Capitulum 003

"My name's Damien Alcott... It's a pleasure to finally meet you."

Her breath hitched.  

Pakiramdam ni Nemesis napako na siya sa kinauupuan niya habang nakatitig sa mga mata ng mamamatay-tao. The images of Professor Malvar's dead body flashed in her head. A morbid scene. A lifeless body. Nanindig ang kanyang balahibo sa takot.

Nahanap na siya ng killer.

Nemesis felt the walls of the room closing in on her. Nahihirapan na siyang huminga. Gustuhin man niyang tumayo at tumakbo palabas ng classroom, humingi ng tulong sa mga pulis, o umuwi at pilitin ang kanyang mga magulang na umalis ng Eastwood...

She can't.

Realization dawned on her.

She can't run away after getting herself entangled in this spider's web. The moment she chose to venture into the Northern forest, was the same instance she dug her own grave.

Ipinapaalala ng maliit na boses sa kanyang isip na wala na siyang kawala.

Kahit saan siya tumakbo o magtago, hahanapin at hahanapin pa rin siya ng demonyong ito.

Hindi na nakaimik si Nemesis. Tuluyan lang siyang nakahinga nang maluwag nang maupo sa kabilang dulo ng klase ang killer---err...si Damien.

'Should I even call a killer by his first name?'

"Psst!"

"...."

"Hoy! Nem, ayos ka lang?"

Napabalik na lang siya sa kasalukuyan nang kalabitin siya ni Naythan. Sa kabila ng kanyang pangungulit, nakita ni Nemesis ang pag-aalala nito sa kanya.

Instead of answering him, she just stared at him for a moment.

No matter how loud, hyperactive, and irritating he is (sometimes), he's still her bestfriend, right? Kaya kung sakaling mapahamak man si Nemesis o bigla na lang siyang hablutin at kaladkarin ni Damien sa limo nito, at least someone will have a clue on what really happened.

Para man lang magkaroon ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

"Umm... Nem? Bakit ka nakatitig sa'kin nang ganyan?"

"May sasabihin ako mamaya."

Nanlaki ang mga mata ni Naythan. "Nem... Matagal na tayong magkaibigan. S-Sigurado ka ba? Ayokong saktan ka... Alam mo namang mahalaga ka sa'kin, pero natatakot kasi akong baka hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo..."

She blinked in confusion. "Huh?"

"Ay. Hindi ka ba magko-confess ng feelings mo sa'kin? Hehe."

Napasapo na lang ng kanyang noo si Nemesis. 'Sana lang hindi ko pagsisihan ito,' she thought and sighed.

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang nakatitig pa rin sa kanya ang transferee.

'Bakit ba hawak pa ni Damien ang cellphone niya?'

*

'A good butler should always obey his master's orders.'

For several years, Sorren kept that in mind. Ilang taon na niyang pinaglilingkuran ang pamilyang Alcott, at ni minsan hindi siya sumuway sa anumang ipinag-uutos nila.

No matter how crazy their requests were...

"Nakakadena na ba ang kabaong niya, Sorren?"

Nabulabog ang katahimikan sa boses ng kanyang amo. There was a hint of impatience in Damien's hushed tone, but Sorren said nothing and nodded. Realizing that he couldn't see him, agad na tinapos ng butler ang kanyang ginagawa. Nang mailagay na ni Sorren ang padlock, kinuha niya ang puting panyo sa breast pocket ng kanyang puting tuxedo at pinunasan muna ang pawis sa kanyang noo bago sumagot.

"Yes, sir. Naka-doble na rin ang mga kadena, katulad ng ni-request mo," Sorren calmly said. "Wala rin kaming na-detect na anumang aktibidad sa libingan niya."

"Good. Did anyone see you?"

Napatingin sa kanyang cellphone ang butler. Naka-loud speaker pa ito habang nakapatong sa ibabaw ng kabaong ng yumaong propesor.

"No, sir. Dahil nirentahan natin ang Eastwood Cemetery ng 24 oras, I made sure to station our guards around the perimeter and even ordered them to put up a large 'Private Property, No Trespassing' billboard. Mukhang wala na rin namang nagtangkang kumwestiyon." Pinulot ni Soren ang kanyang cellphone at umakyat sa pilak na hadgan para makalabas sa malalim na hukay.

"Very well."

But his master's voice sounded anything but relieved. Alam niya kung anong iniisip nito. Napabuntong-hininga na lang si Sorren. "Sir, sa tingin ko ay mas mapapadali ang imbesitasyon natin kung hihingi tayo ng tulong sa---"

"Dare complete that sentence and you're fired, Sorren."

