6
"Congratulations, Miss Del Rava! Youʼve got the highest score on my quiz! Good job," nakangiting pagbati ni Miss sa akin.
My blockmates clapped their hands at me the moment they our Prof announced it.
"Yes, first time maging highest pointer!"
"Swerte pala katabi si Daegon, e!"
"Congrats, Alli!"
Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang compliment nila ay nasa magandang paraan o sarkastiko. Una, never nangyari na ako ang highest pointer or scorer sa mga quizzes and exams dahil mahina ako sa management! Pangalawa, baka akala nila na pinagaya ako ni Gon kaya mataas ang score ko sa quiz!
I smiled at my Prof. "T-Thank you po, Miss." I said.
She nodded. "Well, I guess? Nagkamali ako na baka ikaw ang makakuha ng lowest score. Hindi pala," aniya at sinulyapan si Gon na nakatitig lang sa desk niya at nakahalukipkip. "Daegon Trevor La Galliene got the lowest score." she announced, causing Gonʼs eyes lock on us.
"Omg? Seryoso ba?!"
"Eh?!"
"Hala...mukha pa naman siyang genius!"
"Well, looks can be deceiving, guys."
Samuʼt-saring reaksyon nila matapos sabihin ni Miss na si Gon ang nakakuha nang pinakamababang score sa aming quiz!
Ako naman talaga dapat ang lowest scorer gaya ng hula ni Miss pero dahil kinuha ni Gon ang answer sheet ko at sinagutan niya, ako ang nakakuha nang mataas na score, bagay na dapat ay siya. E, akong bobo ang nagsagot ng papel ni Gon kaya malamang sa malamang, mababa score niyon!
Naupo nang maayos ang lahat nang inumpisahang isa-isahin ang mga susunod na dapat naming aralin dahil next week may exam na agad, buong lesson na na-tackle sa isang buwan.
I leaned my back on my chair and without directly looking at Gon, I spoked. "Letʼs talk later, Gon." seryosong sabi ko sa mahinang tinig, tama lang para madinig niya.
"If thatʼs what you want." he replied back. "Mag-aaral din naman tayo mamaya sa bahay,"
Iginalaw ko lang ang aking mata upang tingnan siya sa gilid nito. "Hindi ka lang pala bodyguard, tutor din. Ayos---"
"Miss Del Rava, what includes in General Ledger using T-Accounts again?" Prof suddenly called and asked me, causing me to feel nervous. "Stand up and recite the answers to the class." she authoritatively said.
Gusto kong maglupasay ngayon sa sahig upang sa halip na ako ay pasagutin, dalhin na lamang sa clinic!
Goodness, paano na!
Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid. Pinaglaruan ko din ang hem ng aking suot na damit dala ng kaba. Idagdag pa na nasa akin ang tingin ng halos lahat!
Goodness!
I gulped. "M-Miss? Can you repeat the question po?" alangang sabi ko.
She sighed. "What includes in General Ledger using T-Accounts, Alloira Euxine Del Rava, give atleast three. Are you even with us?" she asked again, but I can sense that she saw me as an irksome in her class.
Gusto kong pangiliran ng luha dahil pakiramdam ko ngayon ay pinagkakaisahan ako at baka nga pinagdududuhan na ang nakuha kong mataas na score sa quiz!
I smiled at her. "Yes po. Iʼm with you. Iʼm with everybody inside this block," sagot ko. "And uhm..." nabitin ang aking tangkang pagsagot dahil wala naman talaga akong maiisagot.
Napamura na lang ako under my breath dahil sa katakot-takot na kaba at ngayon pa lang, sinasabi ko na---nahihiya na talaga ako!
"Tsk. Cash. Accounts Receivable. Prepaid Rent, Alli." dinig kong pasimpleng bulong ni Gon.
I smiled again at my Prof. "General Ledger using T-Accounts includes Accounts Receivable, Prepaid Rent and Cash, Miss." sagot ko, pilit itinatago ang kaba.
