27

I am currently on the XoX Bar together with Andi, Sie and Amada-girl. Gon was nowhere to be seen by now and I must not worry 'cause nagpaalam siyang hindi ako iiwan dito kahit pa kasama ko naman daw si Sie na boyfriend ko. Ang dahilan? Bodyguard ko daw siya.



As of now, we were talking about what happened yesterday night doon sa bahay ni Andi. Kung anong sinabi ang naging reaksiyon ng parents niya noong ipakilala niya si Sie bilang boyfriend.



Andi wiped her lips using tissue that Amada brought to us. "Edi iyon, noong una hindi naniwala! Imbes, pinagpilitan na nagpapanggap lang kami ni Sie bilang couple para hindi ako maipakasal sa kaniyang ka-business partner!" nakangiwing kwento nito.



I chuckled as I glanced at my handsome man. "What happened next, Sie?" I asked him.



He smirked unbelievably. "...Andi cried in front of her parents while explaining and insisting the pretentions. Followed after, I talked to them and yeah---good thing, I have this talent for acting, pft." he explained while playing with my hands. "...in conclusion, they believed, baby---for now. But..."he continued but stopped for a sec to glanced to Andi. "...that doesnʼt mean that Andi is free from the marriage,"



Nangunot ang noo ko. "Bakit? Akala ko ba, okay na? Na naniwala na sila?" takang tanong ko.



"Right, Sie! Are you implying that...hindi fully naniwala ang mga magulang ni Andi-girl?" seconded by Amada.



Sasagot na sana si Sie nang magsalita si Andi. "I know my parents very well. Mukhang hindi sila convinced talaga na may boyfriend na talaga ako. Gowd, baka nga pinalampas lang nila ako kahapon, e!" aniya at salubong ang kilay na lumagok sa kanyang cocktail.


"A-Anong gagawin mo kung malaman nila na fake boyfriend mo lang si Sie?" alalang tanong ko dito.



Na-meet ko na ang parents ni Andi but madalang lang dahil gaya lang sila ng parents kong business-minded. Strict sila pero caring naman pagdating sa anak, so as my mommy and daddy.



Ang pinagkaiba lang, hindi nila ako ipino-force sa taong dapat kong mahalin o pakasalan. They believed in natural and true love kasi. Ang I found that cute. Reason, why I love them very much!



Na-miss ko tuloy sila!



Andi sighed. "Bahala na si batman," sagot na animoʼy seryosong-seryong talaga.



I winced and drank the last volume of my liquor, called Martini.


Goodness.



Napagpasiyahan naming hindi na lang pag-usapan pa ang kasal na may kinalaman kay Andi. Ang gusto niya ay mag-unwind kaya siya nagyaya dito. Hindi din naman namin naiwasang hindi pagkwentuhan dahil nakaka-intriga.



"Tara na lang inom pa! Letʼs forget that fixed marriage with someone I donʼt know! Mabaog siya, gowd!" natatawang sambit ni Andi habang iwinawagayway pa sa ere ang mga kamay na may hawak na wine glass.


Lasing na.



Gaya ng nais nito, imbes na pag-usapan ang kasal-kasal na iyon, nag-enjoy na lamang kami sa pag-inom at pagku-kwentuhan ukol sa ibang bagay.



Napag-usapan din namin ni Andi kung bakit medyo weird siya umakto noong nakaraan towards sa akin, hindi ko naman inaano! Iyon pala ay nakakaramdam ng selos dahil daw baka magusuhan ko din si Gon!


Sʼyempre, itinanggi ko! Mahal ko si Sie at imposible na mahulog ako kay Gon habang may laman si heart, ano! So not me!


Habang abala kami sa usapang magkaibigan, si Sie naman ay masayang nakikipag-kwentuhan kay Amada at sa bartender nitong bar. Si Harvey.



Nasa kalangitan kamin nang maganda at masarap na usapan ni Andi nang makaramdam ako na I need to pee. Nagpaalam muna ako kay Andi upang mag-cr ngunit napansin ni Sie na aalis ako kaya naman tumayo din siya at sinundan ako.


"Where are you going?" he asked as he held my hand.



I smiled and pointed the way to the comfort room. "...there, hehe." sagot ko.


His forehead knitted. "Throwing up?" he guessed.


