Chapter Eight
Feeling ko, huling hapunan ko na 'to.
Hindi tulad ng kainan sa family T.V. shows, wala kaming mahabang lamesa na may mga silya tapos nakaupo ang lahat ng miyembro ng pamilya at sama-samang kumakain ng hapunan. Nagkukwentuhan kung anong nangyari sa eskwelahan, kamusta ang trabaho, nag-aabutan ng ulam, nagpe-pray bago kumain
Dito wala.
Kung hindi ka mauunang kumain, mauubusan ka lang ni Ate Amy. Sa lakas ba naman n'on kumain, kasinlaki na ni Majimbu ang katawan.
May isang lamesita lang kami na hugis square na nakasandal sa pader kaya hindi talaga kami kasya. Madalas, sa may mahabang upuan kami kumakain sa sala, sa harap ng T.V. Pero pinapagalitan kami ni Tatay kapag bukas ang T.V. habang kumakain.
Kailangan tahimik.
Tulad ngayon, tahimik ang umpisa ng aming hapunan. Ako? Nasa dulo ng mahabang upuang gawa sa kahoy at hawak sa kamay ang plato. Katabi ko si Ate Amy na nasa pangatlong bulos na. 'Yung mahiwagang babae at bata ay nasa maliit naming lamesa at kinakain na rin ang dapat ay hapunan ni Tatay. Wala naman kasing nakaisip na magkakaroon kami ng bisita.
"Amang Hari. Bakit hindi pa ho kayo kumakain?", alok n'ung babae.
"Sige, sige. Kumain lang kayo.", sagot ni Tatay na nakatitig lang sa kanila. Tinanong n'ya si Amy.
"Wala na ba tayong darating na bisita .... O usisera?" Natigil si Ate Amy sa paglamon.
"Ay! Wala na po. pinaalis ko na."
"A, iha, ano nga uling pangalan n'yo at saan kayo nanggaling?", tanong ni Tatay.
"Ako?", pauna n'ung bata na hindi naman tinatanong, "may katama po akong bata dati. Naligaw po ako ...... tapot, nakita ako ni Daddy."
"Ang pangalan ko po ay Aita, apat na taong gulang.", sagot n'ya na 'kala mo, e, sinanay ng magulang sa introduction dahil sasali sa contest, bulol naman sa S.
"Aita?", sabi ni Tatay.
"Aita po!"
"Aita nga!"
"Hinde! Aita !"
"Aiza daw po!", singit ko.
"A, Aita, este, Aiza.", sang-ayon ni Tatay.
"Ikaw naman, iha?"
"Ako po si Chloroteam, isa pong diwata galling Engkantasya, ang aming kaharian."
"Diwata? ...... parang Fairy?", gulat na tanong ni Ate Amy habang pinapahid ang maamos na nguso.
"Fairy ba kamo?", tanong ni Tatay.
"Opo, Fairy nga.", sagot ng babae. Kahit ako nagulat sa sagot n'ya kaya hindi ko na pinalala ang sitwasyon.
"Fairy .... Fay .... Faye po ang pangalan n'ya!", pigil ko sap ag-uusap nila. Masyado ng matanda ang tatay ko para sa ganiton uri ng fantasy adventure. Ika-58 na kaarawan na nga n'ya sa susunod na buwan at gusto kong makaabot s'ya sa araw na 'yon bago s'ya atakihin sa puso sa mga nakakabaliw na sinasabi ng babang 'to.
"A, Faye pala ang ngalan mo."
"Faye? ..... Ah, Faye.", sabi n'ung babae na tila nagustuhan naman ang bago niyang pangalan. Baka kung ano pa ang mangyari, tmayo na ako para tapusin ang walang kwentang dialogue na 'to.
"Mabuti pa, pagkatapos n'yong kumain, e, bumalik na kayo sa pinanggalingan n'yo. Ikaw bata, Aiza 'di ba? Isama mo 'tong nanay mop ag-alis.", utos k okay Aiza sabay lagay ng maruming plato sa may lababo.
"Pero daddy! Wala kaming bahay."
"'Wag mo 'kong ma-daddy daddy, ha. Saka, matagal na kayong walang tirahan."
"Oo nga naman, Enteng. Totoo man o hindi na asawa at anak mo sila, tao pa rin sila, nangangailangan ng pagmamahal at kalinga. Hindi k aba naawa sa kanila?", sabi ni Tatay. Muli kong tinitigan angmukha nila at sinubukang maawa pero mas lalo akong naaasar.
"Kakainin mo pa ba 'yan?", singit ni Ate Amy.
"Ay. Hindi nap o. Sige po inyo na, Prinsesa Amy.", alok ng babae. Isang malaking nganga ang reaksyon ni Ate Amy sa pagtawag sa kanya ng prinsesa ni Faye.
"Aaaaaayyyyyyy! Tinawag mob a 'kong prinsesa?"
"Opo."
Kumindat-kindat ang mga mata ni Ate Amy sa natanggap n'yang papuri at hinawakan p ang laylayan ng sirang short na 'kala mo'y mahinhin na dalaga.
Kung iisipin, mukha naming mabait ang mahiwagang babaeng ito pero may pagka-sinungaling din paminsan-minsan.
"Pero gutom pa po 'ko!", paawa ni Aiza.
"Sige na nga, hati tayo." 'Yung bata nga lang ang mukhang makulit.
"Mabuti pa, dito na muna kayo matulog. Bukas na bukas, pupunta ako ng Barangay hall at susubukan nating hanapin ang mga magulang n'yo."
"Pero 'Tay!"
"Enteng, sa polding bed ko na lang ikaw matulog. Sila muna sa higaan mo, at si Amy sa taas. Dito na muna 'ko sa sala."
"Pero 'Tay!"
"Enteng!"
"Sige na nga. Ako na lang po dito sa sala. Kayo na lang po uli 'don sa folding bed.", sabi ko sa mahinang timig sabay titig muli sa dalawa nang masama ngunit pawing matatamis at busog na ngiti ang isinukli nila sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top