Capitulum 001 [Case 01]

[CASE 01]

Professor Malvar died yesterday.

No...

He was murdered.

But, of course, nobody believed Nemesis whenever she suggested this.

Kahit pa ang matalik niyang kaibigan, ayaw siyang paniwalaan tuwing babanggitin niya ito. Kaya noong naungkat na naman ang issue habang kumakain sila sa ng tanghalian sa food plaza ng ECU o mas kilala bilang ang "Area 13", hindi na siya nagtaka nang binitiwan ni Naythan ang kanyang kutsara't tinidor at bumuntong-hininga.

"Nem, siguro kung babayaran ako ng bente pesos tuwing babanggitin mong 'hindi ako naniniwalang inatake lang siya sa puso', baka napasama na ako sa listahan ng mga billionaire sa Forbes magazine."

Napasimangot na lang si Nemesis.

"May inatake ba sa puso na ubos ang dugo sa katawan? We both know that 'died of a heart attack' part on The Eastwood Daily is just a cover-up, Naythan."

"Eh? Malay mo, noong nagpunta siya ng langit, aksidente niyang nasama 'yong dugo niya. Di siya na-orient na kailangan palang iwan sa lupa."

She rolled her eyes.

"Tsk! Alam mo, kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap."

"Hehehe! Pero gusto mo pa rin akong kausap. That just proves that I'm too irresistible! Tama ba, Ne---"

"I still think Prof Malvar was murdered. Hindi ko lang alam kung paano at sino ang may gawa nito... Pero malaki ang posibilidad na taga-Eastwood lang din ang pumatay sa kanya!"

Pero imbes na sumang-ayon sa kanya, napailing na lang ang binata. Maya-maya pa, bumalik na ang atensyon nito sa kanyang kinakain. Nemesis watched as he (tried to) sliced his beef steak using one of those worn-out knives from the university cafeteria.

"Nah! You know what I'm thinking?"

"What?"

"I'm thinking you're reading too many mystery novels again!"

Malakas na anunsiyo nito sabay kagat sa kanyang pananghalian. Mukhang hindi na siya nag-abala pa sa paghihiwa. In fact, hindi na nga siya nag-abala pang ubusin muna ang laman ng bibig niya bago magsalita.

"Chull kam long kosi!"

"Naythan, I can't understand a word you're saying."

He blinked in confusion before deciding to swallow his food. "Hahaha! Sige, take two... Chill ka lang kasi! If I were you, I wouldn't get myself involved with all these mysteries. Tulad nga ng motto ko sa buhay: 'Kung hindi ka apektado, 'wag mo nang i-stress-in ang sarili mo!'"

"Motto ng mga self-centered."

"Grabe ka naman. Motto kaya 'yan ng mga taong alam kung ano ang priority nila sa buhay!"

"Pero kasi..."

"Matagal nang magulo ang mundo, Nem. We can't do anything about it, so might as well mind our own business! Minsan, kailangan na lang natin tanggapin 'yon. Okay?"

Matagal na hindi nakaimik ang dalaga. Ni hindi na niya nagalaw ang pagkaing in-order niya kanina. Even her favorite dish won't keep her from losing her appetite today. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nabasa niyang artikulo kanina sa dyaryo. 'Naythan has a point. Pero may hindi pa rin tama sa kasong ito,' isip-isip ng dalaga. Indeed, the 27-year-old professor's death sparked everyone's sympathy.

But it wasn't enough to rekindle their curiosity.

Nakakatawang isipin na mas concerned pa ang mga tao sa petsa ng pagkamatay niya kaysa sa kung "paano" siya namatay.

Glancing at the nearby wall clock on the opposite wall of the small eatery, agad na tumayo si Nemesis at sinukbit ang bag sa kanyang balikat.

"Aww. Akala ko ba mamaya pang 1:30 ang klase mo?"

"Magpapahangin lang ako sa oval. At saka wala naman kaming Philosophy class ngayon."

"Ha? Bakit naman?" Kunot-noong tanong ni Naythan na akmang kakagat na sana ulit sa kanyang beef steak.

Nemesis shrugged. "Professor Malvar died yesterday, remember?"

*

The Eastwood Central University oval is a large expanse of freshly cut lawn grass with a woven wire fence to keep students out of the Northern forest. Contrary to her bestfriend's belief, hindi talaga madalas napapadpad si Nemesis sa lugar na ito, lalo na tuwing buwan ng Agosto. Bukod sa wala naman siyang hilig gumala sa campus, she wasn't a fan of the ECU's soccer team.

