"
Sa kanyang gilid, namumutla namang napakamot sa kanyang ulo si Naythan, halatang pinipigilan lang ang takot.
"A-Aba! Malay ko bang magaling siyang umilag? Wala naman kasing sinabi si Caelum na athletic din pala ang mga amalanhig!"
But they were quickly interrupted when a guttural sound escaped the monster's mouth. Maya-maya pa, sila naman ang sinamaan nito ng tingin, kamuntikan pang pumulupot ang dila nito sa kanila!
When the amalanhig started chasing them, nagkatinginan sina Naythan at Rionach. Alam na nila ang kanilang gagawin.
"HOY! SIGE, HABULIN MO AKO, PANGIT! HAHAHAHA!"
Pang-aasar pa ni Naythan habang tumatakbo papalayo.
"No! Chase me! Chase me! Over heeeeere!" Dagdag pa ni Rionach kasabay ng pagkalansing ng kanyang mga anting-anting sa leeg. Her cat-shaped earrings dangled as she ran to the opposite direction.
Plan A failed, but there's always Plan B.
Nang makuha na nila ang atensyon ng amalanhig, pa-zigzag silang tumakbo sa magkaibang direksyon. Naythan and Rionach ran until their legs ached, crossed paths, and ran in zigzags again. Sa pagkakataong ito, nahihirapan nang tulukuyin ng halimaw kung sino sa kanila ang hahabulin nito.
Its stiff limbs limited its movements as it tried to attack them.
Mabilis na tinalunan ni Naythan ang dila nito na parang isang jumping rope.
"Hindi ka lang pala pangit, palpak ka rin pala! 'Di ka siguro mahal ng mama mo. Hahahaha!"
He even stuck his tongue out.
Mukha namang effective ang pang-iinis ni Naythan sa amalanhig dahil siya na ang hinahabol nito. Napalunok sa kaba si Naythan at tiningnan ang paligid. He desperately tried to remember where "the spot" is, when he suddenly saw a familiar tree. Ito yung palatandaan niya!
With one final breath, he ran at full speed, making sure the monster was following him.
'Dapat talaga ilibre ako ni Nem pagkatapos nito!'
Nang madaanan na niya ang puno, Naythan quickly jumped over a pile of leaves. Walang kamalay-malay namang sumunod ang amalanhig. Huli na nang mapansin niya ang dalagang kanina pa naghihintay sa likod ng puno.
Nemesis quickly pulled the rope that was tied to two trees.
Dahil dito, natisod ang amalanhig at agad natumba.
"RIO!"
She called, just in time. She shouted amidst the noise coming from the stream of a nearby river. Mabilis na kinuha ni Rionach ang iba pang mga lubid na ginawa niyang belt kanina at inabot ito kay Nemesis. Soon, the two females started wrapping the ropes around the amalanhig, despite the inhuman strength of the monster.
Kahit gaano kakapal ang lubid, alam nilang makakawala rin ito.
And that's when the devil comes in...
"We'll take it from here."
Damien stepped out of the shadows and casually rolled up the sleeves of his shirt. Kasama sina Caelum at Naythan, agad nilang kinuha ang mga lubid at mabilis na kinaladkad ang amalanhig patungo sa kalapit na ilog. Nang makita ng halimaw ang tubig, agad itong nagwala at sinubukang kumawala.
It wailed and tried to attack them.
"NAYTHAN, 'WAG MONG BIBITIWAN!"
Damien yelled as the monster started clawing at them. Sa kabila ng pawis at pagod, pagak na natawa si Naythan at nagbiro, "Noted, pre! Ayokong bitiwan 'tong si amalanhig. Alam ko naman kasi yung pakiramdam nang binibitiwan na lang bigla. It really hurts! HAHAHA!"
"You fucking idiot!"
Samantala, mukhang nahihirapan na rin si Caelum. "J-Just push it into the river!"
Maging sina Nemesis at Rionach ay nakisali na rin para mapabilis ang trabaho. It felt one of those tug-of-war activities they had in their PE classes. Maya-maya pa, sa kabila ng panlalaban ng halimaw, nagawa na nilang higpitan ang mga lubid at tangayin ito papunta sa ilog.
