42

With swollen eyes, I opened those and my plain white ceiling welcomed it. No reaction at all. No emotion. Nothing to say. Nothing wants to feel.


With weariness in my eyes, I blinked. Doon ko napagtantong 3pm na, base sa pagkakabasa ko sa digital clock.


But I donʼt care.


I have a harder time sleeping these past two days after what happened. After the most memorable moment of my life...


Dalawang araw. Sa nagdaang dalawang araw, mula nang malaman ko ang bagay na hindi ko inaasahan...ang bagay na nakapagpahina nang matindi sa akin.



Mula sa utak. Sistema. At...puso. Lahat nanghina. They were as if penetrated by most wrecking virus which causing them to malfunction.



That night, I could consider that as the most atrocious moment of life. Serving as my nightmare after knowing the fact.



I gave both of them a total antipathy. They donʼt deserve my love and care.



Beguile.


After beguiling me, donʼt expect that I will not be audacious. Marked, by my pain.


Furthermore, paulit-ulit kong kinukumbinsi ang aking sarili na hindi totoo iyon. Na hindi magagawa nina Sie at Andi ang lokohin ako.



But I am just playing and feeling like a grope. Searching blindly as for ascertain hole to believe that they did not cheat on me.


...and I found nothing. Gustuhin ko man na isaalang-alang na mahal na mahal ko sila pareho---pero sa tuwing maaalala ko ang tagpo ng katotohanan, mas pinalala nito ang galit at muhi ko sa kanilang pareho, bagay na nagiging dahilan upang mawalan ako ng lakayahang mag-isip ng naaayon sa sitwasyon.


Gusto kong pakinggan sila sa paliwanag nila ngunit sa tuwing tititigan ko ang madilim na kalangitan, daramhin ang malamig na gabi at hangin, isinasampal nito sa akin na totoong-totoo ang lahat. Na naloko ako ng mga taong labis-labis na pinagkatiwalaan ko!



Ang sakit lang...



And now, another day has come. And it feels like, death. In my bed. Wala akong ganang bumangon ngayon, gaya ng mga nakaraang dalawang araw. Walang ganang magkikilos. Kumain. Makipag-interact sa mga kasama ko dito. Miski ang makipag-ugnayan sa aking mga magulang. Lahat kinatatamaran ko na.



Gabi-gabi, sa bawat pagpikit ng aking mga mata...sa bawat pagsinghap ko, sa bawat hinga, umuukit ang sakit dulot nang masakit na katotohanang nalaman ko.



...bakit sa lahat ng tao, ikaw pa na kaibigan ko, Andi?



My tears fell on the corner of my eyes. "...hindi ko kaya 'to, " I mumbled as I exhaled difficultly.



Ibinalot ko ang aking sarili sa comforter at itinago ang mukha sa unan ko. Trying to ask help for my pillow to lessen my tears that werenʼt cooperative in releasing more.



Thinking how impregnation happened between Andi and Sie made me weak even more.



That happened during that time that Gon abducted me. And according to Sie, what happened between them was just an accident.



Contingency or not, I am still hurt!


That thought pierced my hollow heart. Moreover, that deaden my entire ability to do works. My ability to feel anything. A complete torpor. I feel like, I donʼt have any vigor left in me for doing so.



I was totally enclosed and embraced in torpidity...and I donʼt know how to ascend myself from my downfall at this point.


I feel like, I am in the middle of Satanʼs pits...walking with idleness. Accepting how painful and extremely hot his place by my skin.


Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin magawang tanggapin ng aking isipan kung paano humantong sa ganito ang lahat?



Okay kami, right? We were happy. We are good with one another! But why? Why was that happened, huh?


I buried myself deeper on my pillow, trying to avoid creating a loud sob.



"...w-what would I do if the only one who can make me stop from c-crying... is the one who made me cry? Huh?" I asked myself with cracked voice.



If this is my karma for hurting, Gon...this is bullshit. This is too much! Too much---to the point that I canʼt even handle it! Too much to accept! Just too much!



How can I conquer all of these when the person I am expecting to be with me is the reason why I am suffering?




