9

"Alli, bakit nga ba sinampal mo si Gon kahapon?"


Hindi ko pinansin si Andi nang tanungin niya ako. Imbes, pinagpatuloy ko lamang ang aking pagwo-work out using this indoor cycle bike.


Nasa gym kami ngayon nila Eli Altafranco. Tumakas pa nga ako kay Gon kaninang umaga para lang makapag-gym. At sakto naman na narito si Andi kaya may kasama ako. Ngunit hindi ko akalain na magpahanggang dito ay ang magiging topic namin ay ang lalaking kinaiinisan ko ngayon!


Natigil ako sa ginawang pagpedal nang makita si Andi na nasa harapan ko at seryosong-seryosong nakatitig sa akin, waring hinahalukay ang dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon sa taong mahal noya kahapon!


"Alli, hindi ka ganoʼn. Tell me, what is your reason for slapping him---ang worst, sa harapan pa talaga ng mga students doon sa Lecture Hall. Hindi mo gawain ang ganoʼn," she asked as she retrospect my traits.


Bumaba ako sa indoor cycle bike at walang alisan ng tinging tinanggal ang suot kong gloves. "You wouldnʼt want to know the reason behind, Andi." malamig kong sagot.


She smirked unbelievably. "What the hell, Alli? Anong problema mo ngayon, huh? Ano bang nangyayari saʼyo?!" napataas ang boses niya nang tanungin ako.


Bagay na ngayon lang nangyari.


I clenched my fist. "Bakit ka ba nagagalit, ha? Nagagalit ka ba dahil sinaktan ko ang taong mahal mo, ha? Kung ganoʼn, pasensya na ha?! Pasensya na kasi nakakainis lang naman siya!" medyo sarcastic kong sambit.


At dahil tumaas na din ang boses ko, naging sanhi iyon upang pagtinginan kami ng ibang tao dito sa loob ng gym!


"Damn it, Alli! Hindi, okay?! I am scolding you dahil concern ako saʼyo! Dahil kaibigan mo ako! At hindi mo ugaling manakit ng kahit na sino!" she defended.


I smirked. "So, ano? Kapag nakasanayan, bawal magbago, huh? At may dahilan ako kung bakit ko ginawa iyon!" I exclaimed.


Umusbong ang bulungan ng mga tao ngunit wala akong pakelam sa ngayon. Kahit kuhanan pa nila kami ng pictures habang nagtatalo at i-post sa social media, ni katiting na pansin, hindi ko sila pagpapalain!


I saw how her veins in her forehead appeared. "Wherefore, then? Tell me, Alli...tell me the damn reason for slapping him in front of many students yesterday." nagtitimping aniya.


I shook my head lightly.


"Bullshit, Alli. Look at your attitude now. What made you change this way, huh? Youʼre unbelievable," hindi makapaniwalang puna niya. "Nananakit ka ng tao at talagang sa maraming tao pa, ha? Nice, good job! Nakaka-proud ka!"


I gritted my teeth. "I was rapt by my emotions yesterday and I didnʼt plan to slap him in public!" I defended.


Dahil kay Gon, nag-aaway kami ngayon!


Hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko sa inaasal ni Andi ngayon, e. Kung nagagalit ba siya talaga dahil concern siya sa akin bilang kaibigan niya o dahil sinaktan ko ang taong mahal na mahal niya!


Mas nadagdagan lamang ang aking inis kay Gon dahil sa tagpong ito! Idagdag pa ang nangyari kahapon. Matapos niya akong sundan at bantaan na hahalikan niyang muli kapag nag-reklamo pa ako, nagtagumpay siyang hilahin ako patungo sa lugar na nais niya habang tangay ako!


Nakakainis!


"Alli---"


"Stop, Andi. I donʼt want to talk about him, okay?! Mauuna na akong umalis!" paalam ko at nilampasan siya.