"We're almost there!"
Nang dumampi ang balat ng amalanhig sa tubig, gulat nilang pinanood ang pagkawasak ng katawan nito.
The amalanhig's body decayed into a thousand maggots.
"Yuck! Ang daming uod..." Naythan stared at the heaps of maggots in disgust. Kahit si Nemesis ay nandiri sa hitsura ng mga uod nagsimula nang gumapang at magkumpulan. Si Rionach naman, nagniningning ang mga mata sa pagkamangha. "This is amazing! Pwede kaya akong kumuha ng isa para remembrance?"
What the hell?
Napabalik na lang sila sa reyalidad nang natatarantang nagsalita si Caelum, "Kailangan nating patayin ang mga uod bago bumalik sa dati niyang anyo ang amalanhig!"
Bumalik...sa dati nitong anyo?
Nemesis' eyes widened in shock.
'T-The monster can regenerate itself?!'
"Shit!"
Pero bago pa man nila subukang patayin nang mano-mano ang mga uod, agad na lumapit doon si Damien at inilabas ang bote ng natirang garlic-scented insecticide na dinala ni Rionach.
They were all speechless when the billionaire easily sprayed it over the place, killing the maggots effectively.
Nang maubos na ang laman ng can, Damien shrugged and threw it away.
"Case closed."
Sunod nitong kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Sorren, I want you to make sure no amalanhig maggots can be seen within the ten-meter radius. If you need to buy this part of the forest to disinfect it, then so be it. Understood?"
Makalipas ang ilang sandali, sinulyapan ni Damien ang kanyang rolex at napabuntong-hininga.
Nang mapansin niyang tahimik lang na nakatingin sa kanya sina Nemesis, Naythan, Caelum, at Rionach, he raised an eyebrow.
"What?"
Si Rio ang unang nag-kumento. "Wow... Err, akala ko hindi tumatalab ang bawag?"
"Insecticide kills maggots. Simple logic."
"Oh!"
Nakahinga na nang maluwag si Nemesis. "That makes sense." She smiled. Sa kanyang tabi, tumango naman si Caelum na para bang ngayon lang napagtantong pwede nga pala ang ganoong paraan. "Kung sabagay, wala namang nakasulat sa libro kung paano dapat patayin ang mga uod. I think I should take note of this later..." He mumbled to himself.
Naythan yawned and stretched his arms.
"Well, I guess it's over... Nem, pwede na ba tayong umuwi? 'Di ko pa tapos yung homework ko sa Math. I still need to submit it via email," he pouted.
"Seryoso ka ba? Noong isang araw pa ang deadline 'non, ah!"
"Kaya nga. Hehehe!"
Napairap naman ang dalaga. Kahit kailan talaga, hindi uso kay Naythan ang unahin ang assignment. Heck, they've already defeated an amalanhig, pero may homework pa pala siyang gagawin!
Pagsasabihan na niya sana ang kanyang kaibigan nang matanaw ni Nemesis ang papalapit na mag-ama.
Cristy was worriedly helping her father walk, while Mr. Malvar looked like he was still a bit traumatized with the encounter. Nang dumako naman ang mga mata nito sa mga patay na uod, hindi na nito napigilang humikbi.
"T-Tapos na, 'tay... Sana matahimik ka na. Patawarin mo kami."
Tay?
Naythan's ears perked up. "Teka? Tatay mo 'yong amalanhig?"
Tumango naman si Rio. "Yeah! Wait, hindi ba sinabi ni Cristy sa inyo?"
Nagkatinginan naman ang mag-ama. Maya-maya pa, napabuntong hininga na lang si Mr. Malvar at ikinuwento ang istoryang hindi niya kayang ibaon sa limot.
"Matagal nang itinago ng nanay namin ang totoong pagkatao ni tatay. Six years ago, we found out about his monstrosity. Nagmula siya sa angkan ng mga aswang, pero siya na lang ang natitira. Nang napagdesisyunan naming bisitahin sila, aksidente namin siyang nahuling pumapatay noon... H-He killed his own wife. Six years ago, my older brother and I witnessed our mother's death. Natakot kami... T-Tuluyan nang nagbago ang tingin namin kay tatay. But instead of killing us, sinabi niyang malapit na rin siyang mamatay, kaya kailangang manahin ng isa sa amin ang pagiging aswang," nanginginig pa ang boses ni Mr. Malvar habang binabalikan ang alaala. "Dahil abala sa kanyang pag-aaral noon si Kenneth, hindi namin ito sinabi sa kanya."
