53

(Now playing : Angelʼs Cry by Mariah Carey)

-----

Mabilis na lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. Noong nakaraang tatlong buwan ay naganap ang kasalang Andrada at La Galliene, kahit na alam ko na mana na labag sa kalooban ni Siegfried iyon dahil ika nga niya, hindi naman niya mahal si Andi. At napilitan lamang sila magpakasal dahil nga buntis si Andi. At dahil may pangalang iniingatan ang mga magulang nito, kailangan dumaan sa maganda at maayos na proseso ang lahat ng bagay.


Ayaw naman nilang mapahiya sa mga nakakakilala sa pamilya nila dahil sa katayuang kinabibilangan.



Matapos ang usapan namin ni Siegfried noon sa labas ng XoX Bar, tatlong buwan ang nakakalipas, hindi na kami muli pang nagkita o nagpanagpo pa ng landas kahit aksidente lang dahil kailangan nitong bantayan ang pagbubuntis ni Andi.


Si Andi naman, huli kong nakita noon sa may Waltermart, bago ang kasal nila. Aksidente lang. Nagkataon kasi na mamimili ako sa may DIY at nakita ko naman siya sa may bilihan ng pabango. Hindi si Sie ang kasama niya that time. Si Lea at si Ace.


I sighed. Ngayon kasi ay paniguradong nakapanganak na siya...

Bago ang kasal nila...tumawag sa akin si Andi. She said she missed me. That she wanted me to be her maid of honor. Kasi pangarap namin pareho iyon...ang maging maid of honor ng isaʼt-isa, pati ni Thalia. Ngunit kay Thalia lang ang natupad.


Tumanggi ako. Kasi hindi naman sa sitwasyon na iyon ang ninais kong dumalo, e. Ni hindi ko na nga din inalam pa kung saan sila ikinasal. Sino ang maid of honor and all.


Siyempre, kasal ng bestfriend at ex ko iyon. Sinong tanga ang papayag na maging maid of honor ng ex nila?


So not me.

I know, I am being very insensitive these days but what can I do? I am hurt. I am dwelling with the deep sorrow. I am trying my very best to be okay but I always ended up breaking down every night!


Wala akong magawa kundi ang ipakita sa iba na okay lang ako kapag kaharap sila, but when the night came, it bleeds!

...because I am fighting for myself not to think those things that might hurt me.


At sa mga nakalipas na buwan na iyon, masasabi kong sobrang laki na ng pinagbago ko. Lalo na nang bigla na lang nawala si Gon at hindi ko man lang malaman kung na saan na ito.


Yes, I am still hoping na bigla na lamang siyang susulpot sa kwarto ko at dumaan sa veranda.


And that was always. I am hoping always...


...pero walang Gon na dumadating.


A tear escaped from my left eye. "...miss na kita, G-Gon..." I uttered in the most painful and miserable way. "B-Balik ka na please..." pagmamakaawa ko sa hangin sabay yakap sa aking sariling braso.


Dinamdam ko ang malamig na haplos ng hangin sa aking balat. Ang malamig na gabi ay mag-isa kong sinalubong.

Pagod na pagod. Sakit na sakit. Walang pakundangan sa paglalabas ng maiinit na likido.

Bukas, kung hindi pa siya babalik ay mag-aapat na buwan na siyang wala. Ni hindi man lamang makuhang magparamdam matapos akong iwan.


Ang sakit mong mang-iwan, Gon...gusto kong magalit saʼyo, Gon. Gusto kitang kamuhian dahil iniwan mo 'ko! Gustong-gusto ko!


"...pero h-hindi ko magawa...d-dahil mahal n-na mahal kita," naghihinanakit kong sambit sa hangin. "M-Mahal na mahal kita...Gon."


Wala sa sariling nahaplos ko ang aking tiyan kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. "...k-kapag hindi ka bumalik...w-wala kang kikilalaning anak mula sa akin..." I remarked, pained.


Yes. I am pregnant. And Gon is the father. Bukas ang pang-apat na buwan kong pagbubuntis sa baby namin. Noon ko lang nalaman kung hindi pa mapapansin ni Yaya ang mga araw-araw kong katamaran sa pagbangon para pumasok ng school. Ang madalas na pagduduwal. At ang kakahanap ko ng pagkaing hindi ko naman kinakain noon.


