2
"Can I have the keys?"
Muntik na akong matapilok at halos maibuga ang iniinom kong milktea dahil sa biglaan niyang paghingi ng halik!
I looked at him nervously. "A-Anong kiss?! N-No! Youʼre taking advantage of me na!" I retorted and distanced myself at him a bit.
His brows furrowed. "Keys. Car keys not kiss. Stupid," he clarified.
Natanga pa nga.
"Make it clear kasi! So not me, ah!" depensa ko at ipinahawak dito ang milktea. "Hold this muna. Iʼll get inside my bag," sabi ko at wala naman siyang reklamong tinanggap iyon at hinawakan.
Pagkakuha ko sa bag ko ay ibibigay ko na sana ang susi ng sasakyan kaya lang ay natigilan ako at napaawang ang labi nang makita ko siyang iniinuman ang milktea ko!
"H-Huy G-Goodness! Why are you sipping on my milktea, huh?!" nanlalaking mga matang tanong ko.
He bit the straw and looked at me innocently. "Iʼm thirsty, young lady." he reasoned out and sipped again!
I let out an amused sigh. " H-Hindi naman saʼyo 'yan, e."
Ibinibigay niya pabalik ang milktea. "Saʼyo na,"
I winced. "What? No way. Thanks na lang." sagot ko at nag-iwas ng tingin.
He smirked audibly. "Saʼyo na," pilit niya pa.
"No---"
"Saʼyo na...ako."
Mabilis pa sa isang segundo akong nagbalik ng tingin sa kanya na may nanlalaking mga mata. "W-What?" tanong ko.
Bigla siyang sumeryoso. "Gabi na. Umuwi na tayo." aniya at kinuha sa kamay ko ang susi bago naunang maglakad papalapit sa aming sasakyan.
Hindi ko pa rin makuhang kumibo ni ibalik ang sariling diwa dahil sa simpleng salita niya lang.
So not me!
"Young lady," tawag niya.
"O-Okay! Wait!"
I shoved the thought away and just followed him. He even open the door for me so I can seat na. Followed after, umikot siya sa driverʼs seat at mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan at pinatakbo na din paalis nitong UP.
Medyo ginabi na ang pagdi-dismiss sa klase namin dahil sa katakot-takot na projects, presentations and presentations pa para sa Fashion Week ng UPLB. So, nakakapagod iyon!
Idagdag pa na hindi talaga ako gaanong kagalingan dito sa Management, e. I was just obliged to take this course. For my parents. For the future business.
Seriously speaking? Iʼm not really into business matters. Sa kaso ko ngayon, Iʼm just surviving in the path of what my parentsʼ choice for me. Not enjoying.
Kalagitnaan namin ng biyahe, nagsalita si Gon. Hinayaan ko lang siya. Ni hindi ko siya nilingon o tiningnan nang diretso. Sa peripheral vision ko lang. Medyo may ilang sa akin and I donʼt know why!
"Pwede ba akong mag-request, young lady?" seryosong tanong niya.
"W-What?" I answered and was stuttered.
"Pwede bang huwag mo akong pilitin na kausapin ni pansinin ang kaibigan mo? Huwag mo 'kong ibugaw." he said coldly yet seriousness were felt.
I was muted because of what he requested.
Kanina kasing lunch, nagkita at nagkausap kami ni Andi sa may Org Tambayan ng UP. Kinakabahan at hindi pa ako makapagsalita noong una dahil baka magalit siya sa akin. Kasi bodyguard ko ang ultimate crush niya!
Pero sa huli, dala nang matinding kaba, sinabi ko na lang na bagong blockmate namin si Gon. Blockmate at hindi bodyguard ang ipinakilala ko sa kanya dahil baka magalit siya o hindi kaya maging ugat pa ang selos niya para magka-away kami. Idagdag pa na, magkasama kami sa iisang bahay!
Napatango-tango na lang si Andi kanina at nakangiti pa dahil sa wakas daw ay mas magkakaroon siya ng gana mag-aral at puntahan lagi ako sa building namin upang makita si Gon.
Hindi ko alam kung nagtataka din siya kung bakit nag-aral sa UP si Gon pero ang mahalaga, magiging masaya siya dahil maraming chance na makikita niya si Gon.
I love my bestfriend and I donʼt want to see her hurt nor sad in any ways.
