36
"Oy, girl! Himala at buhay ka pa?! Hahaha! Anyare ba at nakakulong daw ngayon ang bodyguard mo, ha?! Tang*na, infairness naman daw! Ang sosyal ng kidnapper mo. Hahaha! Isang La Galliene made from Spain. Tang*na ulet! Hahaha! Biruin mo---ang kidnapper mo, graduated ng Harvard University pero ang piniling trabaho, bodyguard mo slash kidnapper!"
Napatawa naman ako sa mahabang salaysayin ni Lea Andrada na may halong pang-aasar sabay lagok sa aking cosmo.
Nagpasiya kasi kami nila Sie, Priam, Heimdall, na magkita-kita dito sa XoX Bar nila Amada. Dahil gusto din sana nilang pag-usapan ang nangyari, wherein, ang involved ay ako, si Sie at si Gon, na ngayon nga ay nasa jail. Hindi ko pa lang alam kung saang lugar. And, nagktaon naman na narito din si Lea kaya nagpasiya na kaming isama siya sa usapan. Laking pagtataka ko lamang dahil hindi nito kabuntot si Ace.
And may bago pa ba? Mukha namang palagi silang nag-aaway o nagkakagulong dalawa, e.
Ah, I remembered. Break na nga pala sila!
Pri smirked. "Saan mo ba ipinaalaga si Gon?" he asked meaningfully.
Sie wrapped his arms around my waist and kissed the side of my head. "...on trusted person. Donʼt worry...I wonʼt let them hurt Gon. Afterall, he is our cousin." he answered.
Heimdall then raised his glass and chuckled. "Cheers to his achievement now!" he mocked.
Iyon nga, nag-cheers silang magpipinsan. Kami naman ni Lea ay nagkatinginan nang makahulugan. Just then, she smirked at me. "Worried ka yata, young lady?" she teased.
Nanlaki naman nang bahagya ang aking mga mata dahil sa kaniyang tinuran. Dahil din doon, napatingin sa akin si Sie at Pri. Si Heimdall kasi ay abala na ngayon sa kakatipa sa kaniyang phone.
"Hm...why is that?" gatong na tanong ni Pri sa akin. "Nainlove ka ba young lady while you were---" pang-aasar sana ni Priam ngunit naputol nang pigilan siya ni Sie.
"Stop, Pri." Sie warned. "...she isnʼt." may diing aniya pa at sinulyapan ako bago lagukin ang lahat ng laman ng kaniyang baso.
Pri chuckled. "Nagtatanong lang, e. Para kang si Ace. Magsama nga kayo. Mga seloso, pft."
Lea meddled. "Oy, oy! Huwag mong mabanggit-banggit nga ang tang*nang pangalan na iyon, huh?! Ang sakit sa tenga! Pangalan pa lang, manloloko na! Bwiset," she hissed and glared at Pri then at me. "...sa lahat ng La Galliene, si Ace Henley ang pinakamanloloko!" she remarked and stoop up on her seat with her vodka on her hand and walked away.
"Woah...that was---hot." Heimdall commented suddenly. "A-Ang tapang, fuck." dagdag niya pa at ngumisi dala ng pagkamangha.
"O, baka sulutin mo pa sa pinsan natin 'yan, Dall! Donʼt be stupid. Kaya ka hindi ka nagustuhan ni Saddie, e. Pft." he teased with his eyes locked on the way that Lea took.
Heimdall cussed him. "Fuck you, Pri. Anong ako lang? Gago, hindi ka din nagustuhan ni Sad! Hugas-kamay ka na naman," he shot back at tinapunan ng asin si Pri na nasa saucer, pang-tanggal pait sa alak na iniinom nito.
Pri glared at him. "Fuck off," he countered.
Nakikinig at nanood lamang ako sa pag-aasaran nilang magpinsan. Medyo nagulantang ako nang malaman na pareho pa lang nagkagusto si Pri at Heimdall sa kaibigan ni Thanya Venere noon? And if I am not mistaken, ang asawa nito ay iyong policeman na bestfriend naman ni Thanya din.
