54
"Paano kayo naging kaibigan ni Gon?" nagtatakang tanong ko kina Ion at Kiel bago isubo ang Chocolate Marble na Pancake.
Matapos ng usapan namin ni Andi kanina ay hinila ko na papaalis si Kiel ng UPLB upang pumunta na dito sa Pancake House dahil gutom na kami ng baby ko.
Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko na namin dito si Ion.
Ilang buwan ko ding hindi ito nakita pero kanina, habang papunta kami dito ni Kiel, nasabi niyang palihim lang naman nila akong sinusubaybayan at binabantayan. Lalo na ngayon. Nalaman na nilang buntis ako at ang ama ay walang iba kundi si Gon.
At dahil hindi naman din nila alam kung na saan si Gon, I donʼt think na magagawa nilang ipaalam dito na magkaka anak kami.
Kampante ako, at some point.
Kiel leaned his back in his chair and looked at me with a plain expression. "We, Gon and Ion were batchmates in Harvard University, Alli. And our parents were used to be best of friends, so yeah...I think weʼre friends." sagot nito.
Ion then smirked. "Lupit nga, e. Graduate ng Harvard tapos kidnapper lang pala ang gustong trabaho. Pft." pang-aasar niya kay Gon.
Napangiwi naman ako. "A-Ah, ganoʼn ba? E, bakit kayo pumayag na bantayan ako dahil lang sa utos niya?" tanong ko muli sabay kain naman ng Walnut pancake.
Uminom muna ng milktea si Ion. "Kaibigan, e." simpleng sagot nito at ngumiti sa akin. "Hindi halata na palakaibigan si Gon pero ang totoo? Mas kaibigan pa siya sa tunay na kaibigan. Hindi lang siya showy. Tsk." pagbibida pa nito.
Gusto ko tuloy ngumiti kaya lamang ay may tampo at hinanakit ako sa lalaking iyon kaya hanggaʼt hindi siya nagpapakita, mananatili ang mga iyong buhay sa aking dibdib.
Kaya bumalik ka na, Gon.
Kiel meddled. "Kaya nga maraming HU babes ang habol nang habol sa gagong iyon, e. Hays...haha!" animoʼy problemadong-problemadong aniya.
Hindi ko napigilan ang sariling magtaas ng isang kilay habang marahang ngumunguya. "What? What do you mean by HU babes?" I asked a bit irritated.
Calm down, self! Hindi babaero si Gon, goodness!
Ion and Kiel chuckled. "Pft. Harvard University babes, Alli. Mga magagandang babae ng campus. Haha, yes, habulin ang gagong si Gon ng chix since then." kwento niya.
Nawalan ako ng gana kumain dahil sa nadinig. Kung kaya naman, inilayo ko ang plato sa akin bago sumandal sa kinauupuan ko at humalukipkip. My brows furrowed. "Babaero," I commented and stared at the floor with throbbing heart.
"Hahaha!" they laughed.
I ignored them.
"Yes, Alli. Habulin ng chix si Gon pero..." Ion said but hanged for a sec.
Walang gana, "Pero, what?" tanong ko, completely feelinʼ jealous.
I sighed secretly as I waited Ion to continue his hanged words.
"...but he never dare to lend a single attention in any one of them." seriously, he said.
I lifted my gaze at him. Confused, "H-Huh?" I asked.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kiel bago sabay na napaismid, bagay na nagpatindi ng kuryosidad ko.
"Hey, what? T-Telll me kaya," interesadong sabi ko. "Anong dahilan b-bakit hindi siya naglaan ng attention towards other girls, huh?" pilit ko sa mga ito.
"Because..."
"W-What?"
Ganoon na lamang ang aking pagkadismaya nang sandaling sumagot sila sa akin ng,
"Si Gon na lang tanungin mo, Alli." sabi ni Ion, pigil ang tawa.
"Kapag nakabalik na, itanong mo. Pft." si Kiel Yanzi. "You know," kibit-balikat pang aniya sabay ngisi sa akin. "Curiosity is the poison of human thoughts." he remarked.
Iyong pakiramdam na konting-konti na lang, magagamot na ang sakit kong kuryosidad, tapos biglang hindi itutuloy ang sasabihin?!
Sarap manapak, goodness.
I frowned. "I want to go home," yaya ko bigla dahil wala naman pala akong mapapala kakakausap sa mga ito and busog na naman din kami ng baby ko.