Naitikom na lang ni Sorren ang kanyang bibig. Because a good butler should never question his master's decisions. Isa pa, matagal na niyang kilala ang kanyang amo.

Damien knows what he's doing.

'Still, it wouldn't hurt his ego if he'd be a little less bossy, right?'

"Forgive my rudeness, sir. Ipinahatid ko na nga rin pala diyan ang files na hinihingi mo."

"Good."

Sandaling katahimikan.

Ilang sandali pa, Sorren cleared his throat and asked.

"By the way... Have you found her, sir?"

Matagal na hindi nakaimik si Damien. Maya-maya, bumuntong-hininga na lang ito. Para bang pinag-iisipan pa niya kung anong isasagot...

"Yeah."

"Do you need any help?"

"Nah. I'll take it from here, Sorren. Walang ibang dapat makaalam ng imbestigasyon natin."

Napangiti na lang ang butler bago tuluyang nagpaalam sa kanyang amo. He dusted his white suit, pocketed his phone, and sighed. 'After all these years, that kid is still an enigma,' Sorren thought in amusement. Dahil kahit na ilang taon na niyang pinagsisilbihan ang pamilyang Alcott, hindi pa rin nauubusan ng mga pakulo at sorpresa ang kanyang misteryosong amo...

*

"Patience" wasn't her favorite word in the dictionary.

But right now, she's willing to change that...

Imbes na makinig sa sinasabi ng kanilang propesor, nakatuon ang atensyon ng dalaga sa kanyang relo. She pretended she was scribbling notes. Para hindi halata. Mahirap na at baka matawag pa siyang mag-recite.

Kabado siyang sumulyap kay Damien na kasalukuyang may kinakausap sa kanyang cellphone. It was a miracle their professor hasn't called him out yet.

'Rich bastard.'

The second her watch ticked to 9:00 a.m., agad na tumayo si Nemesis at kinuha ang kanyang backpack.

"Okay, class. Let's end it---"

Hindi na tinapos pa ni Nemesis ang sinasabi ng kanilang propesor at dali-daling hinawakan ang kamay ni Naythan na abala pa sa pakikipagkwentuhan sa katabi niya.

"T-Teka, Nem! Bakit ba tayo nagmama---!"

"Shh!"

When their other classmates stood up to leave, Nemesis used this to her advantage and dragged her bestfriend out of the room. Hindi na niya nilingon pa ang kinaroroonan ng mamamatay-tao. At kahit pa mapansin siya nitong umalis, dahil sa kumpulan ng mga estudyante, paniguradong mahihirapan itong sundan sila.

This will only slow him down temporarily, though.

'Kailangan na naming makaalis dito!'

Binilisan ni Nemesis ang paglalakad at halos kaladkarin na si Naythan patungo sa likod ng gusali.

Here, they have less risk of anyone eavesdropping on them.

"Nem! Ano ba talagang nangyayari sa'yo? You're acting really weird..." Naythan finally spoke. Naguguluhan at nag-aalala. Maya-maya pa, naningkit ang mga mata nito. "Wala ka naman sigurong dalaw, 'di ba?"

'Bakit ba lagi na lang sinisisi ng mga lalaki ang menstruation namin? Tsk.' She rolled her eyes at him.

"How bold of you to assume that I'd even talk to you on my period. Kailan ba kita pinansin tuwing nagkakaroon ako?"

"Oo nga pala. Hahaha! Sorry na. Ano ba kasi ang sasabihin mong 'importante'?"

Hindi niya alam kung paano niya ito sisimulan. But does it even matter? Baka nga ito na ang huling araw niya.

Might as well get straight to the point.

"Yung transferee ang pumatay kay Professor Malvar."

Matagal bago nakapagsalita ang kanyang kausap. Tila hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Err... Si Damien?"

"YES!"

Meanwhile, Nemesis was getting even more anxious. Paano na lang kung hina-hunting na pala siya ng killer? Paano kung kidnapin na lang siya nito habang walang nakatingin? Paano kung may dala-dala na pala itong baril at on-the-spot na lang siyang papatayin dito sa campus? He'll definitely have a hard time disposing her body, but it's still possible.

'Damn it, Nemesis.. Kumalma ka nga!' A part of her scolded.

Napaubo naman si Naythan.

"So, umm.. You're saying Prof Malvar was murdered by our new classmate?"

Calm down, Nem...

Calm down.