Wala akong masyadong alam sa magpipinsang ito. Ngunit dahil nakasama ko si Gon sa maikling panahon doon sa Canda, nagkaroon ako ng kakarampot na kaalaman at silip sa kung anong klase ba ng pamilya meron ang mga ito.
Yes. Dahil kay Gon nalaman kong--- seryoso sila when it comes to love. Kaya nga ayaw nilang makipag-relasyon dahil pare-pareho silang marurupok!
Nagtatago lamang sa mga matitikas na tindig at malakasang appeal sapagkat ayaw nilang kaagad-agad mahulog sa tao. Pero dahil hindi nakayanan ni Gon---imagine kasi, unang kita pa lang pala nito sa akin, mahal na ako agad? See how hollow he is! And hindi na ako magtataka kung bakit si Ace super habol ngayon kay Lea.
Basta La Galliene, marupok. In denial pa lamang ngayon!
I wonder kung anong kayang gawin din nila Priam at Heimdall kapag na-obsess sa babaeng mamahalin nila. Si Gon kasi, nangidnap! Goodness.
Nagpatuloy kami sa pagku-kwentuhan habang umiinom. Kanina, nais sanang tapunan ako nang tapunan ng mga tanong about sa nangyari noong naroon kami ni Gon sa Quebec ng magpinsang Priam at Heimdall pero pinigilan at binantaan sila ni Sie. Kaya ang dalawa, nagpaalam na may pupuntahan sandali. Naiwan kaming dalawa sa table namin. Ayaw daw kasi niyang madinig ang anumang bagay ang may kinalaman sa akin at kay Gon dahil...
"Nagseselos ako, Alli." pigil ang emosyong sambit ni Sie at kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso niya habang nakatingin sa unahan, animoʼy naroon ako. "...please." aniya pa sa nasasaktang tinig.
Napaiwas ako ng tingin. "...s-sorry. Hindi naman kasi t-totoo ang sinasabi nila, Sie. I-Ikaw ang mahal ko...hindi ang p-pinsan mo." I said and played with my hands.
Ano ba naman tagpong ito! Hindi maganda sa pakiramdam dahil napapasama lagi si Gon, e, wala naman dito, ah!
I heard him sighed. "...letʼs go home, Alli. Gabi na. You need to rest." malamig na aniya at naunang tumayo.
Agad namang napahabol ang mga mata ko dito. "S-Sie..." I called, reluctantly.
Hindi kasi talaga ako mapakali kanina pa. Gustong-gusto ko kasing malaman kung na saan niya ipinakulong si Gon. Pero iyon lang naman, e. Nothing more! I just want to know!
He looked at me. "What?" he asked.
Marahan akong tumayo at nakipagtitigan dito. "S-Saan ba n-nakakulong si Gon? Pwede ba natin siyang puntahan, huh?" I requested.
I know, kakasabi niya lang na nagseselos siya pero nabanggit ko na naman ang ngalan ng kaniyang pinsan na pinagseselosan niya. Para nga iisang bagsakan na lang ng selos, e. And, yeah...kapag nalaman ko na kung saan ito nakakulong, matatahimik na ako, swear!
He huffed. "Huh," he said. "Damn it, Alli. Huwag ka namang torture, oh."
I promptly held his hand. "S-Sie, hindi ito gaya nang iniisip mo, okay? I-I just want to know kung saan siya nakakulong k-kasi Sie, may gusto ako---"
He abruptly pulled back his hand, which happened to be I am holding. "What the hell, Alli?! What the hell?! You like, Gon?!" he asked after concluding.
Napahawak ako sa aking noo kasabay ng aking pagpapakalma. "Sie, ano bang sinasabi mo? Kung patapusin mo kaya ang aking sinasabi para hindi ka nagko-conclude agad! Goodness,"
"You like him," may diing aniya.
I shook my head. "No. I love you. I donʼt like him." I made a countenance, controlling my temper.
His eyes went weak. "You like him, Alli." nasasaktang aniya muli.
Nagkakaganito lang siya dahil may tama na siya ng alak. Plus, seloso talaga siya. With or without liquor in his body. Bagay na nagustuhan ko din sa kaniya.