"Hatid ka na namin," presinta ni Kiel bago naunang tumayo at nilapitan ako upang alalayan.
"Thank you," sabi ko.
Sunod namang tumayo sa upuan niya si Ion matapos ubusin ang tubig. "Iʼll pay, you go first outside." sabi nito na ang paningin ay na kay Kiel.
"Good, pft." mapang-asar na sagot ni Kiel.
"Tarantado, tingnan-tingnan mo ang paligid at baka nakasunod na naman si Randa!" walang kahiya-hiyang saad ni Ion bago kami talikuran upang maglakad papalapit sa may counter nitong Pancake House.
Hindi ko na lamang pinansin ang asaran at palitan nila ng mga salita. Hindi din naman ako relate, e.
Iniwan na lang namin doon si Ion dahil siya nga ang magbabayad ng mga kinain namin---este ko pala. Ako may pinakamadaming nakain, e.
Pagdating namin sa may parking, akmang papasok na ako sa sasakyan na siyang ginamit namin ni Kiel papunta dito sa Pancake House nang madinig ang tinig ni Ion.
"Shit," mura niya, dahilan upang kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang madaling makalapit sa amin.
At nang makalapit ay walang sabi-sabing hinawakan nito ang aking bewang at inilapit sa kaniya!
"H-Huy---"
"Please, cooperate muna Alli. Damn, I didnʼt see this bitch coming."
Confused, "What are you saying?!" I asked and try to escaped but he did not let me. "Ano bang problema mo, Ion?" inis kong tanong dito at tumingin kay Kiel na nakatingin sa Pancake House door na nilabasan ni Ion kanina.
"Damn, youʼre ex, Randa, is here..." sambit ni Kiel at umismid. "...at papalapit na, Ion. Pft. Goodluck,"
Ano bang problema nila kung makita ang ex nila, huh?! Idadamay pa ako!
"Alli, just donʼt speak, okay? Sumakay ka na lang sa gimik ko. Sorry in advanced dahil gagamitin muna kita. Hindi kasi ako titigilan ni Randa, e." pilit na pagpapakatatag ng boses na saad ni Ion.
"Ano?"
So, gagamitin niya ako para mapaniwala ang ex niya na ano? Na naka-move on na siya, ganoʼn?! Goodness. Anong klaseng kaibigan ba itong mga ito!
"Shh, nandiyan na siya." suway niya sa akin at mas hinapit pa ang aking bewang palapit sa katawan niya kaya napangiwi ako nang bahagya.
Pinanood naming tatlo ang paglapit ni Randa daw, ex nitong kumag na kaibigan ni Gon. At habang naglalakad ito papalapit sa gawi namin, halos kuminang ang mga mata ko sa taglay nitong ganda. Kinis ng balat at...ang tangkad din niya.
She has this brunette hair color, chinky eyes and katamtaman lang ang liit ng mukha. Natural na mapula ang labi at ang nakakuha ng atensyon ko ay iyong piercings niya sa tenga, bagay na nagpalakas ng dating niya. Nevertheless, she still looks innocent.
Idagdag pa na kung maglakad ito ay with finesse. Tipong mapapalingon ang sinumang makakakita sa kaniya at hindi na makukuha pang bawiin ang mga mata once they locked on her mien.
To sum it all, ang sexy at ganda niya~!
But behind her innocent face, resides a devilish personality.
What happened as she reached our distance with the position, wherein Ionʼs holding my waist as if we really are couple?
This.
Randa slapped Ion. "Fuck you, Ion! Isa kang malanding bulate! Ano?! Kaka-break lang natin---may bago ka na agad?! Huh! Ang kapal ng mukha niyong mga lalaki talaga!" she exclaimed infuriated in Ionʼs face.
G-Goodness, baka masampal din ako---
"And you..." she get my attention.
I gulped. "H-Huh?" I asked.
She squinted her eyes at me, as if recognizing me. "You hit Satia, remember?" she asked, accusingly.
Goodness...d-donʼt tell me, kapatid ni Satia ang ex ni Ion?!
Bubuka na sana ang aking bibig nang magsalita si Ion at ilagay ako sa likod niya. "Kasalanan naman ng kapatid mo kaya nadali ni Alloira, Randa." pagtatanggol nito sa akin.