Napailing-iling ito. "You may sit. Please, focus on what we are discussing," bilin pa niya bago ipinagpatuloy ang pagtuturo.
Nang sandaling makaupo ako ay sinulyapan ko si Gon. "N-Nakakahiya ako, Gon." matamlay na sabi ko.
He snarled. "Tsk. Donʼt be. Youʼre just showing what youʼve got. And theyʼre just judgemental as fuck." aniya sa seryosong tinig.
My heart melted upon hearing those soothing words from him, causing the corners of my eyes to easily watered. Kaya bago pa tumulo ang aking luha, bahagya kong itiningala ang aking ulo.
"Thank you, Gon." mahinang usal ko.
"Donʼt cry here. Mamaya na."
"Baliw,"
Hanggang sa matapos ang aming dalawang oras na klase sa aming Prof. Agad namang nagsilabasan ang mga blockmates namin ni Gon. Kami ay nanatili lamang sa aming upuan dahil wala ako sa mood na lumabas ni ang maglakad!
Pinanghihina ako nang nangyari kanina, goodness. Iyong pakiramdam na hindi mo alam at maintindihan ang itinuturo tapos ikaw pa ang tatawagin? Paano na lang kung wala si Gon kanina at nag-anyong anghel upang sabihin sa akin ang sagot, edi pinagtawanan na ako? Na-issue na ako? Na-bash na ako dahil bobo ako?
Nakakahiya...
"Young lady, whatʼs with the frown? About earlier?" he guessed.
Inub-ob ko ang aking ulo sa desk. "N-Nahihirapan talaga ako...Iʼm not good at memorizations, Gon! What if sa exam mga enumeration at identifications ang format?! Babagsak na talaga ako~." problemadong sabi ko at hindi na napigilang mapaluha.
"Tsk. Iʼll help you with those, then."
Nag-angat ako ng ulo at nakasimangot na tumingin sa kanya. "Gon, hindi pwedeng lagi mo na lang akong tuturuan, e." sabi ko, animoʼy lugmok nang talaga. "H-Hindi mo naiintindihan kasi..."
He stared at me coldly. "Try to love what youʼre doing and enjoy it. Even if it is not your craft, youʼll still gain knowledge." he remarked.
Muli na naman akong napatitig sa kanyang gwapong mukha dahil sa tinuran niyang makahulugan and the same time, may point.
Magsasalita pa sana ako kaya lamang ay isang tinig ang aming nadinig mula sa pinto nitong aming block. Halos magkasabay naming nilingon ni Gon ang pinto, only to find out that the one who entered is none other than,
"Andi," I called her with minimal volume of voice.
Ngumiti siya nang pilit sa akin bago tingnan si Gon sa tabi ko. "Ang sweet niyong tingnan, Alli. Hehe. Ahm, ano--- 'yang, busy yata kayo? Invite ko pa naman sana kayong kumain doon sa may LB Square. So, bukas na lang, Alli? Gon?" she said and I canʼt be mistaken with the tone of her voice.
Nagseselos ang kaibigan ko!
Akmang maglalakad na siya papalabas nitong room nang madali akong tumayo at milapitan siya. "A-Andi, wala lang 'to---"
She cut me as she gave me a weak smile. "Ano ka ba, Alli? Haha! Mali ka nang iniisip, e. Sige na, kita na lang tayo." she denied.
Astang maglalakad na sana siyang muli ngunit mabilis kong nahawakan ang forearm niya. "Andi, sandali---"
She sighed. "Please, Alli. Huwag kang mag-isip nang kung ano. This is nothing, okay? Alis na ako," seryosong sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa forearm niya bago mabilis na naglakad papalayo.
My shoulders fell 'caused of that. Nagsisinungaling lang siya na wala lang ang nakita pero kilala ko siya, e. Selos na selos siya! At nasasaktan ako kapag nasasaktan siya!
I sighed.
"Alli," tawag ni Gon mula sa likod ko. "Letʼs eat."
Hindi ko man lang naramdam na nakalapit na pala ito.
