26
Ilang araw matapos kong sagutin si Sie mula sa kanyang less than a week of courtship, masasabi kong ang worth it ng bawat araw na lumilipas at palaging sasagi sa aking isipan na ang crush na crush at first love ko talaga as in---ay boyfriend ko na!
Pero, hindi iyon ang iniisip ko ngayong araw, e. Kung noong mga nakaraang imaga, palaging nakangiti ako kapag gigising, ngayon ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
Hindi pa rin kasi maalis sa aking isipan magpahanggang ngayon ang sinabi ni Gon sa akin, noong gabi ng Fashion Week.
Binagabag ako niyon nang husto. Para pa ngang natanggal ang pagkalasing ko noong sinabi iyon ni Gon. Kaya nga pagsapit nang umaga, naiilang man ako, tinanong ko siya kung anong ibig sabihin niya pero ang tungaw---hindi ako pinansin!
Kung kaya naman nagdesisyon na akong huwag na siyang kausapin ukol sa bagay na iyon. Sabagay naman kasi, mukhang wala din talaga siyang balak na ungkatin pa iyon.
Medyo nakaka-stress, goodness!
Bumangon na ako sa aking kama at minabuting pumasok sa bathroom upang makapaligo na bago bumaba at kumain ng almusal.
Medyo late na akong nagising ngayong araw dahil anong oras na kami natapos mag-usap ni Sie over the phone. Mga 2 am na. And what we have up to are all about random things about us, childhood memories, school and many more, which made me really enjoyed upon hearing all of those from him.
Nabanggit niya nga din sa akin ang highschool days nilang magpi-pinsan sa Harvard University. Muntikan pang ma-kick out si Gon at Sie those times kasi, kakabagong pasom lang nila---may nakaaway na agad! Nagkataon pa na anak ng senator ang nakaaway ng magpinsan!
Goodness. May kapilyuhan pala ang dalawang iyon noon, ah?
Cute.
Matapos ang ilang minuto kong panliligo, lumabas na ako ng bathroom at nagbihis. Pambahay na damit lang. Blinower ko din ang aking basang buhok upang hindi mabigat ang aking ulo.
Matapos ng mga kaartehan ko, tsaka ako nagpasya nang lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina. Nadatnan ko si Yaya na nagpupunas na ng mga plato.
I made my way up to the ref para kumuha ng milk. "Yaya, si Gon po?" tanong ko, nagsasalin na ng gatas sa baso.
"Here," biglang sagot ni Gon mula sa gilid ko. "Why?" he asked coldly while his eyes were focus on me.
Mabuti na lamang ay may higpit ang hawak ko sa baso ko dahil kung hindi, baka bumagsak na ito at nabasag!
Hindi naman magkansmda-ugaga ang aking labi kung anong nais gawin. Kung bubuka ba o hindi!
Goodness, bakit parang mas gwapo siya ngayon sa harapan ko? Bakit ang lakas lalo ng dating niya, huh?!
And why the hell am I thinking that way, huh?! So not me!
Naglakad ako patungo sa breakfast table, bitbit ang fresh milk at baso bago naupo. "...w-wala. A-Ano bang malay ko kung saan ka napadpad," sagot ko at uminom ng gatas.
Ipinaghanda naman ako ni Yaya ng pagkain sa harapan ko upang makakain ng almusal. "Bangen ga ike tinanghali ng gising, ha? Kabataang ito, oo." puna nito.
Imbes na sagutin ko si yaya, pinili kong panoorin ang ginawang pagkuha ni Gon ng malamig na tubig sa ref. Miski ang ginawa nitong pag-inom.
Hala...b-bakit naman ang hot, ha?
Goodness! Ano bang iniisip ko, ha?! Erase! Erased! So not me---
"Donʼt stare at me. You might forget that youʼre in a relationship." aniya at tumitig sa akin nang may lalim.
Napataas naman ang kilay ko. "Asa. Nagtataka lang ako dahil pansin kong palagi mong hawak ang cellphone mo." dahilan ko.
Naglakad ito papapit sa akin. Si yaya naman ay umalis muna dahil may labahin daw siya sa likod kaya naiwan kaming dalawa ni Gon.
Kinuha niya ang isang upuan at naupo doon nang pabaliktad bago ako ngisihan nang pang-asar. "Alangan namang palagi kong hawakan ang TV?" he mocked.
I rolled my eyes. "Bahala ka na nga," sagot ko inumpisahang kumain.
Ngunit dahil kasama ko si Gon at pinapanood ang aking pagkain, medyo nailang ako. "P-Pwede ba, Gon?! Donʼt stare at me l-like you see as I am a f-food in your eyes, goodness!" I hissed.
He looked at me seriously. Did not bother to utter a single word, reason why I felt something is damn wrong with his sudden action!
Whatʼs in his mind kaya? He looks like a nightmare but dressed like a daydream, goodness.
Habang tumatagal ang mga titig nito, mas nababagabag ako sa takbo ng utak niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, waring isang licensed engineer na bumubuo ng plano sa pamamagitan ko nga lang.
Parang determined at nais i-pursue ang isang bagay na siya lamang ang nakakaalam.
...bagay na nagpapatindi ng kagustuhan kong malaman ang laman ng isipan niya.
I heaved a sigh and decided to stared at him with equal intensity. "M-May problema ka ba sa akin, huh? Bakit ganyan mo ako kung titigan?" I asked, valiantly.
