Special Chapter: Our Love Story

HINDI LAHAT NG tao sa mundo ay kayang maghintay at humingi ng kapatawaran hanggang sa mapatawad sila ng tuluyan. Alam kong mali ang ginawa ko noon, kaya nauwi ang lahat sa paghahabol ko kay Yohan. Hindi lang kapatawaran ang habol ko noon sa kanya kun'di gusto kong maintindihan niya kung bakit kinakailangan ko siyang i-reject kahit alam kong takot na takot siyang ma-reject.

I thought I made the right decision years ago, but the universe was telling me otherwise nang makita ako ni Yohan na kasama si Yvo, at mali ang pagkakaintindi niya sa kanyang nakita. Then, he left without a single word.

I badly wanted to be angry at him.

I badly wanted to understand why he didn't help me that night.

I badly wanted to know why my rejection consumed him like a mad man.

When I saw the opportunity to leave the province, and enrolled myself in a prestigious university, I had to work two shifts just to survive my little escape. However, my mom found out later on, and she never missed a single week not to transfer money to my personal bank account.

How I wanted to go home, and apologized to my mother. But with all of my time and effort spent within the past few weeks, I knew that I couldn't turn back from my only mission.

I was nothing but trouble.

People saw the good in me, but I highly doubted it. Evil lurked every inch of my body, or maybe that was the reason why Yohan never cared-

"How about we pay a visit to our favorite café in town? I think you're about to murder your newly purchased keyboards, hon. What do you think?"

Tumigil ako sa pagtipa at sinalubong ang malambing na tingin ng nag-iisang taong hinabol ko simula umpisa ng kuwento. Kasalukuyan kong isinusulat ang kuwento naming dalawa ni Yohan. Masaya akong ibahagi sa buong mundo ang pagmamahalan naming dalawa, and all thanks to an International Publishing House who offered me a rare opportunity to publish a book under them.

At ito namang si Yohan, nahawa sa English na pinagsusulat ko. Nasa tabi ko lang siya bawat araw, nakasuporta sa habang isinusulat ko ang aming kuwento. Sapat na para sa akin ang suporta ni Yohan-siya lang naman ang pinagkukuhanan ko ng lakas.

Cheesy na kung chessy, pero totoo naman kasi ang pinagsasabi ko.

"I love how your mind works, hon." Pang-aasar ko sa kanya bago hinalikan ang kanyang mapula-pulang pisngi.

Pinatay ko ang laptop at iniligpit lahat ng kalat sa malambot naming higaan. Nakatitig lang sa akin si Yohan sa bawat minutong nagdaan hanggang sa matapos ako sa pagliligpit. Gusto ko yata iligpit ang nagwawala kong puso. . . iligpit sa puso ni Yohan.

Rawr.

Buwesit, ang cheesy ko na talaga.

Tahimik kaming nakikinig ng kanta papuntang café, at sa buong byahe ay nakatitig lamang ako kay Yohan. Seryeoso siyang nakatingin sa daanan at nagnanakaw ng tingin minsan. Para kaming bumalik sa high school. Kahit sa isang sulyap lang niya ay kinikilig pa rin ako na parang walang bukas. Lahat ng paru-paro sa tiyan ay nabubuhayan sa tuwing nasisilayan ang kanyang matamis na ngiti, kitang-kita ko nga pati gilagid.

Paano kung noong high school nagtagpo ang landas namin ni Yohan? Baka noon pa ako namatay sa sobra-sobrang kilig.

"So, anong maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?" tanong ni Slade pagkapasok namin sa kanyang café.

"Our usual order in our favorite spot," sagot ni Yohan sabay turo sa akin. "Muntik nang makapatay ng keyboard si Jaxen, kaya pinagliwaliw ko muna. Naubos na pera ko kabibili ng bagong keyboard, e."

"Grabe ka, makapatay talaga?" reklamo ko bago hinampas sa balikat si Yohan.

Tinawanan lamang ako ng dalawa na siyang dahilan ng aking pagsimangot.

"Ihahanda ko na ang order niyong dalawa baka makapatay talaga itong si Jaxen-ako pa ang malagot." Natatawang saad ni Slade bago nagtungo sa kanyang puwesto.