I chuckled. "N-No, 'no! Hahaha! I need to p-pee," sabi ko, humina ang boses noong sinabi ko ang huling salita dahilan kaya natawa siya.



"Pft,"


Nang makarating sa cr, binitiwan ni Sie ang aking kamay. "Iʼll wait you here," he said and smiled.



"Sure, hehe."



Matapos kong mag-pee, nag-hand wash muna ako at inayos ang aking buhok pati mukha sa harapan ng salamin.



Napangiwi ako nang makitang namumula ang aking buong mukha, marahil ay dulot ng nainom kong alak kanina.



Hindi nagtagal, lumabas na din ako ng comfort room. And as expected, nakita ko ang aking pinakamamahal na boyfriend sa labas. Pero, may kausap ito sa phone at medyo nakakunot ang noo.


Yumakap ako sa bewang nito nang makalapit sa kanya. "Letʼs go home, Sie. I want to sleep na, e." parang batang sambit ko.


He ended the call first before kissing my hair. "Better, baby. Youʼre drunk," natatawang aniya at muling hahalikan sana ang aking buhok ngunit maagap akong tumingkayad agad at itinama ang mukha ko sa mukha niya.



...kaya naman, sa halip na buhok ko ang mahalikan niya ay ang labi ko na.


He smirked. "Naughty, baby." he commented and wrapped his arms around my waist before pulling me closer to his personal distance.



I giggled. "Ang bango mo, Sie..." sabi ko at inamoy ang kanyang leeg.



Ewan ko ba kung dulot ng alak o hindi. Pero, hindi na mahalaga iyon dahil may tama man ng alak o wala, gustong-gusto ko ang mga bagay na ginagawa ko dito.



Just then, Sie stared deeply at my eyes, breathing in a sexy way. "...can I kiss my girlfriend?" he asked, as if he has no voice to be heard.



Namungay ang aking mga mata. Gumuhit ang mapaglaro kong ngiti sa aking mga labi habang titig na titig sa kanya.



Walang ano-anoʼy, ikinawit ko ang pareho kong mga braso sa leeg nito at bahagyang tumingkayad upang magpang-abot ang aming mga mukha. "I love you, Sie. And yes, you can kiss me...anytime." I answered, almost flirting.



He chuckled heartily.



Hindi ko na hinintay pang kumilos ni magsalita si Sie. Inilapat ko na sa mainit at malambot niyang mga labi ang aking labi at pumikit upang damhin ang saya na hinahalikan ko ito.



Ang sarap ng labi ng boyfriend ko, goodness.



He was stuffed for a second. Ngunit nang makabawi, hinapit niya pa ako papalapit sa katawan niya at tumugon sa nagbabaga at naglalagablab kong mga halik dito.



I smiled and deepen the kiss.


Dahil sa mga halik na iginagawad sa akin ni Sie, pakiramdam ko ay nawawala na ako sa aking sarili. May kung anong pumipigil sa akin na ituloy pa ito dahil nakakaramdam ako ng kakaibang pag-iinit ng katawan.



Goodness. Baka sa kama ang kahinatnan nito, ha!


Handa na akong putulin ang aming mainit at maalab halikan kaya lamang, naisandal naman ako ni Sie sa wall ng cr at mas lalong pinalalim ang halik. Kasabay niyon ay ang matahang paghaplos ng kanyang mainit na palad sa aking balikat na nagkataon namang walang telang nagtatago sa mga ito.


I moaned the moment I felt Sieʼs lips traveled down to my long slender neck, kissing it sensually and leaving no skin remained untouchable.



Mas humigpit tuloy ang aking kapit sa kanyang leeg.


With my eyes closed, "S-Sie," I called him and bit my lowerlip.


He then stopped kissing my neck. "Damn," he cussed and hugged me tight suddenly. "...sorry, baby. Iʼm sorry," he apologized.



Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya! Goodness.



Nang kumalas kami sa yakap ni Sie, hinalikan nito ang aking noo. "Letʼs go home, baby." sabi nito.


Aww, my boyfriend is so sweet.


Alam kong nahihiya din siya sa biglaang nangyari, take not, dito pa iyon sa labas ng cr. Good thing, wala namang ibang tao aside from us.



I nodded. "...s-sige." sagot ko dito.