I smiled and moved closer to his distance just to pinched both of his cheeks. "No po. Ikaw ang gusto ko. Tapos mahal pa kita. Huwag ka na magselos," panlalambing ko dito at bahagyang tumingkayad upang idampi ang aking labi sa kanyang parehong pisngi, ilong at noo. "...I love you." sambit ko at niyakap siya nang mahigpit.
Naramdaman ko naman ang pagyakap nito pabalik sa akin at ang ginawa niyang paghalik sa aking buhok. Bagay na nagpalawak sa aking ngiti.
Noon ko lamang napagtanto na may mangilan-ngilang nanonood sa eksena naming dalawa ni Sie. Akala yata nila kanina ay isang matinding away-magkarelasyon ang magaganap sa pagitan namin ni Sie kaya siguro sila nanonood.
Mga chismosa kayo.
"I love you, too." he replied.
Kumalas ako sa yakap sa kaniya at walang alinlangang hinalikan siya sa labi. Not minding the public stares. "Donʼt be jelly na po~." sabi ko nang maghiwalay ang aming mga labi.
Ang bilis magbati, goodness.
He kissed me, just a faster smack. "Your fault, baby." sisi niya bago hawakan ang aking kamay at yakagin na palabas nitong Bar.
Kalagitnaan namin ng biyahe, nagsalita siya. "Kanina, anong balak mong sabihin about kay Gon? Kung bakit gusto mong malaman kung saan siya nakakulong," he began.
I glanced at him then back to the road. "May sasabihin lang..." sagot ko at bumuntong-hininga. "...pwede ba tayong pumunta---I mean, pwede ba nating puntahan siya?" I asked,
I felt his head turned to me for a sec. "Okay. Weʼll visit him tomorrow." he agreed finally.
I smiled underneath.
"T-Thank you, Sie." sabi ko.
He snarled. "Tsk. Kung hindi lang kita mahal," aniya.
I giggled. "Excuse me po, mahal din kaya kita!" asar ko dito.
He then winked at me. "Mas mahal kita, huwag ka na makipagtalo. Dahil panalo ka na sa puso ko." banat niya.
Kaya naman...
"Ahahahahaha!" tawa ko at itinuro pa ang mukha niya. "A-Ang cute mo sa part na 'yon, Sie! Hahahaha!" asar ko dito, dahilan para mapalabi siya sa maangas na paraan.
"Tawang-tawa ka, baby. Hays. Ano bang magagawa ko kung ako ang kasiyahan mo?" banat na naman niya.
"Ahahahahaha!" tawa ko na naman at nagpunas-punas pa ng mga mata dahil sa luhang lumabas dokn kakatawa. "G-Goodness, Sie...saan mo ba natututunang bumanat, huh? Pft, hahahaha!" tanong ko.
Napailing-iling naman siya habang natatawa nang mahina. "Kanino pa ba?" he asked cooly then winked at me.
Pinasingkit ko ang mga mata ko nang tumingin sa kaniya. "Kanino po?" I asked, giggling.
He smirked. "Edi, saʼyo---saʼyo lang ako naging masaya nang ganito." banat na naman niya bilang sagot.
I leaned closer to him and kiss his right cheek. "Talaga ba, huh? Paano ko mashu-sure na sa akin ka lang may tama, huh?!" I challenged him.
He smirked cooly as he glanced at me then back to the road. "Hindi mo sure? Well then, drink Wilkins Pure, para sure." sagot nito.
"Ahahahahaha!" tawa ko na naman. "Ang corny mo! Ahahaha!"
He chuckled. "Ang corny na tinutukoy mo, baby---kaya kang gawing mommy~."
"Yah! Pft, hahaha! Youʼre so nakakatawa, Sie! Hihihi." I commented and smiled at him, staring deeply. "Na-miss kita, Sie..." biglang seryosong sambit ko dito.
Gamit ang isa niyang kamay na, hinawakan niya ang kamay ko at in-intertwined sa kamay niya bago halikan. "I missed you, too." he replied back.
