Chapter 20: Dreams and Reality
Ang unang bumungad sa aking mga mata nang magmulat ako ay ang mukha ni Tucker. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang recorder na naglalaman ng kanyang mga saloobin tungkol sa buhay, at sa kaliwa naman ay isang kahon na sobrang pamilyar sa akin. Hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi, pero ramdam ko ang takot sa kanyang nanginginig na boses.
Agad akong bumangon mula sa malambot na kama at tinungo ang pamilyar na closet. Idinikit ko ang aking sarili sa pader at sinubukang pakinggan ang mga binubulong ni Tucker sa recorder.
Sandali lang, nasa silid ba ako ni Tucker?
Bakit ako nagtatago kung si Tucker lang naman ang naroroon?
Nagpakawala ako ng buntong hininga at nagpasyang puntahan si Tucker. Hahawakan ko sana ang kanyang balikat nang may kumatok sa pintuan. Gulat na gulat akong tiningnan si Tucker na nagmamadaling itago ang hawak na kahon sa kanyang closet, pati na ang recorder sa kanyang drawer.
"Tapos ka na ba, Tucker?" Rinig kong tanong ng isang lalaking boses mula sa labas.
Puno ng kalungkutan at takot ang mga mata ni Tucker. Katulad ng naranasan ko, malalaking butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo kahit na sobrang ginaw ng silid.
"S-sandali lang," pabalik-balik si Tucker sa harapan ko. Ako mismo ay nahihirapan sa mga ginagawa niya.
"Hindi mo ba ako nakikita?" tanong ko at pilit na kinuha ang atensyon niya.
Kahit nagmumukhang tanga, sumayaw at kumanta ako nang walang tono, pero wala pa ring nangyari. Sa huling pagkakataon, sinabayan ko siya sa paglalakad nang mapagtanto kong hindi niya ako nakikita.
Ako na yata ang naging multo sa aming dalawa.
"TUCKER!" tawag ko sa kanyang pangalan nang mawalan ako ng pag-asang mapansin.
Hinawakan ko ang aking ulo at ipinikit ang mga mata. Naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko maalala kung ano ang naganap bago ako napadpad sa silid ni Tucker. Pota naman, hindi nakisabay ang aking utak sa sitwasyon ko ngayon.
Kahit anong gawin ko, wala talaga.
Pagmulat ko ng aking mga mata, laking gulat ko nang matagpuan ang sarili sa ibang lugar. Isang malaking pintuan ang kaharap ko, at ilang segundo lang ay tinakpan ko ang aking mukha nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang sinag ng araw.
Hindi naman ako bampira, pero masakit talaga sa mata.
"Why is he like this?"
Kunot ang aking noo nang matutunan kung sino ang nagsasalita. Wala sa oras akong lumingon sa pinanggalingan ng boses—si Jane Monteverde.
Nasa sala ako ng mansyon na minsan ko nang binisita. Sa aking kaliwa ay nakatayo si Jane, at sa kanan naman ay ang kanyang ama. Nang ituon ko ang pansin sa harapan, hindi ko na naisip pa at tumakbo ako upang lumuhod sa harap ni Tucker.
No, what are they doing to him?
"Tucker, anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko sa kanya, kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
"He injected himself," sagot ng ama ni Jane.
"He injected himself?" tanong ko sa sarili.
Hindi, hindi gagawin ni Tucker iyon. Natatakot siya at naguguluhan bago siya paralisis at nahulog sa sahig.
Sinuri ko ang buong paligid at laking gulat ko nang makita kung ano ang hawak ni Tucker. Ito ay ang droga na makakapigil sa tibok ng puso, at kung walang gamot, mamamatay siya anumang oras.
So, ito pala ang ibig sabihin ni Tucker sa kanyang mga recordings?
"Jane, catch your flight and I'll take care of Tucker. Lysa's already waiting for you," kalmadong sabi ng ama ni Jane.
"But—"
"I don't want to hear any complaints."
"I thought you have the medicine with you? Where is it? Kung tama ang pagkakarinig ko, may time limit ang droga, at kung—"
"And I said, I will take care of the rest. Nakita ko ang mga papeles na may lagda ni Tucker sa kanyang silid. Gagawan ko ito ng paraan, okay?"
"And so?"
Sa sobrang pokus ko sa kanilang pag-uusap, hindi ko napansin ang pagbabago ng paligid. Napukaw lang ang aking atensyon nang marinig ko ang patuloy na pagbusina ng mga sasakyan. Nakakabingi ang ingay, at gusto ko na lang yatang tumakbo at umalis.
