EOPH2 Chapter 7: Bird Hunt at Death Woods Part 3

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Zaphro's POV"

       Ayos din ang timing nitong si ar0012 ng dating eh. Just right when we need him, kaya nung hiniling nyang maging parte ng guild ko ay hindi na ako tumanggi pa.

.

"Mamaya na lang ang meet and greet ha. Tapusin muna natin ito." sabi ko after ko siyang kamayan.

      Medyo wierd ang pangalan niya pero sa tingin ko naman ayos siyang ka teamate. "Ar-ar, kaw na bahala sa air support!" sabi ko kay ar0012. Ginawan ko na lang sya ng nickname.

.

       Medyo napakunot nang kaunti ang noo nito pero ngumiti rin kalaunan. "Sige, sisiguraduhin kong hindi yan makakalayo.!" sagot nito.

"Tss...!" si Slicer.

Si ar0012 ay isang fallen angel class na may mahabang buhok na kulay brown. More like one-length ang buhok nito, meron din siyang sniper glasses na nakasuot sa ulo niya at bughaw ang mga mata nito. Katamtaman ang taas na nasa mga 5'7. Isang gunner class na may ultimate secondary sub-class na Hybrid Shooter.

.

Ibig nitong sabihin ay pure Dex type sya at may mataas na DoT (Damage over Time) at DPS (Damage per Second) skills. Yung weapon niya din ay kakaiba, kasi masyadong heavy weight at malaki. Paano kaya siya makakagalaw ng mabilis sa bigat niyan.

.

       Narinig naming sumigaw ang boss ng malakas. Matinis at masakit sa tenga. Umalingawngaw ito sa buong gubat at nagdulot ng paglakas ng hangin. Akmang tatayo ito nang may tumamang water element skill sa katawan nito. Galing yun kay Erik_Hertz na may slow effect.

.

"Grand Lightning!" galing sa spear ni Verillion ang mga umuulang kidlat.

.

Mas lalong napasubsob ang phoinix sa mga punong kahoy... We need to find a soft spot para doon mag-concentrate sa mga attacks. Bigla ay nagsimulang mag glow ang katawan nito kaya naalarma kami.

.

"Papa, isang AoE skill yan. Mapanganib dito sa malapit..." babala ni Gwydox.

.

"Guys lumayo tayo, defensive form bilis!" mabilis kaming gumalaw ng mabilisang. We run away as far as we can. Nang nasa mga 250 meters na kami ay biglang naignite ang skill ng boss.

.

Death Flames: A skill that has AoE and massive fire element damage that deals up to 45% of target's HP. 55% if critical hit (Close distance).

.

Nahagip parin kami ng skil dahil masyadong malawak ang radius nito at kulang ang oras namin to escape it's range. Hindi rin kinaya ng aming defensive buffs ang skill kaya nagtamo kami ng malaking damage. 20% sa akin, kay Aryus at kay Jin. At sa iba ay mahigit 30% dahil sa mababa nilang defense rates.

.

        Agad na kumilos ang mga casters namin para sa heal at rebuffs.

.

"Seal Shot!" hindi pa natatapos ang heal ay nagbitaw na ng skill si ar0012. Mabilis na beam ang lumabas sa rifle nya at tumama sa katawan ng boss na lumikha ng isang uri ng net na gumapos sa katawan nito.

.

"1 minute lang yan kaya sulitin nyo na... After three minutes ko pa ulit pwedeng ulitin yan!" sabi ni ar0012.

.

Nauna na akong nag-blink sa harapan ng boss. Titira na sana ako ng skill kaso hindi ko natuloy dahil sa likas nitong fire element na bumabalot sa kanya. Ang lakas ng fire damage nito kaya nasusunog ang sinumang madidikit dito. Hindi ganon kataas ang aking fire ressistance kaya nagtamo ako ng burn effect. Tiniis ko na lang ang sakit at nagbitaw ng skill.

.

"Freezing Stab!" binaon ko sa dibdib nito ang dalawa kong sword at nagtamo siya ng mataas na cold damage. Nagmadali kong hinugot ang weapons ko at lumayo...

.

"Frozen Spike!" pinagdikit ko ang dalawang talim ng mga espada ko ay iwinasiwas. Isang malaking ice spike ang tumama sa kanya. Kaso matigas talaga ang armor nito kaya nabasag ito nang tamaan siya.

.

Lumayo na agad ako para bigyan ng chance ang iba. "Ingat sa burn effect guys!"

.

"Poseidon's Trident!" si Erik
"Nebula Storm!" si Ayana..