Hawak-kamay kaming bumalik sa aming table at sandaling nagpaalam kina Amada at Andi na uuwi na kami. They just nodded and reminded us to take care.


"Ingat din kayo mamaya pag-uwi," paalam ko.



Kalagitnaan namin nang paglalakad ni Sie palabas ng bar, kita kong nagta-type siya sa phone. Mabuti na lamang at hindi nauntog.



He then faced me the moment we get out of the bar. "Gon texted me, Alli. He came home by himself already. So, I will be the one to drive you back there, okay?" he informed.



I nodded and smiled scantily. "T-Thatʼs good, hehe. Tara na. Antok na po ako, e." I said.


He chuckled. "Silly. Okay, come on." he said sweetly and guided me to his car.



Kalagitnaan namin ng biyahe ay nakapikit lamang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako inantok, gayung kanina ko pa gusto makatulog!



Iyong si Gon kasi! Badtrip kaya! Sinungaling. Nakabantay daw doon sa bar pero nag-text kay Sie na nanuna nang umuwi? Ayos din, ah? Napakatibay na lalaki! Makapag-demand na dapat kasama siya sa mga lugar na naroon din ako---


"E, ano bang pakelam ko, huh?!" I suddenly exclaimed.



"Damn," mura ni Sie nang biglaan dahil biglaan niya ring nai-preno ang sasakyan, matapos kong humiyaw. "Whatʼs wrong, huh?" alalang tanong nito.



Agad ko namang tinakpan ang aking bibig matapos ma-realized ang ginawa ko, minuto lamang ang lumipas bago sunod-sunod na umiling. "N-None, Sie. Hehe." sagot ko at nag-iwas ng tingin dito.


He looked at me seriously. "Really? Tell me, whatʼs bothering you or should I say---who is bothering you?" he asked, reason why I was not able to answer.

Goodness, bakit ba kasi nakalimutan kong matalino si Sie at sa simpleng sulyap o tingin, alam na niya ang mga bagay-bagay.


Kasi naman! Sa isip lang naman talaga dapat ang tanong ko, bakit nakalabas?! E, ano bang pakialam ko kay Gon---hindi ba at iyon ang gusto ko?! Kainis, a.



I shook my head. "S-Sie, anong who...h-hindi tao ang iniisip ko, e..." guiltyʼng sagot ko dito.



He sighed and decided to looked away. "Iuuwi na muna kita sa inyo. You need to rest---"



I cut him off. "You mad?" I asked, worriedly and guiltily.



Paanong hindi ako magi-guilty, tama naman kasi na tao ang iniisip ko at ang masama pa, pinsan niya.



Instead of replying to my question, he drive the car again.



I pouted as I sighed secretly.



Hindi ko na lang siya muna kinausap dahil baka mag-away lang kami, kakabagong magka-relasyon pa lang namin.



Ang ending ng biyahe namind dalawa, tahimik at walang kibuan muna.



Hangang sa tumapat sa harap ng bahay namin ang sasakyan niya. Nauna siyang bumaba at umikot upang ako ay pagbuksan ng pinto ng sasakyan niya. "Pasok na sa loob, Alli. Magkita na lang tayo bukas." aniya nang makababa ako.



I pouted and shook my head. "Ayaw. Galit ka yata o nagtatampo sa akin, Sie!" I whined.


He sighed. "Of course not, bakit ako magagalit, huh? Stop thinking, baby. Go inside, please. Gabi na." mahinahong sambit nito at lumapit sa akin upang halikan ang noo ko. "...goodnight, baby. I love you." he said.



Automatically, I wrapped my both arms around his waist. "I love you, too. Sorry na."


He hugged me tighter. "I am not mad, Alli. Trust me." he assured.


Tinigala ko ito at nag-pout. "K-Kasi kanina noong tiningnan mo ako, parang may ginawa akong sobrang laking kasalanan saʼyo..." may tampo sa boses nang sabihin ko iyon.



Totoo naman, e. Ayaw niya lang siguro ipakita tunay niyang feelings kasi baka gaya ko, ayaw niya ring magkaaway kami, kakabago pa lang namin sa relationship.



He sighed. "Hindi nga. Huwag na makulit, huh? Go inside na, Alli." utos niyang muli.



Kaya naman kumalas na ako sa kapit sa bewang niya at tumango nang marahan. I even kissed him in the cheek. "Sige...take care," matamlay kong sagot.