Magkahawak ang kamay namin ni Yohan habang papunta sa paborito naming puwesto. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti habang iniisip kung gaano ako kasuwerte, lalo na't panghabang buhay kong makakasama ang isang Yohan del Valle.

Ilang minuto ang lumipas ay umupo sa aking tapat si Slade pagkatapos niyang ilapag ang aming pagkain at inumin. Nakatitig lamang siya sa amin ni Yohan na may hindi maipaliwanag na ngiti, parang bumalik tuloy ang pagkahiyain kong pagkatao noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Sa tuwing maalala ko ang nangyaring habulan noon, hindi ko maiwasang tawanan ang mga katangahan kong ginawa.

Ang daming lalaki sa mundo, pero kailanman ay hindi ko magawang lumingon sa iba. Kahit sugatan sa nangyaring habulan, hindi ako sumuko kay Yohan dahil sa una palang ay alam kong kaming dalawa hanggang sa huli.

Paano ko nalaman? Pinilit ko lang naman si God na kung hindi kami para sa isa't isa ni Yohan, ako na lang ang para kay Yohan. Mukhang naubusan yata ng pasensya sa akin si God, kaya pinagbigyan niya ang munti kong kahilingan.

"Baliw, anong nginingiti mo riyan, Jaxen Amirez?" pagputol ni Slade sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan at saka ininom ng inorder kong kape.

"Dapat ba may dahilan kapag ngumingiti ang isang tao?" tanong ko pabalik kay Slade bago inagaw ang aking kape pagkatapos niyang uminom. "Kumuha ka nga ng sarili mong kape. Inuubos mo ang inumin ko, Slade."

"Baliw nga ang lalaking ito," tugon niya sa tanong ko habang umiiling. "Dapat talaga may dahilan kapag ngumingiti ang isang tao. Tingnan mo itong nobyo mo, Yohan, nababaliw na. Mabuti na lang talaga't inilabas mo ito sa kanyang kaharian bago matuluyan."

"Oo na," natatawa kong pagsuko nang mapansin ko ang mapagmatyag na tingin ni Slade sa akin. "Naalala ko bigla ang nangyari noong kolehiyo. Masaya ka na? May tanong ka pa ba?"

"Hindi pa ako masaya," sagot ni Slade at saka itinuro si Yohan, na tahimik lang nakaupo sa tabi ko. "Puwede bang dagdagan ang detalye? Mukhang may kulang talaga, baka hindi tayo pareho ng iniisip. Mahirap na, nandito pa naman ang nobyo mo."

"Baliw, epekto ba ito tuwing absent si Nikolai sa café?" panunukso ko kay Slade sabay baling ng atensyon ko kay Yohan. "Nahawaan mo na yata si Yohan, Slade. Tingnan mo, ngumingiti rin na walang dahilan."

Itinuon ni Slade ang kanyang atensyon kay Yohan at saka tumango-tango. "Baka may naalala rin noong kolehiyo, 'no?"

"Dinamay niyo pa akong dalawa sa kabaliwan niyo," saad ni Yohan sabay kuha ng kanyang phone sa bulsa. "Nasaan ba si Nikolai? Kahapon ko pa hindi nakita ang lalaking iyon, a."

Inilapit ko sa aking ilong ang hawak kong mug. Ilang beses ko itong inamoy-amoy habang pikit ang dalawa kong mga mata. Simula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan, hindi ko masasabing perpekto ang aming pagmamahalan ni Yohan. May mga pagkakataon na nag-aaway kami at kinabukasan ay magigising na lang ako na parang walang nangyari.

Mahal namin ang isa't isa. Kung may tampuhan man, pinili naming mag-usap kaysa magkalabuan. Wala namang magandang maidudulot sa aming relasyon kung magpapataasan kami ng pride dahil kaming dalawa rin lang naman ang talo sa huli.

Sa nangyari sa akin noon, napagtanto kong may mga bagay na kay hirap buuin. Pero napagtanto ko rin na walang mahirap kung may tiyaga at sikap ang isang tao. Iyon mismo ang ginawa ko hanggang binigyan ako ng pagkakataon upang itama ang lahat. Kung sumuko ako noon, baka walang Yohan del Valle sa tabi ko ngayon na mamahalin ako panghabang buhay.

Ayos lang naman mapagod, pero huwag lang sumuko.

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top