Epilogue
Days turned into weeks and weeks turned into months. Malapit nang matapos ang summer vacation, at ngayong araw ang balik namin sa syudad. Kaunting bakasyon bago magsimula ang internship—medyo abala pero kakayanin para sa kinabukasan.
Nakahiga ako sa kama, wala sa sarili, at nakatitig sa kisame. Maraming glowing-in-the-dark stars sa paligid at mas maganda itong tingnan tuwing gabi, kung kailan walang sinag ng araw.
Nagpasya akong ituloy na ang pagliligpit ng mga gamit. I'm too lazy to do it later, lalo na't pupuntahan namin ang isang ilog na malapit sa lugar kung saan ginanap ang summer camp noong nakaraang taon. Tama, nasa probinsya kami nina Yohan at Jaxen, at kasalukuyang nakitira sa bahay ni Jaxen. Sa pagkakataong ito, mas lalo kong naintindihan ang buhay ni Yohan. Sa madaling salita, hindi malapit ang loob niya sa pamilya niya, pero sinusubukan naman niyang magka-ayos.
Ang hirap kapag walang kasamang jowa. Palagi na lang akong inaasar ng mga hinayupak kong kaibigan.
Pagkababa ko sa sala, nakahanda na ang apat. Nagpaalam kami sa nanay ni Jaxen bago tuluyang pumunta sa nasabing ilog.
"Miss mo na si Tucker, 'no? Aminin mo!"
At nagsimula na naman si Jaxen sa kanyang walang katapusang pang-aasar. Mabuti na lang at hindi sumama si Hagen, kaya isang tao lang ang problema ko ngayon.
"Bakit hindi mo kasi sinama rito? One week lang naman, at mukhang hindi strikto si Tito Jan, 'di ba?"
Tiningnan ko si Nikolai na naunang maglakad sa amin. "Alam mo namang may hinahabol na deadlines si Tucker para makapag-internship next week. Hindi sana ako sasama, pero siya ang nagpilit at sinabi niyang kailangan ko ng break—na kailangan ko ang break na ito."
"In short, destruction ka pala kay Tucker?" Rinig kong tanong ni Jaxen, na pinili kong baliwalain. Nang-aasar lang talaga ang loko, habang natatawa naman si Yohan sa pinaggagagawa ng nobyo niya.
"Mabuti na lang at pinayagan ng University si Tucker na humabol sa napag-iwanan niyang semester."
Tumango ako sa sinabi ni Nikolai. "Kaso nagkandarapa siya sa ipapasa niyang research paper. Walang tulog na nga 'yon, e."
"Tawagan mo kaya, Jermaine? Para naman may inspirasyon siya na tapusin lahat sa araw na 'to," suhestyon ni Slade, saka inakbayan si Nikolai.
"Oral defense niya ngayon, kaya bawal disturbo. Kapag nakabalik na tayo sa syudad, doon ko siya tatawagan para makalimot ako sa mga panunukso niyong apat."
"Wala ka kasing dalang jowa!" Pagdiin ni Jaxen sa huling salita, at saka tumawa na parang walang bukas.
Narating namin ang ilog agad. Masasabi kong worth it ang nilakad namin, kahit hindi naman masyadong kalayuan sa bahay ni Jaxen. Malinaw ang tubig, at parang musika sa tainga ang tunog ng dumadaloy na tubig.
Hindi malayo sa puwesto namin ay may nakita akong mga batang naliligo. Halata sa kanilang mga mukha na nag-e-enjoy sila sa habulan sa tubig, habang ang iba nilang kasamahan ay parang mga water bender.
Wala pang isang minuto mula sa aking pagmumuni ay basang-basa na ang suot kong damit. Pinukulan ko ng masamang tingin si Jaxen, na kasalukuyang nasa gitna ng ilog. Bumilog ang mga mata niya habang umiiling at saka itinuro ang walang kamuwang-muwang niyang katabi—si Slade.
"Anong ako? Si Nikolai kaya 'yon!" depensa ni Slade.
"Si Yohan kaya ang may pasimuno ng lahat," natatawang sabi ni Nikolai, saka itinuro si Yohan na payapang nakaupo sa tabing-ilog.