"EXACTLY! AT SINUNDAN NIYA AKO RITO PARA PATAYIN DIN AKO DAHIL NAHULI KO SIYANG NASA SCENE OF THE CRIME KAHAPON!"

Naythan's expression was priceless.

Nakatulala lang ito sa kanya na para bang hinihintay niya ang punchline sa isang joke. Makalipas ang ilang sandali, nang ma-realize niyang hindi nakikipagbiruan si Nemesis, he opened his mouth to say something but closed it again. Damn. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Matagal na niyang alam na may malikot na imahinasyon ang kanyang kaibigan, but this is just a whole new level!

"Nem, it's not nice to blame people for someone's death, you know? Baka magkaroon pa ng bad impression 'yong tao sa'yo."

Pagak siyang natawa. What the heck?

"Wow. Siya pa ngayon ang magkakaroon ng 'bad impression' sa'kin, eh siya nga itong kahina-hinala... You have to believe me, Naythan. I saw him in the forest yesterday!"

"At bakit ka ba kasi nagpunta roon? Off-limits ang gubat na 'yon, 'di ba?" Humalukipkip si Naythan.

Nemesis was about to defend herself when they suddenly heard the sound of chirping birds. Kumunot ang noo ni Nemesis. Wala naman silang napapansing ibon sa malapit. Saan naman kaya nanggagaling...

She froze in realization.

Namuo ang tensyon sa paligid nang bigla nilang naramdaman ang presensiya ng lalaking kanina pa pala magtatago sa gilid ng pader. If his shiny black Versace leather brogues and crisp Sunspel Riviera polo shirt weren't enough to announce his mere presence, she doesn't know what will.

Lalong siyang kinabahan nang mapansing hawak nito ang kanyang iPhone.

Damien had a mischievous smirk on his face, his eyes never leaving hers.

"Aren't you gonna answer my call?"

Mahinang napamura ang dalaga nang mapagtantong tumutunog pa rin ang kanyang ringtone. Hindi na importante kung paano nito nakuha ang mobile number niya. Dahil mas concern pa si Namesis sa motibo ng "pagtawag" nito sa kanya.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito.

'He's smarter than he looks,' she noted and mustered up her bravery. Iisa lang ang naiisip niyang paliwanag dito...

"Alam mong hindi ibon ang narinig mo kahapon. You just pretended you were fooled because you knew I was listening nearby." Nemesis spat the words like venom, hindi pa rin makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang lalaking pumatay sa kanyang propesor.

Sa gilid ng kanyang mga mata, isang naguguluhang Naythan ang nanatili sa kanyang tabi. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Damien.

Samantala, walang-gana namang pinatay ni Damien ang tawag.

"Like what they say, 'a wise man knows how to play the fool'. Nagkunwari akong umalis kahapon para makampante kang wala kang dapat pagtaguan. I was hiding behind a nearby tree. I took a picture of you. In a matter of seconds, Sorren easily found your profile and presented me all the necessary information I needed about you, Ms. Nemesis Silverio."

Damien's calm baritone voice reflected his character. Walang anumang pag-aalinlangan o pagkailang. He remained composed, and silently analyzed her like specimen under a microscope.

A dangerous man.

Napalunok na lang si Nemesis. Killer or not, she's starting to dislike this rich kid.

"Kung ganoon, bakit mo pa ako hinabol kahapon? Kung may plano ka na palang i-stalk ako rito, then why the hell did you have to scare me yesterday?!"

The weirdest thing happened.

Nang marinig ni Damien ang kanyang sinabi, panandaliang nagbago ang ekspresyon nito. It's like seeing a crack on his smug exterior. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o talagang sumilay ang pagtataka sa mga mata nito.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Don't play dumb! You know exactly what I'm talking about!"

"Tsk. I wasn't the one who---"

"TAYM PERS! As much as I find it amusing to see you two bickering like an old married couple, wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari dito!"

Napapitlag na lang sina Nemesis at Damien nang biglang sumingit sa pagitan nila si Naythan.

'Ano bang ginagawa niya?!'

Napanganga na lang si Nemesis nang walang-takot na nilapitan ni Naythan ang mamamatay-tao. Yes, he just casually walked towards the killer! Dahil dito hindi niya maiwasang kabahan.

"T-Teka, Naythan! Baka patayin ka ni---!"

Too late.

"Bro, isang tanong, isang sagot... Ikaw ba 'yong pumatay kay Professor Malvar, oo o hindi? At kung oo, bakit? Kung hindi, bakit naman hindi?"

