Chapter 5: False Darkness
#NOTE#
Hello guys, I'm back from a long long rest. I'm not gonna be as active as before okay. Just a heads up lang. Marami-rami na rin kasing responsibilidad sa buhay si author niyo. Youtube, Freenet Society, and work.
"Zeke's Pov"
Nakatuon ang paningin ko ngayon sa pangalawang templong papasukin namin ng guild ko. Kaso kinailangan pa naming hintayin ang iba dahil nagrespawn sila sa nearest city. HERMES was not that easy opponent after all.
"Gwydox, ano sa tingin mo ang mkikita natin sa loob?" tanong ko kay Gwydox na nakadapo sa aking kanang balikat.
"Hindi ako masyadong sigurado papa, hindi pa ako masyadong palagay dito sa third map dimension. Maraming mga God category boss na inclined kay Hermes kaso di ko tiyak ang line up nila sa bawat templo." sagot nito sa akin.
"Talaga? Sinu-sino Gwydox?" tanong ni Verillion mula sa likuran namin.
"Nandyan si, Pan, Hypnos, Hermaphroditus, Tyche, Abderus, Autolycus, and Angelia. Parehong mga anak niya ang mga nabanggit ko maliban kay Hypnos na tapat niyang alagad."
"Talaga nga palang hinango sa greek mythology ang pahkakaprogram ng mga boss categories dito." sabat ni Acel na kararating lang.
"Greek Mythology? Ano yun Papa?" biglang tanong sa akin ni Gwydox.
"Yun ba Gwydox, uhm paano ko ba ipapaliwanag?" napalingon-lingon ako sa mga kasama.
"Oy, wag ako tol, mahina ako sa mga ganyan." bilang sabi ni Slicer ng mapatingin ako sa gawi niya.
Humugot ako ng hininga bago nagsalita.
"Ganito kasi yan, ang Greek Mythology ay mga kwento at alamat ng mga Gods na pinaniniwalaan ng mga taga Greece. Magmula sa mga major Olympian Gods na sila Zeus, Poseidon, at Hades, hanggang sa mga lesser Gods at Demigods. Doon ginaya ang pagkakaprogram ng mga mobs at boss ng third dimension na ito." paliwanag ko.
"Ah, nakuha ko na Papa. Nga pala yung tatlong nabanggit mo lubha silang malalakas. Ang hindi ko lang alam ay ang eksakto nilang kinariroonan. Mabagal ang synchronization process ng mundon ito sa data ko kumpara sa Meldivar at Helliopolis." sabi ni Gwydox.
"Glitch na naman ba Zaphro?" nag-aalalang tanong sa akin ni Leanne.
"I don't know yet. Wag naman sana ulit dahil kakabalik pa lang natin dito." sagot ko sabay ngumiti.
"Okay! Kumpleto na tayo, pasukin na natin to." si Jin.
Kahit kailan energetic talaga itong c Jin. Parang di napapagod..
"All Right, dating gawi two teams parin. Sa kanan kami sa kaliwa naman kayo." panimula ko bago kami nagplano ng mga gagawin.
Nagfull buff muna kami bago humakbang ng tuluyan papasok sa templo. Unang tapak ko pa lang ay medyo kakaiba na kaagad ang naramdaman ko. Tila may kung ano sa loob na nagmamasid sa amin. May kadiliman din dito na lalong nagpalala sa lahat.
"May dark dimension dito, ramdam niyo ba?" puna kaagad ni Leanne.
"Oo kanina sa entrance pa." sagot ni Ayana.
"Maging alisto kayo guys." paalala ko.
"Ako lang ba namalikmata, o sadya talagang buhay tong rebulto na ito?" bulalas ng kapatid kong si Virgo.
Napatingin kami sa sinasabi nitong rebulto. Isang rebulto na nakahood na nilalang ang bumulaga sa amin. Nung una aakalain mong normal na rebulto lang ito. Pero kung pagpmamasdan mo ng maigi ay makikita mo na gumagalaw ang mga mata nito. Nakatingin ito ngayon sa amin at hindi nagtagal at lumabas din ang pangalan nito at Hp bar.
Level 220 Phantom Guard
"Passive type ang kagaya nyan
Papa. Hindi yan aatake kung hindi natin sila ipoprovoke." nagsalita kaagad si Gwydox.
"Mukhang makunat yan, at sa unang tingin pa lang malakas." sabi ni Shion.
