Capitulum 002
'Are murderers normally that rich?'
Kung mayaman naman pala ang pumatay kay Professor Malvar, ano naman kaya ang motibo nito? At hindi ba dapat nagpadala na lang siya ng kanyang mga tauhan? Bakit pa niya kailangang bumalik dito? Those questions lingered in her head for longer than necessary.
Lalong naguluhan si Nemesis sa kanyang nalaman, pero sigurado niyang may mas malalim pang ugat ng misteryong ito. Nakakadismaya lang isiping wala siyang nakuhang pruweba o kahit anong clue sa identity ng lalaking 'yon. Surely, nobody will believe her if she told them she stumbled upon their professor's filthy rich killer.
'Maybe Naythan's right... Maybe I am reading too many mystery novels.'
Huminga nang malalim ang dalaga at sandaling pinakinggan ang katahimikan. May sapat man siyang ebidensiya o wala, hindi niya pwedeng isawalang-bahala na lang ang nadiskubre niya. Nemesis will get to the bottom of this, one way or another.
Nemesis adjusted her backpack on her shoulder and pocketed her phone. Nang masigurado niyang wala na ang presensiya ng mamamatay-tao, mabilis niyang tinahak ang daan pabalik sa ECU.
'Who would've thought that I'd get a glimpse of the bastard who killed Prof Malvar?'
She's not complaining, though. As embarrassing as it sounds, a selfish part of her is actually thrilled. Ilang tao ba sa mundo ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng "excitement" at makakawala sa boring nilang pamumuhay? Don't get her wrong. Hindi siya natutuwa sa nangyaring patayan. Pero nakakatuwa lang isipin na kahit papaano, makaka-relate na siya sa mga protagonist sa mga nobelang nabasa niya.
Everyone wants to be the protagonist of their own story.
That's one guilty pleasure of humans.
Maya-maya pa, nakarinig ng mga kaluskos ang dalaga. Thinking that it was just a squirrel, Nemesis shrugged and proceeded with her journey.
It's nothing...
Or is it?
Nang lumakas ang tunog at nakarinig siya ng malalalim na pahinga ng isang nilalang, tuluyan nang kinilabutan ang dalaga. 'A-Ang akala ko ba umalis na 'yong killer?!' Her mind was trying to think of a logical explanation for this, but fear was slowly clouding her better judgement. Nararamdaman niya ang tensyon sa kagubatan. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na may nakamasid sa kanya. Mahina siyang napamura nang marinig ang pagbali ng mga sanga sa kanyang likuran.
Nemesis wasted no time and ran for her life.
Namuo ang pawis sa gilid ng kanyang noo. Halos mabingi na siya sa lakas ng pintig ng kanyang puso.
'Bumalik ba siya para patayin ako? Shit!'
Mabilis niyang tinakbo ang distansya at dali-daling inakyat ang bakod. Wala nang pakialam si Nemesis kung napansin siya ng mga soccer players. Heck, wala na rin siyang pakialam kahit magsumbong pa sila sa disciplinary office! Being in detention or being grounded for a month sounds like heaven compared to being next morning's headlines.
"Aray! Pwede bang tumingin ka naman sa dinadaanan mo?!"
"Bakit ka ba nagmamadali?"
"Nemesis, okay ka lang?"
She wanted to laugh at the last question. Okay? Well, kung ang kahulugan siguro ng pagiging "okay" ay "hinahabol ng isang mamamatay-taong may limousine at jacuzzi", then, yes. Nemesis is definitely okay. Pero syempre, wala na siyang panahong ipaliwanag 'yon sa kanyang mga kaklase at dali-dali siyang lumiko ng corridor, dumiretso ng ladies restroom at ini-lock ang pinto.
Thankfully, she was the only one there.
Good. Dahil wala nang planong makipagplastikan pa ni Nemesis kung sakaling may kasama pa pala siya rito.
"Damn it," she breathed heavily and dropped her backpack.
Pagod siyang nagtungo sa lababo at tinitigan ang hitsura niya sa salamin. Napangiwi na lang si Nemesis nang makitang may nakasabit pang dahon sa kanyang buhok. She looked like a mess. But she was still too exhausted to care.
Hinihingal pa rin siya. Pero sa kabila nito, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala...
"Babalikan kaya ako ng killer? Oh, gosh... Alam na niya kung saan ako nag-aaral!"
Realization hit her hard.
Malaki ang posibilidad na nakita ng mamamatay-tao ang pag-akyat niya sa bakod ng ECU. Assuming that he doesn't have a pea-sized brain, madali na nitong mari-realize na isa siyang estudyante ng unibersidad na 'to. That thought alone made her feel sick.
'Ano na naman bang kamalasan ang naakit mo, Nemesis?'
*
"Ingat sa pagpasok, 'nak."
Natuod sa kanyang kinatatayuan si Nemesis nang marinig ang boses ng kanyang mommy mula sa kusina. Ni hindi nito inalis ang kanyang atensyon sa hinahanda nitong almusal. Damn. Ni hindi nga siya inalok nitong kumain! 'Well, that's understandable, I guess.'
She was actually about to sneak out of the house at an ungodly hour, hoping that nobody will notice her.
Pero ano pa nga bang inaasahan niya?
Walang nakakaligtas sa radar ni Mrs. Silverio.
After heaving a sigh, Nemesis pulled the hood of her gray jacket over her head and exited the house.