I-Is this how we end, Sie? Ito ba ang gusto mong iparanas sa akin bilang kauna-unahang lalaking minahal ko sa buong buhay ko, huh? Is this?


I bit my lip to help myself from sobbing hard.



Now, I realized... even the kindest man could cheat.




My heart pierced even more with that reflection.


Nasa ganoʼn akong lagay at isipin nang madinig ko ang langitngit nang pagbubukas ng aking pinto. Follow after, the steps approaching me, but I did not make a move to glance to that person.


I just want to be comforted by my bed and pillows. Talking to or seeing somebody arenʼt listed on my plan today.



I just closed my eyes and pretend that I am still sleeping.


Just then, I felt that someone who came in, sat in my bed. "Hija...hinakaʼt kumain muna. Kagabi pa walang laman ang tiyan mo," pangigising sa akin ni Yaya.


I did not answer nor move. I just listened.


She sighed. "...ike hinanap ng kaibigan mo kahapon. Tinatanong kung pwede ka daw makausap. Tapos noon namang isang hapon, ang iyong boypren naman ang naghahanap. " pagpapaalam niya. "Kakoʼy hindi maganda ang iyong pakiramdam at namamahinga kaya hindi na nagpumilit pa," may bahid pa ng pag-aalalang aniya.



Hindi ko pa rin nakuhang kumibo.


Ayoko silang makita ni makausap man lang ngayon pareho. Masakit na masakit sa pandinig sa tuwing maririnig ko ang kanilang pangalan. Dapat naiintindihan nila iyon.


Isa pa, nakakabuhay ng galit sa dibdib ko. Kung kayaʼt hanggaʼt maaari, huwag muna nila akong tangkaing kausapin o lapitan dahil kahit anong gawin nila---kahit anong pagtitiyaga nila upang ako ay makausap at paliwanagan, hindi ko sila diringgin.


"Alli, hija...bumangon ka na riyan. Magagalit ang mga magulang mo sa ginagawa mo, kupo bata ka!" pilit niya pa. "Ay anong oras na ba ga? Alas-tres empunto na, nakahilata ka pa. Hindi nakain. Balak mo bang diyan bawian ng buhay, aber? Ha? Kupo kayong mga kabataan," she lectured and sighed again, out of desperation.



Hindi pa rin ako kumibo.



Ganoon na lamang ang inis ko nang bigla akong yugyugin ni yaya sa balikat upang piliting bumangon at kumain sa baba!


"Alli---"


Inis akong bumangon sa aking pagkakahiga at naupo bago siya tingnan na animoʼy papatay. "Yaya, please! Please! Too loud! Ayoko ngang kumain! Ayokong kumilos! Ayokong uminom! Ayoko sa lahat! Why canʼt you just let me sleep all day, huh?! Canʼt you see?! I am sleeping! Pero anong ginawa mo---pumasok ka sa kwarto ko para piliting kumain! Sinabi ko namang ayoko! Ayoko! Ayoko! So please! Leave me alone!" I exclaimed, infuriated. "Ang gusto ko ay matulog! Magpahinga! Naiintindihan niyo ba?! Huh?!"


She lowered her head so I could not see her tears. "A-Akoʼy concern lamang sa iyo, hija. Siya sige...akoʼy bababa na." sambit nito sabay talikod sa akin at mabilis na lumabas ng kwarto ko.



Naitungo ko naman ang aking mukha sa parehong kamay at doon nagpatuloy sa pag-iyak. "...a-ayoko n-ngang kumain, e...a-ayokong kumain,"nasasaktang sambit ko kasabay ng aking paghikbi. "...a-ang kulit n-niyo kasi, e..." pagpapa-ibayo ko ng sakit na nararamdaman kaysa isipin ang tunay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.



...hindi ko alam kung makakaya ko pang makibagay sa mga susunod na araw. Dahil sa bawat papatak at sasapit ang panibagong araw, mas nasasaktan ako. Mas nararamdaman ko ang hinagpis. Ang pighati!



