Chapter 23: Louder than Heartbeats
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Uncle ni Tucker. Nagpasya akong makipag-usap matapos ang katangahang ginawa ko sa harap ng kanyang mga bisita, lalo na sa harap ng kanyang pinakamamahal na anak.
Aminin ko, I really deserve the punch he gave me that time. Sino ba ang hindi magagalit kung sa simula pa lang ay puro mali na ang basehan ko?
"No one should ditch the party tonight, understand? Magbabayad ng isang milyon ang hindi pupunta. Got it?" Kung nakakamatay lang ang tingin ni Slade, baka kanina pa kami nakabulagta lahat sa sahig.
"What party are we talking about?" Tanong ko. Parang may hindi yata ako alam sa kanilang mga plano sa buhay.
"Earth to you," pabirong sabi ni Jaxen at saka ako inabutan ng invitation card. "Saan ba lumilipad ang utak mo, Jermaine? Kanina pa kami nag-uusap tungkol sa birthday party ni Slade, hindi ka pala nakikinig."
"Umamin ka nga sa amin, si Tucker iyang ka-text mo, 'no?" May halong malisyang tanong ni Yohan.
"Kailan ka pa naging tsismoso?" Tanong ko pabalik kay Yohan.
"Bakit ka namumula?" Tanong pabalik ni Hagen, na halatang nasisiyahan sa nangyayari.
"Bakit hanggang ngayon wala kang jowa?" Inubos ko ang aking ice americano at saka maangas na tiningnan si Hagen na nakaupo sa tapat ko.
"Below the belt ka na," umakto na parang nasasaktan si Hagen at saka kinapa ang kanyang dibdib. "Pero totoo nga kasi, si Tucker ba ang palagi mong ka-text? May pakiramdam din ako na hindi—"
"Bakit mo naman nasabi na baka hindi si Tucker? Ang obvious kaya." Pabalik-balik ang tingin ni Jaxen sa amin ni Hagen.
"Isipin niyo," nakasunod lang ang tingin ko kay Hagen na isa-isang tiningnan ang barkada. "May dahilan ba si Tucker para kausapin si Jermaine? Wala naman, 'di ba? Kaya may kutob akong hindi si Tucker 'yan kahit pustahan pa tayo ngayon ng isang milyon."
"Harsh."
Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Hagen—para matahimik na rin. Punyeta, ako ang napagtripan ng mga baliw na 'to.
Inubos ko kaagad ang chocolate cake na nilibre ni Slade bago binasa ang natanggap kong email mula kay Uncle ni Tucker.
Subject: I AM SO SORRY, UNCLE.
Thank you for accepting...
Pinatay ko ang cellphone nang mahirapan akong bumuo ng reply. Nakatingin sa akin ang lahat habang nagliligpit ng mga gamit. Siraulo, hindi talaga nila ako tatantanan, lalo na't nakikita ko na naman ang kanilang malisyosong ngiti at tingin.
Ang sarap lang batukan.
"Alis na ako."
"So, pupuntahan mo si Tucker ngayon? May date ba kayong dalawa?" Tanong ni Nikolai na may halong pang-aasar.
"Ano naman kung pupuntahan ko siya? Wala na kayo doon, oy." Tumayo ako sa harapan nila at saka pinagtaasan ng isang kilay si Nikolai.
"Ang tanong, gusto ka ba niyang makita?" Tanong ni Yohan sabay halik sa pisngi ni Jaxen. Kung hindi ko lang mahal ang mga hinayupak na 'to, baka matagal ko na silang ipinakain sa pating.
"Kaibigan ko ba talaga kayo? Parang hindi," sabi ko at saka tumalikod sa puwesto namin na malapit sa glass window. "Alis na ako, bahala na kayong lahat diyan."
"Huwag mong kalimutan ang birthday party ni Slade, Jermaine!" Paalala ni Jaxen.
"Hindi ako magbabayad ng isang milyon, kaya pupunta ako!"
"Huwag mo rin kalimutan na balitaan kami kung kayo na ni Tucker." Pahabol na tugon ni Hagen at saka ko narinig ang kanilang tawanan.
Tuluyan akong umalis ng coffee shop.
Ilang sandali akong naghintay ng taksi sa ilalim ng mahinang ulan. Ang wrong timing ng ulan at nakisabay pa sa paghihinagpis ng basag kong puso. Kainis.