"Daanan na lang natin, dahil ang boss naman ang pakay natin dito diba?" sabi ni Aryus na nasa unahan ko.
"Tama, masasayang oras natin." sabi ni ar0012
Nagpatuloy na kami sa paghakbang sa isang malawak na pasilyo hanggang sa may narinig kaming lagaslas ng tubig. Dahil sa madilim ay hindi namin matukoy kung ano ba talaga iyon.
"Burning Essence!" mahina kong pag-usal ng skill.
Unti-unting nagliwanag ang aking katawan dahil sa asul na apoy na pumalibot sa akin. Dahil sa liwanag na nagmumula sa akin ay nakita namin ng maayos ang paligid. May tila munting batis pala sa loob ng templo, pero ang kakaiba ay ang tubig na nagmumula rito. Kulay itim na makinang.. Naaninag din namin ang isang malawak na bahagi kung saan may malaking upuan.
"Nasa sentro na tayo, magsihanda kayo!" matigas na boses na sabi ni Verillion.
"Alam ko na kung sino ang boss dito Papa." sabi ni Gwydox habang madiin ang mga matang nakapako sa isang madilim na sulok.
"Sino Gwydox?" tanong ko.
"Si Hypnos. Ang nightly phantom." maikling sagot niya sa akin.
Pagkasabing iyon ni Gwydox ay kaagad naming naramdanan ang isang presensiya. At narinig ang isang mahinang halakhak magmula sa harapan. Biglang sumindi ang mga nakasabit na mga torch sa apat na sulok ng bahagi ng templo kung saan kami ay naroroon. A sign that the boss has noticed us.
"Maligayang pagbati sa inyo aking mga panauhin!" pambungad na salita ni Hypnos sa amin.
Nakaupo siya sa isang kulay itim na talulot ng isang higanteng halaman na nakadikit sa malawak na pader. Tumayo siya at lumundag pababa patungo sa kanyang trono.
Level 220 Hypnos
Lumabas kaagad sa mga VS namin ang pangalan niya at ang napakataas nitong HP bar.
Sa pakiwari ko at isa siyang caster type boss dahil sa vestment lang ang kasuotan niya. Melee type usually wear full plated armor ang heavy weaponry.
"So tell me, who's gonna go first?" lantaran nitong hinamon kami sa isang laban na tila ba wala lang sa kanya.
"Hala, ang yabang nito ah!" bulalas ni Slicer.
Pero bago pa makagalaw ang isa sa amin ni Slicer ay sumugod na sina Ayana at Leanne. I always thought that Slicer was the tempered one. Kaya hindi ko inakalang ganito ang gagawing nila Leanne.
"Heavenly Ray!" agad nagbitaw ng skill si Leanne.
Tumama ang skill nito sa mismog kinauupuan ni Hypnos. Pero mabilis na nakailag si Hypnos at pumaling pakanan. Pero nakaabang na doon si Ayana at naghahanda na sa pagbibitaw ng isang skill.
"Petrify!" isang restrain skill ang ibinato ni Ayana ngunit tila may isang di makitang pader na sumangga sa skill niya.
"Mystic Wall!" narinig kong usal ni Hypnos. Nabasag ito matapos maabsorb ang skill ni Ayana.
"Fury Gale!" biglang tumira ng dark element skill si Hypnos sa direksiyon ni Ayana. Mabuti na lang at may active blink siya at mabilis na nakailag.
Isa-isa naring sumalakay sina Slicer at Accel kasama nila Aryus at Jin.
"Card Blast!" nagpakawala kaagad si Accel ng isang common skill patungo sa kinaroroonan ni Hypnos.
Nakasunod naman kaagad si Jin at Slicer dito. Pagkailag ni Hypnos sa skill ni Accel ay kaagad siyang sinalubong ng mga espada nila Jin. Walang hawak na kahit na anong sandata si Hypnos pero nagagawa parin nitong sanggain ang mga talim ng espada nila Jin. Gamit lamang nito ang kanyang mga kamay na umiilaw ng kulay violet. Tila ba isa itong matibay na kalasag na pinanghaharang niya sa bawat bigwas nila Slicer. Ni hindi rin nga bumabawas sa Hp niya ang mga ito. Mukhang hindi pa nga ito seryoso sa dahil hindi na itong mulinagbato ng skill.
