Chapter 7: War of Memories
Nakahiga ako sa pahabang sofa habang may isinusulat sa kuwaderno. Kasama ko sa sala si Aling Shana na nagbabasa ng diyaryo. Si Tucker naman ay nakaupo sa malamig na semento kasama ang tatlong multong tambay sa hagdanan at si Alexis.
Masayang nanunuod ng pelikula ang lahat. Tuwing may nakatatawang eksena, maririnig ko ang tawanan ng lahat na sinasabayan ko naman. Minsan ay tinitingnan ako ni Aling Shana. Idinaan ko na lamang sa ngiti kasabay ang pagturo ko sa telebisyon, kahit tapos na ang eksenang tinatawanan naming lahat.
Naging payapa ang panunuod namin nang magpaalam si Aling Shana. May gagawin daw siya, na hindi ko masyadong narinig dahil sa malakas na tunog ng telebisyon. Agad akong nakahinga nang maluwag at kulang na lang ay tumalon sa tuwa.
"May nahulog sa sahig, o."
Labag man sa aking kalooban, bumangon pa rin ako. Pinulot ko ang nahulog na litrato at saka ito inipit sa gitna ng aking kuwaderno.
"Isasauli ko na lang mamaya," sabi ko kay Tucker na nakasunod ng tingin sa akin.
"Ano pala 'yon?"
"Ang chismoso mo para sa isang multo, 'no? Manuod ka na nga lang diyan," sagot ko sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Period mo ba ngayon?" Halata sa kanyang boses ang pang-iinis.
"Pakialam mo ba?" tanong ko pabalik.
"Suplado!"
"Chismoso!"
"Siraulo!"
"Tarantado!"
"Gago!"
"Multo!" Mahigpit ang pagkahawak ko sa ballpen habang pinukulan ko ng masamang tingin si Tucker.
Nakita ko siyang umirap sabay buntong hininga. "Anong koneksyon ng 'gago' sa 'multo'? Ginagago mo ang usapan natin, e."
"Kasalanan ko bang wala akong maisip na ka-rhyme sa sinabi mo?"
"Bobo!"
Pinandilatan ko ng mata si Tucker bago itinuon ang atensyon ko sa kuwaderno ko. Nakalimutan ko tuloy kung ano ang isusulat ko.
"Isturbo..." bulong ko sabay sarado ng kuwaderno.
Walang pasok sa araw na 'to kaya I'm stuck with Tucker all day. Iniwanan ako ni Yohan na umuwi sa kanilang probinsya, habang si Nikolai naman ay gumagawa ng proyekto sa bahay ng kanyang kaklase.
Ang saya, 'no? Naiwan akong kasama ang mga multo sa bahay ni Aling Shana. Wala akong ideya kung saan nagpunta si Hagen—parang kabute ang taong iyon.
"Alis na tayo?" tanong ni Tucker pagkatapos naming mapanood ang pelikula. Tumayo siya at biglang naglaho sa harapan ko.
"Excited gumala?" tanong ko sa sarili ko.
Tahimik akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Tucker na naghihintay sa akin sa labas ng gate. Agad akong pumara ng taxi at pinagsarhan ng pintuan ang kasama kong multo na agad naglaho sa aking paningin.
Marunong din akong mang-inis, 'no?
Paglingon ko sa aking tabi, siya na namang paglitaw ni Tucker. Kinapa ko ang aking dibdib sabay sabi kung saan ako papunta sa driver na nakatingin lang sa aking gawi. Jusko, mamamatay yata ako sa kaba at gulat sa tuwing sumusulpot ang multong 'to sa buhay ko.
Nang marating namin ang pinakamalapit na mall, naunang lumabas si Tucker ng taxi. Pinigilan ko ang sarili ko na hindi magsigaw sa sobrang inis. Maaga yata akong tatanda sa pinaggagagawa ko sa buhay. Hindi ako katulad nina Yohan at Nikolai na may mauuwian sa probinsya.
Mabuti na lang at nandito si Tucker upang samahan ako sa araw na 'to. Kahit palagi niya akong iniinis, natutuwa pa rin ako sa presensya niya sa buhay ko—kahit ako lang 'yong buhay sa aming dalawa.
"So, anong gusto mong gawin sa araw na 'to?" tanong ko nang makapasok kami sa mall.
"Baliw ka ba? Bakit mo ako kinakausap? Baka nakalimutan mong hindi ako nakikita ng ibang tao, Jermaine."
Marunong din palang mag-alala ang gago.
Ipinakita ko sa kanya ang suot kong bluetooth earphones na kabibili ko lang sa Shopee at ang hawak kong cellphone. Sa mga nagdaang araw, may natutunan ako tuwing kasama si Tucker—nagmumukha lang naman akong baliw na nakikipag-usap sa hangin. Oo, isa siyang hamak na preskong hangin.
