23

Today is Monday. And I am currently preparing my clothes to wear 'cause today is our Fashion Week. At dahil ako ang nanalo last year, dapat akong dumalo doon upang irampa ang crown at mamahalin kong kasuotan, of course.



Well, what I am wearing is not a gown, a. Mahal lang talaga siya since ako ang gumawa ng designs sa damit at pumili ng telang ginamit para dito.



What I am wearing is just a simple forest green premium coat that has a length of about just above my knee. Under it, a black fitted shirt and has the same length of my premium coat and has tiny strap. To complete my outfit, I wore a black thigh boots.



Plus, my make up was just as natural as I am. And all set!



Kailangan presentable din ako sa mga manonood sapagkat isa ako sa judge na magsusuri sa mga students kung sino ang karapat-dapat na tanghaling best among the rest sa UP! The only problem is that, hindi ako gaanong makakarampa nang maayos dahil hindi pa naman lubusang magaling ang aking paang na-sprained.



Nevertheless, magagawa ko pa rin naman ang paglilipat ng crown then title at maglalagay na din sa kanila ng sash.



Matapos ang ilang oras kong pagpe-prepare at pag-aayos sa sarili ay bumaba na din ako at, bitbit ang isang hindi naman gaanong kalakihan na box at puro glitters ang paligid nito. Doon nakalagay ang aking crown na ipapasa ko.



"O, hija. Mag-ingat sa paglalakad, ha?" bilin ni yaya.



I smiled. "Copy that, yaya! Hihi!" I said.



She smiled back and her smile shouts for amusement. "Ke gandang babae mo, hija. Ay, oh." she commented and scanned my wholeness. "...paniguradong marami-raming lalaki na magkakandarapang ike ligawan." sabi pa niya.



I shook my head and giggled. "Yaya, hindi na pwede~. Off-limits na ako dahil," sagot ko at nag-flip ng hair. "...magkakaroon na ho ako ng boyfriend, yaya~! Hihi. Shh ka lang muna po kay Gon at sa parents ko, ah?!" habilin ko dito.



"Kainamang bata ka. Siya, siya sige...hayo na roon at naghihintay na ang iyong bodyguard." napapailing na sambit ni yaya. "...akala ko pa naman ay iyon ang iyong magiging katipan, hija. Pinsan pala naman," parang nadismaya pang dagdag ni yaya.



Goodness. So, boto siya kay Gon for me?



I smiled scarcely. "Alis na po ako yaya," paalam ko na lang at nagsimulang maglakad palabas ng bahay namin bago dumiretso sa may sasakyang nakaparada, kung nasaan nakaabang si Gon.




The moment he saw me, he removed his sunglasses. "Get in, young lady." aniya bago ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan.



I nodded slightly. "...thanks." sagot ko naman dito.



Nang makasakay si Gon, itinuon niya ang mga mata sa akin. "Ang ganda mo." he complimented with a smirked.



I grinned. "Salamat,"



"Paniguradong maraming mababali ang leeg mamaya, oras na makita ka, young lady." seryosong sambit niya at ipinasok na sa ignition ang susi at sinimulang magmaneho paalis.



I shrugged my shoulders a bit. "For all I care, Gon." sagot ko. "Kahit naman magkandabali-bali ang kanilang mga leeg kung hindi naman ako interesado sa kanila, theyʼll still remain invisible." sagot ko.



Tumango-tango naman ito. "Sie would be very happy, seeing you in that outfit, young lady." he said, almost a whisper.



I can sense a bitterness on how he say it but I refused to care for now 'cause I have a big event to attend to. And I donʼt want excess things to mind on for now.



...bukod doon, magaganap ang isang natatanging pangyayari sa pagitan namin ng pinsan niya.




Nasabi ko kay Sie na hindi ako makakadalo ng FW noong araw na fresh pa ang kirot sa aking paa pero noong naramdaman kong medyo okay okay na, binawi ko iyon at sinabing dadalo ako kaya sabi niya, a-attend siya upang ako ay masaksihan.



Todo-kilig na naman sʼyempre ako!



Canʼt wait na maging officially in a relationship na kami ni Siegfried La Galliene~!



Imagine, my ultimate first crush is going to be my boyfriend after some years of waiting?! Goodness, good heavens~.



And I swear, I would really try my best to be the best girlfriend that he would have for the rest of his life!



Kung hindi ako nagkakamali sa aking nalaman, La Galliene cousins donʼt cheat nor make something that might be reason to create problems.



Kaya sobrang tiwala ko na agad kay Sie.


Sa pagkakaalam ko din? La Galliene cousins donʼt want relationships. Kaya ganoʼn si Gon. But I wonder why Sie wants me? Nakakatuwa namang isipin na sa akin siya unang nanligaw at unang nagtapat ng love niya kaya I found that cute and heart-warming kasi ayaw nila sa relasyon, pero noong nakita at nakilala na niya ako, nagbago ang nais niya!



Naniniwala akong mangyayari din iyon sa ibang mga La Galliene. Kay Gon lalo. At...aabangan ko siyang mahulog sa iba.