Tapos ito namang si Gon, kinausap ko din pagbalik ko sa CEM na kapag tinanong siya ni Andi kung bakit palagi ko siyang kasama, dapat ang isasagot niya ay blockmates kami at para na rin kay Andi! Para magkalapit sila para sa huli, sila din ang magkatuluyan!
Wala naman siyang sinagot kanina. Tingin lang na malamig!
Tapos ngayon siya magre-request na huwag siyang pilitin kay Andi.
I bit my lip. "K-Kasi, Gon...bakit ba ayaw mong makipagkaibigan kay Andi? Sheʼs nice. Pretty. Intelligent and fun to be with," mahinahong sambit ko.
He heaved a sigh. "I told you, I donʼt want to. Wala siyang mapapala saʼkin. Huwag mo nang ipilit." he said.
I decided to stared at him while driving. "Pakikisamahan mo lang naman, ah. Kapag magkakasama tayo, talk to her like the way you talk to me. Or ever better! Then, try to be close at her atleast. Wala namang mawawala saʼyo, ah." pilit ko pa.
Gusto ko kasi talagang magkalapit sila dahil noon pa man, kapag nagpupunta kaming bar at sobrang lasing na siya? Umiiyak si Andi dahil hindi daw siya magkaroon ng chance na mapalapit kay Gon!
Seeing her like that make me hurt. Kaya nga ngayong may pagkakataon na para magkalapit sila, iga-grab ko na!
He glanced at me, having an angry bird brows."Bahala ka nga." walang kwentang sagot niya.
I pouted. "Bakit ba ayaw mo, ha?" tanong ko pa.
"I donʼt want relationships."
Oh?
Hindi ko alam kung anong iisipin ko dahil sa binitiwan niyang mga salita. May kung ano sa dibdib ko na natuwa para kay Andi. Kasi...baka kaya ayaw niya ma-attach nang super kay Andi, thatʼs because heʼs bound to fall in love with her?!
Goodness!
I just smiled at the thought. This is so not me, goodness!
Hindi ko na lang siya tinanong kung bakit ayaw niya sa relasyon dahil natutuwa at nagdidiwang ang kalooban ko sa isipin na baka talaga ayaw niya ma-attach ng todo sa kaibigan ko dahil marupok siya.
Ilang sandaling minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Agad kaming pinagbuksan ni Mang Jones ng gate upang maipasok ni Gon ang sasakyan sa garahe.
Nang maiparada nang ayos ang sasakyan ay bumaba na ako. Hindi na siya hinintay pang bumaba at pagbuksan ako dahil may kamay naman ako.
Binilisan ko ang aking paglalakad papasok sa bahay dahil ramdam ko ang pagsunod ni Gon sa likod ko.
Akmang hahakbang na ako sa paakyat nang magsalita siya. "Alli," he called.
I faced him with amusement in my eyes. "Did I just hear you call me...Alli? Alli and not young lady?" I asked.
He looked at me, nonsense. "Thatʼs your name also, so...yes. Ayaw mo ba?" he asked.
Mabilis akong umiling-iling. "No---I mean, iyan din dapat ang sasabihin ko kanina. Donʼt call me young lady na dahil baka magtaka si Andi. Okay?" I explained.
He nodded lightly. "If thatʼs what you want. Okay," he agreed.
I moved closer to him at bahagyang tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. "Thank you." nakangiting sagot ko.
He just looked at me deeply.
Confused, "Why?" I asked.
He snarled. "Tsk. Kanina sa recitation, youʼre suck, dʼyou know that?" he recapped, upfront.
Napalayo ako dito at nag-iwas ng tingin. "W-What do you mean?" mahinang boses ko nang itanong iyon.
"Youʼre suck at accountancy, Alli. In accounting, " ulit niya pa.
I bowed my head a bit. "Alam ko," problemadong sagot ko.
Hindi naman talaga dapat ako sa linyang iyon e. Iʼm not really fond of digits! Memorizations and balancing!
...but I need to obey my parents. Iʼll be the future head of all their business so I need to do what they want me to do.
Mas gusto ko mag-paint kaysa magbilang!
Muling umangat ang aking ulo nang madinig ang mga salitang hindi ko alam kung hahangaan ko ba o ano dahil...kakabagong pasok niya lang sa UP!
"Tsk. Go upstairs. Tuturuan kita ng lahat na may kinalaman sa Accounting."
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top