"My props naman ako, a."
Tumango si Tucker at naunang maglakad. "Bilhan mo ako ng bagong damit, please? Isang taon ko nang suot itong uniform. Nakakasawa rin pala itong suotin, 'no?"
"Paano mo naman masusuot ang damit na bibilhin ko? Hindi mo nga ako nahahawakan, remember?"
"Malay ko," sagot niya sabay kibit-balikat. "Pero bilhan mo na ako."
Pumasok ng Penshoppe si Tucker at tuluyang tumingin ng mga damit sa male section. Hindi ko mabilang kung ilang damit ang itinuro niya upang bilhin ko. Nakalimutan yata ng multong 'to na hindi ako ipinanganak na mayaman. Jusko, kay sarap niyang batukan—am I his sugar daddy? Buwesit.
Sa huli, kinuha ko ang mga damit na gusto niya. Pagkatapos kong tingnan kung kasya kay Tucker ang bibilhin kong damit, dumiretso ako sa counter. Takot ko lang na may makitang ibang damit ang loko.
At mabuti na rin sa Penshoppe siya pumasok, pasok pa rin sa bulsa kahit paano.
"Ano pang gusto mo?" tanong ko sa kanya habang bitbit ang tatlong paper bag na may mukha ni Lisa ng BLACKPINK.
"Sapatos?"
"Tinatanong mo ako?" tanong ko pabalik sa kanya.
Isang kibit-balikat na naman ang kanyang itinugon sa akin bago pumasok sa departamento ng Fila. Tiningnan ko ang buong paligid at wala akong ibang nakikita kundi ang mga kulay puting sapatos.
May taste rin pala ang loko—pareho kami.
Tiningnan ko ang bawat display. Gusto ko rin bumili, pero sa ngayon ay para kay Tucker muna. Kung paano niya ito isusuot, bahala na si manong Google mamaya. May ideya ako, pero hindi ko alam kung gagana ba sa totoong buhay.
Life isn't a fairytale after all.
"Jermaine, nakita ko na ang para sa akin." Lumingon ako sa gawi ni Tucker habang nakaturo sa isang display ng sapatos.
"Bakit 'yan ang gusto mo?" tanong ko sa kanya habang sinusuri ang sapatos. Tiningnan ko ang katabi nitong standee na may mukha ng BTS.
"Kamukha ko ang endorser, bakita ba?" Nag-iwas ng tingin si Tucker na parang nag-iisip. "At parang nakita ko na ang sapatos na 'to. Noong tiningnan ko ang display kanina, parang may naalala ako—hindi nga lang ako sigurado, e."
Tumango ako sa kanya bago binayaran ang sapatos. Sinukat ko pa nga ang paa ni Tucker, nagmumukha tuloy akong tanga na sinusukat ang sahig. Lumabas kaming dalawa pagkatapos magbayad. Sa natitirang oras namin sa mall, naging tahimik lang si Tucker. Diretso ang tingin niya, sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Nagpasya akong pumasok ng Casa Verde. Hindi ito romantic na lugar, pero sulit at masarap ang mga pagkain. Ilang minuto ng paghihintay, dumating ang inorder kong platter. Pabalik-balik ang tingin ng server sa akin at sa inorder kong pagkain para sa apat na tao.
Hello, hindi ko naman kasalanan na may matakaw akong kasama.
"Thank you!" Nginitian ko siya kahit gusto kong lamunin ng lupa sa kahihiyan.
Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa lamesa. Huminga ako ng malalim bago kumuha ng insenso sa bag.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal. "Kain na tayo? Ngayon ko palang sasabihin sa'yo na masarap ang pagkain dito."
Tumingala si Tucker at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Nasa loob ako ng bahay at para bang lumalabo ang paningin ko sa bawat segundong lumipas. May nakita akong dumaan sa harapan ko at suot ang sapatos na pinabili ko sa'yo kanina—"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tucker, ngunit sa sinabi niyang iyon, agad kong nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin. "A-anong nangyari kasunod? May naalala ka pa ba bukod doon? Baka makatulong sa atin."
"Hindi ko alam," bumuga si Tucker ng hangin at nanlumo sa kanyang kinauupuan. "Biglang dumilim ang paligid at wala na akong makita pagkatapos, e."
Tumango ako at naglabas ng ballpen at notebook. Isinulat ko ang mga sinabi niya at binasa ito ng paulit-ulit.
"Kung hindi ako nagkakamali, nasa loob ka ng bahay. Kung sino man ang dumaan sa harapan mo, may alam siya sa nangyari. Ang kailangan nating gawin ay malaman kung saan ka nakatira at kung sino ang may-ari ng sapatos. Ang tanong, paano?"
"Mahirap bang matukoy kung ano ang nangyari sa akin?" Mahina ang kanyang boses, pero sapat na upang marinig ko ang tanong niya.