Ipinasok ko sa bulsa ng aking pantalon ang dalawa kong nanginginig na kamay. Pinara ko ang parating na taksi bago tiningnan saglit ang suot kong Timberland boots. Laking pagtataka ko nang dumeretso ang taksi—pakipot kahit wala namang sakay. Babalik na sana ako sa loob ng coffee shop nang may humintong kotse sa aking harapan. Nakatitig lamang ako sa tinted window ng passenger seat at sinuri na rin ang sarili. Medyo basa ang aking buhok, pati na ang suot kong plain black hoodie.
Hindi ko maiwasang sumilip nang bumukas ang pintuan sa likuran. Mas lalong kumunot ang aking noo nang makita ang taong nasa loob at kasalukuyang kumakaway sa aking direksyon.
"Gusto mo bang magkasakit?" Tanong niya sa matigas na boses.
"A-anong ginagawa mo rito?"
"Can you get in first before we talk?" Sa pagkakataong 'to, naging mahina ang kanyang boses at puno ng pag-alala ang kanyang mga mata.
Tumango ako bago pumasok sa magara niyang kotse. Agad kong isinara ang pintuan at nakita ko namang tinanguan ni Tucker ang kanyang personal driver. Naramdaman ko ang mahinang pagtakbo ng sasakyan kasabay ang pagbuga ko ng hangin.
At nakita ko na naman ang malisyosong ngiti ng mga loko nang mahagip ko ang kanilang puwesto. Pustahan, tatadtarin ako ng text messages ni Hagen, o 'di kaya ni Jaxen mamaya.
Hindi makapaniwala akong umiling sa aking naiisip. Sinimulan kong suklayin ang basa kong buhok gamit ang daliri hanggang sa masigurado kong patuyo na ito. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng hoodie bago naghubad habang nakatitig sa mala-inosenting mga mata ni Tucker.
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ni Tucker.
"Ayaw mo akong magkasakit, 'di ba?" Pang-aasar ko sa kanya.
"W-wala naman akong sinasabi na maghubad ka," nag-iwas ng tingin si Tucker at halata ang pamumula ng kanyang pisngi.
"May suot akong shirt," natatawa kong sabi at saka tinupi ang hoodie.
"Alam ko."
"Bakit hindi ka makatingin sa akin nang maayos?"
"May dahilan ba ako upang tingnan ka?"
"Ang halay nito," pilit kong tiningnan ang reaksyon ni Tucker, pero pilit niyang itinago ang mukha niya sa akin.
Umupo ako ng maayos at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. Sana ganito na lang palagi ang eksena namin ni Tucker—talking about random things, nothing serious, nothing at all. And with just a glimpse of his face, I'm happy that I'm able to see him smiling and giggling despite what happened in his past.
I want to protect him at all costs.
Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang sasakyan sa tapat ng inuupahan kong bahay. Itinuon ko ang pansin kay Tucker at hindi maiwasan na magulat.
"P-paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko.
Kagat ang pang-ibabang labi, hinuli ni Tucker ang tingin ko. "Huwag ka sana magalit, pero tinanong ko si Slade tungkol sa 'yo. Nakuha niya naman ang impormasyon na kailangan ko mula sa boyfriend niya, which is your friend named Nikolai—'yong nahimatay sa hospital."
Itinuro ko ang sarili ko. "Hindi ako makapaniwalang iniimbistigahan mo ako."
"Feeling naman nito," imirap si Tucker bago tumikhim. "G-gusto lang kita kumustahin, kaya inalam ko kung saan ka nakatira. Simula noong nag-usap tayo sa garden, hindi ka nagpakita ulit sa akin. Hinintay kaya kitang bumisita ulit—"
Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ang sinabi ni Tucker. Aaminin kong naging duwag ako at nagdadalawang-isip kung magpapakita pa ba ako sa kanya. Matapos ang gulong idinulot ko sa kanyang pamilya, nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili na magpakita.
Nagagalak ang puso ko, at sa sobrang tuwa, parang gusto na nitong makawala.
Masuyo kong tiningnan si Tucker at ngumiti ng matamis. "Ang ibig sabihin ba nito, hindi ka galit sa akin?"
"Wala ka namang ginawang masama, kaya bakit ako magagalit sa 'yo? At kung totoo man ang sinabi mo tungkol sa pagiging multo ko, baka may dahilan kaya tayo pinagtagpo, 'di ba?" Hindi mapakali ang mga mata ni Tucker, at kung saan-saan lang ito nakatingin.
"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay?"
Nakuha ko ang atensyon ni Tucker, at tumango siya bilang sagot. Nauna akong lumabas ng sasakyan, at sumunod naman siya pagkatapos kausapin ang kanyang personal driver. Inilagay ko ang hoodie ko sa ulo ni Tucker sabay iwas ng tingin—parang nasa pelikula lang itong ginawa ko.
