EOPH2: Epilogue

Epilogue

Nagkaroon ng kakaibang field na nagsilbing containment field sa matinding pagasabog sa GROUND ZERO.. Nanegate ng ginawang counter attack ni Kaizen ang skill ni Chaos gamit ng buo niyang lakas na mula din kina Zaphro at ng mga successors. Ngunit sa kasamaang palad ay nasaid na niya ang paggamit niya ng enerhiya. Naubos ang kanyang ESSENCE. Ang bagay na bumubuo sa kanyang existence as part of the ENIGMA DIMENSION. Nang maglaho si Chaos sa gitna ng pagsabog ay nagsimula naring magdematerialize ang katawan ni GM Kaizen.

Nagliliwanag ng puti ang buo niyang pigura at paunti-unting naglalaho. Turning into bits of sparkling dust. May mga ibinulong pa siyang mga salita bago tuluyan siyang naglaho. Ng mawala ang mga alikabok at apoy na tumupok sa paligid at agad na makikita sa pinakagitna ang isang malawak at malalim ng hukay.

Ang debrie na naiwan ng GM ay patuloy na kuminang hanggang sa lumapag ito sa gilid ng hukay. Almost all of its particles vanished but few managed to turn to crystal. Tatlong maliliit na crystal fragment ang nabuo galing kay GM Kaizen.

*************

Natigil na ang pagwawala ng mga mobs at tila unti-unting nawala ang itim na aurang bumabalot sa madilim na parte ng Enigma Dimension. Tumigil narin ang mga obelisk sa paglalabas ng enerhiya pero hindi parin nawala ang barrier seal na nagsilbing bakod sa tatlong village. Nakataas parin ito upang magsilbing protective shell at teritorial boundery.

Tinangka pang kausapin nila Zaphro si Kaizen pero wala ng sagot mula dito. Ramdam nila lalo na nila Akil at Aero na tuluyan ng nawala ang itinuturing nilang nakatatandang kapatid. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa pagpapanatili ng balanse ng dalawang mundo.

Nagsidatingan naman mula sa dalawa pa ng village ang iba pang players at mga kaibigan ni Zaphro. Masaya ang mga ito dahil hindi nagtagumpay ang masamang balak ni Chaos. Pero nung malaman nilang wala na si GM Kaizen ay nalukot ang mga mukha nila. They never have thought na may magbubuwis ng buhay just to get rid of Chaos.

.

.

***Logging Out In 5:00 minutes***

Ito ang lumabas sa kanilang VS. Ibig nitong sabihin ay malapit na silang bumalik sa kanilang dimension.

"Papa, unti-unti ng nawawala ang LINK ng EOPH realm sa mundo ninyo. Kailangan niyong mag logout bago matapos ang oras. Dahil kung hindi, mananatili na kayo dito." paliwanag ng anima ni Zaphro na si Gwydox.

"Ano? Pero paanong mangyayari iyon?" tanong ni Zaphro.

"Wala na ang game matrix na nagpapanatili ng connection ng magkabilang mundo." sagot naman ni Gwydox.

Walang nagawa sila Zaphro kundi lisanin ang EOPH dimension. Pero bago nila iyon ginawa ay nagpaalam muna sila sa mga AI na tumulong sa kanila sa laban kay Chaos. Ipinangako din nila Akil at ng ibang GM's na gagawin ang lahat upang ibalik ang link ng dalawang mundo...

Nasabi pa ni Gwydox sa kanila na nasa kabilang mundo ang susi ng dimensional travel. What I mean is that nasa mundo nila Zeke ang device na makakapagbalik ng koneksiyon ng mga mundo nila. Nagapaalam narin sila Zaphro kay Gwydox at sa mga pet nila dahil hindi nila ito maaaring isama pabalik. Matapos gawin yon ay kaagad na silang nag logout....

Logging out....

»»»
5

»»
4

»»
3

»»
2

»»
1

Successfully logged out....

Bleeeeeeeeeeeeepppppp.....
<mechanical beeping sound>

.
.
.
.
.

A/N:

I formally close the EOPH Season II.
And I welcome you all sa papalapit na season III. Yey!..

Thing to watch out for season 3:

#1: Saviour Crystal Fragment
#2: Dark Crystal Fragment
#3: Third Map Release (Realm Of Gods)
#4: Level Cap to level 300
#5: New Quest and Items
#6: God Category Boss

Plus continuation ng mga buhay ng mga EOPH players na namention ko sa mga nagdaang chapters. Gulo-gulo buhay parin sila gaya ng dati. Bagong flow at twist na naman po ang ilalapat ko sa kwento. Pero meron paring luma (lumang kaaway) at syempre bago...

Abangan na lang po ninyo.

Nga pala MARANING, MARAMING, MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGSAMA NINYO sa mga tauhan ng kwentong ito hanggang sa huling episode ng Season2...

Sana po ay ganon din ang supportang ibibigay ninyo sa ikatlong yugto ng ENIGMA..

For those who want to follow me on Instagram my ID is:

zeke1828

Follow or add narin po sa FB:

Zeke Vargas TheoMamites WP

Thanks po ulet....

Your author: TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top