Pakiramdam ni Nemesis ay nalaglag na ang panganga sa ginawa ni Naythan. Hindi na talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari. Who in their right mind would just walk up to a stranger and ask whether or not he murdered someone?! Kung ganoon lang sana ka-simple ang lahat, edi sana wala nang unsolved murder cases sa mundo!

Damien rose an eyebrow, clearly unamused with the question.

"Hindi. At hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko."

Agad namang umaliwalas ang mukha ni Naythan at lumingon kay Nemesis nang naka-thumbs up pa.

"O, hindi naman daw pala, eh! See? You're just overreacting, Nem. Hahahaha!"

Nemesis wanted to just throw him off this planet. Minsan talaga, hindi niya alam kung bakit magkaibigan pa sila ng isang 'to. O baka naman kailangan na niyang i-admit si Naythan sa Eastwood Asylum?

Nemesis made a mental note to get the asylum's contact number later.

"Ugh. Siraulo ka talaga, Naythan!"

Pero sa kabila nito, napaisip rin si Nemesis sa naging reaksyon ni Damien kanina. Bakit nga ba parang nagulat ito nang banggitin niyang may humahabol sa kanya kahapon?

Habang tumatagal, lalong dumadami ang mga katanungang nasa isip niya.

'A simple question is the route of every mystery.'

This is getting out of hand.

Nemesis was about to confront the transferee about this when....

"AAAAAAAAAAHHH!"

A scream pierced through the campus noise. It was high-pitched and strangled. Natatarantang hinanap ni Nemesis ang pinagmulan ng tunog, her eyes scanned the area. Maging si Damien ay mukhang naalerto rin sa kanyang narinig. Samantala, si Naythan lang yata ang hindi pa rin kumbinsido.

Nagkibit lang ito ng balikat na para bang hindi ito importante.

"Baka may nagpa-prank na naman? Sa dami ng vloggers dito, they probably ran out of other content ideas. It happens."

But her guts were telling her otherwise.

Kaya nang mapansin ni Nemesis ang pagtakbo ng ilang estudyante papunta sa kabilang bahagi ng campus, wala nang inaksayang panahon ang dalaga at mabilis na sumunod. Soon, she felt the two following her close behind. Nemesis' heart raced. Adrenaline pumped into her veins. A thousand thoughts rushing into her mind all at once.

Ni hindi na niya namalayang papunta na pala sila sa direksyon ng Northern forest.

Nemesis stopped in her tracks.

Sa kabila ng kumpulan ng mga estudyanteng nakikitsismis, malinaw niyang nakita ang pinagkakaguluhan nila. Isang nakakapanlatang tanawing paniguradong maghahatid ng mga bangungot mamayang gabi...

Even Naythan and Damien didn't say anything.

Nakatuon lang ang atensyon nila sa bangkay na nakasalambitin sa mababang sanga ng isang puno, sa kabilang bahagi ng bakod na naghihiwalay sa teritoryo ng gubat.

Suddenly, that lone picture of the professor's corpse in that morning newspaper haunted her. Dahil nakatatak na sa kanyang memorya ang imaheng 'yon, agad niyang nadiskubre ang pagkakapareho ng krimeng ito.

Albeit his upside-down position, the man's eyes stared blankly at them. He was pale and unnaturally skinny. Dark spots decorated his almost rotting flesh. Sa gilid ng leeg nito, naaninag ni Nemesis ang isang kakaibang sugat, na para bang sakmal ng isang hayop.

Pero ang nakapagtataka, natuyo ang dugo nito. No. It's like he was drained of blood.

Katulad ng sa kanilang propesor.

"Damn... Mukhang hindi nga ito isang prank," Naythan said and averted his eyes from the horrifying scene.

Sa kanyang tabi, matamang nakatitig lang sa bangkay si Damien. Tila ba malalim ang iniisip nito. Maya-maya pa, napabuntong-hininga na lang ang binata.

"Mukhang umatake na naman siya."

Nemesis suddenly felt a bit guilty for accusing him. Clearly, this isn't a craft of a human. Pero kung ganoon, bakit siya nasa gubat kahapon? Malakas ang kutob niyang may alam ni Damien Alcott sa mga misteryong nangyayari ngayon sa kanilang bayan. Imbes na makampante, pakiramdam ni Nemesis ay lalo siyang nangilabot sa kanyang naiisip.

'Dahil kung hindi tao...anong klaseng nilalang naman ang may gawa nito?'

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top