Chapter 22: Everything is a Lie

"Can we talk?" Mahina ang boses ko, pero sapat na iyon upang marinig ni Tucker.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang makalabas ako ng hospital. Nakita ko na lang ang sarili ko na bumalik at nakatayo sa harapan ni Tucker na halatang maraming katanungan sa kanyang isipan. Gaya ng sabi niya, ilang araw pa bago siya makalabas at matapos ang kanyang therapy.

Sa sobrang tagal ng kanyang tulog, parang nakalimutan ng kanyang katawan kung paano gumalaw. Ilang linggo rin bago malaman ang resulta at makita kung may pagbabago nang nangyari.

At hindi iyon ang isyu dahil hospital ito ng uncle ni Tucker.

"Of course, why not?"

"Sa garden tayo? Para makalanghap ka naman ng sariwang hangin, kung okay lang sa 'yo."

"I like that idea."

Sa araw na 'to, nasilayan ko ulit ang ngiti ni Tucker na siyang dahilan kung bakit tumibok muli ang puso ko. Kahit marupok pakinggan, ngiti niya ang dahilan kung bakit kumpleto ang araw ko—parang tanga lang.

Kainis.

"Kaya mo bang maglakad nang matagal? Pwede kitang buhatin, kung gusto mo."

"Kahit paunahan pa tayo sa rooftop," pabiro niyang sagot sa akin. "Huwag mo nga akong alalahanin, matibay itong katawan ko."

"Sabi mo, e."

Ngumiti si Tucker bago bumangon sa kanyang higaan. Naunang lumabas si Tucker at halatang nasasabik. Ako rin naman, nasasabik na makasama siya ulit.

Mahirap makita ang taong mahal mo na hindi ka maalala. Sa bawat pag-ikot ng mga kamay ng orasan, gusto mo siyang yakapin at iparamdam kung gaano mo siya kamahal. Pero sapat na rin ito na makitang masaya at masigla si Tucker—at least alam kong magtatagal siya sa mundong ginagalawan ko.

Multo man o hindi, walang ipinagbago dahil siya pa rin ang tinitibok ng aking puso.

"So, anong gusto mong pag-usapan natin?" Nakatanaw si Tucker sa malawak na tanawin habang hawak ang safety railings.

"Ikaw."

"Anong ako?" Humarap si Tucker sa akin at saka ako tiningnan ng maayos.

Bumilog ang mga mata ko at nagmamadaling tumabi sa kanya. "I mean, ikaw, kumusta ka na? It's been two weeks since I last saw you. Right?"

"Pwede na raw akong makalabas this weekend, isn't it amazing?"

Tumango ako at tiningnan ang abalang kalsada sa ibaba. "Bakit mo pala iyon nagawa? Alam kong wala ako sa lugar upang manghimasok sa buhay mo, pero nalilito kasi ako sa mga nalaman ko, e."

"Ang alin?" Ramdam ko ang titig ni Tucker sa mukha ko, kaya wala akong nagawa kundi tingnan din siya pabalik. "Narinig mo rin pala ang usap-usapan ng mga nurse sa lobby. Wala naman akong ibang dahilan upang wakasan ang buhay ko, Jermaine."

"Tucker," tawag ko sa pangalan niya.

"Maraming nagsasabi na kasalanan ni Uncle ang nangyari, pero nagkakamali sila. The experiment was my only chance, and as you can see, nabigo ako. Ang deseperado ko bang pakinggan?" Tumatawa man si Tucker, halata naman sa kanyang mga mata ang kalungkutan na matagal na niyang kinikimkim.

"Kaya mo pala itinago ang medisina," halos pabulong kong sabi bago ibinalik ang tingin sa harap.

"P-paano mo nalaman?"

Naglaho ang masayahing mukha ni Tucker at napalitan ito ng pagtataka. Damn it, nakakalungkot isipin na hindi niya maalala ang samahan naming dalawa. Mamumuhay ako sa mundong ito, na ako lang ang nakaalala sa isang Tucker na puno ng pagmamahal sa kanyang sarili.

Akala ko hindi ako masasaktan tuwing iniisip ang mga alaala namin ni Tucker. Akala ko lang pala iyon. Ang saklap lang, 'di ba?

"Sabihin na nating may kasama ako palagi. Sinamahan ko siya sa pagtuklas ng katotohanan hanggang sa tuluyan niya akong iwan. Ipinagpatuloy ko ang sinimulan namin at—" kahit kinakabahan, sumugal pa rin ako na hawakan ang kamay ni Tucker. Hinaplos ko ang kanyang kamay at ngumiti habang inaalala ang mga nangyari.