I shook my head. "Gusto ko nang umuwi, Gon." lamyang sabi ko dito. "...para akong lalagnatin sa bigat ng pakiramdam ko, e." sabi ko.
Walang ano-anoʼy ihinarap niya ako sa kanya at kunot ang noong lumapit nang mas malapit pa sa aking distansiya bago niya salatin ang aking noo at leeg.
At dahil so-close position namin, amoy na amoy ko ang kanyang pabango. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako tinatablan ng attraction dahil doon.
Ano bang isip meron ako ngayon?! So not me!
"Baka pagod ka lang, wala ka naman lagnat." he said and stared at my eyes deeply. "Letʼs go home for now, if thatʼs what you want, young lady." sabi niya at tinanggal ang kamay.
I smiled. "Thanks, Gon."
Iyon nga ang nangyari, umuwi na lang muna kami. Tutal naman, may tatlong oras kaming bakante ngayon dahil sa huling subject namin, walang Prof.
Pagpasok na pagpasok namin ng loob ng bahay ay siya ring pagsulpot ni Yaya sa aming harapan at laking pagtataka ko nang makita ang labi-labis na pag-aalala sa mukha niya.
"Yaya, whatʼs wrong?" alalang tanong ko dito.
Her eyes watered. "P-Pwede ba akong magpaaalam na u-uuwi muna ng aking Probinsya? N-Nasa hospital kasi ang aking anak," she said, almost choking.
I nodded and smiled. "S-Sige po, Yaya. K-Kaya ko naman pong gawin ang ibang gawain dito tsaka kasama ko si Gon," sabi ko.
She hugged me. "S-Salamat, hija. Akoʼy nag-aalala lamang sa aking anak at wala ding nagbabantay doon." naiyak na talagang sambit nito.
I caressed her back. "I understand, yaya. Sige na po. Baka hinahanap ka na ng anak mo."
Kumalas ito sa yakap at punas-luhang tumango-tango bago sulyapan si Gon sa likod ko. "Trevor, ikaw na muna bahala kay Alli, hijo. Babalik din agad ako kapag okay nasigurong okay na ang kondisyon ng aking anak," bilin niya.
Gon nodded. "No problem po. You can go now." magalang na sabi na sagot ni Gon.
"Salamat,"
Kasalukuyan kaming nasa kitchen ni Gon. Weʼre now preparing something to eat dahil wala naman na si Yaya. Nakaalis na. Mabuti na lang at marunong akong magluto.
"Gon, tikman mo nga."
Lumapit naman si Gon at ganoʼn na lamang ang pagka-stiff ko nang mula sa likod ko siya pumwesto at inagaw ang spoon na patikim bago kumuha nang kaunti sa aking niluluto. Inilapit niya iyon sa kanyang bibig at tinikman.
I gulped as I realized what was position. Goodness, so close!
I felt his breath unto my neck which sent me a goosebumps.
"Masarap,"
I bit my lower lip.
He smirked. "Tara nang kumain nitong luto mo, young lady. Baka magbago isip ko, ikaw makain ko." he teased.
Ang pakiramdam ko ngayon? Iyong para bang nilagyan ng yelo ang aking likod and worst, hindi ko magawang tanggalin kaya and ending---hindi ako mapakali!
"A-Ah---sige, doon ka na...i-ihahanda ko lang itong foods," I said, panicking.
So not me!
He chuckled. "Easy, young lady. I was just kidding."
I rolled my eyes instead of talking back.
Kalagitnaan namin nang pagkain, nagtanong si Gon. "How old are you, Alli?"
I chewed all the foods inside my mouth. "Ah, kaka-21 ko lang. Why?" inosenteng tanong ko bago inumin ang tubig ko.
He then locked his eyes on me. "When is your birthday?" he asked again.
Anong trip niya at tinatanong ako ng mga ganitong bagay ngayon?
Gayunpaman, sinagot ko siya. "December 31."
Tumango-tango siya. "New year, huh?"