"Sana palagi tayong ganito, Sie. Happy lang at kontento sa simpleng ganito." sabi ko.
Napangiti ito, ngunit hindi umabot sa mga mata niya. "...sana nga, Alli...sana." aniya.
Ako lang ba? O talagang may kakaibang pakahulugan si Siegfried sa kaniyang tinuran sa akin. Kung meron man, anong pinagmulan?
Then I remembered, last time kasi noong tinanong ko siya kung may itinatago siya, sumagot naman siya na wala daw. Pero, I know and I can feel---meron, e. Itʼs just that, hindi ko madistinguish kung ano...
Weird pero, natatakot ako.
...kinakabahan nang matindi.
At parang...nakakapagpabigat sa aking kalooban? Goodness, kakaisip ko ito kung na saan si Gon ikinulong, e! So not me!
Hindi ko na lamang sinubukang ungkatin ang bagay na bumabagabag sa akin about kay Sie. Imbes, itinago ko na lamang sa sarili ko iyon sapagkat maaaring dala lamang iyon ng malikot kong isipan. Isa pa, kasama sa isipin ko si Gon. Baka magalit na naman ito at magselos sa pinsan.
Less talk, less mistakes.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. Bumaba ito agad upang pagbuksan ako ng pinto. "Salamat," sagot ko.
Sie faced me with serious face. "Pwede ba akong humingi ng favor, Alli?" he asked.
My forehead knitted. "Yeah?" hindi siguradong sagot ko dito kaya natawa siya nang mahina. I pouted. "Kainis ka naman, Sie. Ano bang favor kasi! Tinatawanan mo ako---"
I stopped ranting when he pressed this lips against mine. "D-Donʼt leave me...no matter what happens, okay?" he said using husky voice.
That made my forehead knitted even more. "Bakit ko naman gagawin iyon?" I asked curiously.
Inilayo niya nang bahagya sa aking mukha ang mukha niya at nag-iwas ng tingin. "...w-wala. Pasok ka na sa loob." pagliligaw niya sa usapan namin.
Confused man, nagawa kong ngitian ito nang matamis. "...hindi mangyayari na iiwan kita, ano ka ba? Haha, mangyayari lang naman iyon kapag...may bagay kang nagawa o ginawa na hindi naaayon sa batas ng tao at ng Diyos, Sie."
His face shows weakness.
I cradled his face as I smiled. "Hindi tayo naghihiwalay kung mananatili kang tapat sa akin. Walang hiwalayan na magaganap kung ako lang ang dahilan kung bakit ka kontento." I remarked and kissed his cheeks. "Goodnight, Sie. See you tomorrow and take care." I said sweetly and ambled going inside my home.
Kinabukasan.
Gaya nga nang napagkaaunduan naming dalawa ni Sie, pupuntahan namin ang kulungang kinalalagyan ni Gon. Sa biyahe namin, hindi na ako mapakali. Nanlalamig ang buo kong katawan, bagay na hindi ko magawang ipaliwanag. Para akong natatakot na hindi, e. Kasi, knowing na jail iyon---wherein, bad guys and criminals were in, hindi maiwasang makaramdam talaga ng takot kasi, ayon sa mga naririnig ko? Kapag may mga bumibisita, maaaring magkaroon ng ruckus doon. Magkagulo. Magkaroon ng pagkakataong makatakas ang mga bilanggo.
"Hindi na ako sasama saʼyo sa loob. Ikaw na kumausap. Iʼll just wait outside, okay?" bilin ni Sie nang makababa kami sa sasakyan at sabay na naglalakad papasok sa headquarters ng Calamba City, Laguna.
Lumapit si Sie sa front desk. "Daegon La Galliene," simpleng sabi nito sa police na naka-assign sa FD.
Lumingon ito sa isang police nagi-scan ng mga folders, ilang metro ang layo sa amin. "Bonifacio, La Galliene daw. Pakihatid," utos nito at muling ibinalik ang tingin sa amin ni. Sie. "Sige ho. Sundan niyo na lang po si Bonifacio." anito.
