EOPH2 Side Story: How It All Started Part 1

All Rights Rererved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

FEATURED STORY:

Guilty Gear Online
By: zenketsu

New online game story! Add it now!... ;)

.

Ever wonder kung paano nagkaroon ng Zaphro/Leanne love team?

Eto yung kwento nun oh...
Basa lang sa mga next lines, stanza's, paragraphs and etc..... ;)

"Leanne's POV (flashback)

"Ay ang CUTEEEEE!" sabi ko na ikinabigla nung lalaki na malapit lang sa tabi ko. Isang lalaking player na naglalakad-lakad lang sa pathway ng village. Lightly gold haired na nakaayos pataas with blue eyes and tan complexion. Matangkad ito na tingin ko nasa 5'9-5'10 yata.

"Pet mo yan kuya?" nagtanong ulit ako. Nakyutan kasi ako sa kasakasama nitong male fairy. Kulay itim na nakatakip ng pulang panyo ang ilong pababa sa bibig. Naaalala ko tuloy yung isang character sa anime na Bleach na si Urihime. Meron din kasi siyang ganyang familiar. Ang cute talaga.

Sa sinabi ko ay napansin kong bigla ay nagsalubong ang kilay nung lalaki at nag-pout... Ganun din ang ginawa ng pet niya. Wala akong narinig na sagot mula dito. Suplado yata. Pero pamilyar yung mukha niya sa akin. Parang nakita ko na siya somewhere sa SPC. I mean may similarity sila nung lalaking nerd na crush ko. Haha.... Gwapo din yun kapag nagtanggal ng salamin at magpagupit ng mas maikling buhok..

.

"Hoy! Babae, hindi ako pet!" biglang sabi ni dark fairy pet niya.

"Hala! nagsasalita ang pet mo kuya! Ang cute talaga! Pwede pahawak ako?!" sunod-sunod kong nasabi.

Hindi parin ito umimik, at parang nainis pa yata sa ginawa kong pangungulit.

"Nakakadalawa ka nang babae ka ha!Hindi ka ba marunong makinig, sabing hindi ako pet eh!" tila umuusok na sa galit na bulyaw ng dark fairy sa akin. Kulang nalang batuhin niya ako ng skill niya.

"Hindi yan pet miss. Animus ko yan, isang Artificial Intelligence." sagot ng lalaki na medyo naiiinis parin, pero I think it's not because of me. Parang nag-aaway yata sila ng animus niya. Animus pala itong dark fairy na ito.

"Ah, I see... Pero in fareness ha pareho kayo ng ugali. Sobrang cute!" malapad ang ngiti kong sabi. Sinabayan ko na ng konting biro kahit wala namang connection.

"Leanne nga pala." inilahad ko ang palad sa kanya. Dahil dun ay medyo umaliwalas naman ang mukha nito. Gwapo din naman pala siya!

Ngumiti ito sa akin ng ubod tamis. At ikinabigla ko ang sumunod na nangyari.

Kinuha niya ang kanang palad ko at ngumiti pa lalo with puppy eyes. Lumuhod ito at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I'm Zaphro, Nice meeting you Leanne!" at kumindat pa ito sa akin. Ako naman ay parang naging tuod. Ano bang drama ng lalaking to? Kanina sobrang sungit, tapos ngayon naging sobrang SWEET! Dahil dun sa ginawa niya ay nakuha namin ang atensyon ng karamihan. Nahalaa niyang medyo naconcious ang itsura ko. Nag-blush ako KAINIS!...

"Ang Cute naman!" ;)

"Hala! Ang sweet nila oh!" narinig kong sabi ng isang babaeng player sa di kalayuan..Then out of nowhere ay may nagsaboy ng rose petals sa amin. Ngayon tuloy ay umuulan ng bulaklak sa paligid namin. Part ba to ng game system? Then nakita si yung animus niya na nag face palm....Then I heard ringings of a bell... Yung tipong pang kasal....

Ano ba kasi ang nangyayari?!

Napatingin ito sa animus niya dahil siya man ay nagulat din sa nangyari.

"Papa, you just gestured a wedding proposal."

Ito ang nasabi ng Animus niya. Wedding proposal daw!...

Dahil sa hiya at dahil sa mukhang mabait naman siya at malakas at higit sa lahat ay kamukha niya si Zeke e pinindot ko na ang YES... Oh diba, bongga teh! Fiancè ko na siya..

.

Dahil sa dumadami ang mga players na nakasaksi sa nangyari ay inilayo na ako ni Zaphro. Sikat pala siya dito eh, may bumabati pa sa kanya at nagbabow pa. Ano siya? Royalty? Prinsipe lang ang peg ganon? Aba e, jackpot ang lola niyo! Keri na ito!...

.

Inaway-away ko pa nga siya nung nasa himpapawid kami with Gwydox and her pet dragon Freyla. Syempre, dalagang pilipila ang peg.. Nahinto naman na iyon dahil tumahimik na kami. Then nung makababa kami ay nagsimula kaming muli sa square one. And right then ay nakagaanan ko na siya ng loob. Binigyan pa nga ako ng dalawang rings eh. Mas lalo tuloy naboost ang stats ko dahil sa mga ito.

.

His friends showed up nang hindi inaasahan but then sa umpisa lang ako medyo nailang ako sa mga ito. Gaya ni Zaphro ay mababait din ang mga kaibigan niya at mukhang magkakaibigan din sila sa outside world. Kaso nahiya akong itanong yun... Tinulungan niya ako sa isang boss category monster nung kinagabihan. And OMG sibrang OP niya dahil kahit normal hit ay ang laki ng damag niya. Ako naman ay ginawa niyang hitter kahit na mababa lang ang damage ko. Mabuti na lang at naging magaling ako sa pagpili ng class ko.

I chose to be a bard angel na may fighter ability. Isang songstress ang subclass na una kong napili dahil preriquisite ito ng secondary subclass na Berserk Songtress. Nagawa kong makadamage ng critical sa boss by switching my weapon to knuckles and fight using fighter skill. We manage to kill the boss at nagkaroon ako ng instant epic armor set at weapon. At naglevel din ako ng sampung level. Sobrang laki kasi ng XP na bigay sa akin eh.

.

Magmula nun ay naging panatag na ang loob ko sa kanya. Pero never talagang naitatanong ko ang mga personal na bagay patungkol sa kanya. Kasi naman ako yung maarte... Naitanong na niya minsan kung ano number ko at real name ko sa outside world. Kaso hindi ko sinabi, I gave him a phone number na unregistered at incripted kaya hindi pwedeng i-trace.

.

Nahihiya kasi akong makilala niya sa personal. Hindi naman kasi ako yung tipo na sociable at masarap kasama. Boring nga akong kasama eh, yung tipong nabubully. Pero no one dares to do it. Hindi dahil sa naaawa sila sa akin kundi dahil sa anak ako ng principal ng school namin. I am Leanne Jane Erynell the daugther of the most powerful man in SPC.

.
End of chapter....

Bibitinin ko muna ha...

Sa susunod na side story POV naman ni Zeke...

.

Haha... Basahin niyo yung Guilty Gear Online ha... Maganda din yun...

.

Maiba ako...
I need your reviews on my other stories...

Iba ang genre ng mga ito...

Sabihin niyo if papasa na ba akong VERSATILE WRITER...

READ THE FOLLOWING STORIES kahit di niyo na tapusin...

I just need your insights about it...

Sana'y Ako, Ako Na Lang (Romantic Drama)

The Water Bearer (Dark Fantasy)

The Order Of Three (Mixed Genre)

.

I'll be waiting for your insights guys...

Enjoy Reading!....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top