Hanggang sa nagpasiya akong magpasama dito na magpa-check up upang malaman kung totoo bang nagdadalang-tao ako.


Hindi ko naman agad nakuhang maniwala matapos kong madinig ang sinabi ng Ob-Gyne ko.

"...youʼre three weeks pregnant. Congratulations,"


Magmula nang malaman ko iyon, nilimitahan ko ang mga bagay na magpapaalala sa akin ng mga masasakit na bagay na nangyari sa akin noong mga nakaraan dahil hindi daw ako pwedeng ma-stress.


Nasa first trimester stage pa lang ako at sa prosesong iyon, hindi magandang pinapabayaan ko ang aking sarili dahil nagsisimula pa lamang mabuo ang mga parte bata at kapag pinabayaan ko nag sarili ko, maaari akong makunan.


Bagay na ayokong mangyari.


Ngunit ngayong gabi, hindi ko naman napigilan ang sarili kong umiyak at magdamdam dahil kay Gon.

Noong hindi ko pa alam na may buhay nansa aking sinapupunan, tuwing gabi ay hindi pwedeng hindi ako maglalabas ng luha dahil sobrang bigat na bigat na.


Ngunit nang malaman kong may nabubuhay na pala ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Gon, ginawa ko ang lahat upang hindi maapektuhan ang aking pagdadalang-tao.



Buntis man, I still continue studying. Even if sometimes, nahihirapan akong makasunod sa lesson. Idagdag pa na oras ng klase ko, bigla akong makakaramdam na may nais akong kainin pero wala akong masabihan kaya mag-isa akong nagpapaalam sa Prof ko at pumunta sa cafeteria upang hanapin ang pagkaing nais kong kainin. Nakakaabot pa ako sa labas ng UPLB para lang makabili dahil hindi matatahik ang aking anak hanggaʼt hindi ko nakakain iyon.



I smiled scarcely as I cradled on my tummy. "Donʼt pahirap mommy, baby. Y-Youʼre daddy is not here, and no one will help me. Okay?" kausap ko sa aking anak. "Be good to me when you are arriving, alright?"



I stared at the dark skies and smiled weakly. "H-Hey, mom...dad...look, oh," kausap ko sa mga magulang ko sa pamamagitan ng malamig na hangin. "Y-Youʼll be having an apo soon..." naluluhang sambit ko. "M-Mom...dad, w-wala po si Gon, e...p-pwede bang k-kayo muna ang magbantay sa a-amin ng baby ko?"


H-Hindi ko na kasi kaya, mom...hindi ko na kaya pang hintayin at asahan si Gon sa mga susunod pang araw o pagkakataon.


I breathe heavily. "H-He left me already, mom...dad. I-I hate him," pagsusumbong ko pa. "...mang-iiwan sila." I accused unknowingly.


Nasa ganoon aking lagay nang madinig ko ang mga yabag na papalapit sa aking gawi kung kayaʼt daglian kong pinunasan ang aking mukhang puno na naman ng luha bago humarap sa taong iyon.

Tumabi ito sa akin at ibinigay ang isang basong gatas at tinanggap ko naman iyon. "Salamat, yaya." sabi ko.


"Umiiyak ka na naman, hija. Hindi maganda sa iyo nagdadamdam, kainaman ka na." pangangaral nito bago haplusin ang aking buhok. "Akoʼy saksi sa lahat ng iyong kabiguan, hija. Ngunit sa nakikita ko? Unti-unti mong nakakaya ang lahat." nakangiting aniya. "Napakatapang mo, hija. Nagbabaga ang iyong tapang, tinutupok ang lamig na bumabalot sa pagkatao mo." makahulugang dagdag pa nito.

I bit my lip as I stared at the milk with blurry vision. "I-I donʼt know what to feel anymore, yaya. A-Ang daming bagay na nagpapahina ng loob ko...kahit gustong-gusto kong manatiling matatag---may isang bagay talaga na tumitira sa akin upang ako ay panghinain." emosyonal kong sambit.