Tumingin sa akin si Sie. "Go on," aniya at hinalikan ang aking noo.
"Ayaw mo bang sumama at makita si Gon?" nakalabing tanong ko dito.
He smiled a bit and shook his head. "This what you want. Talk to him. Hindi ako kailangan doon. Sige na." sagot niya. "Hihintayin na lang kita dito," he added.
I sighed. "...okay. Thanks, Sie." I replied sincerely.
Hindi rin nagtagal ay tinahak na namin noong isang policeman ang daan patungo sa selda ni Gon. "Pasensiya na, Miss, at medyo maingay. Ganiyan talaga dito, e." paumanhin ni officer Bonifacio.
I smiled scarcely. "A-Ayos lang ho." sagot ko at inilibot ang mga mata sa bawat seldang nadaraanan namin.
Hindi naman gaanong kalakihan ang presinyo at karamihan ang mga nasa sa loob. I guess, mga may magagaan lang ng kaso ang mga narito sa ngayon. Anong malay ko kung ang iba ay inilipat na sa correctional?
Mind the less, isang tao lang naman ang nais kong makita. Si Gon. Kung hindi ko pa pala ipagpipilitan kay Sie na nais kong makita si Gon ay hindi ko malalaman na dito pala sa Calamba niya piniling ipakulong si Gon?
Dito mismo sa Police Regional Office 4A in Camp Vicente Lim sa lalawigan ng Laguna.
May nakasalubong kaming lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket at may kasamang babae. And actually, holding hands sila.
Napatigil kami sa paglalakad.
"SPO4 De Chavez!" bati ni officer Bonifacio at nag-salute dito. "Good to see you, ser!" masayang wika pa nito.
Naningkit ang aking mga mata sa tinawag niyang De Chavez. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtantong ang lalaking kaharap namin ngayon na may kasamang babae ay iyong bestfriend ni Thanya!
"D-Demi, right?" alangang tanong ko dito, at tumango siya. Sumulyap ako sa kasama niyang babae. "...Saddie?" tanong ko din.
Then, I remembered...ang babaeng nagma-may ari ng pangalang Saddie na siyang nabanggit nila Pri at Heimdall kagabi, ay ito? Ang asawa ng police officer na ito?
Ang gandang babae, goodness. Nagsusumigaw din ang angas sa dating nito. Parang si Lea? Ganito din kasi nag appeal kasi ni Lea Andrada, e.
Saddie smiled. "Hi. Yes, thatʼs my name. Howʼd you know?" she asked.
Sasabihin ko bang dahil sa mga pinsan ni Gon? O dahil kaibigan ako ng kapatid ng bestfriend niya?
"A-Ah, kasi...yeah, common friends." sagot ko na lang at ibinalik ang tingin kay Demi dahil nagsalita ito.
"May I know why are you...here?" he asked.
Hala...
Natigilan ako panandalian. Nag-iisip ng pwedeng idahilan. Kapag kasi sinabi kong dadalawin ko si Gon, baka makilala ni Saddie na isa iyon sa pinsan ng mga nagkakagusto sa kaniya.
Mabuti na lamang at napa-kwento sina Pri at Heimdall kagabi at nabanggit itong iisang babaeng nakakuha ng atensyon nilang dalawa. Iyon nga lang, off limits na pala ang babaeng pareho nilang nagugustuhan dahil may Demi na ito. Police pa man din.
Akmang nagsasalita na ako, kaya lamang sumingit si Officer Bonifacio. "Ah, ser---may dadalawin kasi itong si Miss beautiful diyan lang sa may kabilang selda. Madali lang, hehe." aniya.
Saddie meddled. "Hm? I-I didnʼt know that...you are incorporated with people who did something unlawful? Sa itsura mo pa naman, mukhang matataas na tao at may pangalang iniingatan ang acquainted saʼyo?" takang tanong nito.
Pilit akong napangiti. "I guess, too...miski ako ay hindi ko inakala na may dadalawin ako dito sa p-presinto." alangang sagot ko.
