Ang Huling Habilin
A prompt challenge for the third activity of Juniors (Upperclass) hosted by Adviser Kaizen of Writers High Fifth Term
TRIGGER WARNING: The story made prior has disturbing content of violence. Skip if you must. Please brace yourself for rather too much information. This is my first time trying a new genre for this challenge.
Challenge prompt: Write in Pure Filipino
Word count: Not less than 300 words.
—◦°•✩•°◦ —
Na alimpungatan si Lydia galing sa mahimbing na tulog ng magising sa isang malakas na pagkulog. Tinignan niya ang orasan sa kanyang telepono. Alas dose na ng gabi at ngayon lang niya napansin na wala pa lang kuryente.
Hinanap niya ang kanyang bunsong kapatid na babae sa kwarto. Ngunit nabigo lamang siya ng mapansing ang lamesa kung saan nag-aaral nung huling kita niya sakanya, bago siya matulog ay naiwang bukas ang de-bateryang ilaw. Tumayo siya para silipin ito at nagkalat ang mga kwadernong sa ibabaw nito. Napansin rin niyang nakasindi ang pabangong-kandila na humalimuyak ang amoy ng parang kahoy.
Hinipan niya ito at lumabas ng kwarto. Wala ang kanilang mga magulang dahil sa isang emerhensya ng biglang pagsakit at idinala sa pagamutan ang kanilang lola sa probinsya kaya naiwan sila ng kapatid nila para magbantay ng bahay.
"Lisha?" Pagtawag niya sa kapatid ng makarating sa sala. Kinalibutan siya sa lamig na naramdaman dahil sa simoy ng hanging ulan.
Wala pa ring sumasagot kaya buong lakas ng loob siyang pumunta sa kusina habang hawak-hawak ang munting ilaw ng kanyang telepono. Napahiyaw siya sa sakit ng may ma-apakan siya sa kanyang paanan. Pa ika-ika niyang nilayo ang kanyang paa at inilawan ito. Tipak na plastic ng pangwawasto ang nandun. Tiyak na ikinagulat niya ng matandaan sa kapatid niya ang gamit na pambura at pinagtataka kung bakit naka abot iyon dun.
Sinigaw niya ulit ang pangalan ng kapatid niya at tinahak ang daan ng dulo ng kusina at napansin nakabukas ng bahagya ang likurang pintuan. Bumalot sakanya ang kaba at agad na lumabas.
Inilawan niya ang madilim ng likod na bahagi ng kanilang kusina at tiyak na ikinagulat niya na may puting kumot na nakatabon sa sulok nito.
"Tama ba itong gagawin ko? Tatakbo ba ako?" Tanong niya sakanyang sarili habang kinakain na siya ng kanyang kaba.
Pero nilakasan pa rin niya ang kanyang loob at dahan-dahan na hinihila ang dulo ng puting tela. Napasigaw siya ng may pares na paa ang lumitaw at dali-daling hinablot ang tela at binalibag sa kung saan.
Tiyak na ikinalaki ng kanyang mata at napa-upo ng makilala ang kung sino ito. Napasigaw siya ng napakalakas at walang humpay na pagsigaw ng tulong.
Isang karumaldumal ang itsura na nadatnan niya ang patay na katawan ng kanyang kapatid. Nakabalot ang buong mukha nito ng pandikit na ginawang pantapal para siguro hindi makasigaw. Dahilan rin ito para hindi siya makahinga.
Puro duguan ang damit nito at butas-butas ang nangyari. Kung sino mang halang na walang kaluluwa ang humawak nito ay tiyak magbabayad.
Nadinig ng kalapit na kapitbahay ang sigaw nito kaya tinawag si Lydia mula sa labas ng bahay. Nanghihina siyang tumayo at pilit na prinoposeso ang pangyayari habang pa ika-ika siyang nilisan ang lugar para humingi ng tulong.
Inalayan naman siya ng ginang at pilit pinapatahan. Tumawag sila ng polisya para imbestigahan ang nangyari. Hindi niya pa tinawagan ang kanyang mga magulang tungkol sa nangyari at saglit na pinuntahan ang kwarto nila para kumalma.
Umiiyak siya habang sinusuri ang mga kwadernong naiwan. Pero, nahinto niya ang kanyang pag iyak na may mapansing siyang kakaiba nito. Sa nakabukas na pahina ay may binura na para bang minadali itong takpan. Agad-agad niya itong nilinisan at nakasulat ang mga letra na nagpaguho sakanya.
Ate, patawad. Mahal ko kayo. Nahanap na nila ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top