Nang marinig ni Yohan ang pangalan niya, agad siyang tumayo. Akala ko kung ano ang gagawin niya, pero binato lang niya ng tubig si Nikolai, na parang batang inagawan ng lollipop.
Parang mga timang lang itong kasama ko.
Sa buong araw ay wala kaming ginawa kundi magbatuhan ng tubig hanggang sa nagpasya kaming umuwi. Takot ko lang magkasakit, ang ginaw pa naman ng panahon ngayon. Aaminin ko, kahit puno ng panunukso ang ginawa ng apat sa akin, hindi ko makakalimutan ang bakasyong ito.
At sa susunod, isasama ko rito si Tucker.
"Bisita kayo ulit dito, a."
"Syempre naman po, baka marami na kami pagbalik namin dito," sabi ni Slade, saka ako patagong siniko.
"H-ha?" Puno ng pagtataka ang mukha ko habang nakatingin sa direksyon ni Slade.
"Isasama po ni Jermaine ang nobyo niya, para hindi na siya maging malungkot sa susunod na bakasyon. Nagmumukha kasi siyang fifth wheel ngayon."
"Nang-aasar ka naman," pabulong kong sabi, saka siniko pabalik si Slade.
"Oh, baka maiwanan kayo ng bus. Mag-ingat kayo palagi, at Jaxen, huwag mong kalimutan tawagan ako. Okay?"
Napagplanuhan naming lahat na walang gagamit ng kotse. Para sulit ang buong bakasyon, nagpasya kaming sumakay ng bus, na siyang nakasanayan naming lahat maliban na lamang kay Slade.
Sabi nga niya, riding a public vehicle is a new thing for him, and he's glad to experience it in this lifetime.
"I love you, Ma!"
ཐི❤︎ཋྀ
First day of internship, at laking pasasalamat ko nang malaman na pasok din si Tucker. Kahit hindi kami pareho ng papasukan na kompanya, kontento akong malaman na sabay kaming mag-graduate sa taon na 'to.
Masaya kong tiningnan ang kabuuan ng kompanya bago pumasok. Sa ibinigay na timetable, wala masyadong gagawin sa araw na ito maliban sa pag-assign kung saang department ako mapupunta. Pagkatapos, may private tour para makahagip ng kaunting impormasyon tungkol sa kompanya.
Pagkatapos ng araw na 'to, sisiguraduhin kong susunduin ko si Tucker.
"So, how was it?" tanong ni Tucker pagkasagot niya ng tawag.
"Okay naman," sagot ko habang naghanap ng mauupuan. "Abala ang department namin ngayong buwan, especially since the launching of their new project is near."
"Mabuti naman."
"Kumain ka na ba ng lunch?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong kumakaway sa akin ang iba kong kasamahan na intern. Naglakad ako papunta sa kanilang puwesto at komportableng nakisalo.
"Kumakain pa lang, ikaw? Baka sa sobrang abala mo riyan, makalimutan mong kumain ng lunch. Sige ka."
"Magsisimula pa lang kumain," natatawa kong sagot sabay subo ng kanin. "Sunduin kita mamaya, and I'm not taking no for an answer, you know that."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Tucker sa kabilang linya. "I have no plans of rejecting your offer, Mr. Samonte. Ibaba ko na ang tawag para makakain ka nang maayos diyan. Okay? I love you!"
"We have a deal, Mr. Monteverde," sabi ko habang nakatingin sa mga kasamahan ko. "I love you more, Tucker!"
As soon as the call ended, wala akong ibang narinig kung hindi ang panunukso ng mga kasamahan ko. Sinabayan ko sila sa kanilang mga kalokohan hanggang matapos ang aming lunch break.
May ibang tao na hindi naniwala na buhay si Tucker. Ang iba naman, parang overreacting kung mag-iwan ng comment sa tuwing magpo-post ako ng picture namin ni Tucker sa Instagram. Ang nakakatawa, may mga kaklase ni Tucker noon na nag-aakalang nagbakasyon lang siya sa ibang bansa.
