Chapter Twelve

Isa sa magagandang nangyari sa'kin ngayon ay ang pag-alis nina Pipay at ng bodygurads n'ya. Para akong nawalan ng tatlong pimples na may nana sa loob ng ilong. Ayaw daw kasing panagutan si Pipay ng nakabuntis sa kaniya kaya pinadala siya ni Boss Chito sa Batangas kasama ang dalawa pa niyang utol.

Nabawas-bawasan ang mga bagay na nagpapa-stress sa'kin. Tulad na lang ng mg customers dito sa "Pipoy Butingting Cellphone & Computer Repair Shop". Bukod sa cellphone/computer repair, may Internet Café din dito na itinayo. Kumbaga 2 in 1 business. Ang dami nilang reklamo. Pero minsan, nakakatuwa din naman silang pagmasdan habang busy sa mundo ng Internet sa saliw ng ilang K-Pop songs na pinapatugtog lagi ni Pipoy sa malakas niyang speaker. Pang-good vibes ba. Black Pink in Your Areeeyahhh!

Nagulat na lang ako sa pagdating ng isang lalaki. Abala kasi ako sa pagche-check ng mga tapos na at hindi pa tapos na customers, kung naayos ba ang pinagagawa nila o kung wala ng pag-asa. Pero aaminin ko, hindi ako maayos mag-handle ng customers.

"Good Morning! Gushto ko lamang paayosh 'tong ishfik ishpi ishfwiker ko. Medyo nagka... Enteng? Enteng Kabishote? Ikaw ba 'yan?" bati sa'kin ng isang payatot na lalaking naka-salamin, kulot ang makapal na buhok, naka-polong checkerd, may brace ang ngipin, may hawak na cellphone at may garalgal na boses na singtunog ng gulong ng tren na pahinto pa lang.

"Ah... ako nga."

"Shabi ko na, eh."

"Ba't mo 'ko kilala?"

"Ano ka ba, Kabishote? Kaklashe mo 'ko sa tatlong subject. Sha likod mo pa nga ako umuupo tuwing Chemishtry." Tumingin s'ya sa paligid.

"Dito ka pala nagwo-working shtudent. Ayosh din, ah. Chellphone Repair. Taposh s'ya asshistant mo?" sabay turo kay Pipoy sa 'di kalayuan na pilit ginagawan ng paraang ma-revive ang isang monitor.

"Siya si Pipoy Butiingting, anak ng may-ari," sagot ko ng nakangiti. Tumahimik s'ya.

"Ah, ganon ba. Anyway, ipapagawa ko shana 'tong Shamshung ko. May shira kashi 'yung ishpiker. Hindi ko kasha marinig si Mommy 'pag tinatawagan ako. Nagpapashundo kashi ako minshan. Alam mo ba nung ishang araw, nag-"

"Shtop... I mean stop. I get it."

"Shana magawan mo ng paraan."

"Okay," sabay punas ng mga tumalsik niyang laway sa mukha ko.

Matapos ang listahan, presyuhan at usapan kung kailan siya babalik, lumabas na rin siya ng shop. Ayos! Kanina ko pa gustong sabihin na lumayas na siya. Buti na lang, hindi niya sinabi kung anong pangalan niya o kung kailan pinanganak ang dagang kinain ng alaga niyang pusa nung isang linggo, baka mapanaginipan ko pa ang buhok niyang parang wig sa kapal o ang brace niya sa ngipin na kinakalawang na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top