"Ano ang nangyari kasunod?"

Nakatitig lamang ako sa mga mata ni Tucker at piniling hindi magsalita.

Paano ko ba sasabihin sa kanya? Ang hirap.

Lumayo ako sa railings at nagsimulang maglibot sa harden sa rooftop. Nakasunod lang ang tingin ni Tucker sa akin at naghihintay kung ano ang sasabihin ko kasunod. Ilang ulit akong bumuo ng pangungusap sa aking isipan, pero nilayasan yata ako ng mga brain cells ko.

Narating ko ang kabilang railings, kaya ilang kilometro ang agwat namin ni Tucker. Gusto kong sabihin sa kanya lahat kung hindi lang sa takot na naramdaman ko ngayon. Kung sasabihin ko, ano ang kasunod na mangyayari? Ewan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Naging duwag na naman ako sa ikalawang pagkakataon.

"Noong nasa emergency room ka, kinausap ako ni Nikolai. Nagpakilala ako bilang Tucker Monteverde at alam mo ba kung ano ang nangyari kasunod?"

Kahit malayo, nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti at tila ba'y sumagi sa kanyang isipan ang nangyari. Umiling ako bilang sagot sa kanyang tanong sabay lakad palapit ulit sa kanyang kinaroroonan.

Bawat hakbang na ginawa ko ay katumbas ng pagtibok ng aking puso. It may sound too cheesy, but Tucker really is the mere reason why I want to live longer. He's like the main purpose of my life when my eyes landed on him the very first day.

At kahit puno iyon ng asaran, doon yata nahulog ang puso ko sa kanya.

"Nahimatay lang naman siya," natatawang sabi ni Tucker sabay hawak ng kanyang tiyan. "Ang unang katanungan ni Nikolai sa sarili nang magkamalay siya—bakit ako nakakita ng multo? Naguluhan ako sa tanong niya kaya ang sagot ko, may multo naman talaga ang mga hospital. Muntik mahimatay ulit ang kaibigan mo, Jermaine."

"Anong sinabi niya?"

"He was weird," tumigil sa kakatawa si Tucker. "Sinundot niya ang pisngi ko, tapos sumigaw siya dahil nahahawakan niya raw ako. Ilang ulit ko siyang kinumbinsi na hindi ako multo, pero siraulo yata 'yong kaibigan mo. Binanggit niya ang pangalan mo dahil ikaw lamang ang nakakita sa akin noon at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ako multo, right?"

"Naniniwala ka?"

"Hindi ako naniniwala, pero binanggit niya ang tungkol sa itinago kong recorder. Binanggit niya rin ang tungkol kay Jane," malumanay ang kanyang boses at para bang inaalala kung ano ang pinag-usapan nila ni Nikolai. "Totoo ba talaga na nakakita ka ng mga multo? Na nakita mo ako habang comatosed ang katawan ko?"

Dahan-dahan akong tumango sabay hawak ng kanyang kamay. "Pero nalaman ko ang katotohanan ng pagkamatay mo, Tucker."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hinayaan kang mamatay ng Uncle mo sa araw na 'yon, para mapasakanya ang kayamanan ng pamilya mo. Ang pagkamatay mo ang dahilan kung bakit pinapunta ng ibang bansa si Jane at pinasamahan ni Lysa—kaya naghiwalay rin kami ni Lysa."

"H-hindi totoo iyan," binawi ni Tucker ang kanyang kamay at umiling ng paulit-ulit.

"Lahat ng nakuha kong ebidensya ay nakaturo kay Uncle, Tucker. Hinarap ko rin siya noong namatay si Jane."

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tucker. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat habang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Shit, hindi niya alam ang tungkol kay Jane.

"Anong sinabi mo?"

"Kumalma ka lang, Tucker. Huminga ka ng malalim," sabi ko habang kinakalma si Tucker, na halatang nagulat sa kanyang nalaman.

"Huwag kang magbiro ng ganyan, Jermaine. Anong ibig mong sabihin, patay na si Jane? Anong sinasabi mong patay na ang pinsan ko?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin habang napaupo sa bermuda grass.

"Remember the drug? Ininject niya 'yon sa sarili niya," sagot ko sa kanya bago lumuhod sa kanyang harapan. "At katulad ng nangyari sa 'yo, hindi siya nailigtas ng Uncle mo. Walang naka-expect nun at nandun ako sa kwarto mo nung time na 'yon para maghanap ng mga ebidensya."

"Damn it, bakit hindi ito sinabi ni Tito sa akin? And Jermaine," tanong niya sa kanyang sarili.