Nang tumama ang skill ni Erik ay medyo bumaon ito sa parteng leeg ng boss. Sinundan naman ito ng malakas na mage skill ni Ayana na nagpaulan ng limang violet orbs sa boss...

.

"30 seconds more!"

"Crimson Apocalypse!" si Erenir.

.

"Gravity Destortion!" si Verrillion.

.

"Dark Spirit Blast!" si Accel.

.

Parehong mga Dps skills ang sabay na pinakawalan nila Accel na nagpasabog sa malaking parte ng katawan ng boss. Kung sa ordinaryong boss lang ito ay tiyak nasa critical na ang HP nito. Pero dahil sa kakaiba ang boss na ito ay mababa lang ang nagawa nitong damage. 7% lang ang nagawa nitong hp damage and total na 11% dahil sa skill namin nila Ayana.

.

"Ano ba yan! Kunat ng ibong yan" reklamo ni Slicer.

.

"Hanapin mo na lang ang weak spot niya." sabi ko.

.

"I'm trying pero mahirap yun dahil baka nakakubli na naman yan somewhere the boss body!" sabi nito...

.

Nawala na ang epekto ng skill ni ar0012 kaya bigla ay nakagalaw ang Skylar Firebird at biglang bumuka ang mga pakpak. From there ay nagsilabasan ang mga minions nito or shall I say nga anak nito. Mini-version lang niya na kasinlaki ng agila.

.

It was like thirty of them ang sumalakay sa amin. Sobrang agile ng mga ito at mahirap patamaan ng skill. Mabuti na lang sa blink ko ay natatamaan ko sila at madaling nakill. Pero may iba pang nagsilabasan na mas marami pa.

.

"Scatterblast!" nag dash pasulong si ar0012 at nagsimulang magpaputok sa lahat ng directions. More than thirty shots ang napakawalan nya at lahat yun ay tumama sa mga ulo ng mga firebirds.. Grabe ang precision nya... masyadong mataas para laging head shot!...

.

"Projectile of Silence!" isang mabilisang tira naman ito na sa boss tumama.

"Projectile of Silence: a gunner skill that restrict the target to cast skills for a duration of time. Including passive abilities... Duration varies upon monsters ressistance."

.

Nakita kong nawala ang burning armor ng boss kaya ibig sabihin nito ay vulnerable na ito for heavy damage.

.

"Ibuhos nyo na lahat ang heavy damage skills nyo." sabi ko sa kanila.

.

Agad na nag buff si Leanne ng Magic Viel para pataasin ang magic damage namin. Umaktong lilipad ang boss kaso mabilis na nabaril ni ar0012 ang mga pakpak nito.

.

"Dark Chains!" gamit ni Accel ang binding skill niya para ikadena ang boss. Then sunod-sunod na umulan ng long ranged caster at sword skills sa boss.. Paulit-ulit kaming nagbitaw ng malalakas na skills na parang wala ng bukas. Hindi na namin siya binigyan ng pagkakataong bumangon....

.

Ubos ang mga MP at SP namin kaya natigil kami.. Nagmadali kaming gumamit ng potions para mapabilis ang regeneration ng mga stats namin. Inuna ni Gwydox ang aming mga caster na i-full MP at SP para makapagbato uli ng skill sa boss.

.

       Nagawa ng boss na bumuga ng mga fire balls sa mga kadena ni Accel at kaagad nagawang makalipad. Hindi ganon kabilis kaya nung hinabol ko ito ay madali kong nahabol. "Cold Fire!" pinuntirya ko ang pakpak nito para magyelo..

Muli itong bumagsak sa ibaba... kaso sa parte na monster infested...

Nakita ko si Leanne na nasa likuran ko using her knuckle mode.

"Sheeva's Palm!" and with an amazing agility ay marahas niyang pinatamaan ang boss. Damay narin ang mga Dark Trolls na nakaharang... All I can hear is the pounding sound that Leanne's skill is making..  And on her final palm strike ay lumundag siya sa ere. It came with a very strong force at nagtuloy ang bagsak sa katawan ng boss.. Bahagyang bumaon ang boss sa lupa at yumanig dahil sa shockwave.

.

Nagmadali akong lumapit kay Leanne ng matapos niya ang skill dahil nagtatamo siya ng negative effects after the skill. Hindi siya nakakagalaw ng maayos. Inalalayan ko siyang makalayo bago pa makabawi ang boss sa ginawa niya.

.

"Konti na lang!" narinig kong nagsalita si Slicer.

.