Nagsimula na akong maglakad papalapit sa aming gate na may bagsak ang balikat at bumubulong-bulong pa dala ng slight tampuhan namin ni Sie. Feel ko kasi talaga? Hindi kami okay!



Goodness---


Natigil ako sa kaka-cram sa isip nang maramdaman ko ang kamay ni Sie sa aking kamay na pumigil sa akin sa tuluyan kong pagpasok sa gate. "Why?" tanong ko na may malamyang tinig.


Ganoon na lamang ang gulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya at walang sabi-sabing idinampi ang mainit at malambot niyang labi sa akin!


Nang maramdaman niyang hindi ako tumutugon sa halik niya ay kinagat niya nang marahan ang aking pang-ibabang labi upang magbuka iyon, dahilan upang mapaawang nga ang aking labi.


He took the opportunity to slid his tongue inside my mouth and savoured everything from it.



Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at ikinawit ang aking braso sa leeg niya. Ang parehong kamay naman niya ay nasa bewang ko.


We kissed that was full of contentment and love. Wala pa sana kaming balak na pakawalan ang labi ng isaʼt-isa ngunit kailangan naming huminga.


He chuckled as he stared at me. "Your lips are addiction to me, baby." he said.


Pakiramdam ko ay napunta sa aking pisngi ang init ng buong mundo dahil sa kanyang tinuran!


"H-Heh," hiyang suway ko dito at nag-iwas ng tingin. "Uwi ka na. Papasok na din ako sa loob, gabi na." pigil ang ngiting smabit ko.


"I love you," he sweetly told me and smiled.


I smiled and gave him a smack kiss. "I love you, too, po! Haha!"


"Goodnight, baby."

"Goodnight din. Ingat ka pag-uwi, ah?" bilin ko.

He nodded and kissed my hand. "Sure. Iʼll pick you up tomorrow at 4 pm. Letʼs have our date, baby." paalala niya.

Na-excite ako bigla~.


Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagtango. "Aye, aye baby! Hihi." sagot ko.


"Good. Pasok ka na sa loob bago ako umalis,"



"Okay po~! Haha!" kilig kong sambit at inumpisahan nang maglakad papasok sa gate namin. "...ingat ka, Sie! Love you." pahabol ko pa bago tuluyang nanakbo papasok ng aming bahay na may malawak na ngiti sa labi.


Nagtungo ako agad sa kwarto ko upang makapagpahinga na at matulog. Ngunit, laking pagtataka ko nang may makitang maleta sa ibabaw ng aking kama. "Bakit nakalabas ito?" tanong ko sa sarili.


"Take your rest now, young lady."


Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa direksiyon ng aking pinto. Si Gon. Nakasandig ang gilid ng katawan sa may edge ng door ko habang nakahalukipkip at malamig na nakatitig sa akin.


I raised a brow. "Bakit? Anong meron at pinagpapahinga mo na ako bukod sa nakainom ako, huh?" masungit kong tanong.


Hindi ko pa din makalimutan ang ginawa niyang pag-alis sa bar na hindi nagpapaalam sa akin! May bodyguard bang ganoʼn?! Iniiwan ang alaga?! Goodness!


He then gait towards me. "Your parents want to see you. Nasa Canada sila at...mamayang madaling araw, lilipad tayo patungo doon. Gustong-gusto ka na daw nilang makita at makasama so...yeah. Weʼll go there. Ready na ang lahat, tayo na lang ang kulang. Kaya magpahinga ka na." he explained.



My forehead creased. "Seryoso? Sina mom and dad, gusto akong makasama? Hindi ba sila busy---"


"Nope. Huwag ka na maraming tanong." malamig na sambit nito. "...rest now." utos pa niya.


Kung aalis kami mamayang madaling araw, dapat ay ipaalam ko na kay Sie na aalis ako at hindi makakasama sa date namin bukas ng hapon!


Kinuha ko ang aking phone at nagpunta sa may message app upang i-text si Sie ngunit mabilis na kinuha ang phone ko ni Gon. "In addition, your parents told me not to allow you used your phone even for a day. Kahit sino pa at gaano pa kahalaga ang dapat mong contact-in." seryosong aniya ag ibinulsa ang phone ko.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Boyfriend ko ang ite-text ko! Ibalik mo nga ang phone ko, Gon! Magpapaalam lang ako na aalis!" inis king bulyaw dito.