Umiling ako at ngumiti. "Kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Sa ngayon, kumain muna tayong dalawa."
"May point ka, gutom na rin ako."
Nasilayan ko muli ang kanyang magandang ngiti. Tahimik kaming kumakain habang iniisip ko kung ano talaga ang nangyari kay Tucker. Kung payapa siyang namatay, isa lang ang ibig sabihin nito: may mga bagay siyang hindi nagawa noong nabubuhay pa siya at gusto niyang gawin ngayon. Ano naman ang mga bagay na iyon? Mahirap itong gawin lalo na at wala siyang maalala.
Pagkatapos naming kumain, nilibot namin ang mall sa huling pagkakataon.
ཐི❤︎ཋྀ
"May tanong ako sa'yo," panimula ko nang makabalik kami sa bahay. Inilapag ko ang mga gamit sa higaan at saka humiga.
"Palagi ka namang nagtatanong, may bago ba?" Pilosopong tanong ni Tucker sa akin. Nakita ko siyang kumaway kay Alexis na tahimik lang na nakamasid sa amin.
"Seryoso na kasi, Tucker."
Tumayo si Tucker at ngumiti sa akin. "Seryoso na ako, huwag kang mag-alala."
Inirapan ko siya at umupo sa higaan. "Paano mo nalaman na Tucker ang pangalan mo?"
"Hmm..." tiningnan niya ako habang pabalik-balik ang lakad sa harapan ko, nag-iisip. "Paano nga ba?"
"Seryoso na kasi," ulit ko.
"Naalala mo kung saan tayo unang nagkita?" tanong niya.
"Hindi ko makalilimutan ang lugar na 'yon. Bakit mo naman natanong?"
Sa araw na nangyari ang aksidente, hindi lang magulang ko ang nawala. Nakakalungkot lang isipin na ang taong nangako ng panghabang-buhay na pagsasama ay nauwi sa wala. Nagulat na lang ako nang malaman kong aalis na pala siya, at walang kasiguraduhan kung babalik pa siya sa akin.
How ironic my love story was, right? My ex-girlfriend was partly the reason why my parents got into an accident that day—and so am I.
"May boses lalaking tumawag sa akin bago ako nawalan ng malay," lingon niya sa akin at sa pagkakataong ito, malungkot ang kanyang ngiti. "Ang sabi niya, 'magiging maayos ang lahat kapag mawala ka sa buhay namin, Tucker.' Hindi ko lang alam kung bakit niya iyon sinabi."
"Tucker..." tawag ko sa pangalan niya.
"It's okay—I'm okay—everything's going to be okay." Halata sa kanyang mukha na gusto niyang umiyak. Hindi ako sanay na makita siyang malungkot at walang kalaban-laban.
"No, it's not okay to hear such awful words. Sa sinabi mo, sigurado akong hindi payapa ang kamatayan mo, Tucker."
Nanaig ang katahimikan sa amin.
I'm not good when it comes to comforting people. Sa multo pa kaya? Binuklat ko ang kuwadernong palagi kong dala. Hinanap ko ang pahina kung saan nakasulat ang ginawa kong 'contract agreement' para sa aming dalawa ni Tucker. Nang mahanap ko ang pahina, iksaktong nahulog ang litrato na inipit ko kaninang umaga.
Damn it, nakalimutan kong isauli kay Aling Shana ang litrato. Pinagmasdan ko nang mabuti ang hawak kong litrato. Kung hindi ako nagkakamali, anak ni Aling Shana ang katabi sa litrato, at sa nakikita ko, masaya ang pagsasamahan ng dalawa.
"Nasaan kaya ang anak niya?" tanong ko sa sarili.
Naglaho sa tabi ko si Tucker. Pinabayaan ko siya sa kanyang desisyon, alam kong kailangan niyang magpalamig—
"Si Alexis 'yan!"
Hawak ang aking dibdib, lumingon ako sa likuran ko. "Fuck! Bakit ka bigla-bigla na lang sumusulpot sa tabi ko, Tucker?"
Binaliwala niya ang sinabi ko. Seryoso ang mukha ni Tucker habang nakatitig sa hawak kong litrato. Nakita kong sumenyas siya kay Alexis na bumaba na, at siyang sinunod ni Sadako. Nakatayo siya sa harapan ko habang si Tucker naman ay lumitaw sa tabi ng kaibigan niyang multo.
"Pwede mong ipakita ang mukha mo?" Halata ang kaba sa boses ko.
Sinunod ni Alexis ang sinabi ko. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na tumatabon sa mukha niya—and Tucker was right, si Alexis nga ang kasama ni Aling Shana sa litrato.
"Things are getting more interesting, don't you think?" tanong ko kay Tucker na nakatitig lang sa mukha ng katabing multo.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top