Randa then smirked at him. "Kapal ng mukha mo. Huwag mo akong kausapin! Hindi din ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka!" she striked, causing me to gulped and lowered my gaze so I could not meet her enraged eyes.
Goodness. Bakit kasi dinamay pa ako ng magkaibigan ito, e!
Kiel then pulled me carefully away from Ion. "Get in the car, Alli. Let us fixed this." seryosong saad nito.
I nodded reluctantly. "S-Sige," sagot ko na lang bago sumakay sa sasakyan, not minding Randaʼs glare.
Scary...
Pinanood ko mula sa windshield sina Randa, Ion at Kiel na mag-usap nang masinsinan. At dahil nasa loob na nga ako ng sasakyan, hindi ko madinig ang usapan ng mga ito.
Kita ko ang mabilis na pagbabago ng expression ni Randa nang muli niya akong sulyapan mula sa windshield then back to Ion. From gigil at galit to galit na galit.
And with gritting teeth, she then...
"Oh, goodness..." tutop ang bibig kong sambit matapos masaksihan kung paano niya pinadapo ang kaniyang kamao sa mukha ni Ion at Kiel, bagay na naging dahilan upang bumaling sa gilid nila ang mga mukha! "...n-nakakaloka..."komento ko pa at pinanood na maglakad siya paalis.
Nawiwindang, "Goodness, baby...donʼt be like that when you grow up, o-okay?" kausap ko sa aking anak habang hinihimas ang sariling tiyan.
Ilang sandali pang nakatanga ang magkaibigan doon, marahil, hindi pa rin magawang paniwalaan na nasapak sila ng iisang magandang babae!
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Bukod sa ngayon ko lamang napagtanto na may kapatid pala ang talipandas at inggiterang si Satia, may ex pala itong si Ion.
Oh, well...how would I know? Nakilala ko lang naman siya noong unang beses na umalis si Gon tapos nagpanggap na tricycle driver, Crispy Kreme Crew, Sales Clerk at Security Guard!
All in one, goodness.
Ito namang si Kiel, kanina ko lang nakilala. Ngayong araw lang. Tapos malalaman ko na kaibigan din pala siya ni Gon at ginamit ni Gon ang mga ito upang ako ay pangalagaan kahit malayo siya...
I sighed. "N-Na saan ka ba kasi, Gon? Miss na miss na kita..." emosyonal kong sambit.
Hindi rin nagtagal ay sumakay na din si Kiel sa driverʼs seat. "Damn that woman. Ang lakas manapak! Nyeta," reklamo nito bago buksan ang makina ng sasakyan.
Ngunit wala doon ang aking atensyon. Muli na naman kasi akong nilukob ng lungkot matapos kong maalala si Gon.
"Kung bakit kasi nag-jowa si Ion ng binibini pero makasuntok, daig pa lalaki."
"G-Gusto ko na makita si Gon, K-Kiel." sabi ko imbes na mag-react sa sinabi niya. "Miss na miss ko na siya," emosyonal kong bulong sa hangin.
Kasabay niyon, nanumbalik ang sakit na panandalian kong nakalimutan dahil sa kalokohan nina Kiel at Ion. Dahil dito, hindi ko na napigilan pang pangiliran ng luha dulot ng pangungulila.
Labis-labis na pangungulila...
I stared at the window. "B-Babalik pa ba siya?" I asked, and a tear dropped. "...m-may hinihintay pa ba a-ako?" I asked again, hurting.
"Alli..." he called, doesnʼt know how to reply.
I smiled bitterly as I wiped away my own tears. "I-uwi mo na lang ako," sabi ko na lang.
"S-Sure,"
Kalagitnaan namin ng biyahe pabalik ng bahay ko, walang tigil ang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay na may kinalaman kay Gon.
Hindi ko mapigilan, e. Sa papatagal nang papatagal na naghihintay ako sa kaniya, mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Ngunit, kaalinsabay doon ay ang labis-labis namang muhi dito.
He left me without telling me the reason.
He did not even bothered to tell me if I need to wait him.
...and he did not say that he will come back.
Tears escaped from my sorrowful eyes upon realizing the thoughts. Idagdag pa iyong katotohanan na magmumukha akong tanga kakahintay sa kaniya, nakakapanghina na, iyon pa kayang mag-isa ko yatang itataguyod magiging anak namin?
I donʼt want to be a single mom, Gon. P-Please, come back.