Nauna akong pumasok, at laking pasasalamat ko na wala ang mga siraulo kong kaibigan. Inaya kong umupo sa sala si Tucker bago ako kumuha ng inumin mula sa kusina.
Hindi ko maiwasang suriin ang buong lugar. Ilang linggo na ang dumaan, pero hindi pa rin ako sanay na walang mga multo na bigla-bigla na lang sumusulpot. Kahit nakakatakot ang itsura nila, kinumpleto naman nila ang araw ko sa pang-iinis sa akin.
Nandiyan pa si Navid. Nalaman ko ang pangalan niya at ang dahilan kung bakit hindi siya kinukuha ng liwanag. Ang pinagkaiba lang ay wala na akong kakayahan na makakita at makausap siya. At ganoon din sa tatlong multo sa hagdan at sa babaeng multo sa kwarto nina Yohan at Nikolai.
Well, si Hagen na ang bahala mula ngayon.
"What do you want, hot or cold drinks?" tanong ko nang makita ko si Tucker na palapit sa akin.
"I want you."
"H-ha?" Kung may iniinom lang ako ngayon, baka nabilaukan na ako.
"Hindi na pwedeng ulitin," sabi niya at inirapan na naman ako. "I want hot coffee, not bland, but not too sweet either."
Tumango ako sabay pakita ng dala kong sachet. "Sorry, pero kopiko at coffee mate lang mayroon dito."
Hindi ko akalain na ang isang Tucker Monteverde ay straight forward kung magsalita. At iyon ang gusto ko sa kanya.
Sa mga sumunod na oras, wala kaming ibang ginawa kundi manood ng paborito niyang pelikula habang kumakain ng hapunan. Panay ang nakaw kong tingin kay Tucker, lalo na't sobrang focus siya sa panonood. Tawa at iyakan ang nangyari, pero isa lang ang tumatak sa puso at isipan ko ngayon, at iyon ay hindi ko kayang tapusin ang araw na 'to.
Sumapit ang gabi, at hindi pa rin ako nagsasawang tumitig sa mukha ni Tucker. Alam kong nagiging creepy na ako sa aking ginagawa, pero hindi ko kayang pigilan. Nasa tabi ko ang taong minahal at mamahalin ko habambuhay, at abot na abot ko ang kanyang kamay.
Damn it, mas lalong nahulog ang puso ko kay Tucker.
"Jermaine," tawag niya sa pangalan ko.
"May kailangan ka?"
Kasalukuyang nakaupo si Tucker sa aking higaan habang binabasa ang mensaheng isinulat niya noon para sa akin. Nakaupo ako sa kabilang higaan na hanggang ngayon ay walang umukupa.
Noon pa man, wala akong roommate maliban kay Alexis, at nang dumating sa buhay ko si Tucker, naging bahagi siya ng aking buhay. Ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa, na may kasama ako sa bawat laban ng buhay.
Punyeta, ang drama ko masyado.
"Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit ko nagawang patayin ang sarili ko?"
Bumuga ako ng hangin bago lumapit kay Tucker. Umupo ako sa tabi niya at pinaharap siya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pighati na matagal niyang itinatago.
Ngumiti ako at saka umiling. "Kung gusto mong sabihin, sabihin mo lang sa akin, at makikinig ako. Pero gusto kong malaman mo na kapag hindi ka pa handang ungkatin ang nakaraan, huwag mong pilitin. Makapaghihintay naman ako, Tucker."
Tumango si Tucker bilang sagot at naunang humiga sa kama. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ko siya tinabihan. Magkaharap kaming dalawa at hindi mawala ang ngiti sa aming labi.
Sobrang suwerte ko at nakilala ko ang isang Tucker Monteverde.
"Hindi ka ba uuwi?" Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa kanyang mukha.
"About that," kinagat ni Tucker ang kanyang pang-ibabang labi sabay lapit ng kanyang mukha sa akin. "Pwede bang dito ako matulog ngayong gabi? Pinauwi ko na rin pala ang driver, kaya wala kang mapagpipilian."
Abot tainga ang ngiti ko habang tumatango. "Oo naman! Kahit dito ka na tumira sa silid ko, walang problema."
"Abuso na 'yan, oy!"
At sa maliit na sandaling iyon sa pagitan naming dalawa, nakalimutan kong pumunta sa birthday party ni Slade—at wala akong isang milyon na pambayad sa kanya.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top