Sobbing, "...a-ang sama-sama niyo. A-Ang baboy niyo! Ang kapal ng mukha niyo! Magsama kayo!" I exclaimed due to overflowing pains within.




Nang hindi ako makuntento sa pagsigaw-sigaw lamang, bumaba ako sa aking kama at nilapitan ang harapan ng aking salamin at walang pagdadalawang-isip na ipinagtatapon sa pader ang mga bagay na mahawakan ng aking mapaminsalang kamay!



"How dare you do this to me?!" I yelled and throw the vase on my wall, causing it to shattered into pieces.



Sunod kong hinawakan ang paper mache."Mga hayop kayo! Anong kasalanan ko sa inyo, huh?! Bakit niyo 'ko ginaganito?!" I asked them through the thin air, hoping that they could hear it. "...pinagkatiwalaan ko kayo!" naghihinanakit kong sambit.



Dala nang panghihina, hinayaan ko ang aking sarili na mapadausos sa malamig na sahig, crying uncontrollably and with my hands pulling scarcely my own hair. "H-How could you do this to me..." I asked again using the thin air and breathe difficultly.




Of all woman, Sie...bakit sa kaibigan ko pa...



Hinayaan ko lamang ang sarili ko na nakalupagi sa malamig na semento, nakatungo na sa mga tuhod at hihikbi-hikbi dala nang sobrang sama ng loob.



Sumagi bigla sa aking isipan si Sie, dahilan upang mas maluha ako.




"Matapang akong tao, kahit sa simpleng damit makikipagtalo ako...pero mukhang ikaw lang ang makakapagpasuko sa tulad ko." I said painfully.



Nang sumunod na umaga, mas naging agresibo ang daloy ng aking nararamdaman.


Pumasok si Yaya sa aking silid habang ako ay tulala na namang nakatingin sa kisame nito, walang planong bumangon.



"A-Akin lamang lilinisin ang iyong banyo," she said in a hesitant voice.



Dahil sa sinabi nito, napalingon ako sa kaniya, wearing no emotion.



Nag-iwas ito nang tingin sa akin bago tuluyang pumasok sa aking banyo. Naging dahilan naman iyon upang ako ay bumangon mula sa aking kama at naglakad papalapit sa banyo.



Nakita kong kasalukuyang nilalagyan ni yaya ng zonrox ang floor niyon, maging ang bowl.



I stepped in. "Let me do it," I said coldly.


She stopped on what she was doing and looked at me with questioning eyes. "H-Hindi na, hija. Kaya---" hindi niya natapos ang sasabihin dahil hinadlangan iyon ng aking malamig na boses.



"Let me do it, yaya. Move," I commanded but she did not do it. "Labas, yaya. I will clean my own bathroom," pigil ang inis kong utos muli.



She stared at me with pained eyes. "Alli, m-magpahinga ka na lamang sa---"



I slammed the bathroom door. "I said---out! Ako na sabi ang maglilinis ng banyong ito! This is my bathroom, yaya! Let me clean this up! So, leave! Go back to your work downstairs!" pigil ang luhang saad ko.


Naitungo naman nito ang ulo. "...pasensiya na, hija. H-Huwag kang mag-alala sapagkata naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganiyan. Kung anong rason kung bakit ako ang napag-iinitan mo sa ngayon. Naiintindihan ko, totoo." she said sincerely but she didnʼt win on hiding her pain against my sudden acts. "...tawagin mo na lamang ako kapag may kailangan ka, hija." aniya pa bago ako iwan sa loob ng aking bathroom.



My tears fell as I stared myself at the bathroom mirror. At doon ko napagtanto ang kabuuang itsura ko.



Messy hair. Swollen eyes. Weary face and my pomp vanished for quite some length of time because of what I am currently facing.


I smiled bitterly. "...this is not me. This is not the Alloira Euxine Del Rava they know. The real Alloira is alluring. Cunningly attractive. And not messed up," I retrospect.


In a split of a second, I managed to set my face as flint before uttering my not anonymity.



"My name represents as a paragon." I compared. "...the model of perfection."