Hinaplos nito ang aking likod, trying to soothes what I am feeling. "Makakaya mo, hija. Lalo na ngayon...magkakaanak ka na."

Bahagya naman akong napangiti. "Iʼm excited to meet my child, yaya." sagot ko.

Natahimik kami pareho ng ilang segundo.


Kalagitnaan ko naman ng pag-inom sa aking gatas na dinala ni yaya nang bigla siyang magsalita, bagay na nagpatigil sa aking pag-inom panandalian.


"Hm...siya nga pala, hija. Anong plano mo kapag naka-gradweyt ka na diyan sa kolehiyo mo? Ike bagaʼy didretsong aasikasuhin ang naiwang negosyo ng mga magulang mo?" she asked curiously.


And speaking of which...


I let out a frustrating sigh. "Ewan ko yaya. Hindi ko alam kung makakaya ko. Masyadong mabigat na tungkulin para sa akin ang iniwan nila. H-Hindi ko alam kung magagawa kong itaguyod at kung mapapanatili ko ba ang maayos na daloy ng economy niyon." I replied.


Totoo. Mabigat na gawain ang naiwan sa akin ng mga magulang ko at hindi ko alam kung makakaya kong patakbuhin iyon!



I sighed heavily. "Oras na makapanganak ako yaya, p-pwede ba akong humingi saʼyo ng favor?" biglang tanong ko at tumingin dito.


Napailing naman agad si yaya, animoʼy alam na kung ano ang aking sasabihin.


"Yaya, please..."

"Balak mong ako ang mag-alaga sa anak mo upang makapag-trabaho ka nang maayos?" pangunguna niya kaya napalabi agad ako. "At para hindi malaman ni Gon na may anak kayo, hindi ba?" hula niya ulit.

I gulped. "K-Kasi yaya..."


Hindi ko alam paano ko sasabihin dito ang plano ko. Alam ko namang papayag siya ngunit pauulit-ulitin naman niya sa akin kung ano ang mas tamang gawin kalaunan!

She sighed, giving up. "Itatago mo ang bata sa lalaking iyon, tama ba?" she asked.


I bit my lip as I nodded lightly. "...opo.. G-Gusto ko din po kasi na...habang abala ako sa negosyong iniwan nila mom ang dad, kayo muna ang mag-alaga sa anak ko. Hindi ko po kayang mag-isang gawin ang lahat ng ito, e. Kayo na lang po ang aasahan ko, yaya." pagsusumamo ko na.


She then looked at me intently. "Hija..."


I held her hand and smiled weakly. "...yaya, do this for me. Please?"


Desperadang baliw na yata ako. Hinahanap ko si Gon at gusto ko siyang bumalik. Ngunit gusto ko ding hindi ipakilala dito ang magiging anak namin.


Ang gulo ko!


"Ay, saan ko baga naman dadalhin ang iyong anak upang alagaan, hija?" sukong tanong ni yaya kaya napangiti ako.


Actually, noon pa buo ang desisyon ko. Na kapag nakapanganak na ako at naka-graduate sa college, balak kong mag-migrate sa Canada. Tatapusin ko lamang ang ilang bagay na mahalaga na naiwan dito ng parents ko. Isa pa, kung hindi ako nagkakamali, sa Canada naka-built ang main company ng business nila. Pangalawa lamang ang sa Pilipinas.


"Sa Churchill, Canada yaya. Doon ko po gustong palakihin ang baby ko. M-Malayo sa buhay na mayroon dito..." sagot ko.


Napakamot ito sa kaniyang noo dulot nang kawalan ng pag-asang mabago pa ang isip ko. "Ano pa nga bang magagawa ko? Hala sige, iyon na kung iyon! Karimarimarim," sukong-sukong aniya kaya naman natawa ako nang bahagya dito. "Ike matulog naʼt may pasok ka ika mo, hindi ba? Sige na, pasok sa loob. Nahahamugan ka na rine sa labas, jusko po bata ka." striktang suway niya sa akin.


"Hehe, sorry po~."


She then smiled. "Sige na, matulog ka na."she said.

