Chapter 1: RECONNECT

All Rights Reserve ® TheoMamites Stories 2016

First Featured Stories:

Please do add this on your library

★Ran Online: Beginning of the End★
Story by: Manong_Kape

★World Strongest Online★
Story by: rhoxylyn

★Zodiac War Online★
Story by: xMomoiro

★FREEDOM Online★
Story by: darkwolf2711

★The Four World Online★
Story by: turogi6917

.

"Zeke PoV"

       It's been 4 long months since the last incident at the Enigma world. Pero para sa akin ay parang kahapon lang yon naganap. Sariwang-sariwa parin sa aking gunita ang lahat.

"Hoy, kuya kumain ka na. Lalamig ang ulam." pukaw ni Levi sa aking atensyon.

"Ha? Pasensya na tol." sagot ko.

"Wala ka na naman sa sarili mo. Hulaan ko... Naalala mo na naman ba?" tanong pa nito sa akin.

Tumango na lang ako tsaka nagsimulang kumain. Alam kasi ni Levi ang mga nangyari dahil naikwento ko sa kanya lahat. Nga pala magtatatlong araw nang bukas ang link ng bagong Enigma Online PH.. Ang EOPH:RELOADED. Despite what happened ay mas lalo paring dumami ang mga naglaro nito. Madami din ang umayaw at hindi na nagpatuloy pero mas marami ang naging interesado sa konsepto ng ibang mundo.

"Nga pala nagpaconvert na ako ng account kahapon kuya. Sabay na tayo mag Dive in." nagulat ako sa nasabi ng aking kapatid.

"Ano? Maglalaro ka Levi?" tanong ko dito.

"Oo, bakit ikaw ba hindi?" ganting tanong nito.

"Pinag-iisipan ko pa, besides isa na ako sa mga tumatayong GM ng laro. I don't think allowed akong maglaro gaya ng dati." paliwanag ko dito..

Kailan lang ay isinama na sa mga GM list ang IGN ko para makumpleto ang 5 GM panel. Isa na ako sa mga gumawa ng revisions ng ilan sa mga game programs and new functions. I'm still waiting for a memo galing sa mga co-GMs ko kung pwede parin ba akong maging player.

"Ah, ganon ba? Sana payagan ka." kumuha ito ng isang baso at nagsalin ng juice dito. "Kung hindi si kuya Kaito ang sasamahan ko." ang tinutukoy nito ay ang pinsan namin na si Great_kai.

.

Itinuloy ko na ang aking pagkain at pumasok naman na sa kanyang silid si Levi. Nahulog na naman ako sa isang malalim na pag-iisip. Kumusta na kaya si Gwydox ngayon at si Freyla? Bigla ko tuloy silang namiss...

Pagkatapos kong kumain ay pumanik narin ako sa aking silid. Nakita ko agad ang kahon kung nasaan ang bagong DS na ibinigay sa akin ni GM Akil. Mukha itong isang pahabang bracelet na may crystal na design extended part nito na umabot sa likod ng kamao ko. Unique ito kumpara sa mga bagong release na DS. Bigla tuloy akong naexcite na gamitin ito.

Beeeeep....

Biglang nag beep ang chrome watch ko dahil may tumatawag. Nung tignan ko ay si Dan lang pala.

"Project!" usal ko ng voice command..

Kaagad kong itinapat sa harap ko ang chrome watch at lumabas ang holographic image ng tumatawag sa akin.

"Uy tol! Nag dive ka na ba?" bungad na tanong ni Dan sa akin.

"Hindi pa tol bakit?" sabi ko sabay umupo sa gilid ng aking kama.

"Naku, baka mahuli ka sa balita nyan. Ang ganda kaya ng third map at ang daming nabago." sabi pa nito na sobrang puno ng energy.

"Alam ko.. Tumulong kaya ako sa paggawa nyan. Lahat ng bago alam ko tol." sabi ko na naghikab na.

"Putek! GM ka nga pala.. Pasensya na.. Engot lang.. Hahaha.." sabi nito tapos tumawa na parang timang.

"Inaantok na ako.. Para kang tanga jan!. Bukas na ako susubok na mag dive kasama ng utol ko.." sagot ko.