Sa harapan ko, isang itim na kotse ang bumangga sa isang malaking truck. Hindi ko na matukoy ang kotse dahil sa pinsalang natamo nito. Hinawakan ko ang pisngi ko na basang-basa ng luha habang nakatitig sa dalawang tao sa loob ng kotse—it was my parents.
Nanginginig ang buo kong katawan habang nilalapitan ang kotse. Hawak ang aking bibig, pinigilan ko ang sarili ko na hindi sumigaw nang makita ko ang dugo.
Ilang minuto ang lumipas, narinig ko ang ambulansya. Wala sa sarili kong tinungo ang truck, na sa pagkakaalam ko'y sinasakyan ni Tucker at ang ama ni Jane. Bumungad sa akin ang walang malay na si Tucker, na naliligo sa kanyang sariling dugo. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang lalaking katabi ni Tucker—isang hindi kilalang tao.
Sa ikalawang pagkakataon, hinawakan ko ang aking ulo at paikot-ikot na nagbabakasakaling makita ang taong hinahanap ko. Ngunit laking pagkabigo ko nang hindi ko makita ang ama ni Jane.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili.
Ilang ulit akong huminga ng malalim. Dumami ang tao sa paligid, at isa lang ang umagaw ng aking atensyon—inilabas ng ama ni Jane ang aking katawan mula sa nagliliyab na kotse. Shit, this can't be happening!
Ano ba talaga ang nangyayari?
Bakit ko nakikita ang nangyari kay Tucker noon?
Nasaan ang totoong Tucker ngayon?
"Tucker..."
"TUCKER!" Hingal na hingal akong umupo sa malambot na kama. Hawak ang aking noo, nagmulat ako ng mata.
Shit, nasa sariling silid ako.
"Masamang panaginip?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Hagen na papalapit sa aking pwesto. Inabutan niya ako ng basong tubig, na aking tinanggap bago nagpasalamat.
"I saw what happened," sabi ko sa mahinang boses. "Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, Hagen."
"Then tell me, what happened?"
Umiling ako bago inubos ang tubig. "Ano pala ang nangyari sa akin? Huli kong naalala ay kausap ko si Jeanne."
"Nawalan ka ng malay," simpleng sagot ni Hagen, saka umupo paharap sa akin. "Galing sina Nikolai at Yohan dito, umalis saglit para dumalo sa kanilang afternoon classes. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Masakit."
"Anong masakit sa 'yo? Dalhin na kita sa hospital."
Ngumiti ako ng matamlay bago yumuko. "Sobrang sakit ng puso ko, at naninikip ito tuwing iniisip ko na hindi na siya babalik, Hagen. Alam ko naman na mawawala siya, pero hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na wala na siya."
"Jermaine..."
"Alis muna ako, Hagen."
Kahit sobrang sakit ng aking katawan, nakayanan ko pa ring tumayo. Ilang ulit akong pinigilan ni Hagen na magpahinga muna, pero sa huli, nakita ko ang aking sarili na nakatayo sa labas ng mansyon ng pamilya ni Tucker.
Bilang pakikiramay, nagsuot ako ng kulay itim at bumili ng bulaklak. Nang makapasok ako sa loob ng mansyon, ang kabaong mismo ang bumungad sa akin. Ilan lang ang mga dumalaw, at tanging mga kaibigan ni Jane ang kilala ko rito.
Maliliit na hakbang ang ginawa ko palapit sa kabaong. Hindi ko maiwasang alalahanin kung ano ang napanaginipan ko—kung panaginip ba talaga iyon.
Ilang sandali lang, may tumabi sa akin. "My daughter's sleeping and will never wake up, ever again. You're Jermaine, right?"
Hinarap ko ang taong bumanggit sa aking pangalan. Kung tama ang pagkakatanda ko, ang ama ni Jane ang kaharap ko ngayon.
"Bakit mo nagawa kay Tucker iyon?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko? Hindi ako nandito upang sisihin ka. Pero kung hindi mo ginawang biro ang pagiging multo ni Tucker, hindi sana kabaong ang kaharap natin ngayon."
Umiling ako bilang pagtutol sa narinig ko. "Nagkamali ka. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak mo. Ikaw rin ang dahilan kung bakit namatay si Tucker. Bakit mo siya binigyan ng droga noon? Bakit hindi mo siya iniligtas gaya ng pangako mo kay Jane? Anong ginawa mo sa kanya?"
"Anong pinagsasabi mo? Isang aksidente ang nangyari kay Tucker noon."