Akala ko ay mananatili siyang walang imil, kaya ganoʼn na lamang ang gulat ko nang sumagot siya na hindi tinatanggal ang mga mata sa akin. "...Andi." he began.
With furrowed brows, "...what about her?" I asked, hoping that he is starting to like my bestfriend.
"Sie and Andi. Tonight. Meet her parents." he outlined.
Nanlaki naman agad ang mga mata ko dahil sa sinabi niya! Oo nga! Bakit ba nakalimutan kong ngayong araw darating ang parents ni Andi?! Goodness, masyado nga yata akong nahulog sa isipin dahil sa sinabi ni Gon noong isang gabi.
Tuliro, "A-Ah, oo...hehe. O-Okay lang naman sa akin, e..." sagot ko.
Para naman akong tanga ngayon, oh.
He nodded, lightly. "...good. Weʼll go there too." aniya.
I smiled. "Yeah, hehe."
Nang maalala ko na darating na nga pala ang mga magulang ni Andi, medyo kinabahan ako para dito. Baka kasi hindi maniwala ang mga iyon tapos para patunayan na sila ng boyfriend ko, pag-kiss-in sila? Hindi naman siguro...
Sana ay hindi, goodness!
Nasa ganoʼn kaming tagpo nang biglang tumunog ang aking cellphone. Naputol ang titigan namin ni Gon at laking pasalamat ko sa kung sino man ang tumawag dahil hindi ko alam kung paano makakaalis sa titig ni Gon, e.
"Hello po?" sagot ko.
[Miss Alli, there are new arrival of trend clothes to your Apparel. Mr. Salvez is asking if you could make it tonight for photoshoot to for modifying the trends po.]
Oh, this is Czants. Siya ang nagma-manage ng Apparel na pagmama-ari ko dahil abala pa ako sa school pero dahil natapos ko naman na at naasikaso ang mga dapat tapusin sa school, mga requirements na dapat i-comply, ako na muli ang mamamahala sa Apparel ko.
In short, bakasyon na namin!
I smiled, though, hindi kita ni Czants. "Yeah, sure. Darating ako. Mga time ba?" may bahid ng excitement sa tinig ko nang itanong ko iyon.
[Great! Miss Alli, mga 6 pm, kaya?]
"Kaya! Hehe, sige salamat."
[Welcome, Miss Alli! Excited to see you after school, huh? Hihi.]
I giggled a bit. "...hihi. Later, chika-chika na lang tayo."
[Sure po,]
Matapos ang tawag ay itinago ko na ang aking phone. Ibinalik ko ang mga mata kay Gon. Noon ko lang napagtanto na abala siya sa kakatipa sa cellphone niya at mas gumwapo siya lalo dahil habang ginagawa niya iyon, kunot ang noo niya.
"Gon, hindi ako makakasama pala kay Andi at Sie mamayang gabi. M-May pictorial ako para sa mga damit na bago kong ilalabas sa Apparel." I informed.
He stopped typing on his phone and looked at me then nodded. "Okay. Iʼll go with you." he coldly answered, and returned his eyes at his phone then type again. "...hindi ka naman ipagkakanulo ng pinsan ko kaya huwag kang mag-iisip ng kung ano-ano habang nasa bahay sila ng parents ng ginto mong kaibigan."
Sarap batukan, ah.
"Hindi 'no! So not me," agad kong bwelta at nag-crossed arms bago pasimpleng sinilip ang ginagawa niya, kunyare hindi ako aware. "...what are you doing ba, huh?" I asked.
Without looking at me, "Nakikinig ng TV habang nanonood ng radyo." pabalang na sagot nito.
I glared at him. "Ikaw baʼy tanga?! Sa pwet ka nahinga?!" pikon kong tanong dito, dahilan upang mag-angat siya sa akin ng tingin at umismid bago tumayo.
"Kinda, disgusting...tsk, tsk." aniya at nagsimulang maglakad palayo.
I let out an amused sigh. "Abaʼy gago," I commented.
Kinagabihan, habang nagsusuot ako ng black stiletto ko, tinawagan ko si Sie at sinabing hindi ako makakasama sa kanya ngayong gabi upang masaksihan kung paano siya magpapakilala na boyfriend ni Andi. Sinabi kong may pictorial ako para sa mga bagong damit na kailangan kong i-model. Naintindihan naman daw niya at sinabing kapag natapos siya sa role niya, dadaanan niya daw ako sa studio. Sumangg-ayon na lamang ako dahil gusto ko din naman. Nasabi ko din na kasama si Gon dahil aware naman siya sa role nito sa buhay ko.
Sweetest La Galliene I know, hihi. My Sie-baby~.
"Alli, letʼs go now." yaya ni Gon na kakapasok lang sa kwarto ko.
Pinasadahan ko muna ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa harapan ng salamin bago sumunod kay Gon.
Kalagitnaan namin ng biyahe, nagsalita si Gon. "Young lady," tawag niya, bagay na ikinalingon ko.
"Bakit?" takang tanong ko, pakiramdam ko kasi ay may kakaiba talaga sa pagtawag niya.
He glanced at me and showed me his dangerous smile. "...spend time with Sie 'til tomorrow," he meaningfully said.
My brow arched." Whatʼs with your words, huh?"
"Youʼll know...the day after tomorrow."
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top