Naalala na naman niya ulit ang "bad experience" niya dito noong freshman year nila. It was an afternoon in mid-August when she realized she was late for her history class. At dahil may tsismis na may shortcut sa oval papunta sa lecture hall ng klase nila, Nemesis decided to take the risk.

Noong araw rin na 'yon, nadiskubre niyang hindi pala sila pwedeng mag-exist ng isang soccer ball sa iisang area.

'Mula nang ma-realize kong nagiging magnet ako ng bola, 'di na ako ulit dumaan dito.'

But today is different.

Wala na muna siyang pakialam kung matamaan na naman siya ng ligaw na bola o kung pinagtitinginan na siya ng ilang soccer players. With her backpack slung over a shoulder, Nemesis quickly made her way across the lawn.

"Darn it."

From the corner of her eye, she saw the new victim of "the soccerball curse". Kamuntikan nang mawalan ng balanse ang isang estudyante nang tumama sa braso niya ang bola. Dahil dito, nalaglag ang dala-dala nitong gamit. Walang nag-abalang tumulong sa kanya.

Nemesis sighed.

Bakit ba kasi uso pa rin ang mga taong walang pakialam sa paligid nila? For once, can't they just set that attitude aside show some humanity?

'Asa ka pa, Nem. That's not gonna happen anytime soon.'

Nang makarating na siya sa kinaroroonan ng binata, mabilis niyang pinulot ang soccer ball at pagalit na ibinato sa kalapit na player. Of course, the jerk caught it in time, but that didn't stop her from glaring at him---at the whole soccer team who just stood by and watched the poor guy.

"If you can't grow the balls to help him, then at least, say sorry! Sa pagkakaalam ko, libre naman ang magsalita at humingi ng tawad. O baka naman ibang species kayo?"

Tumalim ang tingin sa kanya ng isang soccer player. Akmang lalapitan na siya sana nito nang pigilan siya ng kanilang captain. Nagkatinginan ang ilang miyembro bago napagdesisyunang bumalik na lang sa kanilang practice. Nemesis rolled her eyes and started helping the guy who just smiled at her in appreciation.

"Thanks. You really didn't have to do that, though. Sanay na ako."

Inabot niya ang huling libro nito at tumango. "You should try to take another 'route'. May daan din doon sa gilid ng College of Music, malapit sa garden. Mas mapapalayo ka lang nang konti, pero mas praktikal para sa mga 'cursed ones' na kagaya natin."

Yes, she discovered that herself.

"Noted. By the way, I'm Caelum," the guy extended his arm for a handshake.

She gladly accepted it.

"Nemesis."

Sa totoo lang, hindi mahilig makipagkaibigan si Nemesis lalo na sa mga lalaki. Growing up with strict parents didn't help much. Naging exception na lang si Naythan dahil kapitbahay na nila ito mula noong naka-diapers pa lang sila.

Nang tuluyan nang makaalis si Caelum, agad na bilangan ni Nemesis ang kagubatan.

Ilang talampakan na lang pala ang layo niya mula sa bakod.

'This fence keeps us out... Ironically, Professor Malvar's dead body was found inside this forest yesterday.'

Tila ba natuod sa kanyang kinatatayuan ang dalaga. Nakatitig sa tahimik at masukal na gubat sa kanyang harapan. Nagtataasang puno. Makakapal na dahon. Luntiang damo. Mga halamang noon niya pa lang nakita. The Northern forest brought an eeriness that's hard to decipher. A unknown land beyond this wired fence.

Napalunok sa kaba si Nemesis.

"Tinatakot mo lang na naman ang sarili mo, Nem..."

Pero bago pa man siya makapaglakad papalayo, nahagip ng kanyang mga mata ang paggalaw sa mga anino ng gubat. Pero bago niya pa man ito matitigan nang maigi, bigla na lang itong nawala.

Leaving a deadly silence in its wake.

"What the hell was that?"

Noong mga sandaling 'yon, agad na bumalik sa isip ni Nemesis ang nangyari sa kanilang propesor.

Hindi kaya nandito pa rin sa gubat ang kung sinumang pumatay sa kanya?

That thought alone made her even more anxious to find some answers.