Punyeta, saang lupalop kaya sila nang mangyari ang 'fake burial' ni Tucker?
Bumalik ako sa department ko at sinimulan ang trabaho na para sa akin. Sa buong araw na abala ako sa opisina, si Tucker lang ang laman ng isipan ko. Mabuti na lang, ito ang naging inspirasyon ko para matapos ang mga gawain.
Lahat ng department, napasukan ko na yata sa dami ng files na hatid-sundo ang ipinagawa. Lakad-takbo paminsan-minsan tuwing urgent ang ipapasa na files.
Kung wala akong jowa ngayon, baka nagreklamo na ako. Modern world na ito, may laptop at internet na upang mapadali ang buong proseso. Pero minsan, may mga kompanya talagang stick to their old-fashioned way—kagaya ng pagmamahal ko kay Tucker.
Ang cheesy ko na naman.
Nang matapos ang araw, laking pasasalamat ko na natapos ko lahat ng gawain. Hawak ang librong binili ko sa National Bookstore, dumiretso ako ng plaza para bumili ng street foods. And no, once a week lamang kami ni Tucker nagse-street foods—advised by Joey.
Iksaktong kalalabas lang ni Tucker nang marating ko ang pinapasukan niyang kompanya bilang intern. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Tucker nang makita ang hawak kong plastic na naglalaman ng paborito niyang pagkain.
Opo, mas natutuwa siyang makita ang dalawa kong street foods kaysa sa akin. Palagi naman, nasanay na ako, at hindi yata tama magselos ako dahil sa pagkain.
"Your place or mine?" tanong ko sa kanya.
"Yours."
Tumango ako bago kami sumakay ng taksi papunta sa bahay ni Aling Shana. And yes, hindi ako umalis sa lugar na 'yon.
I'm happy to know that the three ghosts at the staircase and the ghost inside Yohan and Nikolai's room were already resting peacefully. Kung ano ang kanilang gusto, si Hagen lang ang nakakaalam non. Naging matatag at matapang ang kaibigan ko, and I'm happy for him. Gusto nga niyang gumawa ng isang paranormal club—mabuti't napigilan ko ang loko.
Dumiretso sa aking silid si Tucker nang marating namin ang bahay. Sa kusina naman ako at inilagay sa plato ang binili kong mga pagkain.
"Navid's at your back," biglang pagsulpot ni Hagen sa tabi ko.
"Really? Hindi pa rin siya kinukuha ng liwanag?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Hindi pa niya oras, e."
"Sabagay," yumango ako kay Hagen bago nagpaalam.
Hindi kaagad ako nakatakas sa paningin ni Hagen na walang panunuksong natatanggap. Naku, kung wala lang dito si Tucker, baka kanina pa kami nagkakamatayan ni Hagen. Wala talagang ibang ginawa ang loko kundi ang tuksuhin ako hanggang ngayon.
Inilapag ko sa higaan ang dala kong plato at pitsel. Madilim ang buong paligid at tanging liwanag ng laptop lamang ang nagbibigay ilaw sa silid. Hinanap ko si Tucker at laking pagtataka nang may makita akong dalawang maleta sa kabilang higaan.
Wala namang mga maleta riyan sa pagkakatanda ko. Sabi ko sa aking isipan habang nababalot ng pagtataka ang aking mukha.
"Tucker," tawag ko sa kanyang pangalan.
"SURPRISED!"
Hawak ang aking dibdib, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa likuran ko ay nakatayo si Tucker, hawak ang isang jar na puno ng mga papel—just like what he did when he was still a ghost. Ang mga papel na naging dahilan kung bakit nagtagpo muli ang landas namin.
Sabi nga nila, the past is in the past, but for me, I would never forget how I fell in love with a ghost named Tucker. Well, from 'ghosto kita' to 'mahal na mahal kita' will be my biggest flex in this lifetime.
"A-anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong, sabay turo sa mga maleta.
"Nice meeting you, Jermaine," kumindat sa akin si Tucker, saka lumapit sa aking puwesto at bumulong. "Ako nga pala si Tucker—ang bago mong makulit na roommate simula ngayon."
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top