Hindi na namin nagawa pang makapag-usap ni Gon dahil ka-text ko si Sie-baby at mukhang wala nandin siyang balak na ako ay kausapin matapos nang sinabi niya kanina. Hinayaan ko na lang.



Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa UP parking space. Palagi naman sa may main gate kami nagpa-park. Naunang bumaba si Gon upang ako ay pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Noon ko lang napagtantong marami nang tao sa campus at sobrang ingay, a. Dinig kasi sa kung nasaan kami ngayon ni Gon ang hiyawan nila. Goodness.


Actually, too, we are late already!



Sabay kami ni Gon na naglalakad papasok ng campus. Ang mga nadaraanan naming mga students at nakakasalubong na rin ay napapapaling ang mga ulo upang kami ay titigan then after ay magbubulungan, marahil dahil sa nakita nila ako?



"Hala, ang ganda ni Euxine, Divina!"



"I like her coat, shems! Angela! Ang ganda~!"


"Is that Daegon Trevor La Galliene of CEM, huh?! Shei?! "



"Grabe, bagay sila ni ate Alli, ano? Joana,"



"O, tanga...may suitor si Euxine!"


Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti nang palihim.


"Pinsan ni Trevor, nee! Gwapings, Karina!" may kilig na sagot ni Joana, sa pagkakadinig ko.



Nang sulyapan ko si Gon na naglalakad kasabay ko lang, wala itong reaksiyon man lang batay sa mga naririnig. Diretso lang siyang nakatingin sa dinaraanan namin pero hindi nakakaligtas sa akin ang palihim niyang pagbubuntong-hininga, bagay na nagpataka sa akin.



I was ready to speak to him and asked him whatʼs with his sighs but looks like he felt what I am about to do 'cause he spoke.



"Donʼt ask anything, young lady. Iʼm okay,"



"Sungit naman," I muffled as I winced under my breath.



These past few days, after our horrible question and answer portion, masasabi kong gumaan ang aking pakiramdam na kasama si Gon. Dahil doon, bigla akong nakaramdam ng security and assurance na hindi ako mapapahamak.




Matapos kasi nang usapan naming iyon, nagkaroon ako kahit papaano ng kaunting kaalaman about sa life niya. Mas naging interesado pa nga ako sa iba ko pang pwedeng malaman sa kanya sa mga susunod na araw.



Sa ngayon, ang alam ko pa lang, wala na siyang parents. Then, he studied at Harvard University. His birthday. Araw ng mga bayani naman iyon. Ayaw makipag-relasyon, iyong reason niya---hindi ko pa alam, pero malalaman ko din iyon next time.




How old is he, hindi ko pa din natatanong. Basta din ang alam ko pa, he lived in USA, kasi nagtapos siya sa Harvard University. Then sa Spain, original place kung saan talaga sila nakatirang magpipinsan, and the rest---tsaka ko na aalamin.




Kay Siegfried muna dapat.



...pero masasabi kong nag-improve naman ang aming samahan ni Gon nitong mga nakaraang araw at sana magtuloy-tuloy na iyon dahil ayokong kaaway ko siya palagi, kami naman lagi ang magkasama, e. And in addition, magiging boyfriend ko lang naman ang kanyang pinsan, so dapat okay kami pareho.




"Kyaaaaaah! Hala ang sweet! Sino kayang hinihintay niya~!"



"Hala, ang gwapo niyaaa~!"



"Mapapasana all!"



Dinig naming hiyawan at kaguluhan sa papasok sa Gym na gaganapan ng FW judgement!


Napakunot ang noo ko at sinilip-silip ang entrance ngunit wala akong makuta dahil sa umpukan ng mga students na panay nakabihis nang mga magagandang damit.



Sumingit kami ni Gon sa mga ito. "Padaan, guys." sabi ko.



Ngunit wala pa rin kaming mapala. Hindi pa rin namin kita ang kaganapan kung bakit sila nagkakagulo kung kayaʼt tumingin ako kay Gon at waring nalaman niya ang nais kong mangyari dahil hinawakan niya ang kamay ko at sumingit talaga sa mga taong nakaharang sa entrance upang makadaan kami at makita ang ganap.



...the moment we pass the multitude, my mind automatically blocked with so many thoughts. To the extend that I canʼt even distinguish what to say nor to express.



Ramdam ko ang pagbitiaw bigla ni Gon sa aking kamay. Ang mga hiyawan at tilian naman ng mga nasa paligid at parang hindi ko madinig...at ang aking paningin ay natuon lamang sa lalaking kasalukuyang nasa harapan ng stage, may hawak na gitara at sa kanyang likuran ay ang dalawang lalaki na may hawak na...bulaklak.



My lips parted as I felt my tears to welled-up.


"Sie..." I called under a muffle.

Handa na sana akong maglakad papalapit kay Sie nang madinig ko ang tinig ni Gon...tinig na walang kasinglamig.



"...labas na ako. Congrats, Alli." he said then leave me here.


--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top