Chapter 21: No More Ghosts
Beep—sa bawat pagtunog ng makina, doon ko lang nare-realize na bumabalik na ako sa realidad. Tama, hindi ako patay at ilang minuto na rin akong nagpapanggap na tulog. Hindi dahil gusto kong matuluyan, kundi dahil sa dalawang taong nag-uusap sa loob ng silid.
Nagkaroon din ako ng oras upang pag-isipan ang sarili ko. Malayo sa fairytale ang buhay ko, kaya kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan—ang katotohanang wala na si Tucker sa buhay ko at hindi na siya babalik, kahit anong gawin ko. Kung ano man ang nakita ko noong araw na iyon, malamang guni-guni ko lang ang lahat sa sobrang lungkot na naramdaman.
"Kung alam ko lang, hindi na sana kita iniwasan. I'm so sorry for that, Jaxen." Narinig kong sabi ni Yohan.
"Kaya nga hinabol kita noong nalaman kong nasa iisang University tayo, 'di ba?" Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Jaxen.
"But what really happened that day?"
Isang bagay na natutunan ko sa kanila, pareho silang takot ungkatin ang nakaraan. Noong nagkabalikan sina Yohan at Jaxen, hindi nila nagawang pag-usapan kung ano ang nangyari noon.
Sa totoo lang, nakakatakot nga naman talaga, lalo na't maayos na ang lahat sa kasalukuyan.
"Dito talaga natin pag-uusapan? Sa harap ni Jermaine?" tanong ni Jaxen, at wala akong narinig na sagot kay Yohan. "Remember the day when I rejected you? Remember when you saw me with your brother the same day as well? Iyon din ang araw na namatay si Jeanne—"
"I'm really, really sorry," rinig kong pagsuyo ni Yohan kay Jaxen.
"Gusto ko lang makalimot sa araw na iyon, and I was too drunk when you saw me with Yvo. Alam mo bang hulog na hulog na ako sa 'yo noong unang araw ng summer camp? Tinanggihan lang kita dahil natatakot akong sumugal, kasi napagtanto ko na pagkatapos ng summer camp, maghihiwalay tayo ng landas. Hindi natin masyadong kilala ang isa't isa noong mga panahong iyon."
"You could have told me that, Jaxen."
"I was so damn afraid of long distance relationships," halos pabulong na sabi ni Jaxen. "And I rejected you not just because of that, Yohan. May sakit ang kapatid ko simula noong ipinanganak siya, and I wanted to prioritize her first. But she unexpectedly died that day. I found out that she was looking for me—"
"Kaya sinisi mo ang sarili mo?"
"Kapatid niya ako, and I was supposed to be with her, Yohan. Kung hindi lang sana ako pumayag sa hiling niya na sumali sa summer camp—"
"At hindi natin makilala ang isa't isa?" Pagputol ni Yohan sa sasabihin ni Jaxen. "Kung nandoon ka man o wala sa tabi niya, mangyayari ang dapat mangyari. Jaxen, you made her happy by doing her one last wish, and I am so proud of you. Remember that."
"Yohan naman e," narinig ko ang paghikbi ni Jaxen, kasabay ang paghinga niya nang malalim. "Alam mo naman na nasa iisang baryo lang ang bahay natin."
"Alam mo rin na hindi ako masyadong umuuwi sa amin. May posibilidad na hindi talaga tayo magkikita at walang Jaxen sa buhay ko ngayon. Cheesy, 'di ba?"
"Pinapakilig mo naman ako, e."
Naging tahimik ang buong silid pagkatapos. Ilang saglit ang hinintay ko bago ko muling binuksan ang mga mata. Wala akong ibang makitang kulay kundi puti, at sa amoy pa lang ng paligid, gusto ko nang umuwi. Sinuri ko ang paligid at nakita ko silang naglalambingan ni Yohan at Jaxen sa pahabang sofa.
Ako na ang single, sila na ang may love life.
"Ilang oras akong tulog?" tanong ko sa dalawa sabay iwas ng tingin.
May narinig akong parang nahulog sa sahig. Biglang sumulpot si Jaxen sa tabi ng kama at saka ako tiningnan nang mabuti.
"Shit, gising ka na pala? Sandali lang," hindi makapaniwalang tanong ni Jaxen.
"Kilala mo ba ako? Kilala mo ba itong kasama ko? May kakaiba ka bang naramdaman bukod sa mga natamo mong sugat?" At iyon na nga ang pinakamahabang litaniya na narinig ko galing kay Yohan simula nang maging magkaibigan kami.
"Tawagin ko muna 'yong nurse," nagmamadaling lumabas si Jaxen habang naiwan naman si Yohan na hanggang ngayon ay nakatitig lamang sa akin.