Ayoko nang makipagtalo pa dito. At baka mamaya, isang tanong niya pa kung bakit ko sinampal si Gon, makaamin ako nang wala sa oras at maging dahilan pa iyon upang magkaroon ng gap sa pagitan naming magkaibigan!


"Alli! Kinakausap kita! See? Hindi mo din gawain ang mag-walk out---Alli!" dinig kong pagtawag pa niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa dahil badtrip na badtrip na talaga ako.


Mabilis kong dinampot ang aking gym bag sa may bench. Nagbayad ako kina Alvin at Yunni at nagpaalam nang madali bago tuluyang nilisan ang gym.


Kalagitnaan ko nang pagmamaneho, muling sumagi sa aking isipan ang dahilan kung bakit ko nasampal si Gon at sa tuwing maiisip ko, nag-iinit ang aking pisngi at ulo!


Nagagalit na ako, badtrip!


Ilang sandali pa ay nakarating na din ako sa tapat ng bahay. Ipinarada ko ang sasakyan bago bumaba. Sakto naman na lumabas si Mang Jones. Inabot ko dito ang susi ng sasakyan upang siya na ang mag-parada sa garahe.


"Maʼam, hinahanap ka ng iyong bodyguard. Saan ka ba nanggaling?" tanong niya.


"Sa Cubao ho. Bumili ng taho." sagot ko.


"Ay," kamot-ulong reaksyon niya.


Madali akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi na tinangka pang hanapin ng aking mga mata si Gon. Instead, I went upstairs, directly to my bedroom.


Pumasok ako sa aking bathroom at nagbabad sa bubble bathtub. Hanggang sa pagligo ko ay naiisip ko ang dahilan kung bakit ganito ang aking ugali ngayon. Kung bakit ganito ako umakto ngayon!


Nakakainis kasing talaga!


Kung wala lamang iyon kay Gon, sa akin sobrang laki! Imagine? Hindi ko tinangka na magpaligaw at magka-boyfriend dahil, aside from my virginity---Iʼm reserving my first kiss sa future hubby ko tapos siya, nakuha niya lang ng ganoʼn?! Take note, lasing pa siya that night!


Parang nabalewala ang mga taong pinagkaingatan ko ang aking labi, ah! Tapos hanggang ngayon, iyong kakaibang haplos niya, may impact! May kung anong energy na sinumang hawakan o haplusin ng makasalanan niyang mga kamay ay mapapabigay talaga!


Kaya nga ako gumanti ng halik dito, goodness. So not me.


May isang oras yata akong nakakababad sa aking bathtub na may mga bula-bula pa hanggang sa magdesisyon na akong umahon at magbanlaw sa shower.


Matapos kong magbihis at makapagpatuyo mg buhok ay kinuha ko ang aking books, notes, calculator, lectures and ledger at ipinatong ang lahat ng mga iyon sa ibabaw ng aking kama.


"Imbes na isipin ang mga bagay na iyon, mas mabuti pang mag-aral," sambit ko sa sarili.


Dumapa ako sa kama at inunang buksan at pag-aralan ang mga contents sa aking libro about sa business.


"Magagawa ko namang mag-aral kahit walang Gon bilang tutor. Kakayanin ko. Makakaya ko at matututo ako sa sarili kong paraan!" kausap ko muli sa aking sarili habang inililipat ang pages ng book.


Nang makita ang mga nilalaman ng pag-aaralan ko, gusto ko agad manlumo ngunit tumatak sa isip ko ang isang bagay.


"Concentrations and practices are needed on the way to learning but theyʼre eminently worthwhile in the end." I remarked.


Dahil doon, gumaan ang aking pakiramdam upang mag-aral. Ramdam ko din ang kagustuhan na matuto sa sarili kong paraan sa mga sandaling ito.


Gusto kong makapasa sa mga exams ko. Dahil kapag nangyari iyon, may maganda aking ibabalita sa parents ko.


Sa ganitong paraan palang naman ako makakabawi, e.


Gusto ko na maging proud ang aking mga magulang sa bagay na ginusto nila para sa akin at nagagawa kong pagtagumpayan kahit na hindi naman ito ang nais ko.