I nodded. "Sige po, yaya. After kong magbasa ng stories para kay baby, hehe." masayang tugon ko.


"Siya, sige naʼt akin pang uunatin ang susuotin mo para bukas. Magpahinga na, Alli." huling paalala pa niya bago tuluyang maglakad papaalis hanggang sa makalabas na ito ng aking silid.


Napabuntong-hininga naman ako at pumasok na sa loob bitbit ang baso ng gatas at isarado ang pinto ng veranda bago nahiga sa aking kama. Ngunit inubos ko muna ang gatas.


Gaya nang sinabi ko kanina, binasahan ko muna ng story ang aking baby. Tuwing gabi ko naman ito ginagawa at kapag ginagawa ko ito, nawawala panandalian ang sakit na dinulot sa akin ng mga taong nakapalibot sa akin.


"...and they live happily ever after." I ended the story and caressed my tummy. "Sleep na tayo, baby. May klase pa si mommy bukas, e. Bawal magpuyat! Hihi," kausap ko dito.

Maingat akong nahiga sa aking kama at ikinumot sa katawan ang puting comforter. Wala sa sariling napatitig ako sa kisame kasabay nang mapait na mga ngiti. "Goodnight, d-daddy Gon..." I mumbled.


Hindi rin nagtagal ay unti-unti na akong nahulog sa malalim na pagtulog...


"The financial success of any business firm will depend much on the quality of decisions made by management regarding the firmʼs financial activities." I presented professionally to the panelists.



Maaga akong nagising dahil may presentation ako ngayong araw at kalahati ng ima-marka sa akin, sa presentation ko manggagaling. Kaya kailangan kong galingan at ipasa ito ngayong araw.


Ilang araw ko itong pinaghandaan despite my conditions. And I donʼt want to waste my sweat and tears studying these cases all by myself---kasama ko pala ang baby ko, so yeah. Ayokong masayang ang pinaghirapan namin ng baby ko.


Mr. Guevara, one of the panelists, nodded, as if he was satisfied with my broad explanation. "What about the quality of decision, Miss Del Rava? Why is it important in terms of business? And how it works?" he asked consecutively.


I smiled confidently. "The quality of decisions, however, will depend on how well management understands the environment under which business finance operates, Sir. And the clear understanding of financial markets and how they operate is the important requirement." I answered.


Nagkatinginan ang tatlong panelists sabay tango sa isaʼt-isa. Na para bang sila ay mga investors ng company at ako ang naatasang makipag-negotiate sa mga ito upang mapapayag na maging ganap kaming business partners.


Kabado ako ngayon pero sa tuwing mapapahawak ako sa aking tiyan, nawawala ang kaba ko. Pasalamat na lamang din ako ngayon na hindi ako nagke-crave sa foods, kalagitnaan ng presentation ko.


Good job, my baby!


We continued the presentation..

"What happened when the management has sufficient understanding of financial markets, then?" tanong ni Mr. Torio.

I smiled. "When the management has sufficient understanding of financial markets, it will be able to tap the resources, which match the firmʼs needs and capabilities, Sir." sagot ko.


He smiled then wrote something in his folder which contains judgments papers.


Mr. Kiel Yanzi Relavamonte, an entrepreneur student from LPU then asked me. "Benefits of financial market, Miss Del Rava." he asked coldly but professionally.


Well, according to his mien, his exhibit personal appearance, mukha siyang ka-edaran lamang ni Gon kung titingnan.


Sa tanang buhay ko, ngayon lang yata ako nakakita ng student pa lang, nasa linya na ng mga nagpa-panel.


So, I must say...mukhang matalino siya. I mean---matalino nga talaga ito kung titingnan.


Malinis. Gwapo. May dating. Professional na professional kung magkikilos. Tipong bawal gusutin nag damit niya, ganoon.


Nevertheless, he could not meet how Daegon Trevor La Galliene bring himself up. On how Gon captured my attention just by using his cold eyes.


Not even an inch.


"The benefits of financial markets...funds are directed to DSUʼs which can use them efficiently and liquidity is provided to savers, S-Sir Kiel." sagot ko ngunit nautal nang tawagin ko siyang sir.



Oh, no...baby, not now.