I sighed.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Bumaba kaagad si Kiel upang alalayan ako sa pagbaba. "Careful,"
"Thank you." tugon ko matapos maayos na makalabas sa sasakyan. "...pasok na ako sa loob. Marami pa akong aasikasuhin---"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong...yakapin.
Nang mahigpit.
My tears suddenly outpour dahil pakiramdam ito ang bagay na kailangang kailangan ko ngayon sapagkat hindi ko na kaya ang bigat ng kalooban ko.
"I know how you feel, Alli. And I am sorry if embracing you is the simplest thing I could do to lessen your miseries." seryosong aniya kasabay nang paghaplos niya sa aking buhok.
I sobbed hard. "M-Miss na miss ko na si G-Gon, e...b-bakit wala pa siya, huh?" parang batang tanong ko. "H-Hindi na ba siya babalik, h-huh?" nasasaktang tanong ko pa.
"Shh...mahal ka noʼn, okay?"
Instead of answering, I cried hard. "K-Kung mahal niya ako...h-hindi niya ako iiwan." I remarked painfully.
I heard him sighed. "At dahil mahal ka niya, babalik siya." tugon nito bago kumalas sa yakap sa akin at titigan ako nang malalim. "Keep the prowess in you... dominate." aniya, pinalalakas ang loob ko. "Sasamahan ka naman namin ni Ion hanggaʼt hindi pa nakakabalik si Gon, okay? Kami muna ang Gon, the seconds." he tried to joke.
Sobbing, I wiped my tears. "Umalis yata siya dahil napapagod na siya sa akin." I said.
He shook his head. "Of course not, bakit mo naman nasabi iyan, ha?"
My lips quivered. "...kasi hindi ko siya pinili n-noon, e." nakokonsensyang sagot ko sabay hikbi.
"Mahal ka noʼn, trust me." sagot nito. "Baka may importante lang na ginagawa..." pagbabaka-sakali nito.
I am not convinced so I pouted. "Dapat sabihin niya sa akin kung pagod na siya sa ugali. Paiinumin ko siya ng energy drink!" I suddenly shot.
"Pft,"
I glared at him. "Umalis ka na, Kiel. Papasok na ako sa loob!"
He let out an amused sigh. "Moody preggy, pft. Sige na. Pupuntahan ko din si Ion dahil paniguradong nasa bar na naman iyon ngayon. Huwag ka nang lalabas ng bahay, okay?" paalala nito, na para bang tatay ko siya.
"Oo na! Sige, alis na!" taboy ko at iniwan na siya upang pumasok na sa loob ng bahay.
Itinigil ko ang pagpipintura sa imaheng nakapinta sa canvas ko matapos sumagi sa isip ko na naman si Gon.
I smiled bitterly as I stared at my painting. "Youʼre my favorite mistake." I said miserly. "Gon, wherever you are now... I just want you to know that...may mga humaharot sa akin pero hindi ko pinapatulan...dahil ikaw ang gusto kong kalandian." kausap ko sa painting nito, kung saan imahe niya mismo ang nakaguhit.
Malamig ang mga mata.
May hikaw sa kaliwang tenga.
Gwapo.
...at makikita na mahal na mahal niya ako.
I chuckled bitterly nang may mapagtanto. "Mahal na mahal kita...kahit noong nag-I love you ka saʼkin, wala pa tayong label." kausap ko sa painting nito.
My tears fell.
Inaatake ako ng depression pero nilalabanan ko dahil may anak tayo, Gon. M-May anak na tayo...please, come back. Heal me out...
Dala nang matinding pangangalunya, isinandig ko ang aking likod sa gilid ng kama ko habang nakaupo sa sahig at bahagyang sinasabunutan ang sarili.
Wala ring tigil sa pag-agos ang aking mga luha dulot ng kasalukuyang nararamdaman. "K-Kaya ko...kaya k-ko 'to...p-please, Alli...d-donʼt give up..." pagpapatatag ko sa sarili kahit sobra-sobra na akong nahihirapan.
"I-Itʼs been months, pero nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko lahat...lahat ng pinagsamahan natin..." emosyonal kong sambit kasabay ng mga pigil na pigil kong hikbi.
Of all war, this is the most horrible.
War...it is created when necessary. But arms, they are permissible when there is no hope...except arms.
"...please, Gon. B-Balik ka na. I need your arms to embrace me... 'cause Iʼm lack of hope already to...live."
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top