Capitulum 004
This chapter is dedicated to @Aceleo Fade, the editor of our epic book cover.
----
Matagal nang hiniling ni Nemesis na balang-araw ay makaranas naman siya ng "excitement" sa kanyang buhay. As morbid as it sounds, she was half-expecting to find a dead body under her bed or inside her neighbor's backyard. Matagal na niyang ramdam na may kakaiba sa kanilang bayan, pero nakakatawang isipin na para bang lumalayo ang mga misteryo sa kanya.
Bakit ba minsan kung sino pa ang may gustong makakuha ng isang bagay, siya pa nag hindi pinagbibigyan ng tadhana?
When she talked to Naythan about this when they were still in Junior High School, tulad ng kanyang inaasahan, tinawanan lang siya nito.
"Nem, ganito lang 'yon... 'Di ba yung mga kaklase nating gustong makikita ng multo, sila pa yung walang opportunity na makakita? Tapos kung sino pa yung mga duwag, sila pa yung minumulto hanggang sa maihi sila sa salawal..."
Her younger self furrowed her eyebrows in confusion. Magmula noon talaga, hindi na niya maintindihan ang mga dinadaldal sa kanya ng matalik niyang kaibigan.
"At ano naman ang point mo doon? Parang ang layo naman ng mga multo sa mga murder cases."
Malinaw pa ang memoryang 'yon sa kanyang isipian. At malinaw pa rin niyang naaalalang nagkibit-balikat lang noon si Naythan at simpleng sumagot, "Ang ibig ko lang sabihin... Ganun talaga ang buhay, Nem! We don't always get what we want at madalas pa nga parang baliktad pa yata yung tinatawag nilang 'Law of Attraction'. By wanting something so badly, we give the universe a license to mock us by not giving it to us."
The memory ended with Nemesis stopping in her tracks. Sa kabila nito, nagpatuloy lang sa paglalakad sa sidewalk si Naythan, may panibago na naman itong kinukwento. He didn't even bother tuning around to make sure she was still walking beside him.
In that moment, she realized that he was right...
But right now, it seems like the universe was getting tired of denying her wishes.
Dahil ilang talampakan na lang ang layo ng isang bangkay sa kinatatayuan niya.
'At mukhang hindi nalalayo ang mga multo sa murder cases.'
Dahil imposibleng isang normal na tao lang ang may gawa ng karumaldumal na krimeng ito. Noong mga sandaling 'yon, bumalik ang kamalayan ni Nemesis sa kanyang paligid. She suddenly became aware of the noises around her, coated in a heavy atmosphere that can only be linked to the rotten smell of decaying flesh. Sa gitna ng kaguluhang ito, nakapukaw sa atensyon ni Nemesis ang isang babaeng nakatayo malapit sa bakod. Nakatulala lang ito sa bangkay, na para bang nahihirapan pa rin siyang iproseso ang mga nangyayari. But what really caught her attention was the stream of tears rolling down the girl's cheek.
Walang pagdadalawang-isip niya itong nilapitan.
"Nem! Saan ka na naman pupunta? Sheesh! Minsan talaga sisingilin ko na sina tita kasi pakiramdam ko nagiging babysitter mo na ako, eh!"
As usual, she ignored Naythan's rants and pushed her way past the crowd.
Nang malapitan na niya ito, Nemesis' suspicions grew stronger. Hindi na niya namalayan ang tanong na lumabas sa bibig niya.
"Kilala mo ba siya?"
Nag-angat ng tingin ang dalaga, para bang nagulat sa biglaan niyang pagsulpot. It looks like she was too busy drowning in her own thoughts earlier to even notice her. Maya-maya pa, dumako ulit ang mga mata niya sa bangkay ng biktima bago marahang tumango...
"H-He's my uncle."
Bingo.
Palihim na ngumiti si Nemesis. Mukhang may lead na sila. Pero bago pa man siya makapagtanong ulit, umalingawgaw sa paligid ang baritonong boses ng kanilang bagong kaklase.
"Do you have any idea what he was doing inside the Northern forest?"
Nakatayo na pala sa kanyang gilid si Damien, nakatuon ang atensyon sa dalaga.
Sa kasamaang-palad, umiling lang ito.
"M-Matagal ko na siyang hindi nakakausap..."
"AYAYAY!"
Hindi na nagulat si Nemesis nang sunod namang nakigulo si Naythan. Inakbayan pa nito ang pamangkin ng biktima. He turned to them with a disapproving look, "What's with all the questions? Hindi niyo ba nakikitang umiiyak siya? Hindi niyo ba alam ang kasabihang 'bago ka magtanong sa umiiyak, bigyan mo muna siya ng tissue'?!"
Napasimangot na lang si Nemesis. "At kanino naman nanggaling ang 'kasabihan' na 'yan?"
"Sa'kin, syempre. Hahahaha!"
Naythan laughed like a lunatic, making the girl beside her inch away in discomfort. She didn't even bother wiping away her tears.
"Tsk!"
Bago pa man kumuha ng tissue paper si Nemesis sa kanyang bag, iritable namang kumuha ng one-thousand peso bill si Damien sa kanyang wallet at inabot sa babae.
"Stop crying and just tell me everything you know about the victim."