Caelum nodded in understanding. "May iba't ibang klase ng aswang, at nag-iiba rin ang descriptions nila depende sa lugar. Pero isang common trait ng mga aswang ay ang tradisyong tinatawag na 'pamana', kung saan ipinapamama nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasalin ng itim na sisiw."
Nemesis shifted on her feet. Mukhang alam na niya king anong nangyari rito.
"Ang palaging bilin sa'min ni tatay noon, wala kaming takas hanggang kamatayan. Makalipas ang isang taon, nang mabalitaan naming naghihingalo na si tatay, nag-usap kami ni kuya kung sino ang magmamana. Since I already had a family, he volunteered himself. Nangako siyang aakuin niya ang sumpa, kaya't nagtiwala ako sa kanya...
Akala namin okay na ang lahat. Pero lumipas ang ilang buwan, naging duwag si kuya. Kinausap niya kaming dalawa ni Kenneth, at iminungkahing iwan na lang daw namin si tatay at magsimula ng panibagong-buhay. Iyon ang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa Eastwood pagkatapos ng graduation ng bunso namin. Of course, Kenneth was mad at us for not telling him sooner about the situation... Kaya hindi ko rin siya masising hindi niya kami kinausap magmula noon, hanggang sa tuluyan na siyang naging propesor sa unibersidad.
I was still terrified of what we've done, but my older brother assured me that nothing bad will happen to me or my family. Aaminin kong nagkaroon na ng lamat ang samahan namin, and a selfish part of me wanted to blame him for it. Kung tumupad lang sana siya sa usapan at tinanggap ang pamana, hindi na sana aabot sa ganito," dagdag pa nito.
"Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ng kuya mo, mape-pressure at matatakot ka rin, 'di ba?" Nemesis frowned. "Walang may gustong maging isang halimaw, Mr. Malvar... Kaya siguro nag-suggest ang kuya mo na lumipat na lang kayo. If he were a selfish man, malamang siya lang mag-isa ang umalis at iniwan niya kayo para kayo ang magmana... But based from what you've told us, he wanted all three of you to leave your father. He wanted to protect you and Prof Malvar, in his own way."
Naaalala ni Nemesis ang hitsura ng panganay sa magkakapatid. He was the second victim, after all.
Sandaling natahimik ang lalaki. Maya-maya pa, pagod itong ngumiti. "Siguro nga, tama ka... Pero mukhang kahit saan kami magpunta, hahabulin talaga kami ni tatay hanggang kamatayan. A few months ago, our relatives from our mother's side called us. Namatay na raw si tatay, matapos ang ilang taon ng iniinda nitong sakit. Wala silang alam na aswang ang manugang nila o na siya ang pumatay kay nanay. Nagtataka nga sila kung bakit tumagal pa ito, pero ang palagi daw sinasabi sa kanila ni tatay, hinihintay niya daw kami... To make the long story short, we failed to inherit his curse. Kaya siguro naging isang amalanhig siya, at hinanap kaming magkakapatid para makapaghiganti."
Everyone fell silent.
Wala sa sariling sinulyapan ni Nemesis ang lugar kung saan nila tinalo ang amalanhig.
Ang amalanhig ay isang aswang na nabigong ipamama ang kanyang kapangyarihan.
Now, two of the three brothers are dead.
Who knew there would be a heart-breaking story behind this paranormal mystery?
"So, did this mystery satisfy your cravings, Nem?" Naythan suddenly joked.
A small smile graced her lips. "Maybe."
Ilang sandali pa, mahinang napamura si Caelum. Agad napalingon ang lahat sa kanya. He was reading a text message on his phone. Napabuntong-hininga na lang ito at umiling, "I-I forgot to bring the groceries home. Nag-text tuloy ang tita ko. Patay ako nito pag-uwi...siguradong lusaw na ang ice cream na pinabili niya."
With that, they all laughed.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top