Chapter Three
Kakasimula pa lang ng college life ko, love life agad. Kaka-18 ko lang nung April at kahit kalian hindi pa ako bumoboto. Ni hindi nga ako nagkaka-crush, eh, at wala sa isip ko ang manligaw ng sinuman. Ba't gan'to? Bigla na lang akong nagka-asawa at nagka-anak sa isang tulugan. Ganito naba ka-instant ang Earth?
Wait lang. Baka may nakalimutan ako. Baka may ginawa ako na hindi ko namalayan........ Oh my! Sana naman wala 'yung kinalaman sa pagpuslit ko ng isang Ham and Egg sa burger store kanina....... wala siguro.
Flashbacks! Tama! Kailangan ko ng flashbacks. Kahit isa rin 'yon sa mga kinaaasaran ko tuwing nanonood ng T.V. hindi ba pwedeng straight-to-the-point na? Make it clear from the start. Kaya nga kami bumili ng T.V. para maaliw, hindi para mag-solve sa problema ng ibang tao.... pero hindi sa pagkakataong ito.
Mga sampung oras pabalik mula nung gumising ako sa double-deck na kama at bago ako nagkaroon ng instant family. Gabi n'on. Sa pagkakatanda ko, maraming stars n'on. Nasa labas ako ng bahay kasi pinabili ako ni Tatay ng katol, pang-shield sa mga mababangis na lamok na ilang gabi na ring pumapapak sa amin. Sana, katulad na lang din ng bubuyog ang lamok para kapag kumagat sila, patay agad. Hah! Iaalay ko ang kaliwa kong braso, mamatay lang silang lahat.
Bukod sa lamok, ito pa ang isang nakakaasar, si Bale.
"Ay naku, mare. Nandito na naman ang alaga mong gwapo....... pero suplado", asar n'yang sabi kay Ate Amy na ilang oras n'ya ring ka-tsismisan.
"Ano 'yon, Enteng?", tanong n'ya sa'kin.
"Ang habol ko lang ay katol."
"Katol?.........kaya ka nangingitim, eh."
Anong problema n'ya sa kulay ko. Eh, kung tutuusin, mas maitim pa s'ya sa'kin ---sing-itim ng budhi n'ya.
"Tumigil ka nga, mare. Inaaway mo na naman ang alaga ko.", saway ni Ate Amy. Hindi ko na inalam ang mga sumunod na nangyari. Naagaw ang atensyon ko ng ilan pang lamok, I mean, mga tao sa harap ng pinto namin --- si Pipay at ang dalawa n'yang bodyguards at si Pipoy.
Napatigil ako nang tumigil din sila sa kakakatok at kasisigaw. May sinasabi si Pipay tungkol sa dalawang buwan, ama, anak, buntis...... at bakal na tubo na hawak nung dalawang kalbo. Hindi ko na namalayang tumatakbo na pala ako sa madilim naming iskinita hawak ang katol. Hinahabol pa rin nila ako at rinig ko ang paghampas ng bakal sa pader ng pasikip ng pasikip na daan. Takbo lang ako ng takbo. Hanggang sa makaabot ako sa isang malaking gate. Dead end.
Lagi na lang bang ganito? Sinayang ko lang ang lakas ko sa pagtakbo kung dito lang din naman ako mamamatay kasama ang katol at isang malaking pusang naghahalungkat sa basurahan sa gilid. Ay mali! Tao pala. Isang batang mga apat na taon siguro at hanggang hita ko ang taas.
Sumigaw si Pipay, "Teng! Magiging tatay ka na!"
Walo sa sampung lalaki ang hinihimatay sa tuwing maririnig nila ang mga salitang 'yan. Ngayon alam ko na kung bakit ako tumatakbo, dahil isa ako sa natitirang dalawang lalaki na hindi nga hinimatay pero malapit ng mamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top