Nagugutom na kasi ako at ang gusto kong kainin ay iyong Pancake sa Pancake House. Iyong Chocolate Marble at Walnut!


Hay, baby...akala ko good ka na.


Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pasimple nitong pagngisi, bago nagsulat sa folder na hawak niya.


I winced 'cause of that.


Hindi ko na lamang pinansin. Imbes, nagpatuloy ako sa pagpe-present sa harapan nilang tatlo. At todo inda sa gutom na namamayani sa loob ko dahil hindi pa naman ako tapos mag-present.


Konting-tiis pa baby, okay? Huhu.


Muling nagtanong sa huling pagkakataon si Mr. Relavamonte. "What includes in the Money Market and give example which performs the functions." panggigisa nito sa akin.


Ang sarap manadyak ngayon, ah.

I smiled halfway at him. "The money market is that financial marketon which debt securities with an original maturity of one year or less are traded." sagot ko.


"What about---"

I cut him off. "Long-term securities may also be traded in the money market if they have six months or less left to maturity, Sir." dagdag ko.


"And the---"


Hindi ko na naman siya hinayaang magsalita. "And banks like Land Bank of the Philippines perform money market functions, Sir." nakangiting pilit na ngayong sagot ko ulit dito.

Kita ko ang paggalaw ng kaniyang adamʼs apple. "...damn." he mouthed unknowingly.


I smirked. "And that would be all...thank you." I said to the panelists.


"Thank you, thank you, Miss Del Rava. Hindi ako na-inform na magaling ka," papuri ni Mr. Guevara.


"Thatʼs true, Miss Del Rava. Good job. Weʼre very much satisfied." si Mr. Torio.


Tumungo naman ako nang mababaw. "Salamat po." I politely replied.


Mr. Kiel Yanzi Relavamonte made an audible smirk. "Good job." aniya, pero halatang labas sa ilong.

Problema ba niya?

Hindi ko na lamang ito pinansin. Imbes, nakipag-usap pa ako ng mga ilang sandali sa mga panelists hanggang sa magpasiya na ang mga itong lumabas nitong AVR.


Ako naman ay handa na sanang damputin ang mga gamit ko para makalabas na kaya lamang ay napansin kong hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan niya si Mr. Kiel Relavamonte, dahilan upang kusang tumaaas ang isang kilay ko. "Sir? Need something else here?" I asked, upfront.


He then stood up. Walk towards my direction with deepest stares.


Uh...huh?

He stopped, a meter away from me. "You hungry?" he suddenly asked.

"No. Iʼm Alloira Euxine Del Rava. Not hungry, sir." matabang kong sagot dito bago isukbit sa balikat ang aking bag.


Handa na sana akong lampasan siya kaya lamang ay hunarang sa daan ko. I sighed. "What now, sir?" walang-buhay kong tanong dito.

"Youʼre hungry. Let me consort you," he said.

I raised my brow. "No, thanks. I can manage." sagot ko at muli na naman sanang lalampasan siya kaya lang ay muli na naman siyang humarang.


Goodness! Nakakairita!

Gumilid ako ng daan. Humarang siya. Gumilid akong muli, humarang na naman siya kaya para kaming tanga na nagpapatintero!


I breathe as I composed myself. "Sir! Ano bang problema mo, huh? Bakit ayaw mo akong paraanin?! Kainis!" asik ko dito na may naghuhurumintadong kalooban!

Gutom na ang baby ko, pahara-hara ka pa!


"Damn, lady. Let me accompany you, okay? Sasamahan lang naman kita---"

"Bakit nga?!" inis na talagang tanong ko. "Aware ka ba na kahit lagutan ka ng hininga sa harap ko, hindi ako papayag na samahan mo ako, huh?" I remarked, in a way of asking sarcastically.

"Damn,"

"Tapos magmumura ka pa? Goodness," puna ko at muli na naman sana siyang lalampasan ngunit muli niya lamang akong hinarangan.

I prevented myself from being infuriated. "Gutom na ako at ang baby ko, Sir. Padaanin mo na ako." sukong-sukong saad ko, not minding telling him that I am carrying a baby.