I smiled. "Galing 'no? Saktong bagong taon ang aking birthday! Hehe. Kaya nga super dami laging handa at bisita kapag bagong taon sa amin dahil kasabay ng celebration namin ng New Year, birthday ko din." masayang kwento ko. "How about you? When is your birthday, Gon?" seryosong tanong ko.
Ang sama naman kasi na kahit konti, wala akong alam sa kanya. I just know his name and nothing more!
He smirked. "Gusto mo talagang magkaroon ng information about saʼkin, huh?" naghahamon niyang tanong bago uminom sa baso ko!
I frowned. "Nakakailan ka na, Gon." pagbibilang ko mga pang-aagaw niya sa mga iniinom ko.
He chuckled. "Para kasing mas sumasarap kapag may bahid ng laway mo ang nalalasap."
My eyes widen. "Gon! A-Ang baboy mo!" nag-iinit ang mukhang suway ko.
He smirked again. "Kidding." biglang bawi niya bago biglang sumeryoso. "My birthday was on August 31." he answered.
August 31? Araw pa ng mga Bayani, huh? Cool!
I laughed a bit. "August 31? National Heroesʼ Day?" I confirmed.
He nodded. "Why?"
I giggled. "Siguro isa ka ding bayani, 'no?" tudyo ko.
He arched a brow. " Why is that? What do you mean?" malamig na tanong niya.
I laughed hard. "Hahahahaha! Goodness!"
"Damn it, young lady. Whatʼs with your laughter, huh?" iritang tanong niya.
I smiled wickedly. "Anong malay ko kung may ipinaglaban kang maling tao?" I teased.
He just stared at me coldly after I said those words. Nabura naman kaagad ang palabiro kong side ngayon dahil sa biglaang pagbabago ng reaksyon niya, batay sa aking sinabi. Nakagat ko pa ang aking labi dahil parang foul ang nasabi ko? Sorry kung ganoʼn nga.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa hanggang sa magsalita siya.
"What will be your reaction if I said...yes?" seryosong tanong niya.
Natigilan ako.
I faked a laugh. "H-Haha, ano...'yang---magugulat? Kasi sabi mo ayaw mo sa relasyon tapos malalaman kong may ipinaglaban ka pala noon na maling tao?" alangang sagot ko.
He smirked. "E, ikaw? Have you tried fighting for someone and won?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.
Mabilis akong umiling "...never tried," pagpapakatotoo ko at nagbaba ng tingin sa aking pagkaing, may katagalan na palang nakatengga dahil sa usapan naming ito.
"Hm...if you would fall in love...are you willing to take the risk?" he asked, causing my head to lift up again and locked my own eyes at him.
"I-If needed, yes? Why do you ask, by the way?" tugon ko, medyo namamangha.
He shrugged his shoulder a bit. "Dapat sigurado kang susugal. Lalo na at mahal mo ang nakataya," he said, akala mo ay isang famous philosopher.
I arched my brow. "And why naman?" tanong ko. "Hindi naman lahat pwedeng ipaglaban dahil sa mga hindi katanggap-tanggap na dahilan. Anong malay natin kung hindi para saʼtin ang tao, hindi ba? Susugal at lalaban pa rin? Stupidity as its best!" pagsasabi ko nang obvious. "Not gonna fight for someone." I remarked.
"Love is a gamble, be the God." he meaningfully said. "Be the God of Gamble."
I winced. "Gagawin mo ba iyang tinuran mo kapag nagkataon, huh?" hamak ko.
Itinuon niya ang parehong siko sa edge ng table at medyo inilapit ang mukha sa akin. "Yes, I will." may determination na sagot niya. "...let me suggest you something, then." he suggested, afterwards.
I squinted my eyes. "Fired," hamon ko.
Ganoʼn na lamang ang pag-iinit ng aking buong mukha nang sandaling tukuyin na niya ang nais na suggestion!
...wala iyon sa hulog, ah! Ang sabi ba naman ay,
"Mahalin mo ako. Ako na bahala sumeryoso."
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top