"Ang creepy mo, Yohan!" sabi ko sa kanya.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Yohan at yayakapin na sana ako nang mapagtanto niyang ang sitwasyon ko. Hindi naman ako namatay, 'di ba? Kung maka-react lang itong mga kaibigan ko, parang kagagaling ko lang sa purgatoryo.
Like, matagal mamatay ang masamang damo.
Saang hospital ba 'to?
At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?
Maya-maya lang ay pumasok si Jaxen kasama ang ilang mga taong nakasuot ng puti. Ilang check-up ang kanilang ginawa sa akin bago tuluyang umalis ng silid.
"Two days lang naman akong natulog. Ang overreacting niyong dalawa, akala ko pa naman isang buwan. Wala 'to sa nangyari sa akin dati."
"We thought na mawawala ka sa amin," umupo si Jaxen sa higaan sabay tingin kay Yohan na kanina pa naging tahimik. "Tinawagan ko si Nikolai at papunta na raw siya rito at kasama niya si Slade."
Tumango ako at saka humiga nang maayos sa kama. "Akala ko nga mamamatay na ako, e."
"Loko ka!"
"Jermaine," agad bumaling ang tingin ko kay Yohan na seryosong nakatingin sa akin. "Naniniwala ka bang buhay pa si Tucker?"
"Anong ibig mong sabihin?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Jaxen. Tinabihan niya si Yohan nang may hinalungkat ito sa kanyang bulsa—mga papel.
"Kaya ka ba nagpunta rito?" Ipinakita sa akin ni Yohan ang hawak niyang papel. Kahit hindi ko iyon nababasa, alam ko kung ano ang nakasulat.
"Hindi naman masamang umasa, 'di ba?"
"Pero nakikita mo siya, kaya patay na siya, Jermaine. Kung totoong buhay si Tucker, nasaan siya? Sabi nga ng mga nurse, walang Tucker Monteverde sa hospital na 'to."
"Hindi naman siguro lahat," halos pabulong kong sabi.
"Jermaine," kahit lumalabo ang mga mata ko, pilit kong tiningnan si Yohan sa mata. "Alam kong mahirap tanggapin at hindi ko sinasabi na naintindihan kita, o naramdaman ko kung gaano ka nasasaktan ngayon. Pero gusto kong ipaalala sa 'yo na nandito lang kaming lahat para sa 'yo. Okay?"
Tumango ako bilang sagot.
Bumalik ako sa pagkakahiga nang tumahimik ang silid. Gusto kong ipikit ang mga mata, pero ang mukha ni Tucker ang palagi kong nakikita. Noong nakita ko siyang palabas ng hospital, parang totoo ang lahat. Hindi siya ang Tucker Monteverde na nakilala ko bilang multo, iba siya sa araw na iyon.
He was there, staring at me with confusion written all over his face.
Tell me, why did I cross the road? Nasa bingit ng kamatayan na naman ang buhay ko. At pagkakataon ko na sana iyon upang makasama si Tucker, pero may galit yata ang tadhana sa akin. Kailangan ko pa bang maghanap ng lampara? O humiling sa mga bituin tuwing alas-onse ng gabi? O baka naman isang milagro ang kailangan ko? Kainis.
Gumalaw lamang ako nang bumukas ang pintuan. Pumasok sina Nikolai at Slade na may dalang isang basket ng prutas. Tiningnan ko ang lamesa na malapit sa sofa na kinauupuan nina Yohan at Jaxen at nakita kong puno rin ito ng mga prutas at bulaklak.
"Pwede na yata akong gumawa ng harden dito, 'no?" komento ko.
"If you want to," natatawang saad ni Nikolai.
"Uh, may gusto palang bumisita sa 'yo," lumingon ako kay Slade at saka tumango sa kanya.
Nakaramdam ako ng kaba nang makita ang ekspresyon ng dalawa. Tiningnan ko sina Yohan at Jaxen, pero isang kibit-balikat lamang ang kanilang isinagot sa akin.
Sa totoo lang, dapat ba akong kabahan?
Magtatanong na sana ako nang marinig ko ang sobrang pamilyar na boses sa labas. Kung paano siya humalakhak, alam na alam ko kaagad kung sino ang tinutukoy ni Slade na gustong bumisita sa akin sa araw na 'to.
"Si Hagen lang pala," sabi ko at saka umupo paharap sa mga kaibigan ko. "Pinakaba mo naman ako, Slade. Para namang hindi natin kaibigan si Hagen kung makasabi ka ng bisita."
Pumasok si Hagen na may abot-taingang ngiti. Kung sino ang kanyang kausap? Wala akong ideya, at bahala na siya sa buhay niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Hagen sabay pakita ng dala niyang basket. Wala talagang ibang dinala ang mga loko kung hindi prutas o, hindi kaya'y bulaklak—wala namang lamay rito sa hospital.