But instead of running away or calling the authorities, mas pinili niyang maglakad papalapit sa bakod. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at tiningnan ang oras. Well, she still has a couple of hours left to kill so it's completely valid to go out on a little adventure, right?

'Sana pala kumain ako nang maayos kanina.'

Nang masigurado niyang walang makakapansin sa kanya, agad niyang inalis ang kanyang backpack at hinagis sa kabilang bahagi ng bakod. Thankfully, wala naman siyang babasaging gamit doon. Soon, Nemesis climbed the two-meter high wired fence and swiftly landed on the other side.

Sana talaga walang makahuli sa kanya. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol dito, who knows what they'll do?

After picking up her belongings, Nemesis took in a deep breath and walked into the Northern forest...

*

Lumipas ang ilang minuto, pero wala pa rin siyang nararamdamang presensiya ng ibang tao.

'Guni-guni ko lang ba 'yong nakita ko kanina? No. I'm sure something moved in the shadows earlier!'

Tahimik siyang naglakad habang inililibot ang kanyang paningin sa paligid. Mabigat ang pakiramdam niya sa lugar na ito. Dahil na rin siguro sa katotohanang may ilang residente na rin ang nababalitaang namatay rito. As reckless as she might be, ayaw rin naman niyang mapasama sa susunod na obituary.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng yabag ng sapatos.

Kabadong nagtago sa likod ng isang puno si Nemesis. Ngayon, sigurado na niyang may iba pa siyang kasama sa gubat na ito. Her heart pounded inside her chest as she listened to the footsteps getting louder and louder...

It stopped.

Pigil-hiningang hinintay ni Nemesis ang mga susunod na pangyayari. Surprisingly, nothing happened. But she can still feel the person's presence nearby. Makalipas ang ilang sandali, lakas-loob niyang sinulyapan ang mamamatay-tao.

If she's gonna die here, she might as well know who to haunt, right?

Nemesis saw man standing in the middle of the forest, with his back turned against her. He wore a trench coat and a pair of shiny leather shoes. Lalo lang lumakas ang kutob ng dalaga nang ma-realize niyang ang lugar na 'yon mismo ang lugar kung saan nahanap kahapon ang bangkay ni Prof Malvar. The grainy black and white photograph on the newspaper provided enough details.

A baritone voice pulled her back to reality.

"Just do as I say, Sorren... Walang ibang nakakaalam nito..."

May kausap ito sa telepono. Napatakip na lang ng bibig si Nemesis, she desperately tried not to gasp in surprise. Kung ganoon, may kasabwat ito sa pagpatay kay Prof Malvar? Kaya ba siya bumalik dito para siguraduhing walang naiwang kahit anong ebidensiya?

'A typical act for killers to return to the scene of the cri---'

Umalingawngaw sa kagubatan ang kanyang ringtone.

Agad na naalarma ang misteryosong lalaki.

Uh oh...

"Shit," mahinang napamura si Nemesis at natatarantang pinatay ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at nakapagtago siya agad. With her back against the tree trunk, she tried to calm herself.

Damn.

If she survives this, she's gonna kill whoever called her!

Nanlamig ang kanyang katawan sa takot. Narinig ulit niya ang mga yabag ng lalaki papalapit sa kinaroroonan niya. It would be smart to right away, but doing so would only give her location. Kapag tumakbo siya pabalik sa ECU, paniguradong malalaman ng killer kung saan siya hahanapin. It will only make matters worse.

Once again, the footsteps stopped.

Maya-maya pa, narinig na niya ulit ang boses nito.

"Nah...it's just a bird. Oo... Lagyan mo ng kadena ang kabaong niya... Yes, a carbon steel or a tungsten alloy would do.... What do you mean there are no stocks available? Then just buy the whole chain manufacturing industry!"

Sandaling katahimikan.

"Yeah... Pabalik na ako sa limo. I want the jacuzzi prepared within an hour."

Narinig na niya ang paglalakad nito papalayo.

Nakahinga nang maluwag si Nemesis.

She silently praised herself for setting her ringtone to "chirping birds". Mukhang napaniwala niya itong huni ng mga ibon lang ang narinig niya kanina. Pero sa kabila nito, hindi niya pa rin maiwasang kumunot ang noo sa kanyang narinig.

Buying a whole industry? A limousine? A jacuzzi?

'Are murderers normally that rich?'

---

Note: We'll change the book cover soon after the announcement of winners for book cover making contest. Stay awesome, Noxians! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top