.

"Sige, mail mo ako kaagad ah pag nasa Enigma realm na kayo. Matulog ka na, mukha ka ng hagard!" ganti nitong sagot.

"Sige, bye na..." sabi ko at tinapos na ang call..

.

Bago ako tuluyang natulog ay nag mail ako sa aking girlfriend na si Leanne.

»Ma, I'll dive in sa EOPH bukas. Sabay na tayo, nga pala si Levi sasabay din sa atin. Miss you so much! Sweet dreams!«

>sending email.......

>sent.

Humiga na ako at tuluyang natulog....

.
.
.
.

>Early Morning<

Time: 7:45AM

      Ginising ako ng alarm ng kwarto ko. Naka preset na kasi ito ng 7:30AM, my usuall wake up time. Dahan-dahan akong bumangon at nag-unat. Then after that ay nagcheck na ako ng mga mails sa email ko.

"There you are!" sabi ko nung makita ko ang mail mula kay GM Akil.

Nakasaad dito na pwede akong maglaro just like a normal player. Although hindi nga lang ako maaaring sumali sa mga guild battles at ilang events. I can also help kill bosses and do PK's if necessary. I have two modes to choose from kapag magmomorph sa loob ng game.

>Normal Mode<

Ito ang mode na wala ang mga GM abilities ko. Ito yung mode na maaari kong gamitin kapag maglalaro ako.

>GM Mode<

This is the mode where I have all my GM abilities. Ito ang mode na pwede kong gamitin during events as facilitator.

"Cool!" nagulat ako bigla dahil sa sinabi ni Levi.

Hindi ko namalayan na nasa kwarto ko na pala ito at nakikibasa ng mail. Ang sama lang, nasaan na ang privacy ko. Whew!...

"Gutom na ako, may pagkain na ba?" yun lang nasabi ko.

"Naks, ako pa? Syempre handa na." sabi nito habang naglakad patungong pinto.

"Give me 20 minutes at bababa na ako." sabi ko bago makalabas ang kapatid ko.

Naligo muna ako bago lumabas ng silid. Pagkababa ko ay suot-suot ko na ang bago kong DS. Nadatnan kong kumakain ng panghimagas ang kapatid ko.

"Di na kita nahintay, gutom na ako eh." sabi pa niya habang nakatitig sa aking kanang kamay.
"What the Heck! Yan ba ang DS mo kuya?"  gulat na tanong nito.

"Yes, astig ba?" sagot ko.

"Ang bangis ng datingan kuya! Mas maganda pa sa DS ko." sabi ni Levi na ipinakita ang Ring DS niya.

"Pang GM lang to tol." umupo na ako sa hapag at inumpisahan ang pagkain.

Namail ko na si Leanne bago bumaba at kumain. Sabi niya na magdadive siya sa EOPH by 9AM sharp. Sa third map nalang daw kami magkita.

After 10 minutes ay natapos narin akong kumain ng agahan. Nagligpit lang ako ng mga kinainan at naghugas. Then nagpunta na ako sa salas kung saan nandoon si Levi.

"Ano kuya, game na?" sabi nito na nakangiti.

"Sure, tara!" nauna ko ng pinindot ang link button ng DS ko.

Unti-unti akong binabalot ng makinang na liwanag. Sumunod narin si Levi na pinindot ang kanyang DS. After several seconds ay binalot na ako ng kadiliman. Biglang kaagad na lumiwanag kasabay ng pagbalik ng lahat ng senses ko. Naramdaman ko ang solid na sahig na tinatapakan ko. Nalantad na sa aking paningin ang itsura ng third map.

»Welcome to the Throne of the Ancients«

Ito ang bumungad sa gilid ng paningin ko. At di na ako nagulat ng makitang walang nagbago sa physical features ko. I did not turn into my avatar dahil yun ang bagong function ng game. Marami akong nakitang kakarating lang din na players. Sobrang crowded dito...

"Wow! Ang cool ng mundong to!" tinapik ako sa balikat ng kapatid ko.