But I was so surprised kung bakit hindi man lamang siya nagulantang dahil sa sinabi ko. Kung ibang tao, baka nagulat na at nahusgahan na agad ako pero siya...wala.


Nakatitig lamang siya sa akin nang malalim, bagay na nagpakunot sa noo ko. "May dumi ba ako sa mukha, Sir?" takang tanong ko.


He shook his head and looked away. "W-Wala. Come with me. Donʼt worry, harmless ako." pangunguna na niya.

Napangisi ako. "Defensive mo naman." sabi ko. "Pero kahit maglaslas ka pa sa harapan ko, hindi ako sasama saʼyo, 'no. I donʼt even know you," prangkang sagot ko.


...ngunit ganoon na lamang ang pagkabog ng aking dibdib nang sandaling banggitin niya ang pangalan ng taong...gustong-gusto ko makita.


"Daegon Trevor La Galliene...hinabilin ka niya sa akin...bago pa man siya umalis ng bansa, Alli." seryosong pagpapaalam nito.



G-Gon...


In an instant, my eyes started to welled up as I stared back at Kiel. "N-Na saan ba siya...huh? A-Alam mo ba k-kung na saan siya?" may pananabik na tanong ko dito.



In my dismay, he shook his head. "Ion and I...he asked us to look after you while heʼs away, Alli. And as much as I want to tell and let you know where he is---we canʼt. I canʼt. Dahil maging kami...walang alam." seryosong aniya.


My tears efflux. Out of despair. "I...I missed him..." I mumbled.



He let out an audible sigh. "For sure, he feels the same way. But for now, let me accompany you so I can fulfill my promise to that dumbass that weʼll keeping you safe and sound, alright?"



I wiped away my tears and nodded lightly. "S-Sige..." pagpayag ko na.



Kinain ko rin yata ang mga sinabi ko kanina na hindi ako sasama dito. Wala, e. Binaggit si Gon.



Kalagitnaan namin nang paglalakad ni Kiel, kinuwento niya sa akin ang ilang habilin ni Gon bago umalis. Siya at si Ion ang tumawag kay Sie noong gabing nasa Bar ako at nakikipag-away kay Satia upang puntahan at iuwi ako.



Nagtaka ako kung bakit hindi na lang sila ang sunundo sa akin, ang sagot niya ay,



"Makikita ako ng ex ko,"



And I wonder sinong ex nitong si Kiel. Tinanong ko naman siya kung bakit hindi si Ion ang inutusan niya ang sagot naman ay,


"Naroon ang kuya ng ex niya, baka sample-an ng flying kick. Kaya pasensya na kung kay Siegfried ka namin ihinabilin muna, Alli." he apologized.



I winced. "Anong silbi pa? Tapos na. Nakalipas na. Nangyari na----"



Hindi ko natuloy ang aking wikain nang sumulpot na lang bigla sa aking harapan ang babaeng matagal-tagal ko ng hindi pa nakikita at nakakasamang muli matapos ng mga nangyari.


...dahilan upang mapahinto kami sa paglalakad ni Kiel.



"A-Alli...pwede ba tayong mag-usap?" Andi asked me, teary-eyed.



My chest tightened causing me to divert my full attention. "Next time, Andi. Gutom na ako." malamig kong sambit at hahakbang na sana nang mabilis niya akong yakapin.



Hindi ako nakakilos agad.


"Excuse me, girls. Iwan ko muna kayo. Mukhang kailangan niyong mag-usap na dalawa." paalam ni Kiel.



Badtrip. Wrong timing!



Maingat akong kumalas sa yakap ni Andi dahil baka maipit ang aking tiyan. "...let go of me. N-Next time na tayo mag-usap please. H-Hindi ko pa k-kaya, Andi. Please," pigil ang luhang saad ko dito bago ilayo ang sarili sa kaniya.


She sobbed. "...please, Alli...m-mag usap tayo," she pled, hurting.



Nag-iwas ako ng tingin dito. "...not now. G-Gutom na ako." sagot ko upang makaiwas sa kaniya bago siya nilampasan at lumuluhang naglakad palayo dito.



Hindi mo na mabubuo pa ang winasak mo na.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top