"I'll just take you back to your room, okay? Para makapagpahinga ka na."

Umiling siya at kahit nanginginig ang kanyang kamay, pilit niyang hinawakan ang kamay ko. "I killed myself that day. Wala nang ibang may kasalanan kundi ako, Tucker."

ཐི❤︎ཋྀ

Ang mukha ni Hagen ang bumungad sa akin pagkauwi ko ng bahay. May hawak siyang kuwaderno na hindi pamilyar sa akin.

"Nakasulat ang mga assignment mo riyan."

"Sino ang nagbigay nito?" Kinuha ko ang kuwaderno at saka tiningnan ang nakasulat sa loob.

"Dumaan si Lysa kanina," bumalik sa pagkaupo si Hagen sa pahabang sofa at itinuon ang pansin sa pinapanood na pelikula. "Nag-alala 'yong tao sa 'yo dahil hindi ka pumapasok. Pinasabi niya rin na magsisimula na kayo sa research niyo, pero nakalimutan ko kung anong parte."

Tumango ako bago pinasalamatan si Hagen. Paakyat ako ng hagdanan nang hindi ko makita ang tatlong multo—it's been weeks. Wala akong makitang multo simula nang mangyari ang aksidente at hindi ko alam kung bakit.

Bumalik ako sa sala at nagdadalawang-isip kung tatanungin ko ba si Hagen tungkol sa tatlong multo. Damn it, wala namang mawawala kung magtatanong ako.

"Hagen," tawag ko sa kanyang pangalan.

"May kailangan ka, Jermaine?" Tanong niya habang titig na titig ang mukha sa telebisyon.

"Nasaan pala ang tatlong multo sa hagdanan? Simula nang makauwi ako galing hospital, hindi ko na sila nakikita. Kinuha na ba ng liwanag?" tanong ko.

Nawala ang atensyon ni Hagen sa kanyang pinapanood at napunta sa akin. Puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Pabalik-balik ang tingin ni Hagen sa akin at sa hagdanan na gawa sa kahoy na nasa aking likuran.

Hindi naman nakagulat ang tanong ko sa kanya.

"Ang overreacting mo," sabi ko at saka umirap.

"Jermaine," tawag ni Hagen sa pangalan ko. "Anong pinagsasabi mo? Hindi naman sila nawala sa hagdanan."

"Ha?"

"Hindi mo sila nakikita?"

Umiling ako sabay lingon sa likuran ko. "Wala namang multo sa hagdanan, e."

Muntik akong tumalon sa kinatatayuan ko nang sumigaw si Hagen. Inilagay niya ang remote control sa lamesa at tumakbo palapit sa akin.

"Epekto ba 'to ng aksidente? So, hindi mo talaga sila nakikita?"

Umiling ulit ako sa tanong ni Hagen. "Pagod lang siguro ako ngayon, kaya hindi ko sila nakikita. Magpahinga muna ako."

"Mabuti pa nga."

Maingat akong umakyat ng hagdanan at agad humiga sa malambot kong kama nang makapasok ng silid. Isang malutong na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umayos ng upo.

So, may posibilidad na tuluyan ko nang hindi sila makikita?

Bakit?

Pinagtagpo lang ba talaga kaming dalawa ni Tucker?

"Damn it, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi pinatay si Tucker. Hindi yata ako papasa bilang detective nito," sabi ko sa sarili.

Tiningnan ko ang nagkalat na mga papel sa lamesa. Hanggang ngayon, hindi ko niligpit ang mga mensahe ni Tucker, lalo na ang dalawang papel na pinaskil ko sa pader.

Note #18:

Monteverde Private Hospital

Note #29:

I'm so sorry, Jermaine :(

Wala akong ideya kung bakit siya humihingi ng paumanhin sa akin. Dahil ba iiwanan niya ako? Ugh, bakit ko ba ito pino-problema ngayon? Tapos na. Naging tanga ako sa harap ng Uncle ni Tucker dahil sa katangahan ko mismo at nadamay pa si Jane.

"Teka nga lang,"

Tumayo ako at saka lumuhod sa harap ng study table. Kinuha ko ang pamilyar na papel na nakatago sa pagitan ng malalaking speakers.

"The missing piece," sabi ko habang tinatanggal ang pulang laso. "This is totally fucking my brain, Tucker Monteverde."

Note #30:

I lied to you all this time, Jermaine. Naalala ko lahat mula sa simula at alam ko na ang dahilan kung bakit ako namatay kahit hindi ako mailigtas ni Tito. I am so fucking sorry. Masaya kasi ako tuwing kasama ka kaya nagawa kong magpanggap na walang alam.

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top