Tumango-tango ito at tumingin kay Demi na may maningning na mga mata. "I think, need we need to go, hubby. Our twins waiting na." she informed.
Nang banggitin niya ang twins nila, mas naging maningning ang kaniyang mga mata. Halatang inlove na inlove siya sa asawa.
Nakaramdam ako nang kaunting inggit. Bagay na hindi ko maintindihan. Masaya naman ako kay Sie at pangarap ko ang makasal at magkaanak dito, pero bakit nakukuha kong mainggit sa iba?
...dapat kontento na ako.
E, bakit pakiramdam ko? May bara sa pagkatao ko na kailangan kong tanggalin dahil kung hindi, patuloy akong hindi makakahinga nang maluwag!
This is damn weird!
"Okay...uhm, mauna na muna kami?" paalam bigla ni Demi at tumingin kay officer Bonifacio. "Take a charge," seryosong bilin ni Demi dito.
Officer Bonifacio smiled and gave him salutation. "Ser, yes, ser! Hehe. Ingat kayo ni Miss Sad!" paalam niya.
"Thank you," sagot ni Demi at muling ibinalik sa akin ang mga mata at ngumiti nang bahagya. "Una na kami," paalam nito sa akin bago maunang maglakad, hawak-hawak ang kamay ni Saddie.
Sinundan ko pa muna ang dalawa na kasalukuyang naglalakad palayo, while holding the hands of one another. Happily talking and chuckling.
"Tara na po, Miss. Hindi ka pwedeng magtagal dito, e. Hehe." untag ni Officer Bonifacio dahilan upang mabalik sa kaniya ang aking atensyon.
I nodded with a scarce smile. "S-Sige,"
Ilang sandali pa, nakarating na kami sa seldang kinalalagyan sa ngayon ni Gon. Maingay ang katabi nitong selda. Mga nakikiusap na pakawalan sila dahil mga inosente naman daw sila. May iba namang nagtatawanan.
Ngunit lahat sila ay napasipol at natahik, na akala moʼy may dumaang anghel sa harapan nila nang sandaling makita ako!
"Woah, ang ganda..."
"Ops, may anghel na naligaw sa impyerno, woooops!"
"Ang gerlpren ko! Pst, hi babe!"
"Miss, ako ba hanap mo?"
"Baby, ilabas mo na ako dito! Nyahaha!"
"Ang atoys ko! Hey love..."
Sari-saring tawag nila sa akin, dahilan upang mapangiwi ako at mag-iwas ng tingin upang silipin sa selda si Gon, pero hindi ko pa siya makita.
Hindi ko pinansin ang iba pang tumatawag sa akin at naga-assume na girlfriend daw ako! Goodness, ah.
"Miss, diyan ang kay La Galliene. Tawagin mo na lang. At kung maaari, pakibilisan mo lang sa pakikipag-usap, ah?" anito at ngumiti nang bahagya habang nakaturo sa selda sa harapan namin.
I nodded lightly and approached the cell he pointed with throbbing heart.
...and the moment I got to see the cell, where he was, nanlata ang aking pakiramdam...lalo na nang makita ko siya.
"...Gon," I called, almost breathless. I even hold the rusted bars.
Mula sa pagkakatalikod nito ay unti-unti siyang humarap sa gawi ko.
Natutop ko nang wala sa oras ang aking bibig nang sandaling makita ang mukha ni Gon na may pasa sa gilid ng labi nito, waring kagagaling lang sa pakikipagsuntukan!
Akmang iiwas niyang muli sa akin ang kaniyang paningin nang tawagin ko siya. "...Gon. N-Napaʼno ang l-labi mo? S-Sino ang may gawa saʼyo niyan, huh? B-Bakit m-may pasa ka?!" sunod-sunod at nag-aalalang tanong ko.
...he looked at me. But that look can be utterly compared to the temperature control ng refrigerator. From cold to optimal---but his stares are the at the maximum. The coldest!
Laking panlulumo ko nang sandaling sagutin niya ako...pero sa paraang hindi ko inaasahan at nanaisin na asahan...
"...you donʼt fucking care, woman. Leave. I donʼt need you."
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top