Anong magagawa ko? Wala pa naman akong maipagmamalaki sa kanila, maliban sa aking pagpu-pursige na tapusin ang linyang sila mismo ang pumili para sa akin.


Be a follower before becoming a great leader.


At iyon ang aking ginagawa ngayon. Susunod ako sa aking mga magulang. Mag-aaral at magtatapos muna bago magdesisyon nang pansarili.


Sa ganitong paraan ko pa lamang magagawang suklian ang kanilang sakripisyo at pagpapagal.


Ang akoʼy makatapos nang pag-aaral.


Sa kalagitnaan ko nang pag-aaral, nabasa ko ang mga sagot noon sa quiz namin. Iyong sa number one lang. Then, iyong under ng Commerce.


"Ito pala ang sagot," kausap ko sa sarili. "Under the Commerce business are trading, by and sell, merchandising, marketing." bigkas ko. "Ah, tapos ang under nitong marketing ay assembling of goods, grading, warehousing, transportation and insurance ang financing! Goodness, ito pala ang sagot!" hindi makapaniwalang sambit ko.


Tama nga si Gon na hindi naman ako bobo. At dapat mahalin at i-enjoy ko din ang aking pinag-aaralan at ginagawa, kahit hindi ito ang nais ko para hindi nga naman ako sobrang mahirapan. May point siya. Pero dahil galit pa rin ako sa kanya, bahala siya sa buhay niya!


Ayoko sa kanya! I hate him! Argh!


"Kiss stealer siya," I mumbled with irritation. "...dapat ipakulong ko siya kapag inulit niya pa iyon."


Upang hindi ko siya maalala, ipinagpatuloy ko na lamang muli ang aking pag-aaral. Nasa financial markets na ako. Mas mabuting alamin ko muna ang mga terms and all about business bago ako mag-proceed sa pagsubok na mag-balance. Mukhang pinakamahihirapan ako sa araling iyon, e.


Nevertheless, I will continue striving and studying.


"So, financial markets performed an important and vital role in the operation overall in the financial system including business finance? Okay, noted." kausap ko sa sarili.


Ganito ako mag-aral, parang baliw na kinakausap ang sarili. Para mas effective!


Tumango-tango ako. "To many people and firms inside the business world, they need funds greater than their current incomes. They need reliable source of loanable funds," pag-intindi ko. "Kaya pala may mga nagi-invest at nagba-borrow."


Sunod ko namang inaral ang classifications ng financial markets.


"Ah, theyʼre marami pala." I commented. "Primary, secondary, money, capital, bond, stock, mortgage, consumer credit, auction, negotiation, organized, over-the-counter, spot, futures, options and foreign exchange market! Goodness, nakakaloka."


Binasa ko din ang mga ibig sabihin ng bawat isang markets at napapangiti na lamang ako nang maintindihan ang mga iyon. Iyong pag-intindi na hindi ko pinipilit, kusang naintindihan ko ang mga ito kaya nakakatuwa dahil pumapasok ang mga inaaral ko ngayon!


Balak ko na na sanang pag-aralan ang flow of funds and securities in primary and secondary markets kaya lamang ay inistorbo ako nang dalawang magkasunod na katok mula sa pinto ng aking silid.


"Istorbo, a." I commented as I jumped out of my bed and walk hither to open the door. "O, bakit?" matabang kong tanong nang makita si Gon sa harapan ng aking pinto. "Anong need mo, huh? Canʼt you see? Iʼm busy studying here tapos kakatok ka---"


He cut me off. "I called you because youʼre not yet eating lunch," he answered.


Eh?


Wala sa sariling sinapat ko ang aking digital clock na nakapatong sa ibabaw ng aking bedside table. And I was a bit surprised the moment I saw the current time.


1 PM na pala? Hindi ko napansin iyon, ah. Baka dahil napasarap ako sa pag-aaral? Sa pagkakatanda ko pa naman ng oras kanina lamang ay 9am pa lang!