"Car accident? Iyon ba ang pinalabas mo, para walang mag-abalang magtanong tungkol sa katotohanan?" tanong ko sa kanya habang nanlilisik ang mga mata ko. "Yaman lang ba talaga ang habol mo kay Tucker—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ang paghapdi ng aking pisngi. Nakita ko ang pagkagulat ng mga dumalo at dali-dali namang lumapit ang mga kaibigan ni Jane sa aking tabi.
Hinawakan ko ang aking pisngi saka huminga ng malalim.
"Kung hindi yaman ang habol mo, bakit mo siya pinabayaan? Bakit wala kang ginawa para mabuhay siya? Doctor ka ba talaga? Hindi mo nga nailigtas ang anak mo sa walang kwentang eksperimento mo!"
"SHUT UP!" Ngumiti ako nang makita ko rin ang mga mata ng ama ni Jane na nanlilisik. "Wala kang alam, kaya manahimik ka! Sino ka ba? Ano ba talaga ang koneksyon mo kay Tucker?"
"Importante pa ba 'yon?" tanong ko pabalik sa kanya.
Hinukay ko sa bag ang recorder at ang kahon na itinago noon ni Tucker. Ilang sandali ko itong ipinakita sa kanya bago ito ibinigay.
Wala na akong magagawa sa puntong ito. Tanggap kong hanggang dito na lang ang kaya kong gawin, pero sana bagabagin siya ng kanyang konsensya. Kahit anong gawin ko, alam kong hindi ako papaniwalaan ng mga opisyal at wala rin akong sapat na ebidensya.
Kung mapatunayan man, makakawala rin ng bilangguan ang may sala.
"Ano 'to?" tanong niya sa akin.
"Sana man lang, makonsensya ka sa ginawa mo kay Tucker," sabi ko bago tumalikod. Nakita kong nakatingin lahat ng mga dumalo sa amin, pero pakihirapan mo na lang ang pakialam ko—pagod na ako.
"Hindi mo alam kung ano ang totoo, Jermaine!" rinig kong bulong ng ama ni Jane bago ako tuluyang umalis.
ཐི❤︎ཋྀ
Nakatitig ako sa unang litrato namin ni Tucker. Matamlay akong ngumiti habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Kahit ilang minuto lang, gusto ko siyang makita ulit.
Bakit kailangan humantong ang lahat dito?
Wasak na wasak ang buo kong pagkatao. Wala akong ideya kung ano ang dapat kong gawin pagkatapos ng laban na ito. Babalik sa dati? Malabo yatang mangyari iyon.
"Tucker—"
Parang tumigil ang aking mundo nang masagi ko ang ibinigay sa akin ni Tucker noon. Basag ang garapon at nagkalat ang lahat ng papel sa sahig. Malas. Kinalma ko ang sarili bago pinulot ang mga papel. Ilalagay ko sana ito sa panibagong garapon nang makita ko ang isang papel na hindi nakalukot.
Kinuha ko ito at binasa nang paulit-ulit.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa sarili.
Ilang oras ang inilaan ko sa pagbabasa ng bawat sulat na ibinigay ni Tucker sa akin. Bawat mensahe ay may katumbas na kahulugan na hindi ko lubos maintindihan.
Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko sa pagkakataon na ito.
Nakita ko na lang ang aking sarili na tumatakbo papunta sa nasabing address. Wala akong pakialam kung ilang beses tumunog ang cellphone na nasa aking bulsa. Ininda ko ang sakit ng aking katawan at hindi tumigil sa pagtakbo. Binaliwala ko ang mga tao na minsan kong nabangga sa sobrang pagmamadali.
Wala akong pakialam kung umaasa ako ngayon sa wala.
Sa aking harapan ay ang hospital na nakasaad sa hawak kong papel. Maraming sasakyan ang dumaan, pero hindi ko 'to alintana at pokus lamang ang mga mata ko sa bukana ng hospital.
"Monteverde Private Hospital," bulong ko sa sarili.
Sa pagbukas ng pintuan ng hospital, isang tao ang hindi ko inaasahang lumabas. Nang magtama ang aming mga mata, parang nabuhayan muli ang namatay kong puso at kaluluwa. Kagaya noong una naming pagkikita, mapapasabi na lang ako na sobrang pogi niya.
Walang ipinagbago sa kanyang mukha.
"Tucker. . ."
Wala sa sarili akong humakbang paabante kasabay ang pagtunog ng busina sa paligid. Lumingon ako sa gawi ng isang sasakyan, kay sobrang silaw ng ilaw, at wala akong nagawa kundi takpan ang aking mukha gamit ang kamay.
At tulad ng inaasahan, nangyari ang pinaka-expectadong bagay.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top