"H-Ha?"
"Kulang pa ba? Name your price. I have no time to deal with crying brats. Or you can use that as a tissue if you like. Papel din naman."
Napanganga na lang sina Nemesis sa kanyang ginawa. Mukhang wala namang problema si Damien sa pamimigay ng pera.
'What the hell? Seryoso ba siya?!'
Mabilis na tumabi si Naythan sa kanya at pasimpleng bumulong, "Umiyak lang, may pera na agad? Nem, pakiramdam ko kamag-anak ni Kuya Will itong bagong transferee."
And she couldn't agree more.
Nonetheless, hindi naman nagreklamo ang babae at tinanggap ang pera. Kung naguguluhan man ito sa mga ikinikilos nila, hindi na lang ito umimik. Maya-maya pa, nang dumating ang mga pulis, Damien suggested they talk in a more secluded area.
Nang mapansin niyang nakasunod pa rin sa kanila sina Nemesis at Naythan, he turned to them with raised eyebrow.
A look that clearly said 'why the fuck are you even following us?'
Sa kabila nito, matapang namang sinalubong ni Nemesis ang kanyang tingin. Ngayon, malinaw na sa kanyang hindi mamamatay-tao ang lalaking ito, mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob. 'It turns out, he's not a killer...he's just another rich kid with an attitude!' She thought.
But this rich kid knows something about the murders.
Ito na ang oportunidad na matagal na niyang hinihintay. Kung inaakala nilang uurangan ni Nemesis ang misteryong ito, then they better think again.
Humalukipkip ang dalaga.
"Whether you like it or not, sasama kami. Tutal naman nadamay na kami sa gulong ito, papanindigan na namin. I'm not afraid to stare back at the darkness, rich kid."
A knowing smirk graced Damien's lips.
"Very well, then. But I have to warn you, Miss Silverio... If you stare at the dark for too long, you might actually see something that isn't there."
*
Caelum doesn't really like to socialize.
He made that clear since the day he was born.
Hangga't maaari, umiiwas siya sa mga tao na para bang may nakakahawang sakit ang mga ito. He read something about being "allergic to humans", kaya nang iniligay niya ito sa health profile niya sa ECU, kumunot lang ang noo ng nurse nang mabasa ito. Noon lang nalaman ni Caelum ang tatlong bagay: una, wala naman daw pala talagang ganoong allergy (sa mundo ng mga mortal); pangalawa, hindi daw pala accurate ang pagse-self diagnose at; pangatlo, dapat pala itinikom na lang niya ang kanyang bibig...
Dahil hindi naman pala magagamit ang mga impormasyong nakukuha niya sa mga lumang librong nakatambak sa kanilang bodega.
'Palagi nilang sinasabi sa'min na may iba't ibang klase ng intelligence ang mga tao. Pero bakit parang wala namang pakinabang ang talino ko?'
Caelum sighed.
Second year college na siya, pero pakiramdam niya napag-iiwanan pa rin siya ng mga taong makapaligid sa kanya. Ganito ba talaga sa kolehiyo? O siya lang talaga ang nakakaramdam nang ganito?
"Pero kahit ano namang nararamdaman ko, it won't change the fact that I'm still useless."
With his head down, Caelum silently made his way to his next class. Tulad ng dati, plano niyang palipasin ang araw nang walang kinikibo at walang nakakapansing nage-exist pala siya sa Eastwood Central University.
Pero mukhang mababago ang kanyang plano.
Caelum stopped in front of the College of Engineering.
Mula rito, natanaw niya ang kumpulan ng mga estudyante sa kabilang bahagi ng oval. Hindi niya ugaling maki-tsismis sa mga nagaganap sa ECU, kaya hindi niya alam kung bakit parang nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga paa. Instead of heading towards his Trigonometry class, Caelum found himself making a beeline for the crowd.
'Ano naman kaya ang tinitingnan nila rito?'
But the moment he spotted the dead body on the other side of the fence, kamuntikan nang mabitiwan ni Caelum ang kanyang gamit.
His sharp brown eyes scanned the scene in front of him.
Suddenly, all the words he read in those tattered pages flashed before his eyes.
May hinala na siya kung anong halimaw ang pumatay sa biktima
No...
Alam na niya kung anong klaseng halimaw ang may gawa nito.
'Pero anong ginagawa ng nilalang na 'yon dito? Hindi 'yon aatake kung walang...' Natigil sa pag-iisip si Caelum nang dumating ilang mga propesor at pulis. Soon, they were being ushered away from the scene. Huminga nang malalim ang binata. Hindi rin naman mapapakinabangan ang nalalaman niya. Even if he told the police about this, they'll surely ignore him.
Besides, sigurado namang may ginagawa nang imbesitasyon ang kanyang pinsan sa kasong ito.
Yup. He just wasted his time. Dapat talaga hindi na lang siya nagpunta rito. Now, he's fifteen minutes late!
Pero bago pa man tuluyang makaalis sa eksena si Caelum, napansin niya ang bulto ng mga estudyanteng naglalakad papalayo. He quickly recognized one as the girl who helped him yesterday. Kung tama ang pagkakaalala niya, Nemesis ang pangalan nito.
'Pero saan naman sila pupunta?'
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top