"Earth Shaker!" sigaw ni Aryus habang hinahataw ang sandata nito pababa sa sahig.
Mabilis na lumayo sina Jin at Slicer kay Hypnos para hindi madamay sa paparating na skill ni Aryus.
"Darkness Sphere!" itinaas ni Hypnos patungo kay Aryus ang kanang palad niya.
Agad namuo ang isang itim na harang, handa na upang sanggain ang skill ni Aryus mula sa itaas. Yumanig ng mahina sa buong paligid ng magsalpukan ang dalawang skills. Hypnos remained untouched pero si Aryus ay tumalsik sa pader loosing almost half of it's HP..
"Kuya Aryus, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Virgo kay Aryus.
Tumango lamang si Aryus habang pinipilit na makatayong muli. Kita mo sa mukha nito na lubha siyang nasaktan sa nangyari.
"Yun lang ba ang kaya niyo?" panunuya ni Hypnos.
"Mataas ang Darkness attribute niya, at yung nangyari kanina ay resulta ng reflective ability ng darkness element. Naibalik kay Aryus ang accumulated damage na dapat kay Hypnos mapunta.
"Tumahimik ka Black Fairy! Masyado kang madaldal." sabi ni Hypnos.
"We're not in the same side Hypnos. Natural na magsasalita ako ng mga nalalaman ko tungkol sayo. Bobo ka rin no.?" sagot ni Gwydox sa kaaway.
"Ipakita mo pa ang iba mong kakayahan ng makuha ko ang lahat ng datus mo." dagdag pa ni Gwydox.
"Pestilence! Kung ganon eh hindi ko na dapat pala patagalin ang mga buhay nyo!" banta nito.
Ngayon matapos ng sinabi ni Hypnos ay nasisigurado ko ng magseseryoso na ito. Unti-unting nagbago ang aura nito, nung kaninang malumanay ngayon ay nangangalit na. Biglang nagsigalawan ang mga nkakapit na halaman sa mga pader. Bumuka ang mga talulot ng mga bulaklak nito at naglabas ng maiitim na usok.
"Poison mist ba yan?" tanong ni ar0012.
"Mukhang hindi, pero para makasiguro ay gumawa tayo ng harang." suhistiyon ni Shion.
"Sige, kami na bahala." sabi ni Erenir.
Pumalibot kaagad sa amin sina Erenir, Erik, Kai, Verillion, Ayana at Xavier upang bumuo ng barrier.
"Phantom Darkness!" sigaw ni Hypnos bago nagsimulang dumlim ang buong kapaligiran.
Masyadong naging parang gabi sa loob dahil sa itimna usok na nilalabas ng mga bulaklak. At ang isa pang ikinabahala ko ay hindi gumagana ang enhanced senses ko. Marahil may epekto ang mist na humaharang sa passive ability namin.
"Naloko na tol!" sabi ni Slicer.
"Be alert mukhang dadaanin tayo nito sa isang surprise attack." sabi ko sa mga kasama.
"Virgo, Slicer, Shion, Zaphro at Accel. Use your speed to protect all support member at any cost. ar0012 wag kang lalayo sa amin ni Ayana. Humanap ka ng tyempo para ma-stun si Hypnos." nagbigay kaagad ng plano si Verrillion.
Wala pa mang isang minuto ay kaagad na niyanig ang aming harang. Nagdulot ito ng malaking bitak na ikinabahala namin. Sunod-sonod na kaagad ang mga pagyanig hanggang sa nabasag na nga ang barrier.
"Ayan na siya!" sigaw na Erik ng makita si Hypnos sa itaas namin.
Bumulusok kaagad ito pababa ng sobrang bilis. Sa palagay ko ay nabitak ang sahig sa ginawa niyang pag-atake. Dahil din dito ay nagkahiwa-hiwalay kaming lahat.
"Dark Wave!" isa pang skill mula kay Hypnos.
Hindi ko na pinalagpas na sugurin ito, nagblink ako paitaas para maiwasan ang wave na ginawa niya at muli pang nagblink papunta sa kanya.
"Freezing Slash!" nagbato kaagad ako ng isang skill
"Darkness Sphere!" muli ay ginamit niya ang defensive skill niya na nagpatumba kay Aryus.