"Itodo na natin to guys!" sabi ni ar0012 bago nito pinindot ang button ng weapon niya. Bigla ay nagpalit ito from sniper rifle to grenade launcher.

.

       Hindi na ako nakisali sa kanila dahil sinamahan ko si Leanne.

"Hydrogen Bomb!" matapos iputok nito ang launcher ay sumunod ang isang malakas na pagsabog.

.

"Soul Reaver!" si Shion.

.
"Black Lightning!" si Accel.

.
"Nature's Wrath!" si Ayana.

.
"Rainbow Blast!" si Verillion.

.
"Regolus Impact!" si Slicer.

.
"Crust Explosion!" si Aryus.

.
"Broken Blade!" si Jin.

.
"Violent Storm!" si Erik.

.
"Squall!" si Erenir.

.

       Sabay sabay na silang umatake para tapusin na ang boss. Tumagal din ng isang minuto at natapos ang mga skills nila. Masyadong balot ng usok ang ibaba kung nasaan ang boss. Hindi tuloy namin ito makita...

.

We remained on standby para maghintay nang bigla ay may nagliwanag mula sa loob ng makapal na usok. Isang solar flare na sobrang lakas. Puntirya nito ang aming gunner...

.

"Seismic Barrier!" humarang si Slicer gamit ng barrier nito at mabilis ding rumesponde sila Jin at Aryus!....

Hinarang nila ang kanilang mga shields..

.

"Divine Vanguard!" si Jin.

.
"Shock Blocker!" si Aryus.

Tumama sa kanilang tatlo ang skill na dapat ay tatama kay ar0012. Masyadong malakas ang skill ng boss at nabasag na ang skill ni Slicer. Sumunod ang kay Aryus at mukhang bibigay narin si Jin.

"Chrono Sphere!" si Verillion ay pinalibutan sila ng barrier.

.

"Heaven's Armament!" si Leanne nakahit hindi pa tuluyang nakskabawi.

.

Naglabas naman ng summons si Ayana at tinulungang harangan ang solar beam ng boss. While Erenir, Erik, and Accel countered the skill gamit ng kanilang skills.

.

Hindi parin nila kaya kaya sumali na ako... I used my hex to be invulnerable for a minute. Ako na mismo ang sumalo ng beam using my wing as a shield.. Itinutulak ko babalik ang beam ng boss gamit ng buo kong lakas.

.

"Ar-ar.... Gumamit ka ng 1-hit skill mo. Sa akin mo ipatama para mabigyan ako ng pwersa para sa final strike!" sabi ko.

.

"Pero matatamaan ka rin!"

.

"Damn it! Kitang di ako tinatablan nyan!" naibulalas ko.

.

"O-ok!"

      Pumuwesto na ito gamit ng launcher niya. Nag-iipon ito ng lakas... Unti-unting namumuo ang isang dark blue light sa dulo ng launcher... "Eto na Zaphro!"

"Hephaestus' Mighty Cannon!" sigaw niya sabay pagsambulat ng malawakang beam formation na marahas na tumulak sa akin pasulong sa bunganga ng Skylar Firebird.

.

"Dark Prince Transformation!" nagshift na ako at nagbitaw ng final skill.

.

"Demonic Claw Strike!" saktong napasok ako sa loob ng bibig nito. Doon ko nakita ang isang red crystal sa dila nito. Ang weak spot niya... "Hyaaaaaaa!" doon ko tinoon ang skill ko....

.

"Zaphro!" narinig kong tawag nila sa pangalan ko.

.

       Mabilis ang mga pangyayari... Nabasag ko ang kristal at nag drop to zero ang HP nito...

Tumagos ako mula sa batok nito gamit ng aking sword skill...

Nag thumbs up ako tanda na ayos lang ang lahat. At nung makita nila ako ay agad silang naghiyawan dahil sa wakas ay natalo rin ang boss.

.

"Yeah!" at nag hi-five pa sila Slicer at ar0012 kasama nila Shion, Aryus at Jin. Nakangiti namang tumingin sa akin sila Ayana, Leanne, Verillion, Erik, Erenir at Accel.

.

[System Announcement: Skylar Firebird Level 150 has been slain by MaXiMus guild.]

Gold Reward: 500,000,000g

Item Reward: Fire Stone of Kryptos

Item Drops:

Fire Box (2pcs.)
Golden Accessory Box (4pcs.)
Chaos Skill Box (3pcs.)

................

******-*********---******
.

End of Chapter.....

Whew natapos din ang bird hunt!... How was the chapter so far?

.....Vote and comment are appreciated.....

Happy Reading!......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top