Nang sumapit ang hapon, matapos ang dalawang araw na pangangalunya, nagpasiya akong lumabas ng aking silid. Bihis na bihis at medyo maayos na ang itsura kumpara noong mga nagdaang araw.


Gayunpaman, kung ako ay susuriing mabuti sa ngayon, wala nang mababasang emosyon.



"Open the gate," I commanded using cold voice to our driver the moment I stepped out on my house and approached my Mercedes Benz car.



"O-Opo," aligagang tugon ni Mang Jones bago manakbo palapit sa malaking gate upang buksan ang gate at nang mailabas ko ang sasakyan.



The moment the gate has opened widely, I started the engine and drive my way out without having a simple bid to our driver.


Napag-isip isip ko kasi na hindi ko dapat ikulong ang aking sarili sa silid at magmukmok dahil hindi naman iyon makakatulong sa aking paghihilom. Ang dapat na gawin ay libangin ang sarili upang makalimutan ang masaklap na katotohanang iyon. Kung mag-iiyak lamang ako, walang magbabago.


Magkakaanak pa rin silang dalawa at hindi na dapat ako magulat na...na planuhin na magpakasal ang dalawa...sa mga susunod na araw.


Kung kaya, bukas na bukas...kusa akong lalapit sa dalawang iyon upang tapusin ang ugnayang nabuo sa amin.




Ilang oras ang nakalipas sa pagmamaneho, nakarating na din ako sa aking destinasyon, ang Trinoma Mall sa may Quezon City, humanap muna ako ng parking space dito sa basement para sa sasakyan ko. At sakto namang may kakaalis lamang na sasakyan kung kayaʼt doon ako pumarada.


Kalagitnaan ko nang pamamasyal sa loob ng Trinoma Mall, nadapuan ng aking paningin mga ang shop dito sa ground level.


Nagtingin at namili ako sa mga shops gaya ng Watch Republic. Plains and Prints. Penshoppe. Folded and Hung and Freeway.



Sunod ay nagpunta naman ako sa second level nitong mall, bitbit ang mga pinamili. Bumili ako ng products sa Adidas shop. Doon lang. Then, nag-proceed na ako sa third level. Bumili sa Calvin Klein Jeans. Then sa Gap.


"Thank you," sabi ko sa mababang tono bago tanggapin ang paperbag na may laman ng Gap na cap na binili ko sa shop nila.


Matapos mabayaran ang makontento sa mga binili kong products dito sa third level, tumungo ako sa last level. Sa fourth level. Iyon para lamang bumili ng Crispy Kreme.


Naghintay ako ng ilang minuto bago makabili. Medyo maraming tao dito dahil Sunday.


At ng turn ko na upang bumili, ganoʼn na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mamukhaan ang lalaking naga-assist sa akin ngayon!


I pointed his face, perplexed. "...i-ikaw iyong tricycle driver, right?" I asked as I recognized him.

He smiled sweetly. "Yes, yes, yo! Haha! Nice too see you again, Miss Gorgeous. Wait, handa ko muna ang Crispy Kreme mo, hehe." aniya.


Windang naman akong pinanood siya sa ginagawa.


Goodness...ang tricycle driver na ito, nakaabot ng Trinoma?



"Here," untag niya at iniabot sa akin ang aking binili.



...at English-Speaking pa.


Wala sa sariling tinanggap ko iyon. "...t-thanks," sabi ko.


He winked at me. "Ingat ka pag-uwe," he said.


I winced instead of replying back.



Kahit kailan ay FC siya, ah. Goodness.



Kalagitnaan ko ng biyahe pabalik sa Laguna, napapaisip ako kung paano napunta sa Quezon City ang tricycle driver na iyon.



At dahil sa lalaking iyon, himalang napagtagumpayan ko na hindi muna isipin ang sigalot sa pagitan namin nila Andi at Siegfried.


I smirked due to amusement.


"Hope I can see you again, Mr. Tricycle Driver and Crispy Kreme Crew...for me not to think about Sie and Andi..."


...dahil kapag naaalala ko sila at ginawa nila, nawawalan na ako ng gana upang maging manatiling maging isang mabuting tao.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top