Nagawa kong mawasak ang harang nito receiving at most 1/4 of Hp damage. Hindi ako masyadong nagtamo ng bounce back damage dahil pintaas ko ang ang aking defense using buffs. At dahil sa may effect din ang weapon ko ay nagkaroon din ng bawas ang hp niya. Hinataw ko pa ito ng tatlong sunod-sunod na skills na parehong tumama dito. Salamat sa blink ability ko at nagagawa ko siyang talunin sa bilis.
"Kuya tabi!" sigaw ni Virgo sa likuran ko.
"Silent Blade!" isang skill kaagad ang nakita kong ginamit nito kay Hypnos. Isang mabilis na one slash sword attack iyon na hindi ko halos masundan ang galaw.
Narinig kong nasaktan si Hypnos sa mga tumamang atake namin sa kanya. Mabilis itong nakagalaw at nagtagong muli sa kadiliman.
"Virgo's Pov"
Magkasama kami ni kuya Zeke ngayon matapos sugurin kami ni Hypnos ng pabigla-bigla. Kahit daplis lang ang mga natamo kong mga tama ay malaki-laki parin ang binawas sa hp ko. Hindi ko inakalang sa unang dive ko pa lang sa game ay ganitong kaintense na laban kaagad ang mapapasukan ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang party at lumalaban sa loob ng game. Sobrang nakakakaba, pero kahit ganon man ay di ako dapat magpakita ng takot. Ipapakita ko sa kanila na hindi rin ako papahuli sa labanan.
"Silent Blade!"
Tinamaan ko sa tirang iyon si Hypnos pero mabilis parin itong nakabangon at nakapagtago. Sobrang dilim na ng paligid at mahirap ng makita ang iba kong mga kasamahan. Tanging si kuya ko lang ang nakikita ko ng malinaw.
"Nandyan lang siya Virgo, talasan mo ang pakiramdam mo." sabi ni kuya sa akin.
"Verse of War!" dinig kong sambit ni ate Leanne.
"Verse of Wisdom!" nasundan pa uli ng isa pang buff.
Ng dahil doon ay mas lalong naging mataas ang physical at magical attack ko. Ito ay g advantage ng merong buffer na kasama.
"Holy Armament!" dinagdagan pa niya ng isa pang buff pampataas ng defensive ability.
Ngunit sa gitna ng paghahanda namin ay bigla na namang sumugod si Hypnos sa gawi nila Jin.
"Phantom Claw!" sigaw ni Hypnos.
Narinig ko ang impit na sigaw ni Jin at Erik saka nasundan ng isang pagsabog.
"Virgo, Accel tara bilis!" pukaw ni kuya sa atensiyon ko.
Mabilis naming tinakbo ang kinaroroonan ng aming mga kasama medyo naaaninag na namin sila dahil sa liwanag ng buffs ni ate Leanne.
"Verse of Healing!" nakita naming heniheal ni ate Leanne ang mga pinsala nila Jin habang kinakaban ni Ate Ayana at Shion si Hypnos.
"Nature's Wrath!" isang earth element magic ang ginamit ni Ate Ayana.
"Golden Dragon Tail!" sinundan pa ni Shion ng isang sky beast ability.
Ganon parin ang ginawang trick ni Hypnos. Itinaas na naman nito ang kanyang harang para ireflect ang damage na paparating.
"Aqua Bubbles!" naging maagap ang isa sa aming mga support at gumawa ng harang na yari sa tubig.
"Shadow Step!" ginamit ko ang isa kong skill ko upang makalapit ng mabilis. Pagkakataon ko na para mahuli ito.
Sa isang iglap ay nakarating na ako sa likod nito ngunit nagulat ako ng nandon narin sila kuya at si Accel. Halimaw din ang mga ito sa bilis. Magkaganon man ay naihanda ko parin ang aking skill.
"Venom Claws!" gamit ng isa ko pang sandata ay sinalakay ko ito.
Sumabay naman ang restraining skill ni Accel na naglabas ng mga itim na kadena at pumulupot sa paa ni Hypnos. Napagyelo naman ni kuya ang tinatapakan nitong sahig making him impossible to dodge my attack.
Tinamaan ko ito sa gawing tagiliran leaving him with poison negative buff reducing his movement speed and constantly consuming his Hp.
"Ar-ar ngayon na!" biglang sigaw ni kuya.
"Akong bahala boss!" sagot ni ar0012.
"Pinning Shot!" sa skill na iyon ay nagawang mastun ni ar0012 si Hypnos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top