'Mag-ingat sa pagpasok, huh? Naku, mommy... Kailangan ko ngang mag-ingat.'
Hopefully, she'll still make it home alive.
Hindi pa mabigat ang trapiko sa mga lansangan ng Eastwood tuwing ganitong oras. Ni hindi pa sumisikat ang araw, kasing-tahimik na ng sementeryo ang maliit nilang komunidad sa Eastwood Heights. Nemesis took this opportunity, gripped the strap of her backpack and quickly took walked down the road. Nakayuko lang siya sa paglalakad habang pinapakiramdaman ang kanyang paligid.
Naroon pa rin ang pangambang baka bigla na lang sumulpot si rich kid killer (yes, she now has a nickname for the bastard) mula sa isang eskinita at gilitan siya ng leeg. She knew a bit about self-defense techniques, but Nemesis also knew she won't win against a knife or a gun.
'Damn. Nakaka-paranoid naman ito!'
At nang mahagip ng kanyang mga mata ang itim na limousine sa kabilang kanto, doon na nataranta ang dalaga. Nanlamig ang kanyang katawan.
"Shit!"
Alam na kaya ng killer kung saan siya nakatira?!
Nemesis Silverio didn't want to find out. Agad siyang tumakbo papalayo, at papunta sa campus. Walang-lingon niyang nilagpasan ang guard na nagka-kape pa at inunahan ang mga janitor sa gusali ng kanilang kolehiyo.
When she finally made it to the second floor of the College of Philosophy, Nemesis slumped against the wall and tried to catch her breath.
Ang aga-aga, napasabak agad siya sa marathon.
And no, she's not gonna thank the rich kid killer for that.
*
"Hey! Nem, aminin mo nga sa'kin."
Humikab si Nemesis at nilingon ang kaibigan niyang punong-puno ng energy. Kailan nga ba mauubusan ng "energy" si Naythan? He's the only person she knows who would constantly be hyperactive and talkative at any hour of the day.
"Aminin ang ano?"
Sumeryoso si Naythan at nagpalinga-linga muna sa mga kaklase nila. Nang masigurado niyang walang nakikinig, he leaned towards her. There was a scandalous glint in his eyes.
"May jowa ka na ba?"
Kamuntikan pa yatang masamid sa hangin ang dalaga nang marinig niya 'yon. What the fuck? Ano bang iniisip ng isang 'to?
"At saan mo na naman napulot ang issue na 'yan? Ikaw, tsismoso ka na nga, mali pa nasasagap mo." She glared at him.
Mahina namang natawa si Naythan at napakamot sa kanyang ulo. "Eh? Nakita kasi kita kanina habang nagtu-toothbrush ako! Hindi ka naman ganoon kaagang pumapasok. Therefore! I conclude that you're hiding something from me. Nakakasama talaga ng loob, Nem! Huhu. Akala ko ba mag-bestfriends tayo? It really hurts..."
"Siraulo. Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na ang kakapanood ng K-drama, eh. Kung anu-ano na naman tuloy ang pumapasok sa isip mo."
"H-Hey! Tinigilan ko na kaya...err...medyo. Hahahaha! May 'isang episode na lang pramis' syndrome kasi ako."
Napailing na lang ang dalaga sa ka-dramahan ni Naythan. Nakalimutan na nga pala niyang magkapitbahay lang sila. Malamang, mapapansin nga siya nitong umalis nang ganoong oras. Madalas magkasabay rin kasi silang pumapasok. Which reminds her...
"May nakita ka bang limousine na pumarada sa tapat ng bahay namin? O kahit sinong kahina-hinala?"
Naythan stared at her as if she grew three heads. "Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na ang kakabasa ng mystery novels, eh. And no, I didn't see a limo nor a stranger in a neighborhood. Why?"
Sandaling napaisip si Nemesis. Kung alam na nga ng killer kung saan siya nakatira, hindi ba dapat ginamit na niya ang opportunity na 'to para guluhin ang pamilya niya? It's only logical for him to kidnap her parents and blackmail her or something. Lalo pa't nandito na siya ngayon sa loob ng campus.
'That's odd.'
Napabuntong-hininga na lang si Nemesis.
Naythan frowned.
"Alam mo, Nem... Kahapon pa talaga ako nag-aalala sa'yo. You didn't even answer my call yesterday!"
Her eyes widened in surprise.
"IKAW 'YONG TUMAWAG SA'KIN KAHAPON?!"
"Oo! Hehe. Nakalimutan ko palang sabihin sa'yong nagpalit ako ng sim."
Right now, she just wanted to strangle him. Kung alam lang sana nito kung paano siya kamuntikan nang mahuli ni rich kid killer kahapon dahil sa pagtawag niya! Tsk.
Pero ilang sandali pa, agad din siyang natigilan nang makitang pumasok ang kanilang propesor kasama ang isang binata. Sa hindi malamang dahilan, kinabahan si Nemesis. Bumalik sa kanyang mga alaala ang lalaking nakita niya kahapon sa kagubatan.
'No, no, no... S-Siya nga kaya 'yon?'
As cliché as it seems, this was one of those instances when a transferee changes a protagonist's life forever.
But when the said transferee spoke in a familiar voice that sent a chill up her spine, Nemesis Silverio knew she was doomed. Lalo na noong dumako ang mga mata nito sa kanya, isang mapaglarong ngiti sa mga labi ng misteryosong binata.
"My name's Damien Alcott... It's a pleasure to finally meet you."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top