I returned my gazes at him and arched a brow. "Not hungry," I said.


"Young lady, you have to eat." pilit niya pa.


I rolled my eyes. "Kakain ako kung gusto ko at hindi mo ako pwedeng pilitin. Kapag sinabi kong busog ako, busog ako. So shut up, okay?" pagpapaintindi ko, hiding my annoyance.


He then stared at me coldly. "Ang sungit mo. Naaawa na agad ako sa mga lalaking gusto mo."


I snapped my fingers in the air. "Excuse me, 'no? Iʼd never been inlove nor dare to like someone! Sila ang mga nagkakagusto sa akin. Nagkakandarapa. Nagtatangkang ligawan ako and all! In spite of those, wala akong nagustuhan! Kuha mo?" I bragged.


He chuckled. "Pft."


"At huwag kang tumawa dahil hindi ko gustong makita amg mukha mo! Hindi din nakakatawa ang sinabi ko dahil totoo ang lahat nang sinabi ko!"


"Okay! Okay! Youʼre talking aimlessly now, young lady. Wala akong palag, okay? Kalma," he ceased.


I winced. "Edi umalis ka na,"


Pagkasabi ko noʼn ay madali kong isinarado ang pinto ngunit laking gulat ko nang biglaang iharang ni Gon ang kanyang kamay sa pinto kaya hindi natuloy na maisara ito!


...and ended that heʼs naipit between the door!


"Shit," he cussed as he winced in pain.


Daglian kong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto ko at madaling hinawakan at sinuri ang kamay niyang naipit.


I cradled it and looked at him with worries in my eyes. "S-Sorry, Gon...ikaw kasi. Bakit mo ihinaranag ang kamay mo, kita mong isasarado ko ang pinto, huh?!" sisi ko matapos humingi nang dispensa.


"Ang sungit mo kasi. Tatawagin ka lang naman upang bumaba at kumain dahil anong oras na, tsk." he explained.


I bit my lip. "...baba naman kasi ako. Pero ayokong kasama ka!"


He grumbled. "...napakasungit mo na, young lady." he commented while shaking his head a bit.


I rolled my eyes and examined his hand. "Ano, masakit pa ba?" tanong ko sa mahinahong paraan na.


Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang ipatong niya ang isang kamay sa kamay kong humahaplos sa naipit niyang kamay dahilan upang muling magbalik ang tingin ko sa kanya.


He locked his eyes on me. "Donʼt be mad, Alli. Come with me later." yaya niya.


My forehead knitted. "Where?" I aksed, showing no interests. "Busy akong mag-aral," pangunguna ko na.


"Mamamasyal tayo,"


Nagpantig yata ang tenga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Bigla ay gusto kong bawiin na nag-aaral ako at sabihing tara na. Pero dahil inis pa ako at may isang salita ako, konting pagpapapilit muna.


I set my face as flint. "Ayoko. Mag-isa ka," sagot ko at binitawan ang kamay niya.


Goodness, baka sumuko siya agad na huwag na akong piliting isama!


Pero imposible iyon dahil bodyguard ko siya kaya alam kong hindi aalis iyan na hindi ako kasama.


He smirked. "Really, young lady? Ayaw mo?" tudyo niya.


Badtrip ka.


I rolled my eyes. "Oo...ayoko." pagmamatigas ko.


He then pinched the tip of my nose. "Lokohin mo ang pagong." aniya.


Tinabig ko ang kamay niya at hinawakan ang aking ilong. "Asa ka! Sa ayoko ngang mamasyal kasama ka, e! Mamasyal ka mag-isa mo!" I yelled.


He shrugged his shoulder a bit. "Who told you that Iʼm alone, huh?" he asked, mockingly.


"W-Whoʼs with you, then?"tapang-tapangan kong tanong dito.


He moved closer to my distance and smiled seductively. "Guess who?"


I gulped. "S-Sino nga?!"


"Gold Andi Andrada,"

-------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top