"Maayos naman," nakangiti kong sagot sabay turo ng puso ko. "Maliban nga lang dito, masakit pa."
"Palit tayo ng puso, gusto mo? Tutal nandito naman tayo sa hospital, pwede tayong magpa-schedule ng heart transplant."
"Loko ka!"
Tatawa na sana ako nang may makita akong taong pumasok sa silid. Nakatingin siya nang diretso sa akin at puno ng pagtataka ang kanyang mukha.
Ilang beses akong kumurap upang siguraduhin kung hindi ba ako pinaglalaruan ng aking utak sa pagkakataon na 'to. Nang makumpirma ko ang katotohanan, isa-isa kong tiningnan ang aking mga kaibigan. Kagat ni Nikolai ang kanyang pang-ibabang labi habang naghahanap naman ng mga kasagutan ang mga mukha nina Yohan at Jaxen.
Ano ba ang nangyayari?
"T-Tucker?"
Tawag ko sa pangalan na matagal kong hinahanap. Hindi naman ako nagka-amnesia at tanda ko pa noong nawala nang tuluyan si Tucker. Pero bakit ko siya nakikita ngayon? Kung makatingin siya sa akin, para bang hindi niya ako kilala, na para bang naghahanap din ng kasagutan ang kanyang mga mata.
"Siya pala ang ibig kong sabihin na bisita mo, hindi si Hagen."
"Harsh," komento ni Hagen sa sinabi ni Slade. "Bisita rin naman ako, a. Pero ang ipinagkaiba lang ay kaibigan ko si Jermaine, kaya hindi ko kailangan ng permiso."
"Wait lang," itinuro ko si Tucker na nagtatago pa rin sa likod ni Hagen. "Nakikita niyo siya? Bakit? Paano? Wala naman kayong—"
"Buhay siya," pagputol ni Nikolai sa sasabihin ko.
"Bakit hindi ko alam 'to?" Tanong ni Yohan, na ngayon ay nakatayo at nakatingin nang diretso kay Tucker. "Pero gwapo nga, katulad ng sabi mo sa amin—mas gwapo nga siya kaysa sa 'yo, Jermaine."
"Labas muna tayo, 'no? Iwanan natin ang dalawa para makapag-usap naman sila ng maayos." Saad ni Jaxen sabay tulak ng mga kaibigan ko palabas ng silid. Bago makalabas si Jaxen, kumindat ang loko sa aking direksyon.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Tucker. Ang hirap paniwalaan na hindi multo ang nakikita ko ngayon. Gusto ko siyang hawakan at yakapin, pero alam kong wala ako sa tamang posisyon upang gawin iyon ngayon.
At isa pa, hindi niya ako maalala, lalo na ang pinagsamahan naming dalawa. Pero siya pa naman ang Tucker Monteverde na nakilala ko, 'di ba? Ang ipinagkaiba lang ay mas may pag-asa akong makasama siya habambuhay.
It may sound cheesy, but I really—
"May dumi ba ako sa mukha?"
Kumurap ako ng ilang beses bago nag-iwas ng tingin. "Wala namang dumi—hindi ko lang talaga maalis ang tingin ko sa 'yo."
"Sabi mo e," naglakad palapit sa akin si Tucker at saka inilahad ang kanyang kamay. "It may sound random, but my name is Tucker. Katulad mo rin ako, pasyente, pero ilang araw na lang ay makakalabas na rin ako sa punyetang hospital na 'to."
Pinigilan kong hindi matawa sa kanyang sinabi, pero hindi ko mapigilan. Buwisit. Tucker na Tucker talaga ang pag-uugali.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Nice to finally see you, Tucker. My name is Jermaine, kung hindi mo ako maalala."
Isang hindi ko maintindihang ekspresyon ang itinapon ni Tucker sa akin. "Hindi ba dapat 'nice to meet you' iyon? Pero huwag na natin iyong pag-awayan, 'no? Gusto lang kita kumustahin."
"Ganito ka ba sa lahat ng pasyente rito?" Kunot-noo kong tanong.
"Syempre hindi," pabiro niyang inirapan ako sabay buntong hininga. "Sabihin na natin na ako ang tumawag ng nurse nang may makita akong tatangang tao na nasagasaan—nagpasagasa pala. Ang lutang mo yata at tumawid ka sa maling tawiran, tapos naka-green light pa? Ang tanga lang talaga, sobra."
Nang maalala ko ang pangyayari na 'yon, natatawa na lamang ako. "May nakita akong multo, kaya lumipad ang isipan ko sa outer space. Alam mo ba kung sino iyon?"
"Naniniwala ka sa mga multo, Jermaine—"
"Ikaw ang tinutukoy ko," putol ko sa kanyang sasabihin. "Isang multong nagngangalang, Tucker Monteverde."
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top