Umiling ito. "No. Magpahinga ka na. Ako na magpapaalam sa pinsan ko." sagot nito at handa na sana aking talikuran nang mabilis kong nahatak ang kamay niya. "Shit," daing niya.


Napalakas yata ang paghatak ko pero hindi iyon ang concern ko ngayon! Ang phone ko dahil kailangan kong magpaalam kay Sie!


"Give me back my phone, Gon." I ordered authoritatively.


He then smirked. "...no. Huwag kang mapilit. Kung ayaw mong malagot sa mga magulang mo kapag nakita mo sila." he mocked.


Sarap sakalin!


"Isang text lang, Gon! Magpaalam nga lang ako sa boyfriend ko! Paano kapag hinanap niya ako bukas, huh?!" inis kong sambit dito.



Nakakainis na siya!



Laking pagtataka ko nang mabura ang nakakapangilabot na lamig sa kanyang mga mata. Pati ang mapang-asar niyang ngisi. Sa pagitan ng segundo, nagawa niyang i-set ang sariling expression sa seryoso.



I gulped.


"Makinig ka naman kahit ngayon lang, Alli. Maghapon na kaying magkasama, hindi ba? Pwede bang...kahit ngayong gabi? Ako naman ang pakinggan mo? Ang sundin mo? Ang lapatan mo nang kakarampot mong atensiyon, huh? Kasi ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang bodyguard mo. Makisama ka," pagbabalangkas niya.



Kung hindi ako sanay sa ugali nito, baka inisip ko nang may bahid ng pait ang kanyang tinuran ngayon lang.



Imbes na sagutin siya, nakipagtitigan lang ako dito nang seryoso. Gusto kong magalit sa kanya, truth to be told, dahil pakiramdam ko ay sinasadya niyang hindi kami mag-usap ni Siegfried La Galliene!



Pero dahil utos ng parents ko niyon, gigil akong sumuko na lang at piniling pakinggan siya!



He let out an amused sigh. "Paano ka kaya manukat ng halaga, young lady...I am pondering, really." he suddenly asked.



I rolled my eyes at him. "Bakit? Akala mo---porque medyo maayos ang pakikitungo ko saʼyo, okay na tayo? Na hindi ako inis na inis saʼyo, Gon? Well, asa ka! Dahil sa ginawa mo, mas lalo akong nawalan ng gana para bigyan ka ni katiting na halaga kung iyon ang nais mong ipahiwatig! Hinding-hindi, Gon. Tandaan mo 'yan." I remarked.


Ang inaasahan ko ay magagalit siya dahil masakit ang sinabi kong iyon sa kanya pero, hindi nangyari. Imbes, nginisihan niya ako.


I clenched my fist out of too much annoyance. "Ano bang problema mo, ha?! Hindi ka man lang ba tatamaan ng sakit sa dibdib dahil sa sinabi ko?!" inis na inis king tanong dito.


He let out an amused sigh. "Hay, young lady, tsk tsk...such a good breaker, indeed. But donʼt worry, mawawala din ang lahat ng inis na meron kansa akin." he said, as if assuring beyond standard error.



"Asa ka!" I hissed. "Lumabas ka na nga sa kwarto ko!"



He smiled dangerously. "Talagang aasa ako." aniya at lumapit nang mas malapit sa distansya ko dahilan upang mapaatras naman ako. "...I am telling you, one snap---everything will fall into my place, young lady." he meaningfully denoted.


I gulped.


Inilayo nito ang sarili sa akin. "Magpahinga ka na. Maaga pa flight natin bukas," mahinahong aniya.



Hindi ako makakilos. Parang may laman kasi ang tinuran niya, bagay na nagpatindig ng mga balahibo ko at nagbigay din sa akin ng kakaibang kaba.


So, so not me...


"G-Gon---"

Hindi ko natapos ang aking pagsasalita nang magsalita din siya...sa tinig na...mapait.


...at na hindi ko inaasahang sasambitin niya ang mga ganitong kataga.


He faked a laugh.


"Kailangan ko pa yatang ilagay ang sarili ko sa timbangan upang malaman kung may halaga ba ako."

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top