"Tara labas tayo dito Levi." niyaya ko itong lumabas at pumunta sa new leveling area.. Nasa labas lang ito ng silid na kinaroroonan namin.

Napunta kami sa isang mas malawak na lugar kung saan may mga level 1-10 programed monsters.

Level 1 Winged Orb
Level 3 Winged Pony
Level 5 Angel Statue
Level 7 Silver Snake
Level 10 Young Angel

At meron pang isang natatanging mob dito. Isa lang siya na palaboylaboy dito sa area na ito.

Level ??? Foras (Special AI)

Isang batang lalake na nakasuot ng gintong vestments at may tangan-tangan itong isang bow.

Pwede siyang i-challenge sa duel para makakuha ka ng magandang item. Designed siya na mag-isip ng malaya at hindi siya namamatay. Naka program ito na gaya ng sa isang normal player to just revive kapag nasa 1% na ang hp niya.

"Grabi ang astig talaga dito." mangha parin na sabi ng kapatid ko.

Umupo na muna kami sa bench malapit sa isang fowntain. Hinihintay pa kasi namin si Leanne at ang mga kaibigan ko. Nag message na ako sa kanilang nasa loob na ako ng Enigma dimension. Hindi aggressive ang mga mobs dito kaya free kaming maglibot.

"Di na ako makapaghintay na mag E-Morph kuya." sabi ni Levi na nasasabik nang mag switch sa avatar form niya.

Well ako din naman excited dahil ang tagal ko naring di nakita ang avatar self ko.

"Sabay na tayo mamaya." sagot ko sa kanya.

"Oh, hello there Mr. GM!" biglang nagsalita yung AI na nakalapit na pala sa amin ni Levi.

"Hala! Kinakausap ka yata kuya." sabi ni Levi.

"Welcome po sa Luxgard Meadows GM Zaphro!" medyo napalakas nito ang sinabi kaya may ibang nakarinig.

Marami kaagad ang nagbulungan sa paligid. Mostly mga low level players na naka starting equipments pa lang. Nagtinginan kaagad sa kinaroroonan namin.

Player 1: Uy GM daw!

Player 2: Ha? Saan sis!?

Player 1: Yun yatang gwapo na kausap ni Foras.

Player 3: Si Master Z yan yung dating best player ng EOPH na naging GM.

Di ko inakalang magkakaganito sa unang pasok ko pa lang sa Enigma. Naku mababatukan ko tong AI na to, ang daldal kasi eh!

"Hello everyone! I'm GM Zaphro and I just got here. Just checking the new map. Just continue whatever you're doing. Nag oobserve lang po ako." sabi ko sa lahat ng mga nandito sa starting area.

Pasimple kong binatukan si Foras dahil sa kadaldalan nito.

"Aray! Ang sakit naman nun GM!" reklamo nito.

"Para yan sa kadaldalan mo." nangingiti kong sabi.

Ang cute kasi ng reaction ni Foras sa ginawa ko. Bigla ko tuloy naalala si Gwydox.

"Yan kasi daldal pa more!" bully din tong kapatid ko eh. Tatawa-tawa pa ito..

"Ay, sorry GM! Hindi ko naisip yun." hinging paumanhin ni Foras.

Habang naghihintay ay kinakausap lang namin si Foras para narin makakalap ng info itong kapatid ko about the game. Alam ng AI na ito ang halos lahat kaya dito na nagtanong si Levi.

»1 message received«

Binuksan ko kaagad ang bagong msg na natanggap ko. Galing kay Leanne, kakadive lang daw niya. Nireplayan ko ito na nasa labas lang kami ng aking kapatid.

"Mukhang nageenjoy kayo dito ah?" bungad na sabi ni Leanne sa amin.

"Uy Ma, halika dito." I kissed her cheek nung makalapit na siya sa amin.

"Where's the rest of the gang?" tanong nito.

"Wala pa nga eh. Late na naman yata ang mga yun. As usuall gaya parin ng dati." sabi ko dito.

Binati ni Leanne ang kapatid ko saka naupo narin sa tabi namin.

Beep... Beep... Beep....

Sunod-sunod na messages kaagad ang natanggap ko mula sa mga kaibigan namin. Mukhang nakarating na sila.

"Yow! Wazzup!" maingay na bungad ni Dan sa amin.

"Ang ingay mo Dan." sita ni Mia sa kanya.

Halos kumpleto na kaagad ang tropa. Sabay silang naglakad patungo sa area namin. Naging takaw pansin tuloy kami dahil sa sobrang hyper ng mga kasama ko. Kamustahan ng kamustahan. Naging abala kasi ang iba sa amin sa kaniya-kanyang trabaho at pag-aaral.

"Tol, natry mo na ba ang avatar mo?" tanong ni Dan.

"Oo nga kuya, ang laki ng pinagbago. Pati ang stats din may konting naiba." si Accel.

"Hindi pa, ngayon pa lang siguro." sagot ko.

"Nga pala sasama na  sa atin si Levi. Newly convert lang." sabi ni Leanne sa grupo.

"Welcome pre!" sabi ni Whilmer
Ganon din ang ginawa nila Jenson, Daniel, Manuel, Maxwell, Julian, Dylan at Accel.

"Insan welcome to the gang!" sabi naman ni Kaito.

"O ano pang hinihintay natin? Tatambay na lang ba tayo o mamamasyal na dito?" sabi ni Aries na kakarating lang.

"Naku makapagsalita to parang hindi na-late ah?" sabi ni Jenson na inakbayan si Aries.

"Sorry, napasarap tulog ko eh. Alam nyo namang early morning na off ko." paliwanag ni Aries sa amin.

"Sige, explore na natin mga lugar dito. Tsaka excited na tong utol ko na mag E-morph." sabi ko sa kanila saka tumayo.

Pati tuloy mga ibang nandoon napalingon sa aming kinaroroonan. Mukhang gusto din nilang makita ang avatar form ko. Well in that case pagbibigyan ko na nga mga to. Pumuwesto ako sa gitna at ganon narin ang mga kasamahan ko.

Itinaas ko ang kanang kamay ko kung saan nakasuot ang aking unique DS.

★ Initiate Sequence... ★

Usal ko ng CODE words para ma-trigger ang bagong function ng game..

★E-MORPH★

Pagkabanggit ko ng salitang yun ay unti-unting nag-iba ang aking pangangatawan. Dahan-dahang nagpalit ako mula sa anyo ko kanina para maging avatar form ko.

>Avatar Body Attained<

In less than 5 seconds ay nakapagpalit na ako into my avatar body. At tama nga ang sinabi ng mga kaibigan ko. May mga nagbago nga sa anyo ng armors ko. Noon ay full plated na white metal ang suot ko, ngayon ay semi-metal set na ito. May bahaging leather at may bahaging metalic at yung helm ko iba narin. Hindi na nito natatakpan ang buo kong mukha. Para na lang itong crown na may disenyong pakpak sa bawat side..

"Zaphro Level 200"

Stats:

Hp: 70,500
Def: 26,230
Atk dmg: 50,350
Mp: 7,300
Sp: 7,100

Str: 1600
Dex: 1300
Int: 200
Vit: 810

Ressistance:

+1560 to all elements

Ito ang current stats ko as normal player. Medyo bumaba ang Hp, Mp at Sp ko pero ayos parin ang aking Atk damage at atk speed. Pati avoidance ko ay mataas parin.

Bigla ay naging maingay ang paligid dahil sa mga tinig ng mga players. Humanga kasi sila sa mga avatars naming lahat. Ngayon lang yata sila nakakita ng ganitong full gear players. Tapos ang dami pa naming sabay na nagmorph. Hindi tuloy magkamayaw ang mga players.

Simula na naman ito ng panibagong mga adventures namin. Anu-ano na naman kayang bagay ang pagdadaanan namin sa ikatlong map na ito?

Sana naman it will go smooth this time!
I just HOPE...

.

.

A/N:

Whoa, first chapter done. So anong palagay niyo sa bagong approach na inilapat ko sa kwento. Lakas ba maka-power rangers? O masked rider?

Isa lang po yan sa mga new things na nasa EOPH: